Marry me or I'll shoot you!

By Secretnaeji

4.2M 61K 5.8K

ZOOEY & LORENZ More

Prologue
1 - First meeting
2 - Forced marriage
3 - Bullet bar
4 - Hasyenda
5 - Who's the boss?
6 - Unan
7 - Poisonous gang
8 - Engot and Zoo
9 - Oh, no!
10 - Meet Linksys.
11 - Saving Engot
12 - Getting her back
13 - Baby
14 - Meeting Lola Moni
15_ interrogation
16_mall
17_ 'smith'
18_ kasabihan
19_ jealous
20_he's worried
21_ 1st monthsary
22_ CARG (1st saturday)
23_untitled
24_ CARG (2nd saturday)
25_fight between me and jerome's gang.
26_ riot
27 J?
28_ Him
29_ Together again
30_rose petals
31 - Realization
32_Zj Villamor meets Edmundo Farr
33_ continuation
34_ 'baliw'
35_ vault
36_ Hello again, poisonous gang
37_ vampire
38_ bloom
39_ fourth box (toys with laughing gas)
40- first kiss
41- CARG anniversary
42- jelly fishy
43- "Nightmare I"
44 - Second monthsary
45 - Second monthsary
46 - Afraid
47 - "Sample pa lang 'yan!" - threat
48 - him
49 - her
50 _ abduct
51 - Silver necklace
52 - "Saving her"
53_ Saving her II
54 _ Saving her III
55_ "Nightmare II"
56_ "nuti tutz!"
57 _ Abs *__*
58 _ Stolen kisses
59 _ "blo"
61_
62 _ "SmIvFaVi"
63 _ "I Love You"
64
65
66
67
68
69
70
71
72 - "The who?"
73
74
75 _
76
77 - Trip
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
EPILOGUE
Author's note:
Special Chapter

60 _

42.8K 527 56
By Secretnaeji

ZOOEY

Nagising ang diwa ko dahil sa nakakakiliting hiningang tumatama sa mukha ko. Unti-unting kong minulat ang mata ko.

"Good morning, mahal."

"Putrag--" Napabalikwas agad ako ng bangon. Ang malapit na mukha ni Engot ang bumungad sakin. Nakahiga na rin siya sa kama habang hinahaplos ang noo ko. "Anong ginagawa mo rito?!" Baling ko sa kanya.

Kibit-balikat siyang umalis sa kama at pumunta sa isang tabi. "Anong ginawa mo kagabi pagkatapos mo kaming palayasin ni Wayne rito? Bakit parang puyat ka?" aniyang binitbit ang isang malaking bag at inilapag sa kama bago nakapamaywang na humarap sakin. "Nagluto na ako kanina para sa agahan pero dahil tanghali ka ng nagising, magluluto nalang uli ako," aniyang lumabas na ng pinto.

Napapikit ako dahil sa tumatagos na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Peste! Tanghali na pala. Nakatulugan ko na pala kagabi ang pag-iisip.

Napatingin ako sa pintong nilabasan ni Engot. 'Yong tungkol sa pagiging dugo't laman ako ni Antonie. Pero taragis! Hindi parin ako nakakasiguro kung aasa lang ako sa panaginip na 'yon. Maliban sa toxic at sa tatlong matanda ay wala talaga akong matandaang Antonie.

Pumutol sa pag-iisip ko ang mga kamay na pumulupot sa bewang ko. Napaigtad ako sa pakiramdam na parang nakuryente.

"A-Aray....." Daing ni Engot. Gulat akong napatingin sa kanya sa isang tabi. Dala ng pagkabigla at pangunahing reaksiyon ay nabalibag ko pala siya sa tabi. "Ang s-sakit non, ah!"

"Psx! Ano na namang ginagawa mo rito?"

"Dito na rin ako titira."

