A/N: Magkakaroon siguro lahat ng POV ang bawat characters dito guys pero di siguro lahat? HAHA..:) So read this chapter till end.
KEVIN'S POV
"Kuya! You should wear this." Sinuot sa akin ni Princess ang relo na regalo niya sa akin. Ngumiti ako.
"Thanks Baby sister."
Sa totoo lang kinakabahan ako ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit. Siguro nga ito na yung pinakahihintay ko sa buong buhay ko.
Umupo ako saglit sa isang couch dito sa room. Ilang beses akong bumuntong hininga at ngumiti na parang baliw. Kahit naman siguro kinakabahan ako ngayon,mas lamang pa rin ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.
Ano na kayang ginagawa niya?
Ano kaya ang itsura niya?
Hindi na ako makapag-antay pa.
"Son..."
Napatayo ako..
"Daddy.."
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko kaya muli akong umupo. Tinapik niya ang balikat ko atsaka ngumiti ng napakalapad.
After ng new year pa siya umuwi para maka'attend sa special day na ito. He don't want to missed this special day for me.
"You're now a big boy son,I hope you'll be fine and happy forever."
"Yes dad,thanks for making me a succesful man,thanks for supporting me."Inakbayan ako ni Dad.
"I'm not the one who make you a succesful man Kevin,kundi ikaw mismo.Matalino ka kaya naging succesful ka,diba?" Tumawa siya kaya I nodded nalang. Huminga siya ng malalim "Sana nandito rin ang mommy mo noh? I'm sure iiyak yun. Hahaha. But I know she's looking at you right now,so enjoy this day son." Tinapik niya ulit ang balikat ko bago tumayo. Naglakad na siya hanggang sa tapat ng pinto nitong room.
"I love you dad." I said.
Humarap siya sa akin..
"I love you too,my son."
Pagkatapos lumabas ni daddy ay lumapit ako sa harap ng malaking salamin. Tinignan ko ang suot ko at inayos ang mga dapat ayusin. Muli akong napangiti...
This is it.
"Kuya,tara na. Punta na tayong church."
"Okay Princess."
Lumabas na kami ng hotel at sumakay na sa kotse.
Pagdating namin sa simbahan ay bumaba na ako agad ng kotse at pumasok sa loob. Kasama ko si daddy at Princess. Pagpasok ko sa loob ng simbahan nakita ko agad ang napakarami naming bisita,wearing their formal attire. We decided na silver and gold ang magiging motif..Kumpleto na ang lahat,nandito na silang lahat.. Isa nalang yung wala at kulang and that is
MY BRIDE
Kaninang umaga hanggang ngayon di ko pa rin siya nakikita. I know right,hindi naman talaga pwedeng makita muna ang bride eh. I know it's a surprise. But,I can't wait na eh. I can't wait to see my Beautifil Princess,my beautiful queen,my beautiful bride and wife in the future.
Nandito na rin sila Erickson,Lyla,Jussel,Baby Ralph,JB,Lian,Sindy,Paolo,Nash,Michael and Sandra..Lahat ng naging parte ng buhay namin ni Rhea ay nandidito..Nagkaayos na nga pala sila Sindy at Rhea,ganun din silang dalawa ni Lian. Nung isang araw pa umuwi sila Lian at Sindy dito,sumabay sila kayla JB. At oo,si Lian at JB na. Si Lyla at Jussel naman sila na rin. Si Nash? Hindi niya isinama ang fiance niya kasi daw may kailangan pa itong gagawin. Akalain mo yun? Lahat maayos at masaya na. :) Si Michael nga pala ang grooms man ko. Kay Rhea naman si Sindy ang maid of honor niya.. Mga bestfriend. Hahaha. Grooms men din naman sila Erickson tapos sila Lian,Sandra at iba pa ang brides maid.
"Alam kong excited ka na,wag masyado Kevin baka di matuloy. Hahaha." Pang-aasar sa akin ni Erickson.
"Loko ka talaga. Kapag kayo kinasal ni Princess guguluhin ko talaga kayo."
"Joke lang,ikaw naman. Hehehe." Loko talagang Erickson,walang pinagbago. Hahay.
