ALIYAH's POV:
Lumabas kami ni Aldrin.. Pero hindi ko alam kung san kami pupunta.. Tumingin ako sakanya pero parang hindi niya din alam kung san kami pupunta..
"Aldrin..San tayo pupunta??"-me
"Ah..Eh.."-aldrin
"Haha..Sabi ko na nga ba hindi mo alam eh.."-me
"Eh kasi bigla nalang pumasok sa isip ko na lumabas kasama ka pero ang totoo hindi ko alam kung san tayo pupunta.."-aldrin
"Haha..Sige maglakad lakad nalang tayo.."-me
"Ah anong oras na ba??"-aldrin
"11:30 na.."-me
Tumingin siya sakin na parang gulat na gulat.."Seryoso ka??"..
Tumango ako,"Mukha ba kong nagjojoke??"...
"Ah sorry Aliyah ah.. Siguro next time nalang tayo maglakad lakad..Ah uhm.. Pauwi na kasi si Kuya Dexter sa bahay at kapag nahuli niya kong wala sa bahay,lagot na ko..."-aldrin
"Takot ka talaga sa kuya mo ha..."-me
"Syempre naman..Kuya ko padin siya..Para ko na siyang tatay kasi siya ang nag-alaga sakin.."-aldrin
"Sige sige umuwi ka na.."-me
Pero hindi siya nagpapigil...Hinatid parin niya ko pabalik sa bahay at saka umalis narin agad.. Dahan dahan akong pumasok sa bahay... Sana mamana ko man lang ang pagkaninja moves ni Aldrin sa ngayon...
Nakapasok ako sa kwarto ng hindi nahuli.. Pero pagbukas ko ng pinto,nakita ko si Kai.. Halos malaglag na yung puso ko sa gulat.. Buti nalang natakpan ko yung bibig ko kaya hindi ganun kalakas yung sigaw ko..
"Kai??"-me
"Hi Aliyah.."-kai
Lumapit ako sakanya..."Anong ginagawa mo dito??"..
"Wag kang maingay tumakas ako sa clinic.."-kai
"Nababaliw ka na ba??Hindi kita kayang alagaan dito kapag may nangyari sayo.."-me
"Walang mangyayari sakin..Okay??"-kai
"Ewan ko sayo.."-me
Pahiga na sana ako pero nakita kong ang dami niyang galos sa katawan.. Hindi ko masyadong napansin kanina kasi sabi naman ng doktor okay lang naman daw si Kai.. Mukhang matamlay si Kai.. Buti nalang walang pasok bukas at makakapagpahinga siya.. Pero mala-ninja moves din pala tong lalaking to.. Akalain mo silang lahat na magkakapatid ang galing magninja moves..
Napansin ko namang tulog na siya agad.. Kumuha ako ng kumot sa cabinet at kinumutan ko siya.. Saka ako humiga sa isang gilid para matulog..Tumingin ako sa oras at 11:53 pm na.. Kaya pala sobrang inaantok na ko..
Pagkagising ko ng umaga,ang sarap sa pakiramdam... Walang pasok!!!! Ang pinakamasayang araw sa buong linggo.. Lumabas ako para tulungan na si Aling Thelma sa pag-aayos pero nakita ko naman si Kai na nagwawalis na sa labas ng karinderya..Nilabas ko siya..
"Bakit nagwawalis ka na??Diba dapat nagpapahinga ka??"-me
"Okay naman na ko.."-kai
Tumingin ako sa katawan niya.. Wala na siyang galos.. Namalikmata lang ba ko kagabi??? Siguro oo nga dahil sa sobrang inaantok na ko.. Bigla naman niyang nilagay yung dalawang kamay niya sa dibdib niya na parang babaeng binobosohan..
"Anong binabalak mo sa katawan ko??"-kai
"Ang kapal mo!!Parang tingin ko kasi kagabi may mga sugat ka.."-me
"Namalikmata ka lang.."-kai
"Siguro nga..Sobrang inaantok narin kasi ako kagabi eh.."-me
"Pero dapat ilibre mo ko ng chicken!!!"-kai
"Sige na sige na..Mamaya ililibre kita.."-me
"Totoo??"-kai
"Oo na.."-me
Ngumiti siya ng sobrang lapad.. Bumalik na ko sa loob para tulungan ulit si Aling Thelma nakakatuwa din kausap si Kai minsan,kasi para siyang bata lalo na kapag nakakakita ng fried chicken.. Kala mo lumilipad na sa alapaap..
LUHAN's POV:
Pagkaayos ko ng gamit ko,tinawag ako agad ni Kris sa baba para sumakay sa kotse.. Kahit na ayaw ko ng bumalik sa school na yun,mapipilitan ako para wala ng madamay pang iba.. Madami kasi akong masamang pangyayari sa lugar na yun at ayoko ng bumalik pa.. Lumabas na ko ng bahay at sumakay sa kotse.. Nakita ko naman silang lahat na nakatayo sa labas at hinintay akong makaalis..
