Heartbreak #26

By kiiiche

72K 1K 83

WARNING: Prepare your heart to be broken. What if... What if there's this sign written all over the heart-bre... More

Heartbreak #26
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue

Chapter 27

1.2K 25 1
By kiiiche

Chapter 27 [Blind-folded]

Tic.toc.tic.toc.

Tunog mula sa wall clock ko lang ang naririnig ko.

Ang tahimik ng paligid. Total opposite ng mundo kong kasalukuyang magulo.

I haven’t slept all night.

Ayaw akong patulugin ng diwa ko. it’s that or inaatake lang talaga ko ng insomia.

It’s around 4:30 am already and I haven’t slept at all so I decided to go downstairs para aliwin ang sarili ko. Hindi ko binuksan ang mga ilaw, just the TV and the DVD. Papalipasin ko na lang siguro ang madaling araw sa panonood ng movie.

I briefly scanned the cabinet where our DVDs are placed. I chose to watch Midnight Movie.

Ang tapang ko noh? Sa ganitong oras ng gabi, madilim ang paligid, eh nagagawa ko pang manood ng horror movie. Well, kahit anu naman atang panoorin ko walang effect. Dahil kahit anong panoorin ko talagang mas nangingibabaw parin yung sakit at bigat na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

I stared blankly at the TV screen. Ni hindi ko nga naiintindihan yung pinapanood ko eh, lumilipad ang utak ko. At ni hindi ko man lang pinansin nung may kumalabog sa may likod ko. I feel so numb.

“Di ka man lang nagulat??” I’m numb.

“I’m watching a movie.” Sinagot ko siya ng hindi man lang tumitingin sakaniya at nakatitig parin sa TV screen.

“Haaaaaaaaaaay………” exaggerated niyang sinabi yan habang umupo siya sa tabi ko.

“Anung movie ba yang pinapanood mo? HINDI KO ALAM eh. tsaka ba’t patay ang mga ilaw? Di ka ba natatakat? HINDI KO RIN KASI ALAM. Pati—“

Natigilan siya sa bigla kong pagtayo sa sofa though I’m still staring at the TV screen.

“Charm…” Vince said in a sympathetic tone.

“Inaantok na ko. Paki patay na lang.” Then I went up to my room.

I shut the door closed as I enter my room once more. Tumayo lang ako sa harap ng pinto, looking at the floor.

“Wrong move.” Nasabi ko na lang sa sarili ko.

Hindi ko na maalala kung pano ako nakatulog. Ni hindi ko nga alam na nakatulog na pala ako. Last thing I remember was that I was staring at the balcony door. At nalaman ko lang na nakatulog na pala ako dahil sa ingay…

“CHAAAAAAARM………!!!!”

Ingay mula sa karibal ko. Ingay mula sa best friend ko. Ingay mula sa tanging taong alam kong kailangang kailangan ko sa mga sandaling ito.

“Gumising ka na. Puhlease. Tatanghaliin na tayo oh. Gising na gising na gising na.” I smiled to myself. She’s unusually annoying today.

“Ayokong gumising. Gusto kong matulog.” I sounded like a robot by saying that. Narinig ko namang nag sigh ang bespren kong si Kim.

“Eeeeeeee! Mamimili kaya tayo para sa prom ngayong araw. Nakalimutan mo na ba?” Prom. Haay. I’m not even sure na gusto ko pang pumunta sa prom sa ngayon. Ngayon pa that I’m having trouble with my dad, Vince, and… Jayden? I don’t think so.

“Hmmm… Hindi ka ba talaga tatayo jan??” uh-oh. She’s using that scary tone again…

Warning: The following scenes are restricted. Parental Guidance is recommended.

 

“Haay naku. Tignan mo yung oras oh. Panu tayo makakapag-ikot ng maayos niyan. Late ka na.” Naninibago ako kay Kim. It seems that she knows something but prefers not to say anything. Natawa na lang ako sa sarili ko, best friend ko nga si Kim. And I shouldn’t be doing this to her.

I smiled. at ngumiti rin siya. She understood perfectly the meaning of that smile.

“San mo ba ko balak dalhin??”

“Well… since tanghali na nga tayo at limited ang oras natin, hanggang alabang lang ang mapupuntahan natin. SM las pinas muna tayo tapos ATC pag wala sa ATC sa Festi pag wala parin, magwawala na ko. wahahaha..”

Ayon nga sa plano ni Kim eh nagpunta kami sa SM las pinas. Sa kasamaang palad eh bigong nasawi kaming dalawa dahil pagdating namin sa SM department store mga pang lolang gowns ang naabutan namin. (author: wahahaha.. ang sama ko. baka magalit si Lolo Henry Sy sakin at di na ko ipakasal sa apo niyang madatung!)

