The Good Boy's Secret

By wpfkakp

22.2K 2.4K 1.3K

-- He's just, so contradicting. The way he acted yesterday is so different from the way he acts today and wil... More

The Good Boy's Secret
an introduction
TGBS I | Seatmate
TGBS II | His name
TGBS III | Encounter
TGBS IV | Note
TGBS V | Tripped
TGBS VI | Dinner
TGBS VII | Invitation
TGBS VIII | Trapped
TGBS IX | Twins
TGBS X | Numbers
TGBS XI | Blood
TGBS XII | part 1
TGBS XII | part 2
TGBS XIII | Pen
TGBS XV | Dead serious
TGBS XVI | Blank
TGBS XVII | Trust Him
TGBS XVIII | Jail
TGBS XIX | Leave Him
TGBS XX | Goodluck
TGBS XXI | Captured
TGBS | Finale
BOOK II | A Man's Downfall
Downfall I | Note

TGBS XIV | Joke

491 42 18
By wpfkakp

A/N: Hi! This chapter is dedicated to my lovable readers, as promised: @arvhiepamintuan @KylaMaureenDucusin @LivingHell143 @RoshMejia @ItsMeGalaxy

Thank you so much po talaga sa pagsuporta ninyo! :) 

Thalia's POV

Lutang ako nang makarating ako sa bahay. Tinanong ako nina Kuya kung saan ako nanggaling pero ni hindi ko sila pinansin. Hindi ko na rin napansin sina Papa na kararating lamang galing trabaho. Ngayon pala sila umuwi.

Dumiretso agad ako sa banyo sa loob ng kwarto ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang gagawin. Ano ba talaga ang nangyari kanina? At bakit niya ginawa 'yung bagay na 'yon?

There's this feeling na parang nakikipag-race ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. And my tummy's feeling weird. Is this what they call butterflies in stomach? But why?

"What's this? Why am I reacting like this?"

I washed my face and lay on my bed. I tried to sleep but I can't. Ilang beses na rin akong nagpagulong-gulong sa kama ko at nagpapalit-palit ng pwesto pero hindi talaga ako dalawin ng antok.

"This is making me insane."

Few hours have passed already and it's almost midnight but I'm still awake.

And then, I ended up going out of my room and directly went to the kitchen. Pagkarating ko ay bumungad sa akin ang nagtatawanang kambal kasama sina Kuya, Mama at Papa.

I forgot. Hindi ko nga pala sila nabati kanina. But why are they laughing like there's no tomorrow in the midst of the night?

"Uhm.. Welcome back po Ma, Pa. I'm sorry for not greeting you earlier. It's just that my head's filled up of some things," I said pero tinawanan lamang nila ako.

"Why are you being so defensive? Ok lang naman anak na sabihan mo kami ng welcome back. Kahit wala nang paliwanag kung bakit hindi mo kami nabati kanina," nakangiting sagot sa akin ni Mama.

"I'm not being defensive, Ma. I just wanted you not to misunderstand," pagpapaliwanag ko.

"Well then, what are those 'some things' that you didn't bother greeting us earlier?" This time, si Papa naman ang nakangiting nagtanong sa akin.

If my guts are right, they're cornering me. Ginigisa nila ako. My parents know me so well.

"Ah! Change topic. Hehe. Ano po bang pinagtatawanan ninyo? It's almost midnight. Ang saya-saya n'yo kanina nang madatnan ko kayo," pag-iiba ko ng topic.

"May ginawa bang hindi kanais-nais si Marcus sa'yo?" walang ano-anong tanong ni Kuya sakin habang patuloy siya sa pagkain ng hawak niyang cheezy. Pero makikita mo ang pang-aasar sa mukha niya.

My eyes widened. Hindi ko agad nagawa ang magsalita. He knew? Omg. How?

"Eto follow up question. Ano ang ginawa ni Marcus sa'yo para ganyan ang maging reaksyon mo sa tanong ng kuya mo?" nakangising tanong naman ni Neith.