"Psx!" Sininghalan ko siya sabay talikod at labas ng pinto. Biglang kumalam ang sikmura ko sa mabango'ng amoy ng pagkaing nakahain na sa mesa. Pagkaupo ay nasa harapan ko na rin si Engot. Kunot-noong nagpalit-lipat ang tingin ko sa kanya at sa isang dilaw na rosas sa ibabaw ng mesa.

"Para sayo," nakangiting saad niya na inabot sa harapan ko ang bulaklak.

"Bakit mo 'ko binibigyan niyan?" Takang tanong ko. Inabutan din niya ako niyan kahapon noong nasa pool at biglang tatawa-tawang kumaripas ng takbo. Siraulo!

Nagkakamot siya ng batok na naiwas ang paningin sakin. "A-Ayaw mo ba?" nahihiyang saad niya na 'di makatingin ng diretso sakin.

Napangiwi ako sa tanong niya. Aanhin ko ba 'yang bulaklak? Engot talaga. "Ayoko. Gusto kong kumain," saad ko. Kailangan ko pang pumunta ng Linksys.

"Ako na," aniya at inagaw sakin ang sandok at gamit ito na nilagyan ng kanin pati ulam ang plato ko. Pinanuod ko lang siya nang tinalikuran ako at may pagmamadali sa kilos na nagtimpla ng kape. Inilapag niya ang dalawang tasang kape sa mesa at saka umupo sa harapan ko.

Itinuon ko na ang pansin sa pagkain at nagsimula ng kumain. Nakikita ko sa gilid ng mata ko si Engot na hindi natitinag. Pagtingin ko sa kanya ay nakangiti lang siyang pinanuod ako. "Ang gana mong kumain. Masarap?" Tanong niya na tinanguan ko naman at nagpatuloy sa pagkain. Bigla niyang hinawakan ang braso ko at isinubo ang kamay kong may pagkain. "Hmmmmm.... Masarap nga," aniyang ngumuya-nguya at binitiwan na ang kamay ko.

Kinilabutan ako sa ginawa niya. Hindi dahil sa nandidiri ako na isinubo niya ang kamay ko kundi may kakaibang init na hatid ang ginawa niya. Nagkakamay lang kasi akong kumain. Sa susunod kong pagsubo ay balak na naman sana niyang agawin ang kamay ko para isubo na naman pero inunahan ko na siya ng nagbabantang tingin.

"Damot!" Dinig kong bulong niya. Hindi ko na pinansin at pinagpatuloy ulit ang pagkain. "Zoo.."

Inangat ko ulit ang tingin ko. Hawak niya ang kutsarang puno ng pagkain at nakauma sa bibig ko. "Tikman mo 'to. Aaah...." aniya sakin na bahagya pang ngumanga. Napakunot-noo naman akong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanya at sa pagkaing isusubo niya sakin.

"Psx!"

"Mahal!" Maktol niya at binitbit ang upuan patungo sa tabi ko. "O," turan niya sakin at hawak parin ang kutsarang may pagkain.

"Ayoko!"

"Ayaw mo?"

"Ayoko nga!"

"Hahalikan kita!"

Napatigil ako at nanlaki ang matang bumaling sa kanya. Nagkatitigan kami. Seryoso ang mukha niyang tumingin sakin. Kinilabutan ako dahil bigla na naman lumitaw sa isip ko ang mga eksenang hinahalikan niya ako. Napanganga ako dahil nararamdaman kong totoo ang mga 'yon. Sinamantala niya 'yon at sinubuan ako. Ang laki ng ngiti niya na ikinaiwas ko ng tingin. Napagbalingan kong inumin ang kape.

"Mahal," malambing niyang tawag sakin. Napalunok ako. Peste! Ano bang nangyayari sakin? Hindi ako pinatulog ng mga pangyayaring bigla-bigla nalang lumilitaw sa isip ko na siyang gumulo sa isip ko kagabi. "Zooey baby...." Kunot-noong binalingan ko siya. Napatikom ako ng bibig dahil nakauma na naman ang pagkaing balak niyang isubo sakin.

"Psx!"

"Last nalang."

"Psx!"

