"Huh? What is that? Ano yong ingay na yon?" tanong ko sa sarili ko. Andito kasi ako ngayon sa may kwarto ko at nagrereview para sa quiz bukas ng may marinig akong ingay. Lumabas ako ng kwarto para hanapin kung saan nagmula iyon.
Nakarating ako sa may kwarto ni Daddy. Doon kasi ako napatigil nang sundan ko yong ingay. Dahil curious ako kung ano iyon. Idinikit ko ang kaliwang tenga ko sa may pintuan ng kwarto niya. Pinakinggan kong maigi kung ano iyong ingay na iyon.
May naririnig akong ungol. Ungol ng babae. Wait? Babae? As far as I know, e ako na lang ang babae dito sa bahay. So who the hell is that? Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto niya.
"Waaahhh!!!" napasigaw ako at napatakip ang bibig dahil sa nakikita ko sa harap ko ngayon.
Si Daddy kasi, ay kasalukuyang nakapatong dun sa babae. At gumagawa ng karumaldumal. Langya! Sinong hindi mapapasigaw diba?
Nang makabawi na ako sa pagkabigla ko ay dali dali kong hinila yung babae palabas ng kwarto niya. Wala akong pake alam kung wala siyang suot, pero dahil mabait ako ay hinagisan ko siya ng kumot para matakpan ang kahubadan niya.
Nang makaalis na yung babae ay pumasok din ulit ako sa kwarto ni Daddy. Kaya kami nalang dalawa ngayon ang nasa loob. May suot na rin siyang pants di kagaya kanina na wala talaga siyang suot. Buti nalang ay hindi ko nakita ang harap niya dahil nakatalikod siya sakin ng binuksan ko ang pinto kanina. Dahil kung hindi, jusko po, awkward.
Nakaupo siya ngayon sa may kama niya habang nakatingin sakin na para bang walang nangyari kani kanina lang.
"Langya Dad! Ano yon!?" sigaw ko sa kanya.