************
~CHAPTER 4~ (The Thugs)
Hello! muling nagbabalik! Hahaha Okay, ano ba ngayon? November 7! Sabado! MAY PASOK. -________- Pisti.
Pero dahil uwian na ngayon... its time to party! hahaha.
Ako lang mag-isa uuwi. Naglalakad lang ako eh. Ung kasabay ko kasi lagi na si ZINC! eh magdodota daw!
Oo, magkasabay na kami lagi. Siya nagrequest nun eh. -/////-
Ang nakakainis lang ngayon! Mas inuna niya pa yung Dota kaysa sa akin! Pano pag naaksidente ako? Pano kung anong mangyari sa akin?
Sino na lang magproprotekta sa akin? Madalas pa naman akong nahaharang at napagtritripan ngayon ng mga schoolmates kong Goons. Ngayon lang ah. Mga last week lang nagsimula. Nakakatakot. Kung hindi dahil kay ZINC, malamang patay na ako ngayon.
Oo, mga nakakapatay ng tao ung mga Goons sa school namin. Sila ung tipo ng mga estudyante na hinding hindi mo dapat banggain.
Hindi ko nga alam kung anong naging atraso ko sa kanila eh.
Buti na lang nandyan si Zinc. Malaki ang utang na loob ko sa kanya sa totoo lang. Twing napapahamak ako, siya lagi tagapagligtas ko. Kawawa nga siya eh. Laging bugbog. Ang dami niya ba namang kalaban eh.
Pero at least, napapatakbo niya sila. Nakakaguilty nga eh. Parang nadamay pa siya sa kung anumang nagawa ko.
Pag ginagamot ko ung mga sugat niya, habang tinitignan ko siya, parang naiiyak ako. Masakit sa puso. Parang nararamdaman ko kung gano kasakit at nakakapanghina ung mga pasa at mga bugbog at mga suntok na nasalo niya.
Ganun siguro talaga pag mahal mo ang isang tao, ayaw mo siyang makitang nasasaktan, kasi masakit rin sayo.
Huh? Ano daw sabi ko? O__________O Gulp
Erase erase erase. Ano bang pinagsasabi ko?
Aaargh! Siguro... siguro... aah NAAAWA lang ako! Oo tama! Epekto lang to ng sobrang guilty at awa.
Hindi ko siya... hindi ko siya.... aaargh! I can't even say the word!
Basta kaibigan ko lang siya at savior ko lang siya. No more. No less. Hanggang dun lang. Kung ano man tong nararamdaman ko, awa lang to.
Simapal, sampal ko pa ang sarili para mahimasmasan.
*slap*
"Naaawa ka lang"
*slap*
"Naaawa ka lang"
Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Maya maya...
Nakaramdam na naman ako ng sumusunod sa akin.. O_____O
Di pwede! Wala dito si Zinc!
*panic*
*panic*
Unti-unti kong binilisan ang paglalakad. Mas nilakihan ko ang bawat steps ng paa ko.
Hindi rin nagtagal, naramdaman kong binilisan din nila ang paglalakad.
This time, agad-agad na akong tumakbo ng mabilis. Wala ng paliguy ligoy pa.
Kailangan kumilos na ako agad. Walang magtatanggol sa akin ngayon kaya kailagan kong proteksyunan ang sarili ko.
Naririnig kong tumatakbo na rin sila
Habang tumatakbo, sumisigaw ako, humihingi ng tulong...
"Tulong! Tulong! Please tulungan niyo ako!"
Wala. Walang tao. Walang nakakarinig sa akin.
Ang tagal ko ng tumatakbo, pero bakit wala pa ring nakakarinig sa akin. Parang ngayon, biglang ang layo nilang lahat sa akin.
Nagsimula ng mabasa yung pisngi ko. Umiiyak na pala ako.
Ung kaba, yung takot, yung pagod naghalo-halo na. Nanglalambot na yung tuhod ko. Anytime bibigay na ako.
Gusto kong tawagin parents ko, gusto kong humingi sa kanila ng tulong, pero anong magagawa ko? Wala man lang sila sa tabi ko para alagaan ako. Puro trabaho lang inaasikaso nila.