"Tikman mo muna 'to," pamimilit niya sakin. Agad naman siyang ngumiti at hinihilot ang kilay ko. "Please," namumungay ang matang tumingin siya sakin. Para siyang aso. Possible pala 'yon? Bumuntong-hiningang ibinuka ko ang bibig. Lumaki naman ang ngiti niya at biglang isinubo sa sarili niya ang pagkain at isang mabilisang halik sakin. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. 'Siraulo!'

"Masarap ba?" aniyang mabilis ding tumayo at nagtungo sa kaibayong parte ng mesa. Mabilis ang naging pagtibok ng puso ko na para bang nasa gitna ako ng isang delikadong operasyon. Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis din na nilayasan papasok sa kwarto.

Nagbihis lang ako sandali at lumabas dala ang bag na inilapag kanina ni Engot sa kama. Kahit hindi ko na buksan at tignan ang bag ay alam ko na kung ano ang laman nito. Balak ko sanang ilagay nalang ang bag sa sasakyan niya pero wala ang kotse niya. "Letse!"

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko sabay balibag ng bag niya sa likod. Bibigyan pa ako ng iisipin ng Engot na 'yon. Aalis na sana ako patungo'ng Linksys nang humarang siya sa harapan ng sasakyan. "S-Saan ka pupunta?" wika niya pagkabukas ko ng pinto.

"Sumakay kana."

Nagliwanag bigla ang mukha niya dahil sa sinabi ko at mabilis pa sa pusang umupo sa tabi ko. Agad din siyang napatigil. "Hindi ko pa nahugasan ang mga plato sa loob," aniya.

"Hayaan mo na 'yon."

Ubod ngiting tumango siya sakin. "May alam akong lugar na magandang pasyalan. Gusto mo ako na magdrive?" Nanlalaki sa tuwa ang mata niya. Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung paano ko natagalang kasama ang Engot na 'to. Hindi lang Engot, medyo makulit din. Umiling ako sa sinabi niyang siya na ang magmamaneho. "Okay, let's go!"

Habang nasa daan ay panay tanong niya kung saan ba kami pupunta na hindi ko naman sinasagot. Pilit kong itinuon sa pagmamaneho ang atensiyon at iniiwasang tignan ang katabi ko dahil tuwing sinusulyapan ko siya ay nakatingin na din siya sakin at biglang ngingiti ng malaki. Para talaga siyang aso na 'di maawat sa ngiti.

Inabot ko ang bag sa likod pagkahinto ng sasakyan at ibinigay sa kanya. "Bumaba ka na," kalmadong saad ko. Biglang nagsalubong ang kilay niya pagkakita kung nasaan kami. Nasa tapat kami ng bahay nila. Ano ba kasing akala niya--na mamamasyal kami? Kahit kailan, kaengotan talaga!

Pigil ang inis na binalingan ko siya nang hindi siya kumilos. "Baba na. Nagmamadali ako." Unang araw ko ngayon para sanayin at turuan ang bagong batch ng mga trainee. Wala rin naman akong magagawa kahit ayaw ko, baka paalisin ako ni Sir Philip sa Linksys.

"Ayoko!" Nakangusong pagmamatigas niya. Ginamitan ko siya ng nagbabantang tingin pero hindi parin siya kumilos bagkus ay mas lalo pang nagsalubong ang kilay at nanulis ang nguso. "Saan ka ba pupunta? Sasama ako."

Parang nakikini-kinita ko na ang ganitong eksena dati. Paulit-ulit nalang. "Pumasok ka na baka hinahanap ka na ng Lola mo."

"Uuwi ako sa apartment mo," aniyang ibinalibag pabalik sa likod ng sasakyan ang bag na dala at prenteng sumandal sa sandalan.

"Psx!"

"Kung nasaan ka--doon din ako."

"Bakit?"

"Dahil mag-asawa tayo!" Mabilis niyang sagot.