Habang tinitignan ko yung dinadaanan ko,pakiramdam ko hindi ako makahinga.. Naaalala ko yung mga nangyari dito noon.. Lalo na yung mga kasama kong naglalakad dito noon..
*flashback*
"Ang bagal mong maglakad.."-kai
"Ganun talaga..Para ma-late tayo.."-me
"Haha!!Sa bagay,matutulog lang din naman ako sa first subject natin eh.. Mas mabuti pang tumayo sa arawan.."-kai
Tumawa lang kaming dalawa sabay inakbayan ako ni Kai.. Pagdating namin sa school,agad kaming sinalubong ng guidance counselor at pinatayo kami sa gitna ng ground at babad sa araw.. Pilit naming tinatago ni Kai yung tawa namin dahil baka biglang magtransform sa pagka-wolf agad tong dambuhalang to..Pagkaalis nung guidance counselor,lumapit agad samin si Jewel..
"Late nanaman kayong dalawa..",sabi niya sabay batok saming dalawa..
"Masyado ka kasing masipag..Sabi ko sayo sumama ka na saming magpa-late eh.."-kai
"Oo nga..Masaya kaya.."-luhan
"Ayoko ngang sumama sainyo na mabilad dito.."-jewel
"Sumama ka na dito..Para saan pa at naging magkaibigan tayong tatlo kung hindi ka sasama saming magbilad dito ngayon??"-kai
"Oo nga.. Sumama ka dito!!Hahaha!!"-jewel
*end of flashback*
Ayoko ng maalala ang mga bagay na yun.. Pero bumabalik.. Bumabalik talaga..
ALIYAH's POV:
"PO????????2,379 PESOS?????????"
Napatingin sakin lahat ng customer dahil sa pagsigaw ko.. Ano ba kasing klaseng tiyan meron tong lalaking to at lahat na ata ng klase ng putahe na merong manok inorder.. Namihasa.. Wala na nga kong pera ko.. Ito nalang..Pinag-ipunan ko pa to.. T__T Inabot ko yung bayad.. Parang gusto kong umiyak.. Waaaah!!!! Kung hindi lang ako niligtas ng lalaking to dun sa gumuhong pader, baka siya nalang yung ibayad ko dun sa babae tutal mukhang interesado naman ata sila kay Kai.. T^T
"Pasalamat ka talaga may utang na loob ako sayo.. Huhuhuhu.."-me
"Okay na.. Kahit papano nabusog naman na ko kahit sandali lang.."-kai
"Grabe..Anong klaseng tiyan meron ka??Eh yung kinain mo kanina,sobra-sobra na ata sa pagkain ko ng isang buong buwan.."-me
"Hehe.."-kai
Nagpunta pa kami ng bayan para makakain daw siya ng masarap na manok..Wala na kong pera para pamasahe.. Bahala siya,maglalakad nalang kami pauwi para matagtag naman yung tiyan niya at bumaba yung sandamakmak na kinain niya..
"Ako na nga mamamasahe satin.. Para makauwi narin tayo agad..Sobra sobra naman na yung ginastos mo ngayon para sakin..."-kai
"Dapat lang.."-me
Binuksan niya yung wallet niya para kumuha ng pamasahe at pumara na ng sasakyan... Hindi niya napansin na may bumagsak na papel galing sa wallet niya.. Pinulot ko yun at napagtanto ko na hindi pala yun papel,kundi picture na wallet size..Tinignan kong mabuti yung babae.. Brown yung buhok niya at medyo gray yung mata.. Mukhang mas bata siya kila Kai pero halatang matagal na yung picture kaya malamang iba narin ang itsura niya ngayon,sadyang mukhang bata lang talaga siya siguro sa picture na to..
Biglang hinablot ni Kai yung picture at binulsa agad.. Napansin kong namutla siya..
"Nandun na yung taxi..Tara na.."-kai
Sumakay na kami sa taxi..Pero napansin ko naman na namumutla parin siya tsaka ang tahimik niya..Tumingin nalang ako sa may labas ng bintana para hindi mainip.. Kanina kasi hindi ako nainip dahil sobrang daldal niya..Halos pababain na nga kami ng taxi driver kanina eh..Hanggang sa pagdating namin bahay hindi parin siya nagsasalita.. Parang sobrang lalim ng iniisip niya.. Gusto ko sana siyang tanungin kayalang nahihiya ako.. Baka naman kasi masama na yung tiyan niya sa sobrang dami ng kinain niyang manok kanina...
Hindi muna ako pumasok ng kwarto dahil tinulungan ko muna si aling thelma.. Sabi ko nalang kay aling thelma na masama ata yung tiyan niya dahil sa sobrang daming kinain..