Si Malakas at si Pabebe - BxB...

By iJessieJ

807K 41.2K 5.8K

Kung gusto mong tumawa, humalakhak, mabwisit, maimbyerna, mang-gigil, umiyak, kiligin at ma-inlove, ano pang... More

PROLOGUE
PLEASE LANG! PAKIBASA PO ITO AT PAKIINTINDI.
#SMASP 1: Justine Rodriguez
#SMASP 2: Gino Olivarez
#SMASP 3: First Day
#SMASP 5: John Paul Alcantara
#SMASP 6: Mesmerized
#SMASP 7: Adjustment
#SMASP 8: Fascinated
#SMASP 9: Sangkabaklaan
#SMASP 10: Friendly Date
#SMASP 11: You Are My Song
#SMASP 12: So Good Morning
#SMASP 13: Moody John Paul
#SMASP 14: Confusion
#SMASP 15: Hot Seat
#SMASP 16: John Fall
#SMASP 17: Wrong Timing
#SMASP 18: Yes, it's me. Justine.
#SMASP 19: Till I Met You
#SMASP 20: A Song For You
#SMASP 21: Pangarap Ko Ang Ibigin Ka
#SMASP 22: Shine
#SMASP 23: Unpredictable John Paul
#SMASP 24: Shhhweeeet
#SMASP 25: Awkward
#SMASP 26: Sweet Kenjie
#SMASP 27: Roses
#SMASP 28: Happy Valentines
#SMASP 29: Just The Three of Us
#SMASP 30: First Valentine
#SMASP 31: Dinner Date
#SMASP 32: Beers and Cocktails
#SMASP 33: A Moment In Time
#SMASP 34: Getting Closer
#SMASP 35: Sweet John Paul
#SMASP 36: Getting Sweeter
#SMASP 37: I'm Fallin'
#SMASP 38: I Keep On Fallin'
#SMASP 39: Justine Torpe
#SMASP 40: Nakakabaliw
#SMASP 41: Heartbreaks
#SMASP 42: Mickey
#SMASP 43: Diversion
#SMASP 44: I'll Never Love This Way Again
#SMASP 45: Halaga
#SMASP 46: Mahal Ko O Mahal Ako
#SMASP 47: Fresh Start
#SMASP 48: Iniibig Kita
#SMASP 49: Wrong Move
#SMASP 50: Pride
#SMASP 51: Chance
#SMASP 52: Sayang
#SMASP 53: Last Date?
#SMASP 54: The Other Side of Justine
#SMASP 55: Junggoy
#SMASP 56: Laugh and Love
#SMASP: 57: Everything's Good
#SMASP 58: Ano ba talaga?
#SMASP 59: Si Malakas na Pabebe
#SMASP 60: First
#SMASP 61: Magulong Unggoy
#SMASP 62: John Paul Ewan
#SMASP 63: Ano ba talaga John Paul?
#SMASP 64: Stress
#SMASP 65: Away Bati
#SMASP 66: All or Nothing
#SMASP 67: Confrontation
#SMASP 68: Burden
#SMASP 69: Realization
#SMASP 70: Big Bang (Part 1)
#SMASP 71: Big Bang (Part 2)
#SMASP 72: Big Bang na Big Bang
#SMASP 73: Starting Over Again
#SMASP 74: Acceptance
#SMASP 75: Alcantara Brothers
#SMASP 76: Meet and Greet
#SMASP 77: Baguio
#SMASP 78: Torpe
#SMASP 79: One on One
PABEBE 80
PABEBE 81
#SMASP 82: Released
#SMASP 83: Finale (PART I)
#SMASP 84: Finale
#SMASP 85: Epilogue
GLIMPSE
POSTED!!!
Read Me
•••
QUESTION
Announcement.
"SI MALAKAS AT SI PABEBE" SA DREAME ???
ANNOUNCEMENT
READ ME.
ANOTHER
PAKIBASA PLEASE.

#SMASP 4: New Friends

12.5K 563 12
By iJessieJ


[JUSTINE]

"Ok. Ito ang counter station. Ito ang magiging station mo. Sa inyo oorder ang mga Customers. Ang gagawin niyo lang ay kukunin ang mga orders, ilalagay sa tray at iseserve sa customer. Ganon lang kadali. Pantry kasi ang gumagawa ng mga product. Ito ang pinakamadaling station. Ganda lang ang puhunan dito." Mahabang paliwanag ni Ma'am Aya.