Lumapit sa akin si Nash "Wag mong paiiyakin ang baby sister namin ah? Dahil kapag ginagawa mo lagot ka sa amin."
"Asa naman na gagawin ko yun!"
"Asa talaga dahil mawawasak yang pagmumukha mo."- JB
"Hindi nga! Ano ba kayo..Special day ito para sa saakin kaya wag niyo akong pagtulungan pwede ba?"
"Sus! Hahaha." Sabay sabay nilang sabi. Mga loko talaga.
"Kuya magsisimula na..Be ready. Hihihi." Si Princess naman mas excited pa sa akin. Kung alam niyo lang,di siya nakatulog kakaisip sa design ng magiging gown niya. Hahaha.
"Oo na..Erickson,kunin mo na 'tong kapatid ko oh." Sabi ko sakanya. Dali-dali naman siyang lumapit kay Princess.
"I'm here na darling" Ang corny -_- Ngumiti lang sakanya si Princess at kumabit sa bisig nito.
"Kuya,be ready. Hihihi." Kanina pa kaya ako ready.
(Play the music video here hanggang end nitong chapter -->)
Nagsimula na kaming maglakad sa gitna ng simbahan or aisle..Ako yung una dahil ako ang groom. Kasama ko rin si daddy habang naglalakad.Habang naglalakad ako,lahat ng nangyari sa amin ni Rhea ay muling nag flashback sa isipan ko. Lahat ng awayan,iyakan,problema at mga masasayang moments namin. :) Grabe,di ko akalain na darating ang tima na ikakasal na kami.
Nung nakarating na kami sa harap ni daddy ay niyakap niya ako..
Sunod na naglakad sa gitna ay ang brides maid at grooms men. Mga ninong at ninang. Ang ringbearer..Mga flower girls at iba pa.
Hindi ko akalain na ganito kaganda ang kasal namin.
"I know you're waiting for her." Bulong ni Dad.
"Yes dad,I can't wait to see her."
"Ilang minutes na lang,darating na ang bride mo."
Ngumiti ako..
Lahat kami ay nakatingin lang sa labas ng simbahan habang hinihintay na dumating si Rhea.. Ilang saglit pa ay may humintong kotse sa labas ng simbahan. Lahat kami napangiti..
Nandito na siya.
Halo-halo yung nararamdaman ko. Kaba,saya,excite at kung ano pa.
Maya-maya lumabas kotse ang isang napakandang babae sa buong buhay ko.. Suot suot ang kanyang napaka-gandang gown.. Kasama niya si Tita Elise.
RHEA'S POV
"Baby are you ready?" Tanong sa akin ni mommy bago sumakay ng kotse. Tumango lang ako at pumasok na sa loob ng kotse..
Bata pa lang ako parang naglalaro lang ako ng kasal-kasalanan eh,pero ngayon? Hindi na laro ang lahat ng ito. Dahil totoo na,totoong totoo.
Hinawakan ni mommy bigla ang kamay ko. Pansin ko rin sa mga mata niya na parang naiiyak na siya..
"Baby, sana maging masaya kayo ni Kevin ah? Don't fight with him ha? Be a good mother kung sakaling magkaroon man kayo." Si mommy naman kasal pa lang,hindi honeymoon. HAHAHA
"Ano ka ba mommy,oo naman noh. Isusumbong ko lang siya sa iyo kapag inaway niya ako."
"Good baby. I'm happy for you." Ayan na,tumulo na ang mga luha niya :(
"Mom naman,wag ka na pong umiyak.." Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya "Ako pa rin yung baby girl niyo nila Kuya,hindi magbabago yun. I love you mommy." Pati saiyo daddy, I love you.
"I love you too baby." Tumingin siya sa may bintana ng kotse "Nandito na pala tayo. Get ready." Tapos niyakap niya ako.
Unang lumabas ng kotse si Mommy. Ako naman huminga muna ng maraming beses. This is it! Ito na talaga yun Rhea!!
Dahan-dahan akong lumabas sa kotse.. Muli akong huminga ng malalim,nandito na ako.
Mula dito sa kinatatayuan ko kitang-kita ko ang napakagandang motif na pinag-usapan pa namin ni Kevin ng ilang weeks. Kitang-kita ko rin ang napakaraming bisita. Mga friends namin,relatives and other. Lumapit sa akin si mommy at ngumiti,habang ako naman ay medjo kinakabahan. Kumapit nalang ako sa bisig ni mommy at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob ng simbahan.
