End This War (Alegria Boys #3...

By jonaxx

92.2M 2.2M 1.1M

Alam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit... More

End This War
Ang Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Ang Katapusan
Notes

Kabanata 41

998K 24K 11.8K
By jonaxx

Kabanata 41

Punishment

Lahat ng araw pagkatapos nun ay naging impyerno para sa akin. Umuuwi ako ng bahay na wala paring pinapansin sa pamilya ko dahil sa nangyari. Pumapasok ako ng school na puro pambabastos ang nakukuha ko. At kahit kailan, hindi ko nakita si Hector.

"Okay lang naman siguro ang pinaglumaan na ni Hector, eh." Isang araw ay hinarangan ako ng iilang seniors sa corridor.

Wala ng tao dahil mag aalas sais na. Natagalan ako sa library para sa isang assignment.

Lalagpasan ko na sana ang grupo ng mga lalaki nang bigla akong hinigit nung isa.

"ANO BA?"

"Aba! May gana paring pumiglas kahit wala na yung tagapag tanggol niya ha?" Tumawa sila.

Ginapangan agad ako ng kaba. Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari pag wala si Hector sa tabi ko. But I just can't wait for him to save me... Hindi pwedeng lagi akong nakadepende sa kanya.

"Pa kiss naman oh? Kahit sa leeg lang?" Nanunuyang sinabi ng lalaking humigit sakin.

Nagtawanan sila. Sinubukan kong manampal pero nahawakan niya ang kamay ko.

"Uy! Hard to get parin pagkatapos laspagin ni Hector!"

Pakiramdam ko naubos ang dugo ko sa mukha sa sinabi ng lalaki. Hindi ko alam pero nag dilim ang paningin ko. Gustong gusto kong pumatay ng tao. Sabay sabay silang tumawa na mas lalong nag pairita sa buong sistema ko.

Habang abala sila sa pagtawa ay tinadyakan ko ang pagkalalaki nung nakahawak sa akin. Napayuko at napaupo siya sa sahig sa sobrang sakit. Kumaripas ako ng takbo papuntang gate. Naiiyak ako habang tumatakbo palayo. Panay naman ang habol ng iba niyang kasamahan.

"Manong!" Sumigaw ako nang nakita ko ang guard na nagbabantay sa gate ng school.

"Oh, Bakit, hija?"

"May humahabol sakin." Yumuko ako at hiningal sa kakatakbo. "Mga fourth year po. Binastos nila ako." Sumbong ko habang tinitingnan ng security guard.

"Hmm. Ikaw si Chesca Alde diba?" Ngumisi siya. "Sigurado ka bang binastos ka o nagpabastos ka?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng guard. Nasindak ako. Hindi ako makapaniwala na wala akong mapupuntahan! Na wala na akong kakampi! Na ubos na ang lahat lahat sa akin!

Hindi na ako nagpaalam sa guard. Mabilis akong umalis. Walang tricycle at kapag hihintayin ko pang magkaroon ay baka maabutan lang ako ng mga seniors na iyon!

"Chesca..." Narinig ko ang tawag ng isang pamilyar na boses sa akin.

Umiiyak na ako habang hinihingal na tumatakbo pababa. Para na akong baliw. Wala na akong mapuntahan. Wala na akong kakampi. Putangina! This feels like drowning but you don't fucking die! Sa sobrang kanegative ko ay gusto ko na lang mamatay! No... Chesca... Malakas ka. Kahit anong ibato, kaya mo, diba? May mga taong mas malaki pa ang problema sayo. May mga hindi makakain, may mga nawalan ng pamilya, pero hindi nila kailanman naisip na mamatay na lang. Hope, Chesca... That's all you need.

"Chesca..." Napatalon ako nang may biglang humawak sa braso ko.

Humagulhol ako sa iyak at halos kumaripas ako ng takbo.

"Chesca! Si Koko ito!" Sigaw ni Koko pero hindi ako nakinig.

Hindi ako tumigil sa kakatakbo kahit alam kong mabagal na iyon at halos hindi na ako umusad dahil sa kakapusan ng hangin. Bumuhos na parang natural lang ang luha ko. Nanghina ako. Nangatog ang tuhod ko. Wala akong makita kundi dilim sa unahan at mga bituin naman sa langit.

"Chesca!"

Napaluhod ako sa kalsada sa sobrang pagod sa kakatakbo. Dinaluhan ako ng isa pang lalaki. Malamig ang kanyang kamay at mabango siya. Amoy na amoy ko ang pabango niyang nagpakalma sakin.

"Chesca..." Inangat ko ang paningin ko at nakita ko si Harvey.

