"Tristan, Tyler."
Tinignan lang nila ako at tumango.
"Kayong dalawa lang ang nakaka-alam ng sakit ko, at sana please lang. Wag na wag niyong ipapa-alam kay Kei ha? Kahit kay Azumi, Tristan. Wag mong ipagsasabi."
Tumango lang siya at yumuko.
Pero makalipas ang ilang buwan mas lumalala ang paglabo ng mga mata ko.
------
"BLAKE!" Biglang may sumigaw mula sa likod ko habang nakaupo ako sa park kung saan ako nagpropose sakaniya.
Hindi ko man siya makita, pero kilala ko na.
"Siya na ba?" Tanong ko sa aso ko at tumahol naman ito.
Oo, natuluyan na ang mata ko at hindi ko na rin siya makita. Nabulag ako nung makalipas ang anim na buwan.
"K-keiarah?" Tumayo at dahan-dahang naglakad.
"B-blake." Bigla niya akong niyakap at naramdaman ko nalang na pumapatak ang luha niya sa damit ko.
Wala akong magawa kundi ang haplusin ang buhok niya at pinipigilang lumuha.
"T-tapos na ba ang kasal mo?" Tanong ko at pinilit na ngumiti.
Pero hindi siya sumagot, ibig sabihin...
Kinasal na nga talaga siya..
Ngumiti ulit ako pero yung luha ko hindi ko na napigilan at kusa na itong tumulo.
"C-congrats." Huling pagbati ko at maglalakad na sana ng bigla ulit siyang magsalita.
"B-blake anong sinasabi mo?" Tanong niya.
"Hindi ba't k-kasal ka na?"
"Blake hindi! Hindi mo ba nakitang umiling ako? Blake nasa harap mo-"
Bigla siyang natahimik nang tumahol ang alaga kong aso at tinanong ako.
"B-blake, a-ano 'to?".
"H-hindi mo a-ako nakikita?" Pagpapatuloy niya at hinawakan ang mukha ko.
Naiimagine ko lang ang itsura niya na umiiyak sa harap ko, hindi ko siya makita pero ramdam na ramdam ko siya. Mas nalulungkot ako dahil siya ang nagpupunas ng luha ko.
"N-nabulag ako at isa 'yon s-sa dahilan kung bakit kita iniwan."
"Magpapa-opera na sana ako ngayon pero nalaman kong ikakasal ka na, at mas gusto kong maramdaman na masaya ka na at hindi mo na ako kailangan pa kaya mas inuna ko ang pagpunta sa kasal mo." Pagpapaliwanag ko.
"P-pero bakit hindi mo sinabi saakin?!"
"Ayaw kong mas masaktan ka pa kapag nalaman mong mamatay ako pag kasama kita."
"A-ako?" Tanong niya
Tumango lang ako.
"TARA!! DALI!" Hila niya saakin at kinuha niya naman si Alfie na alaga ko at tumakbo.
*AFTER 2 HOURS*
"Bakit ang bilis niyo?" Tanong ni Keiarah sakanila.
Tinawagan niya sila Tristan kanina at hindi niya inaasahang sa ganitong kalayo at private hospital ay makakarating sila agad.
"T-teka nga, paano niyo nalaman ang ospital na 'to?" Tanong ko at tumingin sakanila.
"Wala akong kinalaman diyan, Si Tristan at Tyler lang ang may alam nito." Biglang sagot ni Azumi.
"A-alam kong may sakit siya." Sabi ni Tyler at tumingin kay Kei.
"Alam k-ko rin." Sunod ni Tristan.
"Pati ikaw? Tristan?!" Tanong ni Kei na medyo pagalit na.
"Ayaw niyang ipaalam. Okay? Kumalma ka muna. Please Kei-" naputol ang sasabihin ni Tyler dahil pinutol ito ni Kei.
"Paano?! Bakit hindi niyo kaagad sinabi saakin?!" Sigaw ni Kei. Hinawakan naman ni Azumi ang kamay niya at pinapakalma ito.
"Ikukuwento namin ang lahat lahat, okay? Kumalma ka muna. Ang importante magiging okay na ang mata ni Blake at maging succesful ang pagoopera sakaniya." Sunod-sunod na sabi ni Tristan.
"A-ano? Akala ko ba? Mata nalang niya ang problema? Ooperahan pa siya?" Sunod sunod na tanong ni Kei. Sobrang naguguluhan na siya at natatakot siya sa kung anong mangyari kay Blake lalo na't nalaman niyang ooperahan pa pala ito sa ibang sakit.