Habang naglalakad sa aisle di ko maiwasang lumuha. With matching music pa na thousand years. Nakakaiyak. Walking in the aisle,going in front of the altar,marrying the boy of my life, it was a dream come true for me.
I didn't expect too much about this eh,pero ngayon ang saya-saya ko. Sobraa.
Habang naglalakad pa rin ako kitang-kita ko ang napakagwapong nilalang sa buong buhay ko.Ang lalaking binago ang nag-iisang Rhea Mae Gibson. Ang lalaking laging nandyan sa tabi ko sa oras na malungkot ako.Ang lalaking hindi lang Heartthrob kundi savior ng buhay ko.Ang lalaking naiintindahan ako sa lahat. Hindi ako magsisisi na ikasal sakanya. Hinding-hindi. Ngayon na patapos na ang love story naming dalawa,gusto ko maging masaya na kami forever. Walang harang,walang dapat manira. Yung kaming dalawa lang,wala ng iba.
KEVIN'S POV
Seeing her walking in the aisle makes me falling in love with her more and more. Alam niyo ba kung gaano ako kasaya ngayon? Parang daig ko pa ang manalo sa lotto eh. Para sa akin isang pangarap ko din ito sa buong buhay ko na napagtagumpayan ko na rin. Hindi lang pagiging engineer kundi ang ikasal sa pinakamamahal kong babae sa buong mundo.
Napangiti ako nung papalapit na siya sa akin.. :)
Alam niyo naman siguro na mahal na mahal ko ang babaeng ito diba? Halos ikamatay ko na kapag nawala siya sa akin. Siya yung buhay ko eh,siya lang.Hindi ako maghahanap pa ng iba. She's the most special girl in my whole life.
"Ang ganda ng bride mo Kevin." Nakangiting sabi sa akin ni Michael,nasa tabi ko rin kasi siya.
Ngumiti lang ako sakanya at muling tumingin kay Rhea..Ang ganda niya. Ang ganda ng angel ng buhay ko..
At eto na nga,lumapit na siya sa akin kasama si Tita Elise. Binigay ni Tita ang kamay ni Rhea sa akin atsaka ngumiti ito sa akin. Muli akong napatingin kay Rhea,ang ganda niya talaga.
"Punta na kayo doon sa harap ng altar." Sabi sa amin ni Tita Elise. Pareho kaming tumango ni Rhea at sabay na pumunta doon sa Altar.
Hindi ko maiwasang tignan si Rhea,at kapag tinitignan ko siya di ko maiwasang ngumiti talaga. Mahal na mahal ko ang babaeng ito,di ako magsasawang sabihin ng paulit-ulit na mahal ko siya.
ERICKSON'S POV
I'm happy for my baby sister now. Alam kong masaya siya kaya masaya na rin ako para sa kanya. Buong buhay ko inalagaan at minahal ang kapatid ko katulad ng pagmamahal ko kay Baby Ralph ngayon.Mahal na mahal ko ang kapatid ko higit pa sa buhay ko.
At ngayon,alam ko na nasa mabuting kamay na siya. Alam kong mas aalagaan pa siya ni Kevin at mas mamahalin pa siya nito. Alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa kaya bilang kuya naiintindihan ko silang dalawa. Mabuti nga at kinasal na sila,atleast sa susunod ako nanaman ang ikakasal. Joke! HAHAHA. Pero sana nga,maging masaya sila sa bagong buhay na papasukin nila :)
NASH'S POV
Nakakatuwang isipin na nagustuahan ko noon ang sarili kong kapatid na si Rhea. Pero matagal na man yun eh,ang importante mahal na mahal ko siya bilang kapatid na. Katulad ni Erickson isa rin akong overprotective Kuya,ayaw na ayaw kong nasasaktan si Rhea at nagiging kawawa kaya gagawin ko ang lahat maging masaya lang siya,dahil kapatid ko siya.
Ngayon na ikakasal na siya kay Kevin,masaya ako para sakanya. Inlove siya kay Kevin eh,kaya ngayon ito na yung panahon na magiging sila na nga forever. Wala nang makakapaghiwalay pa sakanilang dalawa.
