Chapter 12
NAKATULALA si Via sa kisame ng silid ni Darlo. Isang oras na rin ang nakalilipas mula nang umalis ito sa tabi niya. After their bed scene ay inangkin pa siya nito ilang beses.
He even called her a whore and a bitch. Wala siyang sinabi. Nanahimik siya. Wala na siyang mukhang maihaharap pa kay Enrico matapos ng nangyaring ito. Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi niya. Pero, kailan ba siya naging malinis?
Tahimik na umiyak si Via. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin kapag nagkita silang muli ni Darlo. He can't even look at her while they made love. Or should have say, sex?
Puno ng galit ang mga mata ni Darlo. Ang pag-ulos nito ay mapagparusa. Tila walang puso siyang inangkin ng lalaki. He made her realize that she is really nothing to him but a bedmate.
Maya-maya pa'y tumayo siya at tinungo ang banyo. Mabilis niyang nilinis ang katawan at saka nagbihis. Hindi dapat mahalata ni Enrico at Jimmy ang lahat ng ginawa niya ngayong araw na ito. Para sa kanila, at kay Darren, gagawin niya kahit masakit ang nangyari kanina.
Lumabas siya ng silid at laking gulat niya nang makita si Ramon na nasa tapat ng silid ng kuya nito. He wears a gloves and a hoodie. Nakatingin ito sa kaniya
He looks worried and horrified.
"Ate Via..." Bigla itong nagsalita.
She faked a smile. "Hi, Ram. Nice to see you again." Nilampasan na niya ito.
Pero pinigilan siya nito. Hinawakan nito ang braso n'ya. Nanlaki pa ang mga mata nito nang makita ang pasa roon.
"Did he...?" He looks worried. "Ate, tell me, did he hurt you?"
Iniiwas niya ang tingin. "N-nakita mo ba si Darren?"
"Answer me, ate!" Galit na ang tono ni Ramon. Napatingin siya dito. "Did he hurt you? Sabihin mo sa akin. Kakampi mo ako, ate."
Umiling siya. "H-hindi n'ya ko sinaktan---"
"Ate Via!" May malakas na napasinghap sa kaniyang likuran at nakita niya si Sandro at Alex. "Oh God! Ang dami mong kalmot!"
Nagulat siya nang kargahin siya ni Alex. "A-Alexander!"
"Kailangan mong magamot, ate. Tiwala ka lang sa'min." Tumingin ito kay Sandro. "Bebe bro, kunin mo na ang medicine kit."
Sandro glance at Alex. "Stop calling me that, Alex."
"Labyu, too, bebe!" Iyon lamang at naglakad na ito pababa sa hagdan karga-karga siya.
---
"SABI na nga ba't gagawin 'to ni kuya e." May inis sa tinig ni Sandro habang nilalagyan ng band aid ang pulsuhan niya na nagsugat na. "Lagi n'yang ginagawa ito kapag galit s'ya."
Alex sip his coffee. "Huwag ka nang lalapit kay kuya."
Umiling siya. Marahan niyang inalis ang kamay sa pagkakahawak ni Sandro. "May usapan kami ng kuya n'yo. Marunong akong tumupad sa usapan."
The three men looked at her. Bakas sa mukha ng mga ito ang pag-a-alala. Pero halata ring walang magawa ang tatlo. Kilala ng mga ito ang kuya nila. Ni minsan ay hindi pinanghihimasukan ng magkakapatid ang isa't isa.
Sabay-sabay na napa-buntong hininga ang tatlo.
Lumapit si Ramon sa kaniya. "Tell me, ate, mahal mo pa ba ang kuya namin?"
Hindi niya inaasahan ang itatanong ni Ramon kay napatingin siya sa lalaki. Kitang-kita sa mga mata nito ang pag aalala.
Darlo's brothers are very kind. Hindi na nakapagtataka iyon. Ilang taon rin siyang namalagi sa bahay na ito. But, does she still love him?
Or....she's just guilty of leaving him five years ago?
