The Guy Who Changed My Heart

By 7thJoker

100 0 0

!ATTENTION! Please note that this story has been written over a year ago (with countless of publishing and re... More

Prologue
Disclamer
1st Change

2nd Change

47 0 0
By 7thJoker

•~CHAPTER TWO~•


Inside this dark, unknown world, there existed nothing else but me...


..and complete and utter silence.


Until...


"...Raine!"


There!


There it was again!


Someone was truly calling me! Again!


I tried to reach out to the person using my voice, but then I remembered that I couldn't talk, for some reason.


So I sighed, closing my eyes. I suddenly felt really tired.


For a few minutes, I remained like so.


Until....I felt a sudden coldness hitting me on my face.


Literally.


This was when my consciousness truly woke up.


What the--


Okay. Now I know who was calling me.


"What in the cheesecakes--Why did you pour cold, chilling water on my face, Aira Marcy Gonzales?! I was sleeping!", I said as I jolted up from my bed. I was soaking wet. Well, more like my face, but still !


"...wow. English. Ka-nosebleed ate. Teka, agang aga, wag mo 'kong ganyanin. Maawa ka.", my sister (yes, we're related) said, holding her pointer finger up to her nose as if she was trying to stop an imaginary stream of blood from it. "And that's the point! Tulog na tulog ka pa rin kahit halos fifteen minutes na kitang tinatry gisingin! Do you really want to be late on the first day of your last school year? Kung gusto mo, edi sigi! Go lang! Tuloy mo lang yang pag-eenglish mo habang natutulog ka."


I rolled my eyes at her. "Tsk! Aish, di mo naman kailangang basain ang mukha ko noh! Landyo, basa din tuloy yung unan ko!", after that, tumayo na rin ako. Kumuha ako ng maliit na towel sa drawer ko at ipinahid ko ito sa aking basang mukha.


"Ano ba yan ate, parang di ka na nasanay. Ayusin mo na yang appearance mo at bumaba ka na. Kakain na." sabi ni Aira habang naka-pamaywang. I watched her walk out of my bedroom before grabbing the towels I've hung by the cabinet.


Minsan talaga, iniisip ko kung sino sa aming dalawa ang mas matanda eh. Maka-utos tong babaeng 'to, kala mo siya yung ate.


"Opo naaaaa, sige na, shoo na, mother! Maliligo lang po ako." sabi ko while literally shooing her away.


"Maka-'mother' to! Excuse me, ikaw po ang mas matanda!" she paused. "Oh, and, fyi, kung ayaw mong nabubuhusan ng tubig every morning, paki bawasan ang pagiging tulog mantika, please? May panis pang laway sa gilid ng labi mo! Ew!" narinig kong pahabol ni Aira bago ako pumasok sa banyo.


Juice ko, napaka-sweet at lovable ng precious kong kapatid, noh? Sa sobrang sweet, ang sarap ipakain sa langgam. Huhu.


At ako namang si uto-uto, chineck nga kung may laway sa gilid ng labi ko. Wala naman eh! Tss.


•~o0o~•


"Aish! Sa wakas!"


Yan ang bumungad sa akin pagkababang pagkababa ko.


"Ano ba yan, ate! 30 minutes na kitang hinihintay! Hindi ako makakain dahil sayo eh! Tss.", sabi ni Aira sabay upo sa upuan na nasa harap ng dining table.


Luh? Problema nito?


"Ba't ba ang init init ng ulo mo? May PMS ka ba ngayon?" sabi ko habang naghahanda ng inumin sa table. Don't get me wrong--may pagkain na, wala lang inumin.


"Oo Raine, meron yan. First day nya ngayon, hahaha. Pagpasensiyahan nalang ang lola." from the kitchen, a beautiful and kind-looking lady emerged. Ipinupunas niya ang kaniyang mga kamay sa suot niyang apron habang lumalapit samin.


"Good morning, anak!"


Ngumiti ako. "Ah, Good morning po, tita!" sagot ko, sabay yakap sa kaniya. And yes, tita namin siya ni Aira. Nasa ibang bansa ang totoo naming nanay. Nagtatrabaho kasi. "Ay, ganon po ba? O baka naman nagme-menopause na si lola Aira? Sobrang sungit!"


