Hey! You?! I LOVE You

By Hey_Nhie

17.9K 460 74

Hey! You?! I LOVE You. What if sabihan ka ng mga katagang yan?Nino? Edi Nang lalaking crush mo ngunit kinaiin... More

Hey! You?! I LOVE You.
Hey!? You! ILY II
Hey!? You! ILY III
Hey!? You! ILY IV
Hey!? You! ILY V
Hey!? You! ILY VI
Hey!? You! ILY VII
Hey!? You! ILY VIII
Hey!? You! ILY IX
Hey!? You! ILY X
Hey!? You! ILY XI
Hey!? You! ILY XII
Hey!? You! ILY XIII
Hey!? You! ILY XIV
Hey!? You! ILY XV
Hey!? You! ILY XVI
Hey!? You! ILY XVII
Hey!? You! ILY XVIII
Hey!? You! ILY XVIII (part II)
Hey!? You! ILY XIX
Hey!? You! ILY [special chapter]
Hey!? You! ILY XX
Hey!? You! ILY XXI
Hey!? You! ILY XXII
Hey!? You! ILY XXIII
Hey!? You! ILY XXIV
Hey!? You! ILY [Special Chap. II]
Hey!? You! ILY XXV
Hey!? You! ILY XXVI
Hey!? You! ILY XXVII
Hey!? You! ILY XXVIII
Hey!? You! ILY XXIX
Hey!? You! ILY XXX
Hey!? You! ILY XXXI
Hey!? You! ILY XXXII
Hey!? You! ILY [Special Chap. III]
Hey!? You! ILY XXXIII
Hey!? You! ILY XXXIV
Hey!? You! ILY XXXV
Hey!? You! ILY XXXVI
Hey!? You! ILY XXXVII
Hey!? You! ILY XXXVIII
Hey!? You! ILY XXXIX
Hey!? You! ILY XL
Hey!? You! ILY XLI
Hey!? You! ILY XLII
Hey!? You! ILY XLIII
Hey! You?! ILY XLIV
Hey! You?! ILY XLV
Hey! You?! ILY XLVI
Hey! You?! ILY. [Special Chapter IV]
Hey! You?! ILY XLVII
Hey!? You! ILY XLVIII
Hey!? You! ILY XLIX
Hey!? You! ILY L
Hey?! You! ILY LI
Hey!? You! ILY LIII
Hey!? You! ILY LIV

Hey?! You! ILY LII

8 0 0
By Hey_Nhie

Chapter 52
Conversation


Mabilis lang ako sa cubicle. Hindi ako pwedeng magtagal dahil baka kung ano na ang isipin ni Gab.


Paglabas ko nadatnan ko sa harapan ng salamin si Gab. Napansin nya agad ang itsura ko kaya mabilis nya akong dinaluhan. Gusto kong maiyak ulit pero hindi pwede lalo na sa harapan nya.



Kita ko sa mukha nya ang pag-aalala. Nagtanong sya ng ilang tanong tungkol sa mata ko. Imbes na sagutin ang katananungan nya e tinatawanan ko lang sya at ang reaksyon nya. Para siyang nanay kung mag-aalala sa'kin.



Napayuko ako. Nakokonsensya ako dahil hindi ko masabi-sabi sa kanya itong nasa dibdib ko.


Pilit nya pa rin akong tinatanong at para syang bata sa sobrang kulit. Kinukulit nya ako ng kinukulit habang nasa harapan kami ng salamin.



I heaved a sighed. Hindi titigil itong si Gab kung wala siyang makukuhang sagot sa'kin. I don't have any choice. I need to lie and make an alibi.



Tumitig ako sa refleksyon ko Hindi ko kayang sabihin sa kanya itong nararamdaman ko. Hindi ko rin kayang ipaliwanag sa sarili ko itong nararamdaman ko kaya naman maging sa iba'y nahihirapan din ako kung papaano ko sasabihin sa kanila.



I smiled at her but Gab looked so irritated. Maybe I hit her temper. Huminga ako ng malalim at tsaka nagsalita.


Niyakap ko si Gab at napaluha ako. Mabilis ko itong pinunasan.


Ayokong gamitin si Sam pero wala akong mahanap na excuses para lang makawala sa pangungulit mo Gab.


Kumalas ako sa pagkakayakap at nagdesisyon na kaming lumabas.


Sya lang ang naiisip kong reason para matahimik si Gab at matigil ang pag-aalala nya sa'kin. And I'm sorry for not being honest.


Medyo mugto parin ang mata ko ng lumabas kami sa restroom. Nagtanong agad si Errolle pero gaya ng sagot ko kay Gab ang sagot ko kay Errolle.

"Ayos lang ako. Namiss ko lang si Sam. At bigla lang akong nag-alala sa kanya." Pakatlong sagot ko nang si Rid naman ang nagtanong pagkarating namin sa kanya.