JB'S POV
Si Rhea? HAHAHA. She's my favorite cousin. :) Halata naman diba? Paborito ko kasi talaga siya kasi mabait siya at masyadong masiyahing tao. Kahit na suplada siya minsan,paborito ko pa rin siya. Kaya sana lang di siya sasaktan ni Kevin,kasi kapag ginawa ni Kevin yun,basag ang pagmumukha niya! Promise!
Pero syempre di gagawin ni Kevin yun,kasi nga alam naming lahat na mahal na mahal niya si Insan. Kaya sana maging masaya sila sa Life. Achecheche! :D
LYLA'S POV
In the first place,nasaktan ako ng todo ng malaman kong inlove ang kapatid ko sa mismong EX ko. Pero ngayon masaya ako,kasi nagawa kong maging masaya si Rhea. Si Kevin ang kasiyahan niya at masaya ako dahil di ko ipinagkait yun. :)
Mahal na mahal ko ang kapatid kong si Rhea.. Masaya ako para sakanilang dalawa. :)
JUSSEL'S POV
Masakit talaga ang masaktan ka ng paulit-ulit diba? Pero yung mga sakit na nararamdaman ko noon yun ang naging dahilan para mas maging matatag ako. Salamat dahil dumating sa buhay ko si Rhea. Sana di siya sasaktan at iiwan ni Kevin tulad ng ginawa ko sakanya noon,para sa huli,wala siyang pagsisisihan. :)
PAOLO'S POV
I can't imagine that my ultimate crush and first love is getting married. HAHAHA. Past is past bro. Btw. I'm so happy for them. Sapat na sa akin ang naging insipirasyon at mahalin si Rhea kahit sandali,kasi alam kong di naman talaga kami para sa isa't-isa. :) Nakuha na siya ni Kevin kaya wala na akong magagawa. HAHA.
LIAN'S POV
Alam ko na ang laki ng kasalanan ko kay Rhea pati na rin sa pamilya niya. Pero kahit pa na ganun nakaya niya pa rin kaming patawarin at tanggapin ng buong-buo. Sana maging masaya silang dalawa. Nakakatuwa ngang isipin na ang bilis tumakbo ng oras at ang bilis ng araw. Kasi parang kahapon lang magkaaway kami, eh ngayon? Magkaibigan na. :) I'm happy for the both of them. I hope they will live happily ever after :)
SINDY'S POV
Seeing my bestfriend wearing that beautiful gown making me so proud of her.. :) Mabait na tao si Rhea dahil nagawa niya pa rin akong patawarin. Bestfriend ko talaga siya. Kailangan ko pang bumawi sa lahat ng mga pagkukulang ko. Kaya gagawin ko ang lahat para bumalik ang dating friendship namin.
Mabait na tao si Rhea at masaya ako dahil ikakasal siya sa mabait ring tao. :">
RHEA'S POV
" I do."
Hindi na ako nagdalawang isip pa na sabihin ang katagang yan.Ganun din si Kevin. Ilang saglit pa ay nagbigayan na rin kaming dalawa ng Wedding Vow at nag exchange rings na rin kami.. AFter that....
"And now you may kiss your bride.." Pareho kaming humarap sa lahat ng bisita namin at maya-maya pa ay hinalikan na ako ni Kevin..
And now were totally married. Mag-asawa na kami! :)
Humarap si Kevin at niyakap ako bigla,kaya I hugged him back.
"Mahal kita,MISIS ko." I smiled kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sakanya. I can't really imagine na mag-asawa na kami ngayon. Grabe,sobrang saya ko talaga. As innnnnn. <3
"Mahal din kita,Mister ko."
-
"Love has nothing to do with what you are expecting to get only with what you are expecting to give — which is everything."
-
AUTHOR'S NOTE:
Sorry if bitin at di masyado makakilig. Di ko kasi alam kung ano ang mga ginagawa kapag kinakasal at kung ano ang mga sinasabi. HAHAHAHA. XD btw. May isang chapter pa po kaya doon nalang ako babanat :) Typo errors? Edit ko lang bukas. HAHA! Thanks for Reading! HAPPY NEW YEAR!