Napasinghal ako sa tinuran niya. "Alam na ng Lola mo--ng pamilya mo ang totoo. Ang Lola mo na ang bahala sa lahat kaya malaya ka na."

"Anong malaya?"

"Gan'on ka ba talaga kaengot?" Nababagot na binalingan ko siya dahil sa reaksiyon niya.

"Ano nga'ng malaya?!" Nagpipigil na sigaw niya. Napabuntong-hiningang naiiwas ko ang paningin. Simpleng malaya ka na, ay 'di parin niya maintindihan. Mapaparusahan pa ako ni sir Philip nito dahil sa katagalan ko.

"Malaya ka na. Bumalik ka sa kung anong buhay mo dati noong wala pa ako. Gawin mo kung anong gusto mo. At......tigil-tigilan mo na ang kakabuntot sakin. Hindi na natin kailangang pakisamahan pa ang isa't-isa, bahala ka na sa buhay mo," dire-diretsong saad ko kahit sa loob loob ko ay kayhirap pakawalan ng mga katagang 'yon.

"Ganon nalang 'yon?" saad niya. Hindi ako sumagot kaya napasinghal siya sabay iwas ng tingin. "Pagkatapos ng lahat sasabihin mong malaya na ako?" dagdag na turan niya. Pagbalik ng tingin niya sakin ay sobrang seryoso na ng mukha niya. "Pagkatapos mo akong kaladkarin sa simbahan, pagkatapos akong makidnap ng Lolo mo, pagkatapos ng mapanganib na pagsuong namin sa hasyenda para iligtas ka, pagkatapos ng lahat ay ganoon nalang 'yon? Malaya ka na? Malaya na ako?! Hah!" Singhal na talaga niya na hinampas ang dashboard ng kotse. Mababakas ang pagtitimpi sa namumula niyang mukha. Hindi ko magawang umimik dahil maski ako, naguguluhan sa sarili ko.

"Pagkatapos mong pumasok at manggulo, sasabihin mo nalang na bahala na ako sa buhay ko," dagdag na turan niya. Nang hindi parin ako nagsalita ay nagpatuloy siya. "Paano si Zoorenz? Alam mo bang kahapon pa ngawa ng ngawa ang bata dahil hinahanap ka. Ganon nalang ba 'yon? Ha, Zooey?"

Tanging buntong-hininga ang naisagot ko pagbanggit niya kay Zoorenz. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil kinokontra nito lahat ng dinidikta ng utak ko. "Gano6on na nga," sagot ko.

"P-P-Paano a-ako?" usal niya.

"Huwag ka ng magpapakita sak--."

"Ayoko!" Matigas niyang tanggi na pumutol sa sasabihin ko. Diretso lang ang tingin ko pero nakikita ko siya sa gilid ng mata na humarap sakin. "Pupunta parin ako sa apartment mo para umuwi at bubuntot-buntot ako sayo minu-minuto! Magpapakita ako sayo araw-araw, oras-oras, minu-minuto at segu-segundo--basta kung kailan ko gusto! "

"Tapos na ang palabas," mahinahon ko paring sabi sa kabila ng paninigaw niya sakin. Inabot ko ang pinto sa gawi niya para buksan. "Umuwi ka na."

"Ayoko," madiin niyang sabi. Salubong na salubong ang kilay na hindi ako nililingon at naka-ekis ang kamay sa dibdib.

Ang arte talaga parang bata. Wala na akong panahon pang magpaintindi rito ng sitwasyon na gusto kong ipabatid dahil maraming oras na akong nasayang. "Baba na," malumanay ko paring saad.

"Ayoko nga!"

"Letse! Ayaw mo pala--bakit ka pumirma kung ganoon!" Sigaw ko sa kanya. Naging mabilis ang paghinga dahil sa pagtitimpi. "Alam mo ba kung anong inabot ko kay Lolo dahil sa pagmamatigas ko sa pesteng annulment na 'yan, ha?!" Natahimik siya. Napahigpit ang kapit ko sa manibela dahil sa biglaang paninikip ng dibdib ko.