"Pinagtutulungan n'yo ba ako?" pagtataray ko. Kunwari ay wala akong alam sa sinasabi nila. "Oh I know this. But sorry. You're teasing me for nothing," dagdag ko.

"You haven't answer their question Thalia," pagsali naman ni Papa.

"Come on sweetie. Hindi kami magagalit ng Papa mo. Oh my gosh. Naalala ko tuloy noong kabataan pa namin," ngiting-ngiting sabi sakin ni Mama na parang nagre-reminisce pa sa nakaraan nila ni Papa.

They're unbelievable. They might be serious most of the times especially when it comes to business, but my parents also have this childish personality.

"Uy aamin na yan," panggagatong naman ni Nhial.

Idagdag pa ang dalawang kambal na narito ngayon sa bahay namin.

"Wala. Wala akong dapat aminin dahil wala naman talaga," pagmamatigas ko. Naglakad ako palapit sa ref at kumuha na lang ng isang bote ng gatas.

"Ay naku. 'Yang anak mo, nahiya pa satin. Tayo-tayo lang naman ang narito," kunwaring nagtatampo si Mama.

"Ma, wala po talaga."

"Then, what's the meaning of this picture?" tanong ni Papa na nakangisi? Sabay harap sakin ng phone ni Neith if I'm not mistaken.

And my jaw totally dropped. Agad kong hinanggit sa kamay ni Papa ang phone at agad din akong kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko.

And it feels like all my blood went to my face.

The picture was taken when Marcus kissed his hand covering my mouth earlier. Yeah. He didn't kissed me directly but it feels like I was kissed. Weird right?

I was ranting that time because he said that that would be the last time that we'll see each other. But I was shocked when he cut me by covering up my mouth.

And the next thing I knew, he's kissing the back of his hand, covering my mouth.

"Masyado ka nang umiingay. Kalimutan mo na lang lahat ng nangyari ngayon. Hindi ko pa masasagot lahat ng mga tanong mo. Sa ngayon, huwag ka na munang mag-isip ng kung anu-ano. Ok na, na nalaman mong ako si Xavier. Pero ako pa rin naman si Marcus, ok? Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na hindi na tayo ulit magkikita. Mukhang hindi ko rin kasi kaya," natatawang sagot niya.

"Umuwi ka na, maggagabi na. See you tomorrow Thalia," nakangiting sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

Tumalikod na siya at naglakad palayo. Para akong tuod na naiwang nakatulala at pinagmasdan  na lamang ang unti-unti niyang paglayo.

---

I woke up with headache. Maybe because I slept for only 3 hours. Bigla naman akong nakarinig ng ingay mula sa baba. So I fix myself and went out of my room as soon as I'm done.

My eyes widened again.

Five guys are chatting and having a good time in our living room.

Then my mom came out of the kitchen with a tray of cookies.

"Oh, you're awake already. Your breakfast is ready. Kumain ka muna bago kayo umalis papuntang school," nakangiting sabi ni Mama sakin. And that made the five guys know my presence.

Napalingon tuloy ako sa kanila, I mean, sa kanya. Binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti.

What is he doing here?!

"Thalia! Mauna na ako sa'yo. Sabay na lang kayong dalawa ha," pagpapaalam ni Kuya. Tumingin muna siya sakin tsaka siya lumingon sa lalaking katabi niya.

Wait. What?!

"Tek-"

Bago pa ako makatanggi ay kumaripas na agad siya ng takbo. He didn't even bother saying bye to our parents para lamang iwanan ako.

"Tito, tita, mauna na rin po kami. May kailangan lang pong puntahan," nakangiting pagpapaalam ni Nhial kina Mama.

"Wait for us. Sabay-sabay na tayong umalis," sabi naman ni Papa.

And why are they leaving me behind with him?

"Una na kami anak," sabi ni Mama at naglakad na sila ni Papa palabas ng bahay.

"Wait! Sasabay na po ako. Sa school na lang ako kakain ng agahan," sabi ko bago sila tuluyang makalabas.

Napalingon naman sila sakin ni Papa.

