Blinded

By TipsyArchitect

33K 790 11

A DerpHerp Fanfiction © 2016 More

Blinded
Author's Note
Prologue
1
2
3
4
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
Epilogue
Author's Note

5

956 33 1
By TipsyArchitect

Chapter 5

"And then the big monster came out of the closet and scared the kid!" I heard Gabe's familiar voice in the kitchen. Andito ako sa kanila as promised. Siyempre babawi ako sa inaanak ko.

"Tapos?" rinig kong sabi ni Tita Connie. "What happened?"

"The kid got scared. Tapos grandma, the kid became a robot!"

"That's one cool dream." sabi ko. Napalingon sila sa akin and Gabe instantly smiled.

"Ninong!" he said sabay talon mula sa bar stool at takbo sa akin. I gave him a hug saka pa ginulo ang buhok niya.

"Good morning, little guy." sabi ko. "Hi tita. Good morning."

"Good morning, iho. Halika. Join us for breakfast. Anong gusto mo? Coffee? Juice?"

"Juice na lang po." sagot ko saka na kami naglakad papunta sa bar counter ni Gabe. Pinaupo ko na siya sa stool at tumabi naman ako sa kanya. Tita Connie gave me my plate and utensils saka na ako hinayaang kumuha ng pagkain.

"Ang aga mo ata?" aniya.

"Eh naisip ko kasi tita, Sunday ngayon. May school si Gabe bukas so di siya pwedeng late matulog. Kaya inagahan ko para masulit naman namin yung araw na to." sabi ko.

"Sabagay. Oo nga pala. Gabe, we'll attend mass later." paalala ni Tita Connie sa kanya. "Elmo sama ka na."

"Sige po." sagot ko saka na kumain.

"Ninong, can we play after the mass?"

"Oo naman. Tita, dun pa din ba kayo nagsisimba sa St. Paul?"

"Oo, nak. Dun pa din."

"Ah. Sige po." sabi ko. Lumingon ako kay Gabe and I caught him staring back at me. "Yes?"

"Ninong, I don't like garlic with my rice." kunot noong sabi niya habang nakatingin sa fried rice na nakahain.

"You know what? I hate garlic with my rice too." sabi ko. Natawa si Tita Connie sabay kuha sa bowl ng fried rice.

"Nakalimutan nanaman ni Manang Rita na ayaw ni Gabe sa bawang. Hahaha!" aniya sabay tawa.

"Nako. MR! Di ganun ha?" sabi ko kay Manang Rita na sumilip mula sa may lanai.

"Ay nako oo nga pala. Ayaw niyo nga pala ng bawang sa kanin. Di bale. Magluluto na lang ako ng iba." aniya at akmang magluluto na nang pigilan siya ni Tita Connie.

"Manang okay lang. Silang dalawa lang naman ang ayaw sa garlic rice eh. May pancakes pa naman." ani Tita Connie sabay tingin sa amin.

"Oo nga naman MR. Okay lang kahit di na kami mag rice ni Gabe. Pampagwapo ang pancakes. Diba?" sabi ko naman saka lumingon kay Gabe. He looked confused but nodded afterwards.

"Hay nako buti na lang talaga andito ka na uli Elmo. May makakapagpakain na kay Gabe ng almusal." ani Tita Connie.

"Bakit tita? Di ba nagbbreakfast si Gabe?"

"Nasanay na di magbreakfast kasi palagi namang wala ang mommy niya kapag nasa condo sila."

"You mean naiiwan mag-isa si Gabe dun?" tanong ko.

"Hindi. Minsan ako yung nagbabantay sa kanya pag walang trabaho. Minsan naman kung sinong available kanila Maqui at Maine."

"Eh ano bang pinagkakaabalahan ni Julie ngayon tita?"

"Eh alam mo na yun."

"Si Bogart?" tanong ko. Nagtaas ng isang kilay si Tita Connie at natawa naman si Gabe sa tabi ko.

"Who's Bogart, ninong? Hahaha." he chuckled.

"Your mom's... Ay. Benjamin pala pangalan nun." kunot-noong sabi ko. Natawa na rin si Tita Connie at napakamot na lang ako sa ulo. "Sorry tita. Nahawa ata ako kagabi kay Pol. Bruno kasi nang Bruno eh. Ayan pati ako napapatawag ng iba dun sa lalaking yun."

"Hahaha. It's okay, iho. Naiintindihan naman kita." nakangiting sambit niya.

"So palagi silang magkasama kaya po di na naaasikaso ni Julie si Gabe? Ganun ba yun?"

"Hm. Parang ganun. Or pwede rin na kasalanan ko kasi I spoiled Julie too much na kahit may anak na siya akala niya dalaga pa rin siya."

"Well, technically dalaga pa rin nga siya. Kasi wala naman siyang asawa." pabulong na sabi ko para di marinig ni Gabe. Tumango si tita saka suminghap.

"Hay. Ewan ko ba sa kaibigan mo Elmo. Nagsawa na rin ako pagsabihan siya. Hindi naman nakikinig eh. Pasok sa isa labas sa kabila naman ginagawa niya sa tuwing pinapangaralan ko."

"Hay nako. Kailan ba may pinakinggan saten yan tita? Hahahaha. Si Maq at Maine nga nasstress na din sa kanya eh. Kami naman ayaw naming makielam dahil alam na namin ugali niya."

Tumango si tita saka napatingin kay Gabe na tahimik na kumakain.

