"Maraming salamat talaga sa tulong n'yo, Kisses, ha." Ate Mary said gratefully habang naglalakad kami papunta sa pinakamalapit na canteen to have some snacks.
Kakatapos lang ng meeting about the charity event and everything went well naman. I'm so excited na! I'm sure it'll be a lot of fun plus being able to help other people is such a wonderful experience.
"Ano ka ba, ate Mary. Wala 'yon, no. Para ka namang others." biro ko sa kanya.
She ran her fingers through her hair. "Naku. Na-pe-pressure na rin kasi ako sa dami ng dapat kong gawin, eh. Syempre hindi lang naman ako ang maapektuhan ng mga ginagawa ko kaya sobra akong nagpapasalamat dahil nandyan kayo para tumulong. Nagiging panatag ako." Seryoso niyang sabi.
Ate Mary's a bubbly girl. Lagi siyang nagpapatawa. She always wants everyone to be happy. She's such a selfless person that's why I love her very much.
I stopped on my track and pulled her into a tight hug and kissed her cheek. "You're not alone in all of these crazy stuff, okay? I've got your back." Pinunasan niya ang luhang nag-form sa eyes niya. I laughed when I realized na sobrang madrama kami. Sinabayan niya rin ako sa pagtawa nang marealize niya 'yon.
"Hay naku. Kainit ng panahon eh nag-da-drama tayo! Tara na nga sa canteen at gutom lang 'to panigurado." natatawa niyang sabi.
I agreed at masaya kaming nagtungo sa canteen.
"Kumusta kayo ni Marcus?" tanong niya habang naghahanap kami ng table bitbit ang mga inorder namin.
Natawa ako sa tanong niya. Kung makatanong siya ay para namang kaming dalawa ni Marcus!
Napataas ang kilay niya nang mapansin akong bahagyang natatawa, "Oh bakit? Naku, ano yan, ha?" She asked curiously.
Napanguso ako, "Wala ate. Ganoon pa rin naman kami ni Marcus, ate. We're good friends." Nakangiti kong sabi.
"Hindi ba talaga kayong dalawa?" usisa niya.
Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha. Dinaan ko na lang sa tawa ang tanong nya. Tinapik ko ang kanyang braso pagkatapos ilapag ang mga pagkain ko. "Grabe ka, ate Mary! Magkaibigan lang talaga kami, no. Best friends."
"Sus. Pashowbiz din kayo, no." pairap na sinabi niya.
Natawa na lang ako at bahagyang napailing.
Hindi na rin naman bago sakin ang tanong na 'yon ni ate Mary. Marami nang nagtanong ng ganoon sa akin. Dati, lagi kong iniisip kung bakit nila naitatanong ang ganoon but then may nagsabi sa akin na we're so sweet daw and we act like a couple. Nang malaman ko 'yon, I started to put distance between me and Marcus. Napansin niya 'yon and I don't have any choice but to tell him kung bakit ako lumalayo sa kanya. He told me not to mind what other people think kaya bumalik kami sa dati.
But then, I started to feel something special sa kanya. Mahirap rin iwasan mahulog sa kanya kasi he's sweet, caring and gentleman. Pa-fall pa sya madalas kaya paano naman ako, 'di ba? Pero syempre, I can't let our friendship be ruined dahil lang doon kaya pilit kong inaalis kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya.
So far, nangyayari naman ang gusto kong mangyari. Naiseset ko na sa sarili ko na magkaibigan lang kami. Hanggang do'n na lang 'yon.
"Wala nga kasi, ate Mary. May nililigawan 'yon." I said and forced a smile.
"Weh? Sino? Sayang naman. Bagay pa naman kayo." nanghihinayang niyang sabi.
Natawa ako dahil bakas sa kanya ang panghihinayang para sa amin ni Marcus. "Don't be like that, ate. Masaya ako sa kung ano ang meron kami ni Marcus. And besides, I believe na merong nakatadhana na guy for me. I'm willing to wait for him." nakangiti kong sabi sa kanya.
Napangiti rin siya sakin ngunit nagulat ako nang impit siyang tumili at mahigpit na hinawakan ang aking braso.
"What happened? Are you okay?" nag-aalala kong tanong.
She hushed me at pasimpleng nginuso ang di-kalayuan na table kung saan kakaupo lang ng mga football players. Mukhang kakatapos lang nila sa practice. Magulo silang nag-aasaran bago nagsiupo sa table 'di kalayuan.
"Kilala mo si Yuan Eduardo Marber?" mahina niyang tanong.
I nod in response. Sino namang hindi makakakilala doon? He's famous. "What about him?"
"Ang gwapo niya, no? Mga gano'n din ang datingan kay Marcus ba." sabi niya habang nagtu-twinkle ang mga mata.
I looked at Yuan. He's handsome naman talaga. I immediately look away nang mapatingin siya sa gawi namin. "You like him?" tanong ko kay ate Mary.
Well, by the way she looks at Yuan, I already know the answer. Pero 'di ko rin sya masisisi. She's not the first one na nakilala kong may gusto kay Yuan, though.
Agad naman siyang namula. I can't help but smile because she's so adorable! "Um, mej? Slight lang. Char char." She said and made some funny facial expressions.
I laughed and decided to continue on teasing her. "Tingin ko bagay kayo."
"Sus. Don't me. Sa gwapo niyang 'yan, mapapansin niya ako? Ayy." Biglang malungkot niyang sabi.
I narrowed my eyes at her, "Don't say that! You're beautiful. And if that Yuan guy doesn't see that, then it's his loss."
I know Yuan is a great guy. Yeah. He seems to be suplado pero I know deep inside him is a kind-hearted guy who gives so much care sa mga tao sa paligid niya. It's funny coz I don't know him that much and we weren't close pero gano'n talaga ang nafifeel ko kay Yuan.
Naagaw ng malalim na paghinga ni ate Mary ang atensyon ko. She looked at me with a forced smile. "Iba yata 'yong nakikita niya, eh."
"Huh?" Kunot-noo akong tumingin muli sa gawi nila Yuan. And the moment I look at their side, our gaze met.