---
"ALAK pa more, Darlo." Ani Yohan na sinasabayan siyang uminom. Naroon nanaman siya sa restobar ni Damien. Nakaka-limang bote na siya pero wala pa ring epekto.
He is hurt. Really, really hard. Maybe he's a coward, still he is a human. Nasaktan siya, nagalit, naghinanakit, dahil tao siya. May damdamin, may pakiramdam.
"Alam mo, p're, hindi alak ang kasagutan sa kalungkutan." Tinungga ni Yohan ang alak na nasa shot glass nito. "Bakit hindi ka na lang kumanta? Kantahan tayo, p're. Maganda boses ko, pramis!"
Naiiling na ininom niya ang alak sa wine glass. "Lasing ka na ata, Yohan. Umuwi ka na."
"Tsk. Hindi ako lasing, p're. Gwapo ako, pero hindi ako lasing."
"Timawa, hindi ka gwapo, gago ka." Umupo sa tabi ni Darlo si Zekke.
"Nandito ka nanaman? Bakit ka ba nandito ha, Villarde? Nababakla ka ba sa akin at nagiging stalker na kita?" Inis na wika ni Yohan saka inabot kay Zekke ang bote ng alak na iniinom nito.
"Palakihan pa tayo e, makita mo." Nagsalin si Zekke sa shot glass ng alak.
"'Di hamak naman na mas malaki ang akin kesa sa'yo. Supot ka e." Nginisian pa ito ni Yohan.
"Bakit? Nakita mo ba at naikumpara mo?" Natatawang wika ni Zekke. "Shit! Sinisilipan mo ba ako, Mauricio? P'tangna!" Sabay tawa ng malakas.
"T'ngnamo!" Binato ni Yohan si Zekke ng kalamansi na hiniwa na. "Makikita mo'ng Villarde ka, luluhod ka din sa abs ko!"
"Tabs, bebe. Tabs." Pagtatama ni Alexander. Nagulat pa sila nang bigla itong sumulpot sa kung saan. Lalo na si Darlo na parang alam na kung ano ang ipinunta ng kapatid sa bar ni Damien.
"Ay! Bebe! Nandito ka na pala!" Bumunghalit ng tawa si Yohan saka nakipag-fist bump kay Alex. "Shot ka, bebe."
Umupo naman si Alex sa tabi ng best friend. "Sure, bebe."
"Gross." Singit naman ni Zekke. "'Alex, huwag mo ngang pinapatulan 'yang si Mauricio. Bakla yan e."
Alex just shrug. Naramdaman agad ni Darlo ang masamang tingin ng kapatid sa kaniya. He knew exactly kung bakit ito naroon. Nakita na siguro ng mga ito si Via.
Via.... Parang pinipiga ang puso niya kapag naaalala ang ginawa niya sa babae. He can saw through her eyes the pain. Napansin rin niya ang malaking peklat nito sa leeg. Mula iyon sa ilalim ng baba nito pababa sa may lalamunan. Nakita rin niya ang maraming latay ng latigo sa likuran nito.
At ang mas kinilabutan siya ay ang mga maliliit na sugat malapit sa pagkababae nito. Nasaktan siya at nagalit. Nagalit dahil hindi niya alam kung ano ang mga nangyari kay Via. At lahat ng galit niya ay naibunton niya kay Via. Namalayan na lamang niyang nasaktan din niya si Via nang marinig niya ang hikbi nito matapos niyang maangkin ng ilang beses.
He cried after that. He cried silently sa kotse niya. Sinisisi ang sarili kung bakit hindi niya hinanap si Via.
Eh di sana alam niya ang lahat ng sagot sa tanong niya.
"You look wasted, brother." Wika ni Alex. "Can we talk outside?"
Tumayo siya at sumunod si Alex sa kaniya. Nagpaalam rin sila sa mga kaibigan.
NANG makalabas ay lilingunin sana ni Darlo si Alex. Ngunit nabigla siya nang isang malakas na suntok ang ginawad nito sa kanya. Nasapo niya ang putok na labi nang dahil sa kapatid.