Inilahad niya ang kanyang panyo sa akin. Lumuhod din si Koko para daluhan ako.

"Chesca, ayos ka lang ba?" Tanong niya.

Nanginginig pa ang kamay ko nang dinampot ko ang panyo ni Harvey at pinunas sa mukha.

"Koby, ihatid na natin. Isakay mo sa sasakyan." Narinig ko ang boses ni Mathew at ang makina ng sasakyan nila sa likod ko.

Panay ang tanong nila sakin kung anong nangyari. Panay ang patawa nila sa isa't-isa pero wala akong kibo. Wala akong magawa kundi tumunganga... matulala habang nasa loob ng sasakyan. Kung tatraydorin ako ng tatlong ito, patay na ako ngayon pa lang. Isinusuko ko na ang lahat ng pwedeng mangyari sa buhay ko sa Panginoon. Wala akong hihilingin... Kung ito ang gusto niyang mangyari, tatanggapin ko.

"Salamat." Iyon lang ang tanging nasambit ko sa kanilang tatlo nang nakarating na ako sa bahay.

Ni presensya ng pamilya ko ay walang puwang sa akin. Wala akong ginawa kundi ang umiyak sa kwarto dahil sa nangyari. Nababaliw na talaga yata ako! Pero wala akong magawa... I'm choosing to hope, to not give up, to stay here and do normal things... I choose this. At sa oras na makaahon ako sa pagkakalunod ko, hinding hindi na ulit ako lalangoy ng mag isa. Pangako.

Dumating ako ng school kinabukasan para marinig lang sa bawat corridor ang sinasabing pagtatraydor nina Harvey, Koko, at Mathew sa buong Alegria.

"Taga Alegria tayo, dapat tayong magtulungan! Si Hector ay dapat nandito sa Alegria pero dahil nandito ang punyetang iyan ay hindi iyon babalik! Galit siya at knowing Hector, hindi niya kayang palayasin ang babaeng yan dito." Umalingawngaw ang boses ni Abby sa corridor na dinadaanan ko.

Panay ang tingin ng mga tao sakin. Halos mandiri silang lahat tuwing nakikita ako.

"Ang hirap kasi sayo, Chesca... Eh ang ganda ganda mo." Tumatawang sinabi ni Jobel. "Kahit wala kang ginagawa, ay parating may nang aaway sayo. Para bang lagi kang nakakaoffend para sa kanila kasi sobrang ganda mo at hindi ka pwede dito. Ganun yun!"

Natawa ako sa sinabi ni Jobel.

"Oo nga!" Dagdag ni Sarah.

Tuwing nakakasama ko ang dalawa ay medyo lumuluwang ang pakiramdam ko. Hindi ka talaga aabot sa puntong walang wala ka talaga. At kahit ganito lang... masaya na ako.

Tumingin ako sa malayo. Maraming naglalaro sa soccerfield. Nakaupo ako sa damuhan habang hinihintay sina Jobel, Marie, at Sarah.

Kulang ang Alegria.

Pinikit ko ang mga mata ko at sa isang iglap ay nakita ko ang mukha ni Hector. Ang perpektong mukha niyang malapit na malapit sa mukha ko. Ang pagkuyom ng kanyang panga at ang pagbaling niya sakin nang nakangisi. Tumindig ang balahibo ko. Napayakap ako sa sarili ko.

Sa sobrang pangungulila ko sa kanya ay halos mag materialize na siya sa harapan ko dahil sa imahinasyon ko. Dumilat ako at nakitang wala siya sa harap ko... na hindi na ulit siya babalik... na nasaktan ko na siya at maaring may gusto ng iba. Tatlong buwan na rin ang nakakaraan at hanggang ngayon, kahit galit ako, hindi ko parin lubos na kamuhian siya. Mahal ko parin siya. Mahal na mahal. Nanunuot sa bawat hibla ng pagkatao ko ang ginawa niya sakin. At ang sakit sakit... Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko ring manakit ng ibang tao para mabawasan ang nararamdaman.

"Uwi na tayo." Nanginginig ang boses ni Jobel sa likod ko.

Nakarating na pala sila! Nilingon ko sila at nakita kong parehong basa at nangangamoy si Sarah at Jobel. Umiiyak si Marie sa likod nila.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Wala." Mariing sinabi ni Jobel.

"Uh, nadulas kami sa CR."

Nanliit ang mga mata ko. Napatingin ako sa medyo kumalmang si Marie. Hindi niya ako magawang tingnan.