Kaya ayun dumako naman kami sa ATC.

Actually medyo nagiging hopeless na ko nun. Kasi biruin mo naman, pa-ikot ikot na kami sa buong alabang tapos wala kaming makitang magandang gown tapos hindi pa kami kumakain ng lunch.

Feeling ko talaga titirik na yung mata ko anytime now.

Ngunit, sa kabutihang palad napadpad kami sa store ng Cinderella. Dun, para kaming character sa anime na nagniningning ang mga mata nung Makita namin yung mga cocktails nila. Parang nasabi ko sa sarili kong eto na.

“kim? Are you ready?” Sinukat kasi namin yung mga gowns na napili namin. And now ipapakita lang namin sa isa’t isa kung anu itsura namin sa gown na yun.

Infairness, nag-eenjoy ako at pansamantala kong nalilimutan ang mga bagay na dapat ko munang kalimutan.

“Ready! 1,2,3!” Tapos sabay kaming lumabas.

“Wow!” At talagang with matching pag shine effect ng mata pa yan.

“Bagay na bagay sayo yan.”

“Talaga?! Hehe.. At ikaw nama—“ Kim was cut off sa sinasabi niya nang may biglang nag-interrupt.

“Kahit anu namang isuot mo babagay sayo…”

 

 

“Kahit anu namang isuot mo babagay sayo. Manang-mana ka talaga sa mama mo.”  Pareho kaming nagulat ni Kim sa biglang pag-eksenang ito ng so-called dad ko.

“uhmm.. magpapalit lang ako ng damit ah.” Then she went inside dun sa fitting room, living me and my dad alone.

“Uhm.. Miss?” Tinawag niya bigla yung sales lady.

“Kukunin namin ‘to. Pati yung lahat ng sinukat nila ng kaibigan niya.” And just what is that all about??

“Hindi. Tig-isang damit lang ang kukunin namin ng kaibigan ko at pera namin ang ipambabayad dun. Hindi galing sa lalaking ‘to.” I firmly said sa sales lady. Naguluhan tuloy siya. Then, I turned to my dad.

“Tutal natiis mo na rin naman ako for 13 years, ba’t di mo na lubusin? Wag ka nang mangialam.”  Ok. My words made me cringed. I feel like I’m loosing respect. Pero sabi nga nila, walang maling desisyon kung paninindigan ito. Pumasok na ko nun sa fitting room para magpalit sa normal clothes ko. at paglabas ko…

“Anak. Payagan mo naman akong maging ama sayo na hindi ko nagawa for 13 years.” May kakaibang panama sakin yung mga salita ni dad. Nashock ako sa sinabi ni dad.. kaya nagwalk out ako.

“Charm!” Pipigilan sana ako ni Kim pero nagstay na lang siya dun. At first di ko naintindihan kung ba’t di ako sinundan ni Kim.

Narealize ko na lang yung dahilan nang mapansin kong may sumusunod pala sakin.

“Pwede ba?! Stop following me!”  Ayaw ko man. Nasigawan ko si dad.

“Charm, anak. Hayaan mo namang maipahayag ko yung side ko sayo. Please.” Napairap ako. I don’t get it. Ba’t ba bumabalik pa siya after 13 years? Nabuhay naman na kami ng di kasama ang isa’t isa, bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang? Bakit pa?

“Fine. Let’s hear your lies.” Napabuntong hininga lang si dad sa sinabi ko.

“Inaamin ko, malaki ang pagkakamali ko 13 years ago. Malaki ang kasalanang nagawa ko sa inyo ng mama mo. Kaya nga kami naghiwalay. Pero alam mo ba, nung malayo ako sainyo ng mama mo… maraming bagay ang napag-isipan ko. unang una dun na ang tanga tanga ko, na wala akong kwentang tao kaya wala rin akong kwentang asawa’t ama. Aside from that narealize ko rin kung gano ko kamahal ang mama mo. Di ko alam kung bakit ko siya sinaktan at ayaw ko nang alamin. Most importantly, naalala ko nung iwan rin kami ng lolo mo. Nangako ako nun na hindi yun mangyayari sa pamilya ko. and I broke that promise.” I listened. Kahit anu naman kasing sabihin ko hindi ko na maiaalis na siya ang tatay ko. wala na kong magagawa dun. It’s general truth.