"What's that for Alexander Miguel?! I'm your elder!" Inis niyang bulyaw dito.
Naka-cross arms si Alex habang nakatingin sa kanya ng masama. "Sorry, but I'm not sorry. Bagay lang 'yan sa'yo, Darlo Miguel."
Lalong nag init ang ulo niya. Pero pinakalma niya ang sarili. Ayaw niyang mag eskandalo. "What's your fcking problem, Alex? Why did you punch me?"
"Because I just want to." Alex shrugged. Then, smirk.
Kumunot ang noo niya. "Dahil lang gusto mo bigla ka na lang mananapak? Are you fcking crazy, Alex?!"
"Why not ask yourself, kuya? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo ang tintanong mo sa akin?"
Pinakalma ni Darlo ang sarili. Ayaw niya ng argumento lalo na't si Alex ang kausap. "Alex, just tell me what your point is, pwede? Hindi nakakatuwa ang ginawa mo. You punch your elder, damn it!"
Alex smirked. "Ganti ko 'yan sa kagaguhang ginawa mo kay ate Via."
Natigilan siya. Iyon na nga ba ang kanina pa niyang iniisip. Alam niyang nakita na ito ng mga kapatid nya.
He stood straight facing his brother who is still crossing its arms. "What about her? So, nakita nyo na pala ang btch na 'yon?"
Dumilim ang mukha ni Alex. "Btch? Hindi mo alam kung ano'ng pinagsasabi mo, kuya. Nabubulagan ka kasi ng galit mo."
"Totoo namang btch s'ya!" Lumabas na ang tinitimping galit ni Darlo. "Iniwan nya ako. Alex. She fcking left me without any reasons why! She fcking left me with that Enrico guy! And worse of all? She hide my son away from me! Sa tingin mo hindi ako magagalit sa mga ginawa n'ya sa akin? Na mananahimik lang sa isang tabi habang alam kong may iba sya? Na sa iba sya nagpakasal at hindi sa akin? Na may anak sya sa iba samantalang ako, iniwan nya? Gusto kong ipamukha sa kaniya lahat ng sakit na pinadama nya sa akin! Gusto kong maramdaman niya ang pighating naramdaman ko! I want her to suffer!"
Hindi kumibo si Alex. Bagkus ay iniwan siya nito at tinungo nito ang kotse na nasa likuran lang nya. Akala niya ay may sasabihin pa ito. Pero wala. Nainis siya. Nang makaalis si Alex ay tinungo niya ang kotse nya na naka-park lang sa malapit saka pinaharurot iyon. Uuwi na siya sa bahay nila.
---
"MOMMY, kailan po natin makikita si kuya Darren? Kumusta na po kaya siya?" Tanong sa kanya ni Jimmy habang pinapakain niya ito ng hapunan. Hanggang ngayon ay nasa hospital silang mag-ina. Binabantayan si Enrico.
"Huwag kang mag-alala anak, makikita mo din si kuya mo. Sa ngayon, bantayan muna natin si tatay." She faked a smile. Hindi niya maaaring sabihin kay Jimmy na hindi nito maaaring makita si Darren dahil tiyak niyang magagalit si Darlo.
Speaking of Darlo, nakauwi na kaya ang lalaki? Pagkatapos kasi siyang kausapin ng mga kapatid nito ay umalis na rin siya. Hindi siya maaaring manatili roon.
"Mommy, pwedeng umuwi na lang po tayo sa probinsya? Marami pong bad na tao dito. Gaya po n'ong nanakit kay tatay." Nakangusong wika ng anak niya.
Hinaplos niya ang buhok ng anak. "Huwag kang mag alala, anak. Kapag nakaluwag-luwag na ang mommy, uuwi na tayo. Kasama si kuya Darren."
Tumingin sa kanya si Jimmy. "Huwag na po natin syang isama, mommy."
Nagtatakang napatingin siya sa bata. "Bakit naman? Hindi ba't gusto mo syang makasama?"