"BUTI NGA SA INYO! LUBAYAN NIYO NA SI ALDE! WA'G NIYONG KAMPIHAN! TAGA ALEGRIA KAYO, DAYO YAN, JOBEL!" Sigaw ng isang lalaki.

"Lika na!" Hinila ako ni Jobel at umamba silang aalis pero sinundan ko ng tingin ang lalaki at hindi ako nagpatianod sa kanila.

"Jobel-"

"Chesca, dali na!" Galit na utas ni Jobel.

"BINUHUSAN NILA KAYO NG- WHAT THE FUCK?" Sigaw ko.

Mabilis na nag alab ang galit ko sa nangyari. Ni hindi ako napigilan nina Jobel! Kahit na panay ang hila nila sa akin ay nakawala parin ako para sumugod ng kahit sinong makita ko!

Aktong nakita ko sina Abby at Kathy na tumatawa at hinahigh five ang isa't-isa. Mabilis kong hinila ang kulot kulot na buhok ni Kathy sa sobrang inis ko.

"WALANGYA KA! Hope you rot in hell, Kathy! Bruha ka! Kapal ng mukha mo!"

Napahawak siya sa kamay ko habang kinakaladkad ko siya.

"KATHY!" Tumili ng matinis si Abby at hinabol kaming dalawa.

"Chesca!" Tawag nina Jobel pero hindi na ako mapipigilan.

Nag ngingitngit sa galit ang buong sistema ko at hinding hindi ko ito mapapalampas. Alam kong sugatan na iyong kamay kong kinakalmot niya sa ngayon pero hindi ko magawang bitiwan ang buhok niya.

"WALANGYA KA ALDE! MAGBABAYAD KA!" Sigaw ni Kathy.

"Ahhh!" Hinila din ni Abby ang buhok ko kaya nakabawi si Kathy at hinila niya rin ang buhok ko.

Pinagtulungan ako ng dalawa.

"CHESCA!" Sumali si Jobel, Sarah, at Marie hanggang sa may biglang pumito ng napakalakas!

"Ortiz, Legaspi, Alde..." Umalingawngaw ang boses ng Discipline Officer namin.

Pulang pula ang kanyang mukha at galit na galit sa nangyaring kaguluhan. Mabilis pa ang hininga ko dahil sa nangyari. Nakita kong mangiyak ngiyak si Kathy at ganun din si Abby.

"To my office! Immediately!" Sigaw ng Officer.

Nilingon ko ang namumutlang sina Jobel. Kitang kita parin sa mga buhok nila ang pagkakabasa.

"U-Umuwi na kayo at magpalit." Bulong ko sa kanila.

Umiling sila. "Sabihin natin kasalanan nila. Kasalanan naman kasi talaga nila."

"ALDE!" Napatalon ako sa sigaw ng officer kaya dumiretso na agad ako sa opisina nang di na nililingon sina Jobel.

Umiiyak at nagdamayan sina Abby at Kathy sa opisina ng Discipline Officer. Umupo ako sa sofa, malayo sa dalawang nasa gilid ng table ng officer.

"Sino ang nauna?" Tanong ng officer.

"Si Alde po." Magkasabay na sagot ng dalawa.

Napatingin ang officer sakin. Nangapa ako sa mga salita. "K-Kasi po binuhusan nila sina Jobel ng ihi ng kabayo!"

"May ebidensya ka ba? Wala naman ah? Hindi namin yun magagawa!" Humihikbi pa si Kathy nang sabihin niya iyon.

Umiling ang officer sa akin. "Miss Alde, Tama si Miss Ortiz. Ano ang ebidensya mo?"

Naubos ang dugo ko sa tanong ng officer. Oo. Wala akong ebidensya pero alam kong sila... Dahil hindi ito ang unang beses. Nakailang beses na sila sakin. Ngayon, ang mga kaibigan ko na naman ang puntirya nila. Gusto nilang wala akong kakampi... Nang sa ganun ay mas magiging madali sakin ang umalis dito.

Alam niyo? Kung ganun lang kadaling umalis? Kung may pera lang kami at makakabalik akong Maynila? Matagal ko na iyong ginawa! Pero wala, eh. WALA! Nagtitiis kayo sakin? Pwes, ako rin, nagtitiis sa inyo!

"You are suspended, Miss Alde. For one week. Hindi nitotolerate ng Alegria Community College ang ganoong behavior. Think before you act. In every action, there should always be a reason... And your actions right now are senseless. Isang linggo kang maglilinis ng CR as punishment for this scandal!"

Continue Reading

You'll Also Like

135M 2.9M 80
Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At...
1.2M 17.8K 43
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Bethany Cagliostro is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by a powe...
43.6M 1.4M 43
Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But...