"No. You'll eat the breakfast I cooked sweetie. Don't worry, kasabay mo pa naman si Marcus pagpasok sa school," nakangiting sabi ni Mama at tuluyan na nga silang lumabas.

"Thalia! Kinuha ko na nga pala ang phone ko sa kwarto mo kanina. Bigla mo kasing hinanggit kagabi e. Bye!" sigaw ni Neith mula sa labas. Pakiramdam ko ay biglang namula ang mukha ko dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

"Bakit bigla kang namula? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Marcus na nakatayo na sa tabi ko ngayon.

At kami na nga lang ni Marcus ang naiwan dito sa bahay.

"Kain ka na ng agahan. Hintayin na kita para sabay na tayo pumasok," nakangiting sabi niya. Pero hindi ko siya nilingon at agad akong naglakad papunta sa kusina.

"Mauna ka na. Matagal ako kumain. Baka ma-late ka pa nang dahil sakin," sabi ko habang naglalakad nang hindi pa rin siya nililingon.

I can't believe this. Ibinubugaw ba ako ng mismong mga magulang ko sa kanya? At mukhang sinadya talaga nila na iwan ako kasama ang isang ito.

"Tsk," narinig ko mula sa kanya nang biglang may humila sa braso ko.

Magkaharap na kami ngayon pero hindi ko siya magawang tingnan sa mukha kaya sa side lamang ako nakatingin.

"What?" naiinis na tanong ko.

*poke

"Yah! Bakit mo ako pinitik sa noo?! Masakit ha!" sigaw ko habang masama ang tingin sa kanya.

"Silly. If you're avoiding me because of what happened yesterday, well I'm telling you now, stop it already or else-"

"Or else what ha?!" nagmamatapang na tanong ko. Inilapit niya ang mukha niya sa tabi ng tainga ko at tsaka siya bumulong.

"I'll kiss you for real," hindi ko agad nagawa ang kumibo. Nang magsasalita na sana ako ay inunahan na niya ako. "Don't worry, I'm just kidding. We're too young for that kind of ..stuffs. And besides, I respect you Thalia. Kaya, lakad na. Kumain ka na ng agahan at nang maaga pa tayong makarating sa school. Sa ayaw at sa gusto mo, sabay na tayong papasok simula ngayon," sabi niya habang itinutulak ako papunta sa dining area.

---

Here I am. Sakay ako sa kotse ni Marcus slash Xavier. Oo, may dala siyang sasakyan. At ibang-iba ang hitsura niya ngayon. Wala siyang salamin na suot, nakataas ang buhok, at medyo iba ang aura.

A different person from before.

"Stop staring. I know I'm handsome," pang-aasar niya.

"Psh. Ang kapal mo pa rin talaga. But, what's that?"

"Anong what's that ang sinasabi mo?"

"Your looks are different from before. Not the nerdy type," sabi ko habang tatango-tango pa. "Dahil ba nalaman ko na, na ikaw si Xavier? Anong drama 'yan? Total makeover? So ngayon ,ok na sa'yo na makilala ka nila as Xavier?" tanong ko.

Pero sa halip na sagutin niya ako ay tinawanan niya lamang ako. Ano namang nakakatawa sa tanong ko?

Pagkatapos noon ay wala na ni isa ang umimik sa amin hanggang sa makarating na nga kami sa school.

At nang bumaba kami pareho sa sasakyan niya at naglakad papunta sa classroom, halos lahat ata ng makasalubong namin ay pinagtitinginan kami. Or should I say, pinagtitinginan si Marcus.

Kesyo, ang gwapo daw niya. Kung bagong transfer ba daw siya, ano daw pangalan niya, mga ganyan ang narinig kong bulungan ng mga estudyante lalo na ng mga babae.

Tsk. Palibhasa kasi, nasanay sila na nerd ang hitsura ni Marcus. Pero kahit naman nerd ang ayos niya noon, hindi mo pa rin maikakailang mahitsura siya. Eh paano na nga ba ngayong ayos na ayos siya at parang may importanteng lakad?