"Gusto ko syang makita pero hindi makasama, mommy. Ang sabi ni tatay, iyong lalaking nanakit sa kanya ay daddy ni Darren. Ayoko pong sumama din ang daddy nya. Sasaktan po nya si tatay ko." Lumapit ang bata sa ama nitong natutulog na at niyakap ito ng maliliit na braso.
Nahabag si Via sa anak. Bakit pati ang kaniyang anak ay nasasaktan? Kung sana'y mabago niya ang nakaraan....
Biglang nag-vibrate ang cellphone niya. May tumatawag. "Hello? Sino po sila?"
"It's me, Via. Your master."
Kumabog ang dibdib ni Via pagkarinig sa baritonong boses ng nasa kabilang linya. Si Darlo...
"M-may kailangan k-ka ba?" Nauutal na tanong niya.
"I need you, Via. Pumunta ka sa condo ko..." Sagot nito.
"Pero, k-kasama ko ang anak ko. Walang magbabantay dito sa hospi---"
"I don't fcking care! Just come here!" Sigaw nito saka siya binabaan.
Hindi mawari ni Via kung bakit ganoon na lamang ito sa kaniya. Alam niyang galit ito pero, may kakaiba pa rin kay Darlo. At sa tono nito kanina, lasing ito.
Maya-maya pa'y pinakiusapan niya ang kaibigan niyang kambal na pansamantalang bantayan si Jimmy. Hindi niya kasi ito maasikaso sa ngayon. Pinakiusap rin niya sa hospital si Enrico. Nang maiayos na ang lahat ay nagtungo na siya kay Darlo. Hanggang ngayon pala'y doon ka rin ito tumutuloy kapag masama ang loob. Tiyak siyang may nangyaring hindi maganda sa lalaki dahil hindi ito aalis ng mansyon kung hindi masama ang loob.
---
NANG makarating sa building ng tinutuluyan ni Darlo ay agad siyang nakilala ng guwardiya. Alam nito kung sino siya dahil matagal silang namalagi noon ni Darlo sa condo nito. Dito rin siya namalagi noong ikakasal na sana sila.
She sigh and calm herself. She can't bear this pain but she must. Hindi siya maaaring maging mahina dahil kailangan siya ng kaniyang mga anak.
Sa pinakataas ang unit ni Darlo. At nang makarating doon ay nag doorbell siya. Agad namang binuksan ng isang tao ang pintuan.
Babae..
"Ah, sino po kayo?" Tanong nito. Nakangiti ang babae at mukha namang mabait.
"N-nariyan ba si Darlo Lorenzo?" Medyo nanginginig niyang tanong.
"Opo. Teka lang po ah? Tatawagin ko lang." Tatalikod na sana ito nang mapatigil. "Darls! May bisita ka!"
She can't see his face dahil hindi pa siya pumapasok. The woman faced her and smile. "Pasok ka."
She faked a smile. Kinakabahan siya and at the same time nasasaktan. Sino kaya ang babaeng ito? Girlfriend ni Darlo? Kung may nobya ito, bakit kailangan pa siya nito?
Via, ano ka ba? Malamang, parausan ka na lang kaya ka nandito. Tanga mo!
Natauhan lang si Via nang may tumikhim sa tabi nya at napalingon naman siya. It's him only wearing his sando and his boxer short. Maganda pa rin ang pangangatawan ng lalaki.
Get a grip, Via! Focus! "G-good evening, sir. A-ano po ang k-kailangan nyo at p-pinapunta nyo ako...dito?"
Instead of answering her questions, hinila na siya ng lalaki paakyat sa hagdan. Nakita naman niyang naka-nganga ang babae kanina. Maya-maya'y ngumiti.
"Hoy! Darls! Gentle ha? Dapat protektado! Lalabas lang ako! Babush!" Pagkasabi niyon ay lumabas na nga ang babae.
She saw Darlo's smile. He smiled at the woman at tumango pa bago tuluyang pumasok ng kwarto.
And it pained her big time.