Please Stay With Me

By LimarahSelena

892 58 25

Larawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong... More

Message
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35

Chapter 32

13 1 1
By LimarahSelena

Dim's POV

"Yani where are you going?!"
malakas na tawag ni Jessie sa dalaga.

Pero tuloy tuloy parin ito sa pagtakbo mula sa aming lahat.
Akma na sanang susundan nang kaibigan kong si Jessie si Yani ng pigilan ito ni Gino.

"Hayaan mo na siyang makapag isip Jess.Mas okay kung si Dim na ang sumunod sa kanya." wika ni Gino dito bago bumaling sa akin.

"Pero baka may mangyaring masama kay Yani.She don't even know this place.Baka mapa--"

"Walang masamang mangyayari sa kanya okay?"putol ni Gino sa sasabihin pa sana ni Jessie.

"Oh ikaw pare ano pang tinatayo tayo mo diyan? Sundan mo na si Yani at ng magkaayos na kayong magkapatid.Sige na.Kami muna ang bahala dito."sabi naman sa akin ni Gino.

Kahit ako ay tulala parin sa mga nangyari kanina.Ni hindi ko nga magawang ihakbang ang mga paa ko para habulin si Yani.Hindi ko inaasahang kainin ako nang kaba at takot ko sa sarili ng muli ko siyang makaharap kanina.

"What did you say Gino.
Magkapatid?Sino? Si Dim at si Yani?Are you serious?!" sunod sunod na tanong ni Jessie sa kaibigan naming si Gino.

Napabuntong hininga nalang si Gino na tiningnan muli si Jessie. Ang dalaga naman ay halata sa mukha ang pagkagulat.

"Yes Jess im serious.
Magkapatid sa ama sina Dim at Yani."mahinang sabi ni Gino.

Kita ko pa ang paglaki ng mga mata ng kaibigan ng marinig nito ang sinabi ni Gino.Marahil maski ito ay hindi makapaniwala sa nalaman.

"Kailangan ko ng hanapin si Yani.
Baka nakalayo na yun mula rito."
paalam ko sa mga ito.

Halos sampung minuto na akong naghahanap pero hindi ko parin makita ang dalaga.Halos nalibot ko na ang buong paligid pero di ko parin ito nakita.Pabalik na sana ako sa cottage namin nang makasalubong ko ang isa lalake na empleyado ng resort.Nakilala ko ito base sa suot nitong damit.

"Excuse me.Itanong ko lang sana kung may napansin kang babae na nakasuot nang kulay pulang dress.Matangkad at maganda."
hindi ko mapigilang mapangiti sa binigay kong deskripsiyon sa dalaga.Eh sa totoo naman ang sinabi ko bakit ba.

"Baka po yung hinahanap niyo eh yung babaeng nakaupo doon sa maliit na kubo sa dulong parte ng farm.Nasa kaliwang bahagi po yun sir."magalang na sabi nito sa akin.

Buhat sa narinig ay mabilis akong nagpasalamat dito at umalis.Pinuntahan ko kaagad ang sinabi ng lalake.Ilang minuto
pa ang tinakbo ko ng makita ang maliit na kubo.Halos kumawala ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito ng makita ko si Yani na nakaupo sa upuan na yari sa kawayan.

Nang tuluyan na akong makalapit ay dun ko nakitang nakapikit pala ito habang nakasandal sa upuan.Nabibingi na ako sa lakas ng tahip nang dibdib ko.Ilang sandali pa ay nagpasya na akong lapitan ito para kausapin.

"Yani.."
mahinang tawag ko sa pangalan ng dalaga.Abot-abot parin ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

At halos nahigit ko ang aking hininga ng dahan dahan itong dumilat at nagkasalubong ang aming mga mata.Nakita ko pa ang iilang mga butil ng luha na mabilis nitong pinunasan gamit ang kamay nito.Kusang naglakad ang mga paa ko papalapit dito.
At namalayan ko nalang ang sarili kong lumuhod paharap kay Yani habang umiiyak..

