Chapter 25
Miguel's PoV
Umahon na kami at umupo ulit sa buhanginan. May hinagis si Mori sa akin at don ko lang napansin na tuwalya pala ito.
"Gamitin mo na yan, kalalaba ko lang niyan kahapon. Dinowny ko pa yan ha."
"Seriously?"
"Seriously?" Ginaya niya ako at kinunutan ng noo habang nagpipigil ng tawa. "H'wag ka ng mag-inarte yan ang nabunot ko sa baol kanina e."
"Pfftt. You want me to use this?" Binuklat ko sa harap niya ang tuwalyang nabunot niya daw sa baol.
Ngumiti siya. "Oh, ano namang masama kung gamitin mo yang favorite towel ko na si Hello Kitty? Hindi ka naman magmumukhang bakla diyan atsaka dadalawa lang tayo dito. Hellow!"
Napailing ako. All my life I hated pink stuffs. Hindi sa ayaw ko si Hello Kitty nagkataon lang talaga na may pagkapink siya.
Ipinunas ko nalang sa ulo ko ito at sa katawan ko. Sinuot ko ulit ang sando ko at ipinatong ang tuwalya sa may maliit na puno na nasa bandang likod namin.
"Matagal pa yata si Ninong. Kain na muna tayo."
Ngayon naman ay may inilabas si Mori na tupperware sa may bag niya at binuksan ito. I smile again to myself. She's a girlscout.
"Talagang nagbaon ka pa niyan ah." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Syempre naman. Girlscout yata 'to." Sagot niya. Inabot niya sa akin ang sandwich.
Habang kumakain kami ay may napansin ako. Kinuha ko nalang yung tuwalya at ipinantakip ito sa kanya.
Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tinitigan sa mga mata. "Alam ko sexy ka pero parang awa mo na wag kang magsusuot ng ganito kapag may ibang lalaki kang kasama ha." Bulong ko sa kanya.
Yumuko siya. "O-oo." Sagot nito. Ipinagpatuloy namin ang kumain at halos walang nagsasalita. Dapat 'di ko nalang sinabi yun. Feeling ko tuloy napahiya ko siya. Sexy siya kung sexy, kahit na 'yung bandang itaas niya ang exposed, hindi pa rin niya pwedeng hindi takpan ito dahil tulad nang sabi ko, lalaki pa rin ako at natetempt din minsan.
"Mori." / "Migs."
"Ikaw muna." Nagkasabay na naman kaming magsalita. Tumahimik nalang ako at sinenyasang mauna na siya.
"Nakamove on ka na ba sa kanya?" Natigilan ako sa tanong niya.
"Hindi mo naman kailangang sagutin kung ayaw mo. Tinatanong ko lang naman e."
"Sa tingin ko, nakamoved on na ko." Nakangiting sagot ko sa kanya at dinadama ko ang sinabi ko.
Simula nong sinabi ko yun kay Dexy na 'Im on the process of moving on ay tuluyan ko ng tinanggal sa puso ko si Jenny. Hindi katulad ng dati na palagi ko siyang iniisip, ngayon ay iba na. Parang wala nalang siya sa akin, ni hindi na rin ako apektado kapag naririnig ko ang pangalan niya tuwing babanggitin siya ni Gian. Masarap sa pakiramdam na hindi ko na nararamdaman 'yung sakit.
"E ikaw, move on na ba?" Balik na tanong ko kay Mori. Nakita ko ang kalahating ngiti sa labi niya.
"Matagal na akong nakamove-on, Boss Migs. Hindi ko lang matanggap sa sarili ko na move on na nga talaga ako, na kahit kelan hindi na magiging kami pero nagpapasalamat ako dahil meron kasing isang tao na nagpamove on ng tuluyan sa akin. Pinaramdam niya na hindi dapat ako sinasaktan, na hindi dapat iniiwan, na dapat ay inaalagaan ang isang tulad ko. Sa ginawa niyang 'yun, unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Siguro nga konting kembot nalang masasabi ko na sa kanyang gusto ko na siya e,"
Ahhh.
"Swerte naman niya."
Swerte ng Michael na 'yun. Kung ganon, gusto talaga nila ang isa't-isa. Sad life 'di ba? Wala na talaga akong pag-asa.
Bigte na ba?
No. I should be happy for her.
"Kaso hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman."
"Bakit naman?"
"Kasi komplikado pa ang lahat. Gusto ko kapag sinabi ko na sa kanya, handa na ako, buong-buo na ulit ako. Yung buo na rin ang desisyon ko at hindi ko iisipin ang sasabihin ng ibang tao dahil lang sa agwat namin sa isa't-isa. At gusto kong masiguro na talagang wala na siyang ibang mahal."
"Bakit naman?"
"Basta."
******
Malayo palang kami ni Mori ay nakikita ko na ang mukha ng pinsang kong nakabusangot at mukhang galit na galit.