Nagkibit balikat lang sya at hindi na ako muling hinarap.



Hindi ako nagsasalita habang kukumain ulit kami. Pinalitan ng manager ng bago ang pagkain namin. Walang bayad iyon pero dahil mataas ang ego nina Errolle they don't allowed the manager. They pay our foods in double amount. Pero nagbigay ng discount ang manager dahil pananagutan parin daw nila ang nangyari.


Hindi ako nagsasalita. Tulala lang ako sa pagkain ko hanggang sa matapos kami at hanggang pag-uwi.



Hindi nagtatanong si Errolle or maging si Gab pero sa tuwing titingin sila sa'kin bakas sa kanilang mga mata ang pag-aalala at pagtatanong. Halatang iniisip nila ang pananahimik ko. Samantalang si Rid ay parang walang paki sa'kin. Hindi nya manlang ako sinusulyapan or bigyan man lang na kahit konting tingin.


Mas nakadagdag iyon sa bigat na dala ko.


Binigyan nya lamang ako ng pansin at tipid na ngiti nang maghihiwa-hiwalay na kami upang umuwi.



Hinatid ako ni Errolle. Si Rid ay hinatid naman si Gab.


Hindi ako nagsasalita buong byahe namin. Pansin ko naman ang pag-aalalay sa'kin tuwing sasakay kami ng jeep.



Nagsalita lamang ako ng nasa tapat na kami ng bahay.



Sobra akong nanghingi ng tawad sa kanya para sa pananahimik ko. Hinagkan nya lamang ako ng halik sa noo at sinabing magkikita kami bukas. Mas nakonsensya ako sa inasta nya. Hindi sya galit. Hindi sya nagtatampo. Okay lang sa kanya. Naiintindihan nya ako.



Now? Deserve ko na si Errolle gayong ang buti nya sa'kin? Gayong naiintindihan nya ako? Pero papaano kung i-open ko sa kanya itong pangambahin ko? Maiintindihan nya parin na ako?



"Salamat, Errolle. Sige na. Late na." Hindi ko alam ang gagawin. Kailangan ko rin na syang halikan sa pisngi gaya ng ibang nakikita ko sa t.v?



He's smiling. "Okay. You too." He stared at me for about 5 minutes. Then he hugged me and gave me another kiss in my forehead.



Ramdam ko ng mga oras na iyon na gusto nya akong tanungin pero tanging pagngiti lang at pagyakap ang kaya nyang gawin.



Nang nakahiga na ako sa kama ko sa kalagitnaan ng gabi hindi ko maiwasan isipin ang lahat ng naramdaman ko kanina. Pinipilit kong makatulog ngunit hindi ako dinadalaw ng antok. Siguro dahil hanggang ngayon naiisip ko parin iyong kanina.


Yakap yakap ko ang unan ko habang nakatulala sa kisame. Hindi ko maiwasan na balik-balikan ang nangyari kanina.



Iyong tingin ni Rid. Ang pagtrato nya kay Gab ng kakaiba. Iyong pagiging showy ni Errolle sa'kin. Lahat lahat ay binalikan ko.


At isang bagay ang nakita ko sa sarili ko.


Maybe... I'm jealous.


Siguro dahil maaaring mawalan ako ng dalawang kaibigan once maging sila sa future. Maaaring hindi na kami madalas magkasama dahil mas prefer na lang nila ang sila lang.


Napapikit ako sa naisip ko. Para bang hindi ko kayang dumating sa panahon na iyon. "Maureen... si Errolle ang gustong gusto mo. May kasama ka naman once iwanan ka nila." Hindi ako naging kumbinsido sa sinabi ko. Biglang nag-pop up sa utak ko ang pag-aasikaso ni Rid kay Gab. "Hindi ka pwedeng magduda... your into Errolle."


Muli akong dumilat at inaaral ang nararamdaman. Hindi ko alam kong papaano ko malalaman kung gusto ko rin ba si Rid in special way. Eto palang ang una ko at ang kay Errolle ay nakakasiguro ako. Maaaring nagseselos nga ako kay Gab ngunit bilang kaibigan lamang.


Siguro ay ayun lang nga iyon.


Ang magulo kong buhok ay mas lalo ko pang ginulo dahil sa inis at frustasyon.

Bakit para bang hindi ako kumbinsido sa lahat ng mga naiisip kong si Errolle lang ang ginugusto ko?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Ma?" gulat kong saad.


"Akala ko tulog ka na?" Medyo tensyunado ang boses ni Mama.


Ngumiti sya sakin at lumapit. Ginawaran nya ako ng halik sa noo. "Goodnight. Matulog ka na. Masama ang pagpupuyat."