Hindi ako sumusuko sa pagtakbo. Hanggang sa....
"Hah! Huli ka!"
Biglang may humigit ng braso ko nang sobrang higpit.
Nahuli nila ako.
"Sino ba kayo?!
Tanong ko sa kanila saka nagdatingan lahat ng kasamahan nila at saka ako pinalibutan.
"Grabe, pinahirapan mo pa kami."
Sabi ng isa sa kanila na pagod na pagod. Nakakatakot sila.
Mukha talaga silang kriminal.
Lord, please tulungan niyo ako.
"Ano ba talagang kailangan niyo sa akin?!"
Tanong ko habang nagpipiglas sa hawak ng panget na to.
"Wag kang malikot!"
Sabat sa akin ng panget na may hawak sa akin.
Natahimik ako bigla ng tutukan niya na ng something na matulis ung tagiliran ko.
Nararamdaman ko na sa balat ko ung tusok nito.
Lord, please tulungan niyo na ako.
Mas lalong nadoble ang kaba ko at takot ko. Hindi ko sila kayang labanan. Napakahina ko.
Hindi ako nagsalita uli at hindi rin gumawa ng kahit isang kilos dahil natatakot ako sa lahat ng pwede nilang gawin sa akin at pwedeng mangyari.
"Hindi ikaw ang kailangan namin, Si Zinc! Wag kang assuming hahahaha"
Biglaang sagot ng pinakaleader nila sa tingin ko.
At nagtawanan sila.
Pero kahit gano pa sila magpatawa sa ganitong sitwasyon hindi pa rin maalis sa akin ang takot lalo na at nalaman kong hindi ako ang kailangan nila kung hindi si Zinc.
"Gagamitin ka lang namin Miss. Hindi kami sayo interesado kung hindi kay Zinc."
Hindi na ako nagtangkang magtanong pa, dahil hindi na ko halos makapagsalita sa sobrang takot....
Lord kayo na po ang bahala sa amin ni Zinc.
Pagkatapos nun, biglang tinignan ng leader nila ang relo niya .......
At may napansin akong hindi tama......
May tatoo ang braso niya, isang hugis kidlat at may letter T na nakasulat...
Inipon ko ang lahat ng tapang ko sa maikling sandali at pasimple kong tinignan ang lahat ng braso nila....
Lahat sila may ganong marka..
Marka ng..... THUGS
Isang sikat na fraternity sa school.
Sila ung frat na usap usapan sa school at ang pinakasikat yata dahil sa dami ng kanilang na-agrabyado.
O____O
Sana hindi ko na lang napansin, mas lalo lang nadagdagan ang kaba ko at takot sa mga pangyayari.
Ni minsan hindi ko ginustong maencounter o makasalubong man ang grupong ito, pero ngayon, sa isang iglap lang nandito na ako. Nasayang lahat ng pag-iingat ko.
"Oras na"
Sabi ng leader nila at biglang tumango sa may hawak sa akin na kasamahan nila.
Maya-maya tinakpan na nila ang bibig at ilong ko ng panyo....
"Zinc...."
Huling tawag ko sa kanya......
*black-out*
*********
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko nang maalimpungatan dahil sa isang masamang panaginip. Ramdam ko ang sakit sa ulo ko na parang mabibiyak. Ang aking paningin ay hindi rin masyadong malinaw.
Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere na ang tanging gumagana lang sa aking katawan ay ang pandinig at bahagyang paningin. Tila hinahanap ko pa ang aking sarili nang may maaninag akong isang lalaki at nagsalita siya sa mahinang boses na parang may kausap....
"Yun lang at yun ang pinag-usapan. Kung hindi ka papayag hindi namin siya ibabalik sayo."
"Napakasimple lang di ba? Kung hindi mo kayang gawin, alam mo na ang mangyayari sa kanya."
Tanging yun lang ang narinig ko at pagkatapos nun ay unti unti ulit akong nakaramdam ng sakit ng ulo at pandidilim ng paningin.....
*************