"Yani.."muli mahinang tawag ko dito.Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang nerbiyos.Halos hindi ako makahinga.

"Im so sorry..sa lahat lahat ng nagawa ko saiyo noon.Sa pag iwan ko saiyo ng walang sapat na rason.Sa paglihim ko saiyo ng katotohanan.Sa mga masasakit na salita na nasabi ko saiyo. Maniwala ka Yani hindi ko gusto ang talikuran at saktan ka noon.
Patawad dahil naging duwag ako sa mga panahong yun.Im really sorry..Sana mahanap mo sa puso mo ang patawarin ako.."

Walang tigil ang pag agos ng mga luha ko habang nagmakaawang humingi nang tawad sa dalaga.
Yumuyugyog narin ang balikat ko na nakatukod ang dalawang braso sa hita ko.Wala akong pakialam kung nagmumukha na akong tanga sa pinaggagawa ko. Basta ang importante ay nasabi ko na sa kanya ang lahat.

Ilang minuto pa ang lumipas at wala parin akong naririnig mula sa kanya.Nakayuko parin kasi ako kaya hindi ko malaman kung anong reaksyon niya.Pero handa narin ako sa maari nitong gawin sa akin.Ang itulak o sampalin ako.O baka nga mas higit pa dun ang matanggap ko galing rito. Pero kahit ano paman handa kong tanggapin yun basta ba ay ikakagaan ng pakiramdam niya.

Pero ganun nalang ang pagkabigla ko ng maramdaman ko ang mga kamay nitong dahan dahang humahaplos sa pisngi ko.
Wala parin itong imik habang inaangat nito ang mukha ko hanggang sa magkasalubong ang paningin namin.Tsaka ko lang napagtanto na hilam narin pala sa luha ang mukha nito.

"Dim pinapatawad na kita.
Akala ko- -hindi ko pa kayang patawarin ka-i mean kayo ni Amy.Pero sa lahat ng narinig ko mula saiyo at sa mga naisip ko ay narealized kong wala ka naman talagang kasalanan sa kung ano man ang nangyari sa atin noon.
Naging biktima kalang din tulad ko sa tunay na ugnayan nating dalawa."umiiyak na wika sa akin ni Yani.Hindi ko inakalang ganito ang magiging reaksyon niya sa lahat pagkatapos ng mahigit limang taon.

Hindi ko na napigilan pang hawakan ang mga kamay nito na hawak parin ang magkabilang pisngi ko at marahang hinaplos ko iyon.Ang sarap sa pakiramdam.Pakiwari ko'y nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa mga narinig ko mula rito.

"Thankyou Yani thankyou so much.Pangako babawi ako saiyo.
Patutunayan kung deserving ako sa forgiveness na binigay mo sa akin."nakangiting wika ko dito.

"Thankyou din Dim.Salamat kasi hindi ka sumuko sa akin.Pero--"

"Bakit Yani?" kinakabahan kong tanong ng mahimigan kong nag iba ang tono ng boses nito.

"Ah kasi ano..pwede kanang tumayo.Hindi mo nga dapat ginawa iyan eh.Hindi naman ako Diyos.Huwag mo na ulitin iyan huh."mahinang sabi nito.

Dalidali naman akong tumayo at pinagpagan ang tuhod ko.Inayos ko ang sarili ko at umupo katabi nito.

"Pwede ba kitang mayakap?"
pagkuwan tanong ko dito.

Kita ko sa mukha nito ang pagkagulat kaya naman ngani ngani kong batukan ang sarili ko kung bakit ko pa nagawang sabihin ang bagay na iyun.Pero bago pa ako makahingi nang paumanhin dito sa mapangahas kung tanong ay mabilis na nito akong niyakap ng mahigpit.

Sa sobrang pagkagulat ko sa nangyari ay pakiramdam kong sumabog na ang puso ko sa lakas ng pagtibok nito.Samahan pa ng mainit na yakap sa akin ni Yani na pakiwari ko'y hinaplos na nito ang buong pagkatao ko.Oh God imiss her so much.Wala ng ibang salita ang magbibigay pa sa akin ng meaning dahil sa tindi ng saya ng aking nararamdaman. Kaytagal kong inasam ang pagkakataon na ito.Ang mayakap uli ang babaeng minsan ng naging pinangarap ko.
At kahit mahirap mang aminin ay ang babaeng magpahanggang ngayon ay siya paring sinisigaw ng sutil kong puso.