Tatanungin ko sana si Mama kung bakit sya biglang pumasok pero mabilis siyang lumabas sa aking kwarto. Tumagilid na lang ako ng higa at tumingin sa labas ng bintana.



Ayaw ko ng isipin pa si Rid. Kung ayaw nya na ulit sa'kin e ayos lang. Ginawa na rin naman nya ito noon. Minsan nya na rin akong iniwasan at nilayuan ng walang dahilan.


Pipikit na sana ako nang ilang sandali lang ng tumunog ang Innocent ni taylor swift na siyang ring tone ko.


Hindi ako nag-atubiling tignan ang tumatawag. I just quickly press na green bottom. "Hello---"


Hindi ko madugtungan ang sentence ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. "Hi Maureen." Bakas sa kabilang linya ang nakangiting sya.



Ilang segundo akong natahimik na umabot ng isang minuto at hindi parin alam ang sasabihin. Pinakikinggan ko ang kaba sa dibdib ko. May saya akong nakakapa.


Kakaibang saya.


"Maureen? Natutulog ka na ba? Sorry. Sige at---" I cut him off.


"R-rid... ano hmm.. h-hi! Hindi pa ako natutulog. Ahehehe..." I tried to sound normal. Napabuntong hininga ako.


Wala akong narinig na kung ano sa kabilang linya. Miski paghinga ni Rid ay hindi ko marinig. Nasa kabila pa kaya sya?


"Rid?" Tawag ko sa pangalan nya. Napaupo ako at niyakap ko ang tuhod ko.


"I'm s-still here."


Hindi ko naiwasan ang sarili ko. Napabuntong hininga ako bilang marka na narelieve ako. Dinig na dinig ko ang malakas niyang tawa.


"You okay? Hahaha" Akala mo ba e wala na ako sa linya?"


Alam kong hindi nya ako nakikita pero para akong bata na tumatango tango. "Oo!" Inis kong sagot. Mas lumakas ang tawa nya.


"Hindi ako natatawa." inis kong hayag ngunit naging mas lumakas ang tawa nya.


Napa-pout ako at tinitigan ko ng masama ang phone ko na para bang sya ito.


Tatawag lang ba sya para asarin ako?


Unti unting nawala ang tawa nya at narinig ko ang paghinga nya ng malalim. Pinakinggan ko nito ng maigi ngunit hindi ko nakayanan ang sumunod kong narinig ng magsalita sya.


"I'm outside. I-i badly want to see and talk to you. Just you and I."


I'm speechless. Napatayo lamang ako sa gulat at dali-daling kumuha ng suklay. Pinasadahan ko ng ilang hagod ang buhok ko. Nagpulbo pa ako at nagpalit ng t-shirt. Nakapantulog na kasi ako.


Mabilis akong lumabas ng kwarto at halos madapa dapa dahil sa dilim.


Gosh! Natataranta ako. Bakit ba kasi sya nandito ng ganitong oras? Ano bang pumasok sa kukote ng taong ito? Tumitingin kaya ito ng oras at hindi nya man lang naisip na disoras na ng gabi?


Dinig ko ang malakas na kabog sa dibdib ko.



"Maureen?" Shit! Muntik ko ng mabitawan ang cellphone kong marinig si Rid sa kabilang linya. Papunta ako sa kwarto nina Mama. Kailangan ko munang magpalaam.


"Ah! Sorry... ano. Nasaan ka ba? Palabas na ako."I tried to calm myself. Sana ay hindi ako halatadong kinakabahan na ngayong kausap sya.


Binuksan ko ang kwarto nina Mama ngunit si Papa lang ang nadatnan ko. Pagbaba ko ng hagdan saktong papaakyat si Mama. Mabilis kong tinakpan ang cellphone ko. 


"Ma... lalabas lang po ako."


Nanliliit ang kaniyang mga mata. "Anong gagawin mo sa labas? Maureen... alam mo ba ang oras?"


"Eh... si Rid este si Dave po kasi. May mahalaga syang sasabihin."


Unti unting nawala ang panliliit ng mata ng Mama at nginitian ako. "Oh sige. Pero huwag kayong magtatagal."


Lumawak ang ngiti ko at niyakap si Mama. "Salamat, Ma."


Mabilis akong bumaba pero sumunod si Mama. "Teka." Hinawakan nya ako sa kamay at dinala sa harapan ng salamin. Nagtataka akong nagpatinaod. Nakangiti si Mama at nagtataka naman ang refleksyon ko sa  salamin. "Lalabas ka ng bahay. Pero bakit kailangan eh maganda ka pa?"


Tumawa si Mama samantalang  pinamulahan ako ng mukha. "Sige na. Huwag magtatagal."

Pinagtulakan ako ni Mama palabas ng bahay. Sinarado nya ang pinto.