"Eh Ma'am, kung ganda lang ang puhunan. Bakit andito si Ivy? Hahaha." Pang-aasar ni John Paul. Nakangisi siya at halos mawala na ang mga mata.

Grabe sila mag-okrayan dito, parang mag-eenjoy ako kakatawa. Hahaha. Ang gwapo talaga nung John Paul lalo na pag nakangiti. Yung Ivy naman buti hindi pikon pag inookray. Hahaha.

"Hoy! Maganda ako no. Ako nga ang pinipilahan ng mga foreigner palagi eh. " Sagot ni Ivy.

"Eh kasi gusto nila yung mga exotic beauty kaya sayo sila napila. Hahaha." –John Paul.

Si Pia naman ay nakikitawa lang.

"Tse! Hello teh, anong pangalan mo? Ako si Ivy. Ang pinakamaganda dito sa Counter." Pakilala nung Ivy.

"Chareng. Maganda ka? Mas mukha ka pa ngang lalake kesa sa tatay ko no! Hahahaha." Pambabara ni Pia.

"Ano ba kayo? Lalake talaga yan si Ivy, may boobs lang siya. Hahahaha. Saka kulang tayo sa Counters kaya jan siya nilagay. Hahaha." Pagsingit ni Ma'am Aya. Nagtawanan kaming apat.

"Ay grabe sila oh. Wala na kayong nasabing maganda sa akin!" Si Ivy. Sabay tingin ng masama kay Pia at kay Ma'am.

"Eh kasi wala namang nakikitang maganda sayo friend. Hahaha." Ma'am Aya.

"Chareng lang yun friend. I love you!!!" – Natatawang sabi ni Pia.

Grabe talaga kung okrayin nila si Ivy. Kulang na lang ay bumukas ang sahig at lamunin si siya! Hahaha. Pero bilib ako sa kanya dahil hindi siya pikon. Marahil ay nasanay na siya sa biruan.

"Ayun na nga! Anong pangalan mo?" Tanong ulit nito sa akin.

"Shunga ka talaga Ivy. Ayan na nga oh. Nakalagay na nga sa namaplate niya oh. Justine. Basahin mo kasi te." – Pagsingit pa ni Pia

"Aba malay ko ba kung tunay niyang pangalan yan no. Ayan nga si John Paul, Alam niyo ba teh, Dominador ang tunay niyang pangalan eh. John Paul lang sa nameplate para mukhang maganda tingnan. Hahaha." –Ivy

"Oy ang kapal mo. Real name ko to no." –Sabat naman ni John Paul. Pagkatapos ay bumati na sa customer na pumila sa ka kanya. Ang tangkad niya shet! Pag tumabi ako sa kanya eh hanggang dibdib lang ata niya ako.

"Oh tama na ang okrayan, balik na sa trabaho." Pagsaway ni Ma'am Aya.

"Hello Justine, Ako si Pia. Ganyan talaga dito, puro okrayan. Si Ivy lagi kawawa. Haha. Pero mababait naman kami dito. Sige na. magtetake na ako ng orders, observe ka lang muna jan." –Pia.

Bumalik na ito sa tapat ng P.O.S. nya. (Point of Sales, yung Computer na gamit ng mga Counters pag nagpapunch ng Orders.)

Maya maya pa ay dumami na ang tao, humahaba na din ang pila ni John Paul at Pia.

"Excuse me po. May counter din po dito. This counter po! Available!!! Pagtawag ni Ivy sa mga customer na nakapila kila Pia at John Paul. Kumaway ulit ito saka nagpatuloy sa pagtawag sa mga nakapila. "Ma'am, Sir! This counter po open!!!"

"Te! Pag ayaw pumila sayo, wag mong pilitin. Hahahaha." Narinig kong bulong ni Pia. "Ang dirty mo kase! Hahaha."

"T*ang*na mo!" Pabulong na sagot ni Ivy. Sabay walk out. Akala ko ay nagalit ito. Lumapit sa akin.

"Tara Justine, turuan na lang kita ng basics dito sa counter. Hayaan muna natin yang dalawa jan. Hayaan muna natin silang mapagod jan at ma-luga. Tutal mga PANGIT naman sila at tayo naman ay magaganda. HAHAHAHA." Natatawang sabi ni Ivy saka humalakhak.