"Buong pananatili ko sa hasyenda, pinagtiisan ko ang pagmamalupit at pananakit ni Lolo Javier--nila dahil lang ayokong pirmahan ang pesteng papel na 'yan!" Dagdag kong sumbat. Gulat ang nakarehistro sa mukha niya na nakatingin sakin. Habol ang hininga na nag-iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay sasabog ako anumang oras dahil sa pinaghalo-halong emosyon sa dibdib ko. Nariyan ang inis at sakit. Ngayon lang ako nalito ng ganito.

"P-Pwede pa naman nating ayusin 'yon," aniya.

"Psx!"

"Hindi naman madaling mapawalang bisa 'yon lalo na't hindi na siya void," tunong pangungumbinsi pa niya.

"Baba."

"Hanggat h-hindi ka pa pumirma ay mananatili paring may b-bisa ang kasal nat--"

"Napirmahan ko na," putol ko sa sasabihin niya at bahagya siyang tinulak sa nakabukas ng pinto ng sasakyan. "Labas na."

"N-Na-Napirmahan--bakit mo pinirmahan!" Biglang sigaw na naman niya. Kita ko ang pagbalatay ng sakit sa mata niya pati ang pagkalaglag ng mga balikat niya. "Kailan mo pinirmahan?" Mataman siyang tumingin sakin. Taka naman ako sa biglaang pagbabago ng reaksiyon niya, parang biglang may naisip at nagkapag-asa. " I'm sure that Lola Moni still have that d*mn papers," aniyang nagmamadaling bumaba ng kotse at diretso sa gate ng bahay nila.

"Psx!" Tinanaw ko lang siya hanggang makapasok ng bahay nila saka ko pinaandar ang kotse pabalik. "Peste!" Inis kong mura habang nasa isip parin ang pagtatalo namin ni Engot. Hindi naman totoong pinirmahan ko na. Bahala siya sa buhay niya! 

Pagdating ko sa likod ng Linksys ay ang seryosong mukha ni sir Philip ang nag-aabang sakin. Napabuntong-hiningang tinignan niya ako hanggang sa makalapit sa kanya. Tinahak namin ang daan patungo sa training field. Kita ko mula rito ang mga bagong batch na nasa isang lilim ng puno at halatang inip na sa paghihintay.

"Be sure not to be late next time," ani sir Philip sakin saka tinahak ang daan papasok sa Linksys.

Napabuga naman ako ng hangin na tinawid ang field papunta sa kumpol ng mga tuturuan ko. Alerto agad silang lahat pagkakita sakin at ang kaninang pagkainip sa mukha ay napalitan ng pananabik.

"Pasensiya na sa paghihintay." Ngayong nasa harapan ko na sila saka ko lang napagtanto kung gaano ako kamalas dahil marami pala sila. Ang malas ko naman!

"Ayos lang po, master!" anang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad disisais.

Biglang tayo ang isa namang babae at malakas na tinabig ang lalaki. "Wussh... Ayos lang?" aniya sa lalaki. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila. "Kung hindi ka pa inip na inip sa paghihintay. Sinabi mo pa ngang tuturuan mo ng leksiyon si master sa oras na dumating!"

"Hoy Maria! Masamang maghabi ng storya," anang lalaki sa babae at bumaling sakin. "He-he-he, wala po 'yon master."

"Sinabi talaga ni Mario 'yon, master!" sumbong sakin ng babaeng tinawag na Maria.

"Sinungaling ka talaga Maria!" anang tinawag na Mario ni Maria.

"Ikaw ang sinungaling!"

"Ampon!"

Ngayon pa lang ay nananakit na ang tainga ko sa boses ng dalawang 'to. Nagpalit-lipat ang tingin ko sa kanila. Ngayon ko lang napansin na magkamukha pala sila kung hindi lang sa pagkakaiba ng buhok nila ay iisipin kung namamalikmata ako. Magkamukhang-magkamukha!