"Ehem. Excuse me, kung hindi niyo napapansin, nandito lang ang pinag-uusapan niyo. At pwede bang kumain nalang tayo? Nagugutom na ako. Baka kayo, hindi. Pero ako, oo."


Tumingin kami sa kapatid ko at sabay na tumawa. Aira rolled her eyes at us.


Lumapit si tita Lexia kay Aira at niyakap niya ito sa may bandang leeg mula sa likod. Naka-upo na kasi ang aking gutom na kapatid.


"Ikaw naman, Aira, di na mabiro", sabi niya, sabay upo sa usual place niya sa dining table. "Kain na tayo! Nagugutom na rin ako." Inalis naman muna niya ang kanyang suot na apron, at inilagay niya ito sa katabi niyang upuan.


Natawa ulit ako nang kaunti, at umupo na rin sa tabi ni Aira. Sabay-sabay kaming kumain ng agahan pagkatapos.


Oo, ganito talaga kami lagi. Hindi pwedeng hindi kami sabay sabay kumain. Mapa-agahan, tanghalian, o hapunan man. Naghihintayan talaga kami, unless na may reason ang isa sa amin kung bakit hindi siya makakasabay sa pagkain. Pero as much as possible, sabay sabay talaga kami--since tatlo lang naman kaming nakatira dito sa bahay.


Tulad ng sinabi sa akin ng tita ko dati, "Wala sa atin ang may alam kung kailan matatapos ang kaligayahan sa ating buhay; kaya, as much as possible, we should spend every time and moment we have.. together."


At iniidolo ko siya dahil sa pananaw niyang iyan.


Ah, siya nga pala, oo, as I said before, si tita Lexia ang kasama namin ni Aira dito sa bahay. Siya ang nagsisilbing second mother namin. Why?


Ganito kasi ang nangyari: 5 years ago, may natanggap si Mama na job opportunity. Malaki yung sweldo, sikat yung kompaniya, at malinis yung trabaho. All in all, maganda yung job. Yun nga lang, sa ibang bansa siya naka-base; at since kailangan talaga ng pamilya namin ang offers nila, napagpasiyahan ni mama na iwan muna kami ni Aira dito sa Pilipinas kasama si Tita Lexia; ang kakambal ni mama. Wala rin naman kasing asawa't anak si tita, 'matandang' dalaga siya, kaya pumayag agad siya na magbantay sa aming dalawa.


"Ay, tita! Alam niyo po ba na may bagong crush nanaman 'tong si Aira?" sabi ko pagkatapos kong nguyain at lunukin yung isang kutsara ng sinangag na niluto niya.


"Oh?" then, tita Lexia smirked at my sibling. "Ikaw haaaa, ipakilala mo yan! Nang ma-iplano na natin ang kasal niyo at lugar na pagha-honeymoon-an niyo!"


Tinulak naman siya ni Aira nang pabiro. "Tita naman! Excuse me, siya po ang may gusto sakin! Lagi nga po akong hinahabol-habol sa corridors at nagseset ng date kung saan free siya na ma-stalk ako mula sa malayo. Hinihintay pa 'ko nun sa school every morning. Tsk." nagpa-dekwatro siya at yung mga mata niya, naging pang maldita. "Haist. Hirap maging maganda. Ang dami laging naghahabol sakin."


"Baka naman the other way around yun?" I said with a teasing tone. "Naaalala mo yung time na nahuli kitang nakatitig kay Xavier noong may kausap siyang ibang babae? Sama ng tingin mo doon sa babae ha! Wahahaha! Sayang, di ko napicturan!"


Hinampas niya 'ko, and then rolled her eyes at me. "Doon sa stranger na katabi niya ako nakatingin, noh! Banaman kasi, pinipilit niyang hilahin yung gf niya, eh kitang ayaw ngang sumama sa kanya! Kainis kaya." tuloy tuloy na sabi ni Aira sabay subo sa kinakain niya. Kuuuuh!


"Palusot!" sabi ni tita habang sinusundot yung tagiliran ng kapatid ko.


"Tss! Di ah! Shut up nalang you ate, kumakain ako."


I shrugged, ignoring her remark. "Well, sabagay, guwapo naman si Xavier. Matangkad, matangos ang ilong, maputi, mapula ang labi, at chinito! Ideal guy siya sa highschool niyo, diba? Yiiiiie"


"TSE!"