“Bakit ngayon lang ako naghahabol sainyo ng mama mo? Bakit pa ko nag-aksaya ng panahon? Well, nahiya ako sa sarili ko nung narealize ko ang mga bagay bagay. At lalo, sobra ang kahihiyan ko sainyo ng mama mo. Naisip kong harapin kayo kapag hindi na akong walang kwentang tao nang sagayon hindi na ako maging walang kwentang asawa’t ama sayo at sa mama mo.” I suddenly wished that mom was here, listening.

“I want to prove something to myself, kaya inantay ko ang ganito katagal na panahon bago bumalik sainyo. Bakit ngayon? Kasi ngayon ko lang kayang maging matinong asawa’t ama. Which is also the reason why I’m here. 6 months na kaming may connection ng mama mo. She already heard everything that I’m telling you right not. Hindi namin sinabi agad sayo dahil ayaw naming mabigla ka but still, nabigla ka parin.” Nagsmile si dad. Ayaw ko mang aminin but… I got his smile.

“Ngayon lang ako bumalik dahil ngayon lang naging stable ang buhay ko. Ngayon lang umunlad ang negosyo ko sa China. Kaya… ngayon ko sana kayo gustong dalhin ng mama mo sa China. Para magbagong buhay bilang isang pamilya.”

Fast forward natin ang lahat.

Mag-isa akong naglalakad pauwi ng bahay namin hawak hawak yung nabili kong damit para sa prom. Mula pa nung pagdating ni dad, naghiwalay na kami ng landas ni bespren kim. At kanina pa nagpapaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi ni dad.

Lalo na yung last words..

“ngayon ko sana kayo gustong dalhin ng mama mo sa China. Para magbagong buhay bilang isang pamilya”

 

thinking, that would be great. I’ve always dreamt of having a family. Hindi man perfect family at least I have something to call a family. Hindi yung mom lang, yaya Lourdes, Vince, Kim, Tita Bell. They are all family. But not this kind of a family.

Maybe, offering na rin ‘to ni God. Para matapos na lahat ng pinoproblema ko.

Maybe, it’s a way para makatakas ako sa ibang problemang kinakaharap ko. problems namely Vince and Jayden.

Haha..

Tadhana nga naman. Kakaisip ko lang kay Jayden tapos heto siya, biglang magkukrus ang landas namin. I saw him standing outside his house, looking at my house.

Tinignan ko lang siya habang di pa niya napapansin ang presence ko. It might took a long time bago ko kasi siya matitigan ulit ng ganito. I’m just afraid na baka malimutan ko na yung itsura niya. Dahil pag nalimutan ko ang mukha niya, baka malimutan ko rin yung taong humahawak sa mukha ko pag nalulungkot ako.

I smiled at myself at the thought of Jayden and our memories…

Pero sakto nga lang din ng pag ngiti ko ang paglingon niya sakin. At that very moment, nagmadali siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Automatic ko namang hinabol siya.

“Jayden, wai—“

Bog!

“Ouch!”

sorry miss!” may isang taong nagmamadali lang naman ang bumunggo sakin na naging dahilan ng pagkahulog ko sa sidewalk na naging dahilan rin ng pagkakatungkod ko sa mga kamay ko kaya masakit siya ngayon. Sobrang sakit.

Sa sobrang sakit. Umiyak ako.

Sa totoo lang, wala lang naman talaga ‘tong sakit sa kamay ko eh. wala kasi wala siyang sinabi sa sakit na nararamdaman ko. lahat lahat ng sakit na nararamdaman ko. and I just needed to cry.

Dahil mas gugustuhin ko namang maramdaman ‘tong sakit sa kamay ko tapos all the people I love is there to comfort me kesa maramdaman ‘tong sakit damdamin na nararamdaman ko and have no one to comfort me.

Umiyak pa ako. Umiyak ako na parang batang nawawala sa mall.

Then, someone stopped by before me. Mas lalo akong umiyak.

Umupo siya para maging kalevel ako, hinawakan na niya yung kamay kong masakit.

“Charm, anong nangyari? Ok ka lang ba? Kailangan mo bang ipaospital? Alin ang masakit? Itong kamay mo?” I shook my head at tinignan sa mga mata si Jayden.

“Ito.” I said pointing at my heart. Tapos umiyak ako ulit.

Jayden held my face and hugged me.

Just like before…

Continue Reading

You'll Also Like

65.9K 3K 22
On the day Valencia D'Angelo was born, she was swapped with Alessia. No one knew about the incident, it wasn't supposed to happen. It wasn't planned...
29.2M 923K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
249K 7K 105
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
414K 14.6K 53
"My mother named me Miracle, but I am anything but a miracle in her and our family's life. I am a mistake. I am a product of a heinous crime." Miracl...