Bumaling ako sa iba. Siguro naman ay may alam na 'tong mga 'to. Hindi na ako masyadong mahihirapan magsimula. "Ano ng naituro sa inyo?" Tanong ko sa ibang kasama ng kambal. Pareho silang lahat na hindi sumagot at nakatingin lang sakin. Napahilamos ako ng mukha. 'Peste!' Sa mga mukha nila ay mahahalata ng wala pa silang alam.

"Wala pa kayong alam?" Tanong ko sa kanila at umiling naman ang lahat. Napabuntong-hiningang tumango ako. "Basic muna tayo. Kumuha kayo ng kapartner niyo," utos ko sa kanila. Tumalima naman agad sila at kanya-kanyang kapares. "Kailangan ko rin ng isa."

"Ako / Ako nalang!" Sabay pa na sigaw ng kambal na parehong nakataas ang kamay. Nagtutulakan silang dalawa na makarating sakin.

"Ako master," ani Maria na kumapit pa sa braso ko.

"Tumahimik ka nga Maria! Mas matanda ako sayo," ani Mario sa kambal niya.

"Ilang segundo lang naman tanda mo, ah!"

"Kahit na! Mas matanda parin ako kaya ako ang masusunod," ani Mario. Ngayon ay nagsusukatan na naman sila ng tingin.

Umalis ako sa pagkakakapit ni Maria at inaya ang iba na sumunod sakin. Pumasok kami sa mismong loob ng Linksys. Kung may training field, syempre may training room din ang Linksys at doon ko sila dinala. Dito sa training room ang simula ng training para sa mga basics at saka lang lilipat sa training field para sa mas malawakang pagsasanay. Tulad ng pagmamaneho ng iba't-ibang sasakyan at ang paggamit ng baril.

Manghang-mangha sila pagkapasok sa training room kahit wala namang kakaiba rito maliban sa mga iilang gamit sa paunang pagsasanay. Kunsabagay, ganyan din ang naging reaksiyon ko noong unang pagpasok ko rito.

"Master, partner tayo." Pumunta sa harapan ko si Mario. Hinanap ng mata ko ang kambal niya. Nakita ko naman ito sa sulok na nakasimangot at walang kapares dahil lahat ay may partner na.

"Hindi na bata. Samahan mo nalang ang kambal mo," saad ko. Aangal pa sana siya pero mataman ko siyang tinignan kaya nakanguso siyang umalis sa harapan ko at lumapit sa kambal niya.

"Sa pinasok niyong 'to ay hindi kailangan ang maraming salita. Simpleng pagtitinginan lang ay dapat magkaintindihan na kayo," panimula ko sa lahat. Naagaw ang atensiyon ko sa dalawang lihim na nagsisikmatan sa likod. 'Peste!' Ang kambal na naman. "Makinig ng mabuti dahil ayoko sa lahat ang paulit-ulit, nakakabobo 'yon. Hindi mahaba ang pasensiya ko na kahit batang tulad niyo, pinapatulan ko."

Mas lalong tumahimik ang lahat at parehong hinayon ng tingin ang tinitignan ko. Tumahimik naman ang kambal pero nagsisikuhan na naman dahil lahat ng mata nakatuon sa kanila.

"Ikaw kasi," paninisi ni Maria.

"Ikaw kaya!"

'Malas naman!'

******

Pagod ang katawan na humilata ako sa sofa pagkauwi sa apartment. Nakakapagod humawak ng sasanayin.

"Aray--peste!"

Sa kaingayan at kalikutan ng kambal kanina sa pagsasanay ay nasagi pa ang binti ko at tumama sa bakal na upuan. Napakasakit! Mabuti nalang at hindi bumuka ang papahilom ng sugat.

"Pesteng kambal 'yon!" Inis kong usal. Walang ibang ginawa kanina kundi ang magsisihan at magtalo. Kulang nalang gawin na naming boxing ring ang training room para sa kanilang dalawa. Ang sakit ng katawan ko dahil para na rin akong bumalik sa simula dahil sa dami ba naman ng bagong batch. Ang malas ko talaga. Mabuti nalang na kahit maingay ang karamihan sa kanila ay mabilis naman matuto.

Nakapikit at pansamantala kong ipinahinga ang katawan at tainga sa maingay na trainee kanina. Naidilat ko ang mata dala ng pakiramdam na parang may nakamasid sakin. "Bakit nandito kana naman?"

"Dahil sinungaling ka," aniya. Balik sa pagpikit at hindi pinansin ang taong nasa pinto. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Naramdaman ko nalang ang paglapit niya kasunod ay ang pag-upo sa tabi ko. Napaungol ako nang marahan niyang hilutin ang noo ko. "Pinapagod mo ba ang sarili mo?"

Panandalian akong nakaramdam ng ginhawa dahil sa ginagawa niyang paghagod sa noo ko. Nang makaramdam ng antok ay nagpasya na akong tumayo. "Saan ka pupunta?" Tanong ko sa nakasunod na si Engot. Sinulyapan niya ang pinto ng kwarto ko. Napatingin din ako sa dala niya. Bitbit na naman niya ang bag kanina. "Kasasabi ko lang na 'wag ka ng magpapaki--"

"I already told you that I don't care! I'll follow you anywhere you go and, I'll show myself to you every now and then. You can do nothing if I'll come here anytime I want. You're still married to--"

Napatigil siya sa tuloy-tuloy na pagsasalita at gulat na tumingin sa hawak ko. "Tatahimik ka o gagamitin ko 'to sayo," seryoso kong saad. Hindi siya nakaimik. Para mas makatotohanan ay itinutok ko ang baril sa mukha niya. "Labas."

Natinag siya at bakas ang kaba dahil sa kaseryosohan ko. Pagod ako para makipagtalo pa. Ang gusto ko ay magpahinga na.

"Mahal naman. 'Wag ka na--"

"Hindi ako nagbibiro." Kinasa ko ang baril at idinikit sa pinakasentro ng noo niya ang dulo. "Isa," bulong ko sa kanya. Lumapit ako at itinulak siya sa noo gamit ang baril. "Dalawa..…tat--"

Nginusuhan niya ako bago tumalikod at naglakad patungo sa pinto. Pagkalampas niya sa pinto ay ibinagsak ko rin pasara iyon sa mukha niya. Mula rito sa loob ay nakita kong gumalaw ang anino niya at biglang nawala.

Matigas rin talaga ang ulo ng Engot na 'to. Bakit hindi pa ako nasanay na kahit anong pagtataboy ang gawin ko sa kanya tulad dati ay bumabalik-balik parin siya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Sinasabi ng isip kong tama lang na alisin ko siya sa landas ko dahil magiging pabigat lang siya pero kinokontra naman ito ng systema ko.

Gusto ko siyang makita pero naiinis naman ako kapag naalala ang tungkol sa mga papeles na 'yon na pinirmahan niya. Na sa inis na nararamdaman ko ay parang gusto ko siyang ibaon sa lupa ng buhay.

Nagtatakang binuksan ko ang pinto. Hinintay ko lang naman na makaalis si Engot pero hindi ko pa naririnig ang ugong ng sasakyan niya.

"Pwede na ba akong pumasok?"

"Psx! Ano pa ang ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya na nasa gilid lang pala ng pinto at nakasalampak ng upo sa bag niya. "Umuwi kana."

"Ayoko nga! Kung ayaw mo akong papasukin, 'di sige, dito ako sa labas matutulog," determinado niyang turan. Napabuntong-hiningang napakamot ako sa ulo. Heto na naman kami. Paulit-ulit lang. Natatandaan kong ganito rin 'yong eksena kanina sa loob ng kotse ko. "Lagi mo nalang akong itinataboy."

"Bakit? Ako ba dati hindi mo tinaboy paalis sa condo mo?"

Natigilan siya at yumuko. Katahimikan ang sandaling namayani. Napanguso siyang nag-angat ng tingin sakin. "Sorry na," aniya at dahan-dahang hinawakan ang kamay ko.

"Kwits na tayo."

"Kaya ba nagsinungaling kang pumirma na rin sa annulment papers para gantihan ako?" Nagtatanong ang tingin na binibigay niya sakin. "May bisa parin ang kasal natin. Mag-asawa parin tayo kaya may karapatan parin akong matulog katabi mo."

"Wala na."

"B-Bakit?"

"Anumang oras ay pwede ko ng pirmahan 'yon. Ako lang naman ang hinintay ng Lola mo."

"Y-You're not going to sign it, right?"

"Pipirmahan ko 'yon."

"No, you're not. How about Zoorenz?"

"Sa Mommy mo."

"How about us?"

"Walang tayo."

"Meron tayo Zooey. Tayong tatlo. Ikaw, ako at si Zoorenz."

"Psx!" Umatras ako ng bahagya at akmang isasara na ang pinto pero mabilis niyang iniharang ang katawan para hindi matuloy sa pagsara.

Bumuka ang bibig niya na agad rin naman na itinikom na parang nagdadalawang-isip na isiwalat ang gustong sabihin. "Kung walang t-tayo.......t-then..." aniyang 'di matuloy sa sasabihin na pasulyap-sulyap lang ng tingin sakin. "I-I mean, kung....kung wala pang tayo t-then...... then, I'll court you." Napalunok niyang sabi at salubong ang kilay na tumingin sakin. "Yeah, that's it! I'm going to court you starting tommorow," aniya at tumango-tango pa.

"Lumalalim na ang gabi. Kung anu-ano ng pinagsasabi mo. Umuwi kana."

"No. Hindi ako uuwi. Maaatim ba ng konsensiya mo na hayaan ako rito sa labas."

"Oo naman. Ayaw mong umuwi?" Tanong ko at para naman siyang batang matigas na umiiling. "Bahala ka sa buhay mo. Balita pa naman dito ang paglalabas ng isang maligno sa gabi," seryosong sabi ko bago pinagsarhan siya ng pinto. Nakita ko naman na hindi siya natakot. Syempre sa laki ba naman niyang 'yon, maniniwala sa maligno.

"Shoo!" Inis kong saway sa dalawang pusa na nasa ibabaw ng mesa ko at parang nag-aaway pa. "Shoo!" Natakot naman ang dalawang pusa nang nilapitan ko at mabilis pa sa iglap sa pagkaripas ng takbo paalis.

Hindi pa man ako nakakalapit sa pinto para silipin si Engot ay may malakas ng kumalabog sa kabilang apartment---sa dating apartment ni Maring.

"M-Mahal...." Kasunod ay ang mahihinang katok sa pinto. "Zooey--holy sh*t!"

Biglang umaalingawngaw ang pagpapalitan ng matitinis na tunog ng dalawang hayop na parang nag-aaway o mas tamang sabihin na nagrarambulan.

Maya-maya ay narinig ko nalang ang ugong ng sasakyan ni Engot palayo. Pati ang matitinis na tunog na parang nagsasabong. Mahihirapan na naman ako sa pagtulog nito dahil na rin sa maiingay na hayop na 'yan.

"Letseng mga pusa 'yon, ang iingay!"

___________
:D hello

_Naeji

Continue Reading

You'll Also Like

171K 3.3K 63
Racing is for men. Pero nagbago ang lahat ng pumasok sa field na yon ang isang magandang babae at pinatunayan ang kakayahan nya. Her name is KEISHA L...
197K 1K 5
Second Generation. AZARIAH ZEUS DONOVAN story. "Werewolves are dangerous." 'Yun ang paniniwala ni Maxine tungkol sa mga lobo. At hindi na 'yun magbab...
14.6M 442K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
105K 3.2K 66
If your comfort zone was deprived from you, you'll have no choice but to accept things that is out of your control. Alyssa Yap's life was changed rig...