After that, nagharutan nalang kaming tatlo. Enjoy na enjoy kami sa kuwentuhan, kaya ayan. Di na namin napansin ang oras.


Tumingin ako sa wall clock namin at nakita kong 7:03am na!


"Waah! Aira! Malelate na tayo!" sabi ko sabay tayo at kuha ng gamit ko sa sofa na malapit sa amin.


"Huh?" tumingin naman si Aira sa relo niya. "Ay tipaklong na cheezwhiz! Oo nga!"


Nagmadali na kami sa pagpaalam kay tita at sa paglabas ng bahay.


"Ay! Teka, ate! Nakalimutan ko yung wallet at extra pads ko!" narinig kong sabi ni Aira.


Tumingin ako sa kanya. "Aba'y bilisan mo! Juice ko naman oh!"


"Right!" sagot niya, sabay takbo sa loob ng bahay.


Jusme Lord, sana hindi kami ma-late.


•~o0o~•


"Haaa..haaa.hhaaaaaa..."


Hinihingal na kaming dalawa noong umabot kami sa gate ng school.


"Bwisit...na...drug lord...yan!" putol putol na sambit ni Aira. "Kung...hindi sana ngayon...haa haaa, napagtripan na magsasayaw sa kalye...edi...sana hindi na natin...kinailangang tumakbo ditoooo..! Bwiiiiseeet!" Sinipa niya yung bato na nasa harap niya. Lagot, badtrip 'tong isang 'to.


"Haaa...haaa...oo..nga eh--!" I said habang nakahawak sa mga tuhod ko. Juice ko, start palang ng araw, pagod na agad ako! Woooh--!


"Makulong...siya sana! Vo-set na yan-!"


Kanina kasi, noong nakasakay na kaming dalawa, biglang huminto sa kalagitnaan ng biyahe yung trike. At ayun nga, balitang balita ng mga tsismosang sa zoo ay nakawala, may nagsasayaw daw na taong naka-drugs sa gitna ng kalye. Wala pa raw yung pulis, kaya matatagalan ang pagpigil sa taong iyon.


At since malapit-lapit na rin kami sa University, nagpasya na kami ni Aira na tumakbo nalang.


Kaya ayan nga ang resulta. Daig pa namin ang mga nagpi-PE ngayon eh.


Ang saya! Grabe.


"Halika na nga, pumasok na tayo! Halos sakto na tayo sa oras, kaya pag tumagal pa tayo, baka ma-late na tayo nang tuluyan."


Pinampamaypay ni Aira ang kanyang kamay. "Geez, yeah! I agree. Let's go na! Ang init na masyado dito." Nauna na rin siyang maglakad after.


Pagkahakbang ko, biglang may tumawag samin.


"Hey! Aira!"


Ay, joke lang pala. Sa kapatid ko lang pala. Ouch! Umasa is me! Ang assumera ko, noh?


Lumingon ako sa likod. At dahil hindi sumagot ang magaling kong sister, ako nalang ang nagsalita.


"Uy! Xavier!" bati ko habang nakikipag-high five sa kaniya. "Here for my sister?"


"Haha, yeah! Hindi nga ako pinapansin eh. I was trying to catch her since yesterday." Xavier said with a sheepish smile. "Ililibre ko sana dahil doon sa favour na ginawa niya para sakin. Kaso, ayan nga. She's ignoring me. And I don't know why."


Kumunot ang noo ko. "Ay? Ganun? Siguro, kasi, meron siya--"


"Ehem."


Napatingin kaming dalawa kay Aira. Ayan, naka-taas nanaman po ang kaliwang kilay niya. Wahahaha!

"Again, in case you didn't know, nasa harap niyo lang ang pinag-uusapan niyo. So will you stop? Geez!" sabi niya sabay talikod. Wow ha, lakas ng loob na patigilin ako sa pag-iingles, samantalang siya eh wagas kung makapagsalita nito.


Now, it was the boy's turn to knot his eyebrows. "What in the world is wrong with Aira?"


Napatawa ako nang mahina. Bumulong rin ako. "Sige na, sundan mo na ang tinotopak kong kapatid! Shoo na rin you!" Tapos, tinulak ko siya paharap.