(Luga: Fastfood term. Means, tambak sa trabaho. Yung nahihirapan na sa flow ng trabaho kasi masyado ng maraming gagawin. Hindi ito yung iteral na luga sa tenga. Natawa nga rin ako nung una kong narinig to eh. Hahaha. )

Kengkoy nga tong si Ivy. Babaeng bakla. Feeling ko eh makakaclose ko siya ng bongga. Sana nga. Pero feeling ko talaga na magkakasundo kami.

Masyado akong nag-enjoy sa pagtuturo ni Ivy, tawa lang kami ng tawa. Tinuturuan niya ako gumawa at mag-assemble ng mga orders. Madali lang naman pala. Kahit first day ko eh madami na akong natutunan. Wag ko nga lang daw kakalimutan ang mga itinuro niya dahil kapag kinalimutan ko daw eh itatapon niya daw ang time card ko. Hahaha. Grabe siya!

Hindi ko na namalayan ang oras, 5PM na pala. Nag-eenjoy naman ako. Mukhang masaya dito.

"John Paul, kain na kayo ni Justine. Mamaya dadami na ang mga customers, baka hindi na kayo makakain." –Bulalas ni Ivy nang humupa na ang mga tao. "Halos sabay naman kayong nag-in kaya sabay na kayong kumain. Turuan mo siyang magprepare ng meal ha." Sabi pa nito saka nag-piga ng basahan sa katabing balde at nagsimulang magpunas.

"Sige! Tara kain na tayo!" –Pagsang-ayon ni John Paul

"Sige." Sabi ko saka sumunod na sa kanyang maglakad.

"Oh ayan ha. Dito tayo nakuha ng meal sa pantry. Pag naprepare mo na ang meal mo. Ila-log mo lang siya dito tapos ipapacheck mo sa Manager, tapos kakain ka na. 15 minutes lang ang break natin kaya dapat mabilis kang kumain." –Si John Paul.

Ilang minuto pa at namalayan ko na lang na magkaharap na kami sa mesa habang kumakain. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kanya. Para kasing, basta! Halos wala na ata akong maipipintas sa kanya.

Ang gwapo talaga ni niya. Ang sarap niyang titigan habang nakain. Kaso tahimik pala siya. Di kagaya kanina. Ang ingay niya at ang lakas mang-asar. Siguro ay naiilang pa siya sa akin. Pwes lalo naman ako noh! Ang pogi kaya. Grabe. Yung pantyliner ko nga nahulog na ata, natanggal yung dikit. Chareng. Hahaha.

Awkward mga ate. Sabay kaming nakain pero wala naman nagsasalita sa amin. Naiilang pa ako sa kanya. Sa gwapo niya eh para akong may kaharap na Artista. Nabubusog na ako sa katitingin sa kanya. Hahaha. Parang magmumultiple orgasms na ata ako. Wag naman, baka sumabog ang suot kong pantyliner. Hahahaha. Charot.

"Ilang taon ka na?" Pagbasag sa katahimikan ni John Paul saka tumingin sa mata ko. Hindi ko kaya ang tingin na iyon kaya ako na ang umiwas.

"Eighteen na po ako."

"Marunong ka pala magsalita eh. Saka ang bata mo pa pala."

"Grabe ka. Hindi naman po ako Pipi no saka bata pa po ba yun? Eighteen na nga eh. Nung isang araw lang ako nag-birthday. Ikaw po?"

" Ahhh. Belated happy Birthday!" Pagbati niya sa akin na ikinangiti ko naman. Yieeee. "Nineteen na ako. Magti-twenty ngayong taon." Sabi niya saka bahagyang yumuko upang salubungin ang isusubong kutsara.

"Ahhh. Salamat." Naiilang at nakangiti kong sagot.

Speechless ako mga ate. Hahaha. Why so pogi ng kaharap ko? Katahimikan ulit. Awkward moment kumbaga.

"Kanina ka pa tingin ng tingin sa akin. Naiilang ako eh." –John Paul. Sa sinabi niyang yun eh parang kaunti na lang at sasabong na ako sa sobrang hiya. Napansin niya rin pala! Tsk!

"Sorry po. Hehehe." Sagot ko sabay kamot sa ulo.

"Buti hindi po napipikon sa inyo si Ivy?" Bigla kong tanong. Ang awkward eh. Hahaha.

"Nako, kahit kelan hindi ko pa yun nakitang napikon. Saka siya nga itong mas malakas mang-asar kesa samin noh. Grabe yun mang-okray, kala mo eh kaygandang nilalang. Hahahaha." Natatawang sabi niya saka uminom.