Nang makarating kami sa tapat ng classroom ay nagulat ako nang hindi siya sumabay sakin sa pagpasok sa loob. Nilingon ko siya at tinanong.

"Hindi ka pa papasok?"

Sasagot na sana siya nang makita siya nina Yvette.

"Oh my gosh! Marcus is that you?!" sigaw ng pinsan ko na nakakuha ng atensyon ng iba pa naming kaklase na busy sa kaniya-kaniya nilang ginagawa sa loob ng room.

"Yeah," tipid na sagot niya. Pumasok naman siya sa loob ng room at pumunta sa kinatatayuan ko saka siya bumulong. Ni hindi niya pinansin ang ibang reaksyon ng mga kaklase namin.

"Well, to answer your question earlier. I didn't change just because you found out about my secret, sorry to disappoint you. And I'm not planning to let anyone know that I'm Xavier. Mas masaya kung sa birthday ko na lang nila malalaman. Tutal invited naman ang lahat. Now let me ask you, why didn't you join the pageant? I joined 'cause I thought that you're the one to represent your program. Tsk," he said.

He joined because of me? Is he serious?

"Oh Thalia, I'm dead serious," he added. Pagkatapos ay naglakad na siya palapit sa pinto.

So, ibig sabihin may practice sila kaya siya nakaayos? Kaya wala siyang salamin at nakataas ang kanyang buhok?

Bago siya tuluyang lumabas ay sumigaw pa siya na naging dahilan ng lalong pag-iingay ng mga kaklase namin.

"Sabay tayong uuwi mamaya! Hintayin mo ako," pahayag niya at tuluyan na siyang lumabas ng room.

At hindi iyon tonong request. That sounds like a command I guess.

At heto nga ang mga kaklase kong hindi ako tinantanan sa pagtatanong lalo na sina Yvette at Naomi.

"So, what's the score between the two of you couz?" pangunguna ni Yvette.

Kagabi pa akong ginigisa at inaasar sa bahay, pati ba naman dito sa school ay hindi ako tatantanan ng mga tanong na ganyan?

Sigh. Mahabang paliwanagan ito.

---

Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan at malaman kung kailan at paano nagsimula ang pang-aasar sa akin ng mga kaklase ko kay Marcus, lalo na nga sina Yvette.

Kesyo, matagal na daw talaga nilang napapansin na close kami ni Marcus.

"In fairness couz, ang gwapo ni Marcus," sabi ni Yvette.

This may sound weird pero kanina pa akong naiinis kapag may ibang tao na nagsasabing ang gwapo niya.

"What's with that look?" tanong ni Naomi.

"Ha?"

"You look bothered. Wait, let me rephrase it," ilang segundo siyang nag-pause na parang iniisip niya kung ano ba ang tamang word na gamitin. "Your pissed. You look jealous," dagdag niya sabay kagat sa hawak niyang burger.

"Anong pinagsasabi mo? Bakit naman ako magseselos at kanino aber? Naku, Naomi. Tigilan niyo ako ha. Akala mo hindi ko alam ang relasyon n'yo ni Kuy-"

"What are you talking about?"

"Yie. Nahiya ka pa. Kailan pa ba talaga kayo nagkakilala ni Kuya?"

"Wow. Ikaw na talaga couz. Ang champion sa pagbabago ng topic," sabi ni Yvette. "Pero alam mo, bagay nga talaga kayo ni Marcus," dagdag niya.

Come on. Kailan ba sila titigil sa pang-aasar sakin?

Magsasalita na sana ako nang magsidatingan sa canteen ang mga varsity ng basketball. Syempre kasama sina Kuya Lhiam at Nicholai. Si Marcus ay wala. Mukhang may praktis pa rin sila. Kasabay ng pagdating nila ay ang pagtayo ng dalawa kong kasama na tila aalis na.

"Uy, saan kayo pupunta?" tanong ko.

"Aalis na," walang ganang sagot ni Yvette.

"May masamang hangin," sagot naman ni Naomi.

I knew it. Pay time.

"Wait. Maupo na muna kayo. Hindi pa ako tapos kumain," pang-aasar ko.

"Porke wala si Marcus," seryosong sabi ni Yvette na nagpatayo sakin sa upuan ko.

"Sige tara na nga," walang anu-anong sabi ko. What? I don't want to have a war with her. She's scary whenever she's serious.

Nakasalubong namin sina Kuya. And the atmosphere was heavy! I'm telling you. Nag-peace sign na lamang ako kina Kuya dahil hindi ko nagawang batiin sila.

"Nga pala, alam n'yo na ba na Maxuell University ang makakalaban ng school natin next week?" pagsisimula ni Naomi habang naglalakad kami.

Maxuell? Sa pagkakatanda ko, doon pumapasok si Matthew.

"Yeah. Dadayo daw sila dito," sagot naman ni Yvette.

"Uh-huh. At mukhang magiging masaya ang mga laro lalo na sa team sports," excited na sabi ni Naomi. "Oh, nga pala. Napanood n'yo ba ang balita kagabi?" dagdag pa niya.

"Hindi. Bakit? Anong meron sa balita?" tanong ni Yvette.

"Naalala ko kasi na masyadong curios si Thalia kay Xhalix. Ibinalita kagabi na nahuli na ang totoong pumatay sa Canadian national. Ang sabi, na-frame up lamang daw si Xhalix. And guess what? Si Xhalix din mismo ang nakapaglinis ng pangalan niya," manghang-manghang pahayag ni Naomi.

Speaking of Xhalix. Ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan niya. I almost forgot him because of Marcus. Now I wonder if he's doing fine.

"Then, that's good for him," sabi ko.

"Bakit parang biglang nawalan ka na ng interes kay Xhalix? Parang noong nakaraang araw lang ay tanong ka ng tanong tungkol sa kanya," sabi ni Yvette.

Yeah. I know.

May mga bagay lang talaga na kahit gaano mo kagustong malaman, kung ayaw naman ipaalam sa'yo, mapapagod ka lang kahihintay at kapipilit. Sa huli, mawawalan ka na ng interes lalo na't may ibang pa bagay na gumugulo sa isip mo.

"Thalia! May nagpapabigay sa'yo," sabi ni Cian na mahahalata mong hingal na hingal dahil sa pagtakbo. Iniabot niya sakin ang isang maliit na envelope.

"Kanino galing?"

"Hindi ko nakilala. Naka suot kasi ng mask. Napadaan lang ako sa gate dahil nagmamadali akong ihabol ang requirements ko, nang may lalaking naka cap na itim ang tumawag sakin at ipinapaabot 'yan. Sige, mauna na ako," pagpapaliwanag niya sabay takbo palayo.

Bigla akong kinabahan. Lalaking naka suot ng mask at naka cap? Is it possible that the one his talking about is Xhalix?

"Buksan mo couz. Baka importante. Kanino ba galing?" tanong ni Yvette. Pero sa halip na sagutin ko siya ay nagpaalam agad ako sa kanila ni Naomi.

"Mauna na kayo sakin. May titingnan lamang ako madali," sabi ko sabay takbo.

What a great timing. Bakit bigla na naman siyang nagparamdam?

Kung kailan nakakalimutan ko na siya at nagagawa ko na ang gusto niyang mangyari na huwag na akong makialam, bigla na naman siyang susulpot.

I was panting when I arrived at the main gate of the University. From my position, I saw a guy standing near the post with a black cap. Pero likod niya lang ang nakikita ko dahil nakatalikod siya sakin. Naglakad muna ako palapit sa kanya and then I took a deep breath before I called his name.

"Xhalix."

And the guy turned around.

"Your kidding. Your just kidding. This is a joke, right?"

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
367K 11.1K 53
Sky Crawford a childish girl and the only heir of the Black Sapphire and the only daughter of Mr. Algernon Crawford Blake Watson also called as Drave...
1.7M 73.5K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
139K 8.3K 8
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...