Hindi niya parin binibitawan ang pagkakayakap sa akin kaya naman hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko rito.Kung pwede lang sana ay ganito nalang kami habang buhay.Napangiti ako sa takbo ng isip ko pero kaagad din itong nawala ng marinig ko ang mahinang sinabi nito at kung tutuusin nga ay apat na letra lang  iyon.Pero sapat na para gumuho ang mundo ko.

"Kuya.."

Bumitaw na siya sa pagkayakap sa akin.At nakangiting tumitig sa akin.Kahit na ramdam ko ang matinding kirot sa dibdib ko ay hindi ko nalang ininda.Makita ko lang siyang nakangiti sa akin ay sapat na sapat na.

"Mukhang hindi bagay sa akin ang kuya.Sumasakit ang tuhod ko eh." nagawa ko pang magbiro sa kanya.Bigla naman ako nitong hinampas ng marahan sa balikat.

"Ikaw talaga.Ano naman ang gusto mong itawag ko sayo,aber"
nakangiting tanong nito.

"Dim nalang para di halata.
Kung ayos lang saiyo." pero ang totoo hindi lang talaga ako pabor sa pagtawag nito sa akin ng kuya.
Sumasakit ang tenga ko deritso sa puso ko.Nak's ang korny kona.

"Okay kung iyan ang gusto mo."
nakangiti paring sabi nito sa akin.Sarap talaga sa paningin na nakikita kong masaya ito kasama ako.Kaya nga hindi parin ako makapaniwala talaga.

"Hmm Yani sampalin mo nga ako.Kahit isa lang para malaman kong totoo nga ang lahat ng ito at hindi basta panaginip lamang."

Nangingiting napailing nalang ito sa sinabi ko.

"You are not dreaming. Everything is true.Patunay na ang babaeng nakangiti sa harap mo ngayon.Feel it Dim."

Tila isang musika sa pandinig ko ang pagbigkas nito sa pangalan ko.Para bang walang kapantay na saya ang hatid nito sa bawat himaymay ng buong sistema ko.
Sa mga oras na ito ay wala akong ibang gustong gawin kundi ang ikulong nalang ito sa mga bisig ko habambuhay.Yun bang hindi na ito kailanman mawala sa bawat pagdilat ng aking mata.

Jesus na maunawain.Patawarin Niyo po ako sa kapangahasan ng isipan ko.Ginawa ko naman ang lahat para pigilan ang kung ano man ang pagmamahal ko kay Yani na higit pa sa kapatid.At alam ko pong mali ito.Pero bakit sutil ang puso ko pagdating kay Yani? Makita ko lang na masaya siya ay buhay na buhay na ang pagkatao ko.

"Dim are you okay?
Tulala kana yata sa beauty ko.
Baka matunaw na ako niyan ah."
biro nito sa akin.

Napatawa ako ng mahina sa sinabi nito.Kung pwede lang sabihin dito na kanina pa itong tunaw sa isipan ko lalo na sa puso ko sa tindi ng pagliliyab ng nararamdaman ko para dito. Pero syempre secret lang iyon.
Kahit gaanu ko man kagustong ipagsigawan dito ang totoong nasa loob ko ay alam ko namang hanggang doon lang ako.

Kapatid ko ito.Masakit man isipin ay wala akong choice kundi ang tanggapin ang totoo.
Kahit na abot langit o kasing lawak ng dagat ang pagmamahal ko para dito ay lagi kong tinatak sa kukote ko ang mga limitasyon ko.Mahal na mahal ko si Yani kaya handa kong gagawin lahat ang tama.

"Masaya lang talaga ako na nagkaayos na tayong muli kaya maraming salamat talaga,Yani."
sabi ko dito.