"Look, iniwan ka niya dahil may sakit siya. Bawal tumaas ang emosyon niya sa pagiging masaya, kaya nilayuan ka niya. Dalawang taon niya kailangang tiisin ang sakit na iyon, at nung magpapaopera na siya balak niyang balikan ka pagkatapos pero nalaman niyang ikakasal ka na kaya hindi niya na itinuloy kaso bumalik ka at alanganin na ang buhay niya ngayon dahil late ang oras na pagpapa-opera niya." Dire-diretsong pagpapaliwanag ni Tristan.
"B-Bakit hindi niyo kaagad sinabi?!"
"Ayaw niyang ipaalam dahil ayaw niyang mag-alala ka pa at gusto niyang supresahin ka." Sagot naman ni Tyler sa tanong ni Kei.
"Pero-"
"MISS! NUMBER NG ROOM NI ZANDREA FALCON! BILIS MISS!" Sigaw ng isang lalaki na nakapag-agaw ng atensyon nilang apat.
"Sir nasa operating room na po siya, nagumpisa na po ang pagkuha sa mata niya."
Agad naman napatingin si Keiarah at nagulat siya dahil tumambad ang mukha ng papakasalan niya sana ngayon na si Zander.
"S-si Zander?"
Bigla namang tumakbo ang binata papuntang tapat ng OR kung nasaan naroon din sila.
"Keiarah?!" Gulat na bungad niya dito pero agad rin naman siyang tumakbo at kumatok sa pinto.
"Sandali! Sandali lang!!!" Sigaw nito.
"Sir bawal na po pumasok, please lang po-"
"Magpapakita lang ako sa kapatid ko! Last na last na to!! Sandali lang please. Sandali lang!" Pagmama-kaawa niya.
"Sir-"
"Kuyaaaa!!" Sigaw ng parang 19 years old na babae at mukhang iyong na nga ang kaniyang kapatid.
Tumakbo ito papasok at niyakap ng mahigpit saka hinalikan sa noo.
"Mahal na mahal na mahal ka ni kuya ha? Wag na wag mong kakalimutan si Kuya, Zandrea ha?" Sabi nito at tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha.
Tumango lang ang kaniyang kapatid at ngumiti sakaniya niyakap siya pabalik.
"I love you kuya."
Saka na siya hinila papalabas ng mga nurse.
Kapatid? Iyon lang pumasok sa isip ni Keiarah.
"M-may kapatid si Zander dito sa ospital na ito?"
Maya-maya, nang mahimasmasan si Zander. Umupo na ito malapit sakanila.
"Z-zander?"
"Anong ginagawa mo dito Kei? Sinong pinuntahan mo?" Dire-diretsong tanong nito pero hindi ito nakatingin sa dalaga.
Hindi niya naman ito sinagot at tumahimik ang buong paligid.
"Nandito ako para puntahan ang kapatid ko, may taning na ang buhay niya. Bukas na siya mawawala at dahil may nangangailangan ng mata, nagvolunteer siyang idonate ito since mawawala na rin naman daw siya.." Kuwento ni Zander.
Pero tahimik pa din ang lahat at nakikinig pero hindi rin nagtagal nagsalita din si Keiarah.
"At nandito rin ako para hintayin ang resulta ng pagpapaopera ng mata o yung donate siguro ng kapatid mo sa taong... taong... m-mahal ko noon pa." Pagpapaliwanag niya.
Hindi niya alam kung saan niya nga ba nakuha ang mga salitang iyon pero ang alam niya ay galing iyon sa puso niya.
"May sakit pala siya? Akala ko nawala na siya.." Sabi ni Zander.
Tinignan lang siya ni Kei na parang tinatanong kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Alam ko. Alam ko nang noon palang may taong nandiyan pa rin sa puso mo at kahit kailanman hindi ko siya mapapalitan. Ramdam ko yun, pero umasa pa rin ako na balang araw makakalimutan mo din siya at mas mamahalin mo rin ako pero nagkamali ako.." Kuwento niya habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri niya.
"S-sorry.." 'yon nalamang ang huling lumabas sa bibig ni Keiarah at niyakap niya nalang bigla si Zander.
Tumahimik lang ang tatlo at pilit na pinoproseso ang mga pangyayari.