After breakfast ay hinintay ko na silang dalawa na matapos magprepare para sa pagsisimba naming tatlo. It's always like this when I'm at their place. Kahit nung ka-age ko pa si Gabe. Pag iniiwan ako ni mommy dito dahil sa mga out of the country trips nila ni daddy ay palaging sinasama nila ko para magsimba.

"Ninong..." napapitlag ako when I heard Gabe's voice. Hinanap ko siya and found him sitting on the stairs at malungkot na nakatingin sa shoes niya. Tumayo ako from the couch and sat beside him.

"Why?"

"I don't know how to tie my shoelace." aniya.

"Ah. You want me to tie it for you?" he shook his head tsaka kinuha ang kamay ko and placed it over my own shoes.

"Show me." aniya. "Please ninong? I want to show mommy that I can do it on my own na po."

"Okay." sagot ko at inalis ang pagkakatali ng sapatos ko. "Game?"

"Yes!" aniya sabay ngiti.

"First, you do this to the other of your shoelace..." sabi ko, showing him the loop I made. "Ayan. Then you do it on the other end tapos crossover then put the other loop through the other then pull. Ayan!"

"Like this?" pagtataka niya. I watched him do it at natuwa naman nang magawa niya yun sa unang beses. He looked surprise at what he did at napangisi pang napalingon sa akin. "I did it!"

"Yes you did, buddy. Good job!" I said. "Oh. Try it on the other shoe naman." sabi ko pa. Tumango siya and he did just what I told him. Nang magawa niya uli yun ay nagtatalon siya sa tuwa.

"Yeeeey!!! I tied my shoelaces!" bulalas niya. "Grandma look! Grandma!" sigaw niya pa habang tumatakbo paakyat sa kwarto ni Tita Connie. Natawa na lang ako and went back to sit on the couch.

Nang matapos na sila mag-ayos ay ako na ang nag-offer na magdrive papunta sa simbahan.

"Gabe, remember to behave inside the church ha?"

"Yes grandma." ani Gabe. "Can we buy popcorn after?"

"May popcorn pa din sa St. Paul tita?" tanong ko.

"Oo meron pa rin." tango ni tita. "Sige apo. Basta you behave then I'll buy you popcorn."

"I want the pink popcorn." aniya. Napangiti ako saka napatango.

"Alam mo, Gabe? Ninong likes the pink popcorn too." sabi ko making him smile. "When I was just like your age, I used to stay at grandma's din kasi my mommy's working almost everyday. And since my mom and grandma are bestfriends, she let's me stay over and your mommy and I would play games. Then kapag magsisimba kami, we would always buy popcorn. Your mom likes cheese pero the pink popcorn tastes better."

"Cheese sucks." ani Gabe and he even made a disgusted face. Natawa na lang kami ni tita sa kanya. "Grandma, will mommy be at the church with us?" tanong niya.

"I'm not sure, apo. Mommy hasn't called me yet."

"Ninong, did mommy call you?"

"Nope." iling ko. Suminghap siya saka sumandal sa backseat.

"Mommy doesn't like it when I call her." sabi niya sa sarili niya. Nagkatinginan kami ni tita at napailing na lang siya sa sinabi ng apo niya. Napasinghap na lang ako saka na lang nagtuon ng pansin sa pagmamaneho.

We arrived at the church just in time for the next mass. Naglalabasan pa lang kasi ang mga tao sa naunang misa at hinayaan muna namin nila tita na kumonti ang tao bago pumasok sa loob. We sat at the third row and waited for the next mass.

"Ninong, why are we not allowed to talk inside the church?" pabulong na tanong ni Gabe.

"Because this is Jesus' home and it's the only place where we can really talk to him in silence. Kaya mas okay na di tayo maingay when inside the church."

"But ninong what if I want to go to the toilet or if I have to sneeze?" natawa ako sa mga tanong niya. They were so innocent and he looks so bothered with them.

"You can tell me if you need to go tot he toilet. And you can't stop yourself from sneezing naman diba?" umiling siya saka ngumiti sa akin.

The mass started a few minutes later and I was amazed that Gabe was nit like other kids. Sa paligid kasi namin you can hear the children shouting or playing kahit on-going ang mass. Pero si Gabe sobrang behaved niya talaga. During the communion, hinayaan ko lang si tita na mag-isa magreceive nun kasi di pa naman ako nakakapag confess. I just stayed with Gabe and watch him pray. Pagkatapos ng mass ay niyaya niya agad kami ni tita na bumili ng popcorn na kanina niya pa sinasabi.

"Very good ka kanina apo ah." ani Tita Connie. "You were very quiet during the whole mass."

"Kasi grandma ninong told me that it's time to pray po eh." aniya.

"Eh what did you tell Jesus ba?" tanong ko. Natahimik siya saglit at napaisip pa ata kung sasabihin sa akin o hindi. "Is it a secret?"

"No."

"Did you ask for a toy?" tanong ko which is the usual prayer of kids. Umiling uli siya. Nagtinginan kami ni tita at saka sabay na lumingon sa kanya.

"What did you pray, apo?"

"I asked Jesus if He can let me spend time with mommy."

Continue Reading

You'll Also Like

91.7K 2.6K 61
BINI ships Oneshots Compilation.
305K 7.7K 28
A mistake---ganon ang tingin ni Sari sa Half-Russian, Half-Filipino na piloto na si Mikhail Leskov. Pinagsisihan niya ang gabing bumigay at nagpa-ang...
25.8K 816 46
Story that will prove everyone that LOVE is UNCONDITIONAL. Story that will prove that with LOVE everything is POSSIBLE. Story that will prove everyon...
79.3K 1.9K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine