That Twisted Pagibig

By Jejezra

2.1K 3 3

In A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59

Chapter 23

61 0 0
By Jejezra

Mitch:

Last day ng IPriSA ngayon and awarding ceremonies na lang ang pupuntahan namin. I dunno, bat parang tinatamad akong pumunta? Hindi ko kasi alam yung feeling ee. Para kong may kaaway na dapat iwasan. Though given na si Jenna. Hays, paano ko na haharapin kung sakali si Jayson o kaya si Thunder? Ugh. Bahala na. Act normal Mitch. You can do it.

Papunta na ko ng school ng makita ko si Thunder. Mukha ngang okay na sya ee, makakapag laro na ata ulet. Wearing his blue jersey and his name and number sa likod. Alam kong sya na yun, kahit na nakatalikod pa sya. Good. Kailangan ko munang magtago sa kanya.

Hanggang nakarating na ulet kami sa Adrenaline. Nakita ko na lang sya nung tinawag na yung pangalan nya. I was shocked nung innannounce na nag second lang ang school namin sa basketball at nag champion sila Jayson. MVP lang si Thunder at Player of the season naman si Jayson. Aminado ko, nasaktan ako para kay Thunder. Alam kong sobrang importante sa kanya nung championship game na to. Nakita ko na paalis sya nung auditorium pagkababa nya ng stage. Gusto ko syang lapitan kaso pinigilan ako ni Sean.

"Girl. Nah. Wag mo muna syang lapitan. Let him cool off. He needs space" sabi ni gaga.

"Okay" sagot ko na lang. Pero deep inside gusto ko syang lapitan. Oo Mitch. Wow ee no? Sobrang balimbing mo. Parang kagabe walang nangyare? Masyado kong urong sulong shet.

"Math quiz bee, 2nd place" announce nung emcee. Okay. 3rd yung taga Adrenaline. Kinabahan ako, usually kasi nanalo ng 2nd or 1st yun.

"Jayson Villanueva of Dalton" banggit ng pangalan ni Jayson. Wow. Congrats to him. Sulit ang nosebleed nya. Charot. Medyo nagkasalubong yung tinginan namin kahit na nasa dulo ko. Nakatingin kasi sya sakin ee. Ano ba ibig sabihin nun? 'Ako nga pala yung sinayang mo' ganun? Hindi ee. Basta. Iba yung tingin nya sakin.

"And the first place, no other than." Pa suspense na announce nung emcee.

"Michelle Lim of Mckinley High!" Tilian yung mga schoolmates ko. Si Sean inaalog alog pa ko. Hindi ko talaga inexpect yun. Akala ko kasi hindi ako makakapag belt ng place this year. Eh kasi naman, halos lutang nga ako nung nagqu-quiz ee. Nasa stage kaming tatlong nanalo. Kaya sobrang awkward ko pa kasi magkatabi kami ni Jayson. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano sya iaapproach dahil sa nangyare kahapon.

"Congrats" bati nya.

"Congrats din" yun na lang ang nasagot ko. Awkward kasi talaga bes.

"Wait. Theres more. The winners will also have the oppurtunity to compete at the Metrobank Regional Math quiz next month" announce nung emcee. Wait what? Another competition na kasama si Jayson? Seriously? Oh my god.

So far, okay natapos naman yung awarding and halos naghakot ako ng awards. Nag third place ako sa Essay Writing at nag first din sa Declamation speech na sinalihan ko. Tuwang tuwa nga sakin yung mga Teachers ko dahil nag overall champion kami this year. Thanks sa effort ng bawat isa. One for Mckinley High! Vamos Mckinley Titans

After nung awarding ceremonies. Nagkaron ng parang feast ganun sa school. Konting celebration lang pero may mass muna para thanksgiving sa court. Hinahanap ko nga si Thunder kaso hindi ko sya makita. Gusto ko pa naman syang kamustahin.

Nasa may office of the President ako ng school. May kainan kasi dun and invited ako since ako yung one of the individual highest pointer para mag champion ang school. Sobrang party ng atmosphere. May kainan at tawanan ng mga teachers pero ako, nasa isang sulok lang. Hindi naman sa OP ako or what. Kinakausap naman ako ng mga prof pero iba talaga yung gusto kong makausap ee.

Nagpaalam ako na uuwe na. Hindi ko talaga alam ee, wala talaga ko sa mood para mag celebrate. Dinahilan ko na lang na gusto ko ng umuwe dahil gusto kong sabihin kay Mama na nanalo ko. Alam kong parang ang lame ng reason pero yun talaga nasabi ko.

Pababa na ko ng hagdan papunta na sa baba ng may narinig akong bounce ng bola. Weird. Medyo wala na din kasing tao sa school kaya medyo kinakabahan ako. Eto kaya yung mga kumakalat na storya ng kababalaghan sa school? I mean, seriously. May kwento kasi na may multo daw kasi sa building na to. Minsan daw may naririnig daw yung mga guards na may tumatakbong mga bata o di kaya may naglalakad daw na may bakal sa paa. Eh langya. Bakit yung naririnig ko nagbabasketball? May namatay na bang basketball player sa school? Shet. Ang corny ko.

Nagmamadali akong bumaba. Patakbo na nga ang ginawa ko pero nung pababa na ko sa huling hagdan. Nagulat ako kasi nakita ko si Thunder na nakaupo at nagdri-drible ng bola. Shet. Sya lang pala. Eh bat naman hindi pa umuuwe to?

"Thunder" tawag ko. Alam ko medyo awkward to kasi nagaway kami kagabe.

Nagpahid muna ata sya ng luha bago sya humarap sakin. Weird, umiiyak ba to? Weh? Thunder Torres umiiyak? Trending na to.

"Mitch." Sabi nya saka sya lumapit sakin.