"Masayang masaya rin ako Dim.
Salamat din saiyo." seryosong pahayag nito sa akin.

Tumayo na ako sa kinauupuan
at inilahad mula rito ang kamay ko para tumayo narin.

"Mahigit isang oras na tayong nawala sa mga kaibigan natin.
I guess kailangan na nating bumalik doon.At sabay na nating sabihin sa kanila ang gud news."
nakangiting sabi ko.

Imbis na tanggapin nito ang kamay ko ay umabrisyete ito sa braso ko ito at mabilis na kaming naglakad pabalik sa cottages namin.

"Hmm..
Si Amy at Gino pala ang nagkatuluyan?" mayamayay tanong nito sa akin.

"Yes,sila naman talaga ang totoong nagmahalan noon pa."
walang gatol na sagot ko.

Nakita ko naman na tumango lamang ito.

"Kumusta naman kayo ng boyfriend mo?bat nga pala hindi mo siya kasama ngayon dito.?"
kinakabahan kong tanong.

Nginitian muna ako nito bago sumagot.

"Were good.Napakamabuting tao ni Harold.Mahal na mahal namin ang isa't-isa.Nasa cebu kasi siya ngayon pero baka bukas maka habol siya rito.Hayaan mo Dim pakilala ko siya sayo.For sure magkakasundo kayo." masayang sabi pa nito sa akin.

Ramdam ko na naman ang mumunting kirot na dulot ng mga sinabi ni Yani sa akin.
Nakikita ko rin sa bawat kilos niya ang saya habang ikinukwento niya sa akin ang nobyo nitong businessman.

Sa wakas ay nakarating na uli kami sa mga cottages na aming nirerent.Naratnan pa naming abala na sa paghahanda nang hapag si Jess at Amy.Habang si Gino naman ay nakikipaglaro sa anak nitong si Terdy.Sabay pang nagulat ang dalawang babae ng makitang parehong nakangiti kami ni Yani.

Sinadya ko pang akbayan si Yani para mas lalong malinaw para sa kanila na maayos na ang lahat sa aming dalawa.Pati si Gino ay nakangiti naring lumapit sa amin.

"So bati na kayong dalawa?"
tanong ni Gino.

"Proud to say YES."
nakangising sagot ko.

"Oh GOD!!
Im so happy for both of you!!"
masayang sabi ni Jessie na agad lumapit sa amin ni Yani para yumakap.

"Thankyou Jess."
natawa pa kami pareho ni Yani ng halos sabay naming masabi iyon kay Jessie.

"Masaya rin kami at sa wakas
sa loob ng halos limang taon ay nagkaayos narin kayong magkapatid." nakangiting sabi ng kaibigan kong si Gino.

"Let's celebrate!!
Kahit shocks parin ako until now sa nalaman ko about sa estado niyong dalawa atleast happy narin ako dahil okay na uli kayo." excited na sigaw naman ni Jessie.

Nang sulyapan ko si Yani ay nakangiti naman ito.Pero pansin kong nag alangan parin ito sa kilos.Lalo pa't panay ang sulyap ni Amy rito.Hindi ko na muna ito pinansin.Alam kong any moment ay magkakaayos din ang dalawa.
Basta ba magkapag usap lang ang mga ito ng masinsinan.

Continue Reading

You'll Also Like

38 17 19
Blair er oppvokst med luksus. Hun får alt hun ønsker seg. Hun går på privatskole med alle de viktige folkene i sosieteten. Med et helt personale som...
24.2K 383 32
Hannah er 17 år, når sommerferien er slutt får hun en ny lærer som viser seg å være ganske kjekk. Klarer hun å holde følelsene tilbake?
142K 1.9K 49
Alicia Ayers flytter fra en liten bygd til Nord Carolina for å studere Litteratur på Wake Forest University. Alicia er en pliktoppfyllende jente som...
65.8K 1.2K 38
Dette er oppfølgeren til Dangerous love ♡ Hva skjer når den mystiske rundbrenneren som alle jenter har lyst på møter den uskyldige og pliktoppfyllend...