Napakamot si Xavier sa ulo niya, halatang nalilito na. "Sige, ate Lory. Bye! See you later." sagot niya habang naglalakad papunta kay Aira.


Pamaya-maya, lumingon ulit yung lalaki sakin, wearing questioning eyes. Para bang tinatanong: Why? Ba't 'to asar sakin, ate?


Napa-iling ako. I mouthed 'may PMS', sabay "shoo" sa kanya.


Oh diba? Ang bait kong ate? Ipinaglalandakan ko sa iba na meron ang kapatid ko? Wahahaha.


Well, concerned lang talaga ako sa mga taong nakapaligid sa kanya. Grabe ang moodswings ni Aira kapag nagkakaroon siya eh. Daig pa si Flash kung makapagpalit ng mood!


Yung mukha naman ni Xavier eh parang naunawaan na ang sinabi ko. Tumango siya, sabay kaway sa akin.


After that, ngumiti na siya kay Aira at umakbay dito.


"Ai-ra-bies, wag ka nang magalit, pleeeease?" rinig ko pang sabi niya. Dahil dito ay inalis ni Aira ang kamay ni Xavier sa balikat niya at tinulak ito.


"Shut up, will you?"


Napailing ulit ako. 'Tong lalaking ito, inasar pa lalo si Aira. Alam naman niyang malakas at matindi ang moodswings ng kapatid ko ngayon, eh!


Nagsimula na akong maglakad sa kaliwa, patungo sa kabilang gate. Yung building kasi na kinatatayuan ko ngayon ay yung pang-high school namin. Sa kabilang lupa naman eh yung college campus, kaya di mapagkakailang sobrang laki ng school na ito. Medyo magarbo rin ang dating, at maganda rin ang turo--yung tipong naka-first class ang buong university sa overall ranking ng schools dito sa Pinas. Halos karamihan rin kasi ng pumapasok dito ay mayaman, o kaya nama'y may kaya.


Well, para naman sa aming dalawang magkapatid, scholars kami dito. Siya, 75% off ang bayad sa tuition, samantalang ako eh 100% na--since nag-decide rin akong mag-working student sa library ng university.


Actually, sabi ni mama, afford naman daw talaga namin ang tuition nitong school since may kaya naman kami at malaki laki naman daw ang sweldo niya, kaya she didn't oblige us to do everything just to be a scholar. Pero kahit na ganoon, napag-isipan pa rin namin ni Aira na mas maganda kung makakapag-take up pa rin kami ng scholarship, para nang sa ganoon ay matulungan naming mag-ipon si mama kahit papaano. Especially now that she's a single mother working for the both of us.


At teka nga, bakit nga ba ako sumama pa sa kapatid ko kanina? Eh magkaiba naman kami ng campus? Ay kaewanan nga naman ng utak ko minsan oh!


Nagsimula na akong maglakad ulit, at maya-maya'y napatingin ako sa wristwatch ko.


I gasped.


"JUICE KO PO LORD! 10 minutes nalang, late na ako!", sabi ko, sabay takbo.


Naku, feeling ko, pwede na 'kong sumali sa racing sa school eh! Agang aga, nakikipag race ako kay time! Huhuhu!


Time, why must you be so close, yet so far away? Di porke't marami ang naghahabol sayo, ganiyan ka na? Feel na feel mo teh? Wag kang pabebe, uy!



.: To be continued :.

. 2016 . BlueRoseOnLine . AllRightsReserved .

Continue Reading

You'll Also Like

495K 14.9K 33
This is my life... Jeydon Lopez is the epitome of the word 'bad boy'. He doesn't care about girls and romance. Not at all. But what people don't know...
162K 6.4K 40
Twenty-four-year-old travel blogger Cory Dimaranan is tasked to seek and showcase the wonders of Palawan. But when she accidentally discovers things...
5.2M 177K 50
Sequel/Book 2 (The MAIN STORY) of Love at First Read. Ano ang gagawin mo kung ginulo ng tadhana ang tahimik mong mundo? Sina Train, AB, Kudos, at Haz...
13.4M 337K 43
Selene Illy Montebello is a Princess in the making. She was set to be the most sought after bachelorette and a future beauty queen. Undeniably one of...