"Im sorry" yun na lang ang nasabi ko. Shet. Rumurupok na ko.

"Sorry din" sabi nya. Hala sya, umiiyak nga sya.

"Sorry talaga" sabi ko at niyakap ko sya. Mahigpit. Parang ayaw ko syang bitiwan

"Alam ko sobrang sakit sayo na hindi mag champion. Sige lang. Iiyak mo lang" sabi ko. Yun lang kasi ang alam kong way para i comfort sya. Eh kaso hindi pala yun yung reason kung bakit sya umiiyak.

"Hindi naman yun yung dahilan ee" sabi nya.

"Ano?" Tanong ko.

[ Listen to "Sayo" by Silent Sanctuary while reading this part ]

Kailangan ba kitang iwasan,
tuwing lalapit may paalam.
Ibang anyo sa karamihan,
iba din pag tayo.
Iba din pag tayo lang.

Tinanggal nya kamay ko sa pagkakayakap sa kanya saka sya derechong tumingin sa mata ko at hawak yung pisngi ko.

"Kasi mahal kita Mitch." Sabi nya na kinagulat ko. Na freeze ata buong katawan ko.

"I love you. Sagad. Sagad sa bone marrow." Sabi nya pa. Wait. Bat ako naiiyak na din?

"Se-seryoso ka ba?" Tanong ko. Hindi kasi ko makapaniwala sa mga nangyayare.

"Oo. Mahal kita Mitch. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung saan to nagsimula pero shet. Mahal na nga ata talaga kita Mitch. Mamatay man ako sa harap mo ngayon" sabi nya. Grabe yung mamatay.

"Sayo lang ako nabaliw ng ganito. Sayo lang. Ikaw lang babaeng nagpalabas sakin sa safe haven ko. Ikaw lang babaeng nagtyaga sa kamoodyhan ko. Ikaw lang babaeng sumasagi sa isip ko gabe-gabe. Ikaw. Ikaw lang talaga. Ikaw ang unang babaeng nakapag pa annoyed sakin ng ganito. Kahit tuksuhin mo ko ng bakla, okay lang. Handa akong magpaka bakla para sayo. Kung yun nagpapasaya sayo. Kasi ikaw lang ang babaeng nagpapaiyak sakin ng ganito"  sabi nya na kinaiyak ko na din ng bongga. Hindi ko talaga expect to. Nanaginip ba ko?

"Ka-kahit naman ako ee, mahal na din naman kita ee" sagot ko.

"Ha-Ha? Mahal mo din ako?" Tanong nya ulet. Unli?

"Oo nga. Nasabi ko na diba? Babawiin ko pa ba?" Medyo pa sarcastic na sabi ko.

"Ewan ko din ee. Hindi ko nga din alam kung paano ko nafall sayong bwisit ka. Ano ba meron sayo? Bat ako nababaliw ng ganito kakaisip sayo? Mukha akong tanga gabe gabe kasi mukha mo tinitignan ko sa gallery ko. Mukha akong tanga na sabi ng sabi ng lalayo na ko sayo pero eto pa din hinahanap hanap ka. Shet. Ikaw lang talaga. How to be you ba?" Sagot ko.

Medyo natawa sya sa sagot ko. Hutaena. Joker na pala ko ngayon mga bes. Tinawanan ako?

"Sabi na ee. Mahal mo din ako. Kunwari ka pa. Pinahirapan mo pa ko" sabi nya. Ay wow naman.

"Deserve mo naman pahirapan ee." Sagot ko. Eto na. Trashtalkan na dis

"Yan. Sobrang namiss ko yung mga trashtalks mo. Kaya mahal na mahal kita ee. Sobrang angas mo" sabi nya.

"Kung trashtalks lang pala nagustuhan mo sakin, di sana pumunta ka na lang sa mga nagdodota dyan sa computer shop dyan sa kanto" pasarcastic na sabi ko. Nagtinginan kami. Tinginang nakakaloko. Pero bes, hindi ko na resist yung mga ganung titig nya ee. Masyado kasing pamatay.

"Can you be my girlfriend?" Tanong nya.

"I dont wanna lose you too. Natalo na ko sa basketball. Ayoko pati sayo matalo ko" sabi nya. Jusko naman si luko. Napangiti naman ako sa banat nya. May substance naman ee. Wait

"Ikaw? Pwede bang idadag sa mga napalanunan ko?" Sagot ko. Syempre bawe bawe na to.

"Oo naman. So, ano ibig sabihin nito?"  Tanong nya. Shunga ampota. Tinanong pa.

Tumingin saking mata,
magtapat ng nadarama.
Hindi gustong ika'y mawala,
dahil handa ako na ibigin ka.
Kung maging tayo,
sayo lang ang puso ko.

"Yes. Thunder. I say Yes" sagot ko. Naramdaman ko na lang na niyakap nya ko saka binuhat. Ay meganern

"I love you" sabi ko tas hinalikan nya ko sa labi ko. First kiss ko yun mga bes.

Nakahawak ako sa leeg nya at magkadikit yung mga noo namin habang ginagantihan ko yung halik nya na yun. Im not a good kisser. But he is.

So yea, wala na kong pakialam kung nasa school kami or may nakakakita man samin. Ang alam ko lang. Alam ko at ramdam ko na safe ako kapag kasama ko si Thunder. Si Thunder lang nakikita ko, wala na kong pakialam sa sasabihin ng iba.

Continue Reading

You'll Also Like

45.2K 926 54
This story is about two individuals that was born and raised with a golden spoon in their mouths but grew different. One is an independent and respon...
887K 31.5K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
7.3K 629 17
A powerful, no-nonsense boss, known for her demanding attitude and fierce personality, has driven away countless secretaries over the years. But that...
237K 7.1K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...