Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 131K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-5-
-6-
-7-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-31-
-32-
-33-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-34-

71.5K 2.3K 309
By vampiremims


PLANO ko na kahapon pa na maaga akong umalis upang hindi kami magpang-abot ni Mommy at Daddy para hindi nila makita ang mga sugat ko. Plano kong magpaalam na lang kina Manang na may kailangan pa akong puntahan sa library kaya naman nauna na ako at nag-taxi na lang papasok ng school.

Pero tinanghali ako ng gising dahil halos hindi ako nakatulog kagabi. Naging mailap sa akin ang antok kaya naman halos umaga na nang makatulog ako. Late na ako para sa unang subject ko kaya minabuti kong mag-half day na lamang. Hindi pa rin ako lumalabas sa kwarto ko kaya hindi ko natitiyak kung wala na ba si Mommy o si Daddy.

Matapos maligo at lagyan ng gamot ang mga sugat ko ay mabilis akong nag-ayos ng gamit para pumasok. Hindi ko rin itinali ang buhok ko para kahit papaano ay matakpan ng buhok ko ang pisngi ko. Suot ko rin ang jacket ni Jahann para naman sa braso ko.

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko. Takot na makagawa ng ingay. Kung makikita ako nino man sa kanila ay wala akong maidadahilan sa nangyari. My dad’s not stupid. Kung sabihin ko na nadapa ako, alam kong hindi siya maniniwala. Ganoon din si Mommy at Aly. Sa itsura ng mga sugat ko, halatang sinadya ang mga iyon.

Pababa na ako ng hagdan nang bigla akong tawagin ni Aly.

“Akala ko umalis ka na,” ani Aly. Naririnig ko ang yabag niya papalapit sa akin. Napapikit naman ako. “Uh, I woke up late. Sige, papasok na ako…” paiwas na sabi ko sa kanya bago nagmamadaling bumaba ng hagdan.

“Cherinna, wait!” hinabol naman ako ni Aly. “Sabay na tayo,” dinig kong sabi niya habang nakasunod sa akin.

Ugh. Aly, I love you, but I’ll kill you! Not now, please?

Ang dami ko pang iniisip. About these scratches, about Anika and Ian, about Jahann… about what I said last night.

“Cherinna!” hinawakan ni Aly ng mahigpit ang braso ko para pigilin ako sa paglalakad kaya hindi ko napigilang mapaigtad.

“Bakit nagmamadali ka ba? Half day naman na ang papasukan mo,” kunot-noong tanong niya sa akin. Pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kanya at binabawi ang braso ko. Nararamdaman ko ang hapdi ng mga sugat ko.

“Just let me go,” marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya dahil nasasaktan na talaga ako. Kinuha ko ang gamit ko pero muling hinawakan ni Aly ang kamay ko. “What happened?”

Damn! “Nothing. I really have to go and—“

“What happened?” muling hinawakan ni Aly ang braso ko at muli naman akong napaigtad. Pinilit niya akong humarap sa kanya kaya naman nakita niya ang mga kalmot na nasa pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ni Aly habang nakatingin doon at napalitan ng pagtataka ang emosyong nasa mga mata niya. “Sinong may gawa niyan sa’yo?” pag-uusisa niya.

“Aly, let my arm go,” pilit kong binawi ang kamay ko sa kanya. “No, Cherinna. Sinong may gawa niyan sa’yo?” pinaliit ni Aly ang mga mata habang pilit akong pinapaamin.

“Geez, you’re hurting me!” asik ko sa kanya bago binawi ang braso. Hinayaan niya naman ako ngunit nakatingin pa rin siya sa akin.”It’s nothing. You have nothing to worry about, I’m fine…” sabi ko sa kanya ngunit bakas sa mukha ni Aly na hindi siya naniniwala sa akin.

“No. You need to tell me who did that to you,” pagpupumilit ni Aly. “We’re twins, Cherinna. Dapat kong malaman kung sino ‘yung nanakit sa’yo!” I know she’s genuinely concerned about me. At kahit naman kay Aly mangyari ang bagay na ito, pipilitin ko rin siyang sabihin sa akin kung sino ang may gawa ng bagay na iyon sa kanya. 

“Aly…” I closed my eyes and sighed.

Inabot ni Aly ang kamay ko. “Come on, Cherinna. Tell me…” mahinang sabi niya.

Like what I said, kung kay Aly nangyari ang nangyari, kukulitin ko rin siya. Hindi ako matatahimik kung hindi ko alam ang nangyayari sa kakambal ko. Naiintindihan ko siya at ayokong sumama ang loob ni Aly sa akin.

Sinabi ko sa kanya na sa sasakyan ko na sasabihin ang nangyari. Si Aly na rin ang nagpaalam kay Manang na sabay kami upang hindi ako ihatid ng driver namin. Sinabi niya na tatawagan na lang niya si Daddy para hindi ito magalit pa.

“So, what happened?” hindi pa umaandar ang sasakyan ay nagtatanong na si Alyanna sa akin.

“Kung sasabihin ko sa’yo na nadapa lang ako, maniniwala ka ba?” tanong ko sa kanya. Tinitigan naman ako ng masama ni Aly. “Kung dagdagan ko kaya ‘yang kalmot sa pisngi mo? Kanan naman para pantay, gusto mo?” pagbabanta niya sa akin. Napailing na lang ako.

“Sinong baliw na babae ang gumawa niyan sa’yo?” tanong ni Aly muli sa akin habang umaandar ang sasakyan.

“Ian’s girlfriend…” halos pabulong na sabi ko. Kung hindi pa ako naka-seatbelt ay malamang na naumpog ako sa salamin nang biglang nagpreno si Aly.

“What? You mean ginawa mo ‘yan sa sarili mo? Are you insane?” nanlalaki ang mga matang tanong niya sa akin. Napatingin naman ako kay Aly at hindi ako makapaniwala sa tanong niya sa akin.

“Of course not! Ano ka ba?” hindi ko mapigilang mapaismid. “What I mean is, yung isang girlfriend ni Ian.”

“What?” kulang ang salitang nabigla kung pagbabasehan ang reaksyon ni Aly. It was like sinabihan ko siya na nagpropose sa akin si Drew Taggart. Para bang ang sinabi ko ay