Sinalubong ako ng malamig na hangin. Dapat pala nagdala ako ng jacket. Nilagay ko ulit sa tenga ko ang cellphone. Sana nasa kanilang linya pa sya.


"Hello, Rid?" narinig ko ang pagbuntong hininga nya. Hindi ko naiwasan ang ngumiti.


"Maureen! Akala ko tinulugan mo na ako e." Bakas sa boses nya ang lungkot. Natawa ako. "Sige. tawa pa."


Dire-diretso ang lakad ko at sinasalubong ang hangin. Nayakap ang isang kamay ko sa'kin. "Saan ka nga? Hindi mo sinabi kanina eh."


"Hahaha! Ba't di mo ko hanapin? Pagnahanap mo ko may chocolate ka na may bulaklak ka pa." Kahit hindi ko sya kita halata sa boses nyang may naglalaro'ng ngiti sa labi nya.


Nagpalinga-linga ako dahil baka andito lang sya sa tabi tabi. Ang creepy pala sa lugar namin paghatinggabi. Baka mamaya eh may multong gumagala dito.


Bumilis ang lakad ko. "Ano nga?! Nanloloko ka pa e!"


Nadinig ko ang mas lumakas niyang tawa. Napabilis naman ang lakad ko ng may maramdaman akong sumusunod sa'kin.


"R-rid... saan ka nga?!"


Biglang may sumulpot na nakahood sa harapan ko mula sa likuran ko. Ginulat nya ako dahilan para mataranta ako.


"Woha!"

"Aaaah!"


Nabitawan ko ang cellphone ko na syang na salo nya. Tumawa sya ng tumawa habang iniaalis ang hood.


"Langya! Ikaw lang pala iyan, Rid!"


"Ang duwag mo pala, Maureen! Pero lakas ng loob---"


Hindi ko sya pinatapos sa pagsasalita. Pinalo palo ko sya. Tawa parin sya tawa habang pinapalo ko. Abno talaga itong si Rid. Sinasaktan na nga sya pero natutuwa pa sya.


"Nakakainis ka! Nakakainis!" Bulyaw ko.


Hindi nya sinsalag ang bawat palo at suntok ko. Mas ni lakasan ko ito pero this time sinalo nya na. Hinatak nya ako papalapit sa kanya at saka ako niyakap.


"I'm sorry...." aniya sa malungkot na tinig. Natulala lang ako at hinahabol ang hininga.


"Para saan? Panggugulat?" Malambing kong tanong na siyang kinailing nya.


"I'm just... trying to be good friend from the both of you. Ayoko lang maging epal sa date nyo."


Bumagsak ang balikat ko sa narinig ko. Wala akong sasabihin. Mas gusto ko lang makinig sa kanya. Kahit gusto kong magsalita at sabihin na hindi magandang ideya iyon. He's unfair for that.


Ang yakap nya ay mas humigpit pa na nagpadulot ng matinding kaba sa dibdib ko at nagpawi sa lamig ng katawan ko. His warm body burn the cold of mine.


"Maureen.... I'm your friend. At hindi ko makakayanan na isang araw makita kitang umiiyak dahil rin sa kaibigan ko." Kumunot ang noo ko at tumawa naman sya ng mahina. "I'm weird right now and hoping not giving you creepy feelings." Binaon nya ang ulo ko sa balikat nya at naramdaman ko ang hininga nya sa buhok ko.


"Rid..." my lower lip is trembling. The same as my hands.


"Hindi ko alam if this is the right time, Maureen." Ang seryoso nyang boses ay mas naging seryoso.


Nilayo nya ako ng kaonti sa kanya. We stared at each other. Ang ilaw na magmumula sa poste ay nagbibigay liwanag sa kalahating mukha namin ni Rid.



Mapupungay ang kanyang mga mata. Bakas ang lungkot dito.



Umihip ang hangin. Ilang strand ng buhok ko pumunta sa mukha ko. Hahawakan ko na sana ito at ilalagay sa likuran nang ginawa na ito ni Rid.  Inipit nya sa tenga ko ang buhok ko.



Ngumiti sya at ginantihan ko ito. Tinitigan ko sya sa mata at ganun din ang ginawa ni Rid.  Para akong nalulunod sa tingin nya.




"Maybe this is wrong but for me? This is good." Hinalikan nya ako sa noo at muling tumingin sa mata ko. Palakas ng palakas ang kaba sa dibdib ko. Para syang dagundong ng barko. "I have been loving you. Pero hindi ko kayang ipagpilitan ito. Mahal kita more than as friend, Maureen. Mahal kita at kontento na ako doon."

Continue Reading

You'll Also Like

92.6K 5.8K 25
Jazmine Allison and Sofiera
973K 101K 33
A trap that I never thought I'd ask an escape... Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
15.7M 365K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
5.7M 141K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...