"Bakit po nagtyatyaga ka dito magtrabaho? What I mean is, Gwapo naman po kayo. Pwede ka pong magmodel. Pero bakit ka po andito?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Talaga? Nagagwapuhan ka sa akin? Bakit si Ivy, panay panglalait ang sinasabi sa akin. Hahaha. Sabi nga din nila eh. Kaso wala naman akong balak mag model no. Pero nasubukan ko na yun. Part time nga lang. Saka minsan lang magkaroon ng offers. Kaya ayun. Hininto ko na at nagtrabaho na dito mula nung mag-eighteen din ako." Mahabang paliwanag niya.

"Bat mo po tinigil? Sayang naman. Ako nga isa yun sa mga pangarap ko eh. Hahaha." Napangisi siya.

"Nag-aaral pa kasi ako eh saka na siguro pagkagraduate ko, isang taon pa. 3rd year pa lang ako ngayon at sa wakas 4th year na sa pasukan."

"Ahhhh nag-aaral ka pala! Nice. Ang sipag mo naman." Sabi ko saka binitawan siya ng pamatay kong ngiti.

"Hehehe. Salamat. Working student ako. Flexible kasi ang time dito kaya nagdecide ako mag-apply. At ayun nga, natanggap naman ako. Mahirap siya pagsabayin, kaya lagi akong nalelate." Pagpapaliwanag niya.

"Ikaw ba? Bakit ka nag-apply dito? Saka wag ka na nga mag PO sa akin, nakakainis pakinggan eh. Saka bata pa naman ako. Isang taon lang ang tanda ko sayo eh."

"Ok, as you wish. Same as you. Plano ko kasing mag-aral sa susunod na pasukan. Gusto kong makapag-college eh. Saka sayang ang oras. Hindi naman ako magkakapera kung tatambay lang ako sa amin. Kaya nag-work muna ako para makaipon." Sagot ko naman.

"Wow good for you. Kaya natin yan, balang araw matatapos din tayo sa pag-aaral." Sabi niya saka kinagat ang pakpak ng manok.

Tama siya, balang araw matatapos din ako sa pag-aaral at makakahanap ng magandang trabaho.

Madami pang tinanong sakin si John Paul, isa na dun kung ano daw ba ako. Kung lalake o babae. Hay nako. Medyo nainis pa nga ako ng very very light no. Hindi pa ba halata? Eh di BAKLA. Keenes, hahaha.

Matapos kumain ay bumalik na kami sa Counter Station at nagpatuloy na sa pagtatrabaho.

Alas diyes ng gabi ang sarado ng store at lampas alas onse na ng matapos kami maglinis. Grabe, nakakapagod pala. Ang daming dapat hugasan, syempre hindi naman ako pwedeng umangal. First day ko eh.

At heto nga. Ala una na ng makauwi ako sa bahay. Mahirap na din kasing sumakay pag gabi na. I mean, sa subdivision na to, wala ng tricycle kapag ganitong oras. Kung meron man. Ang swerte mo!

Pagkatapos ko maghilamos ay nahiga na ako. Ayoko ng mag half bath, sobrang sakit ng paa at likod ko. Tapos bukas ay 7am ang pasok ko. Grabe ang aga! Anyways, Thank you Lord dahil nakaraos ako sa unang araw ng trabaho. Salamat sa mga bagong kaibigan na nakilala ko. Salamat po Lord, Amen.

Continue Reading

You'll Also Like

172K 7.1K 25
Juni had been crushing on Storm for millions of years. But didn't have the courage to confess his feelings 'coz Storm was quite popular-- and unfortu...
1.8M 62.6K 60
BROMANCE/BOYXBOY/YAOI Kung hindi ba naman kamalas- malasan ang hapong iyon para kay Eiji! Nalaglag na nga sa manhole, napilayan, at nalaglagan pa ng...
241K 1.9K 7
Ang ALUGURYON ay base sa pelikula at akdang "Memoirs of Geisha", kung napanood niyo na ito ay tiyak na mag eenjoy kayo at makakarelate, kung hindi pa...
553K 2.2K 8
Ang kwentong ito ay REMAKE. Taong 2013 noong unang inilabas ko ang kwento nila Rael at Enchong dito sa wattpad. Hanggang sa naisipan ko itong ayusin...