"Where have you been, two??" Tanong nito. Masama ata gising nito kaya pati kami ni Mori nababalingan niya ng galit.
"I've been waiting for almost two hours tapos makikita ko lang kayo na pangiti ngiti diyan habang naglalakad!" Panenermon nito, hindi pa nakontento ay sinuntok niya ang braso ko at pinalo naman niya si Mori. "Kayo, kung may lakad kayo, magsabi kayo hindi yang nagsosolo kayo! Hindi lang kayo ang tao sa mundo. God! I badly wanted to have a break too." Sabay walk out niya. Nagkatinginan lang kami ni Mori at nagkibit balikat.
Tinotopak na naman ang pinsan ko. Sabagay, kailangan din kasi niya ng break ngayon dahil araw araw sila sa site. Nagleave siya para makapagbakasyon at hindi magtrabaho. Hehe.
" Boss Migs, uwi muna ko ha." Pagpapaalam ni Mori.
"Ingat."
"Kita kits nalang mamaya." Pag-alis niya ay dumeretso na rin ako sa kwarto ko at naligo. Umidlip din ako saglit at nang hindi ko na makuha ang tulog ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at naningkit ang mga mata ko dahil nasalubong ko lang naman ang kinaiinisan kong tao sa mundo. Sino pa nga ba? Edi si Michael.
"Hi Boss." Cool na bati nito sa akin. Tinanguan ko lang siya at dumeretso ng maglakad. 'Di pa nakontento ay sinundan pa pala ako ng mokong.
"Kumusta Boss?"
"Am fine." Walang ganang sagot ko at pinindot ang button going to ground floor.
"Seriously? Ang cold mo Boss Miguel. May galit ka ba sa akin?" seryosong tanong nito. Tinignan ko siya ng walang expression sa mukha ko.
He's so annoying!
"I don't feel like talking to you kaya mas magandang 'wag mo na kong kausapin."
"Am I annoying?" Tanong nito at nakita ko ang ngisi sa labi niya. "Or a threat?"
Saktong bumukas ang elevator at nandito na kami sa ground floor. I was about to ask if what is he trying to say nang unahan na niya akong maglakad palabas ng resort. And now what? He's a total jerk!
Sinundan ko lang ng tingin si Michael habang papaalis ng masalubong niya ang babaeng kasama ko lang kanina. I made a ball on my fist as I saw him hugging Mori and kiss her on her cheek. He has the guts to do it in public! Damn him!
Dahil sa inis ko ay hindi ko namamalayang nakalapit na pala sa akin si Mori. And God! Her smile makes me ugh... Fall even more for her.
Yes, now I admit it. The last time I only like her but now is different. I'm falling for her but I need to keep it to myself until my feelings will be gone itself. Why? Because we're not meant to be. Panigurado ako na may gusto rin siya sa Michael na yan. I can feel it.
"Boss?"
"Ah. Yes. Tara na."
Pumunta kami sa site upang tignan ang mga ginagawa nila. Maaga pa at nagsisidatingan na ang mga gumagawa dito. Magdadalawang linggo palang sila pero ang dami na agad pagbabago dito. Siguro talagang mabilis lang silang gumawa dahil sa mga Engineer at architect na kasama nila.
"Slide ba 'yun Boss?"
"Oo."
"Wow! Gusto kong matry yan." Parang nagningning ang mga niya sa nakita niyang slide. Tumango nalang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Mukhang wala pa sina Gian at Dexy.
"Nasan sila?" Tanong ni Mori at maging ako ay ganon din ang tanong ko sa sarili ko. Inilabas ko ang cellphone ko para tawagan sila. Si Dexy ay patuloy lang sa pagriring ang phone samantalang si Gian naman ay sinagot niya sa pangatlong ring nito.
"Where are you?" Tanong ko.
"I just got here in the site. Bakit?"
"We're inside. Kasama ko si Mori."
"Ok. Usap muna kayo diyan. May asikasuhin lang ako."
Pinatayan na niya ako. Napatingin ako kay Mori, nakatitig pala siya sa akin. "Why?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya saka naglakad papunta sa may bintana ng bahay at dumungaw doon.
Sinundan ko siya at nakidungaw na din ako. Pumikit siya at tila dinaramdam ang simoy ng hangin.
"Bakit mo nasabing komplikado pa ang lahat?" Tinutukoy ko ang sinabi niya kanina sa isla. Hindi naman sa tsismoso ako pero nacurious lang ako.
"Di ka nakinig sa sinabi ko," panimula nito at pinaningkitan ako ng mata. "Di ba sabi ko gusto ko kapag sinabi ko na sa kanya ay buo na ako! Feeling ko kasi may kulang pa na kailangan kong mapatunayan sa sarili ko at mabubuo lang ako kapag natapos ko na 'yun."
"Education?"
Unti-unti siyang tumango. I knew it. Pumikit ako ng mariin at pinag-isipang mabuti. Bahala na si batman!
Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya at ipinaharap ko siya sa akin.
"Mag-aral ka Mori," nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "Sumama ka na kina Apple pag-alis nila ni Dexy. Mag-aral ka na tutal ok na ako dito sa resort at nandito naman si Kris na pwede kong gawing secretary ko. Pumayag ka na!"
"P-pero Boss..." Nauutal na sabi nito. Pinigilan ko siyang magsalita gamit ang daliri ko na ipinatong ko sa malambot niyang labi. "No but's, Mori. Buo na ang desisyon ko sa ayaw o gusto mo. Mag-aaral ka na din."
Ngayon ay may namumuong luha na sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Alam ko namang gusto rin niyang makapag-aral hindi lang niya sinasabi dahil may kontrata pa siya sa akin. Pero walang silbi sa akin ang kontrata kung ito naman ang nagpipigil sa kanya upang makapag-aral siya sa kolehiyo. Magaling si Mori, matalino, that's why I'm sending her to study and finish her course.
'Yun lang ang magagawa ko sa ngayon para matupad niya ang pangarap niya.
"Pero Migs, paano ka?"
"Don't worry. Like I've said nandiyan naman si Kris, kasama ko."
Sumimangot siya na parang bata. "Ayaw mo na ba ako dito?"
"Gusto. Pero sa ngayon gusto kong makapag-aral ka muna. Anytime naman pwede kang bumalik dito e."
"Sure ka na ba? Baka mamaya tinatawagan mo ko para lang kunin yung ganito, iprint mo yung ganyan, magxerox ka ng marami nito, itype mo 'to, puntahan mo si ganito, sabihin mo kay ganyan na pumunta dito."
Hindi ko mapigilan ang hindi tumawa sa mga sinasabi niya. She's good in remembering what I've been saying the whole time.
"Pfft. Sure na ko Mori. Ayoko ng madelay ka pa sa pag-aaral mo," Ngumiti ako sa kanya at masayang pinagmasdan ang mukha niyang namumula. "Sige ka, kapag hindi ka pumayag ako ang aalis." Pagbibiro ko.
"Haha. As if naman ako ang mamahala dito sa resort niyo. Anong alam ko dito?" Ginulo ko nalang ang buhok niya sa sinagot niya.
Wala siyang pinagkaiba sa KANYA. Parehas na parehas sila. Kaya siguro komportable ako na kasama siya.
"Tss."
Napalingon kami sa taong kadadating lang.
"Nakakainis na ah. Kanina ko pa kayo nahuhuling tumatawa. Pinag-uusapan niyo ba ko?"
Nagkatinginan kami ni Mori sa inasta ni Dexy. She's paranoid. Haha.
"Hi baby!" Maharot na bati ni Gian sa kanya saka ito hinalikan hindi lang smack. Tila nakalimutan nilang may iba pang tao dito.
'Shit' pagmumura ko ng maalala kong may bata nga pala kaming kasama kaya mabilis kong tinakpan ang mga mata niya.
"Boss live!" Bulong nito. Tinignan ko ng masama ang dalawa na kasalukuyang naghahalikan pa rin.
"Hey! Stop it! Pinopollute niyo mata nitong bata e." Panenermon ko. Tinapik ni Mori ang kamay ko saka ako tinignan ng masama.
"Bata ka diyan!" Nakasimangot na sabi niya. Huminto naman ang dalawa sa ginagawa nila at ngumiti sa akin kaya tinanggal ko na ang kamay kong nakatakip sa mata ni Mori.
"Mori." Awkward na bati ni Gian kaya napailing ako at umupo sa two seaters na upuan na gawa sa kahoy. We're in living room.
Si Mori ay umupo sa one seater at ang dalawa ay sa tapat ko.
"Ano nga palang ginagawa niyo dito?" Tanong ni Dexy na parang walang nangyari. Balik na naman siya sa pagtataray niya.
"Tinitignan kung ano na natapos nila." Sagot ko.
"Nga pala Dexy," singit ni Mori. Ngumiti ito sa akin at tinanguan ko siya. "Mag-aaral na din ako." Excited na sabi ni Mori.
Nanlaki ang mata ni Dexy at tinignan ako. "Seriously?" Di makapaniwalang tanong nito. Tumango ako.
"Yes. Pinayagan ko na siya since---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang maghiyawan ang dalawa sa sobrang saya.
"Kyaaah!" Tili ng dalawa. Nagyakapan pa sila at halos magsayaw sa sobrang saya.
Looking at her, giggling and smiling makes me feel proud dahil napasaya ko siya.
Napasaya ko ang babaeng muling bumuhay sa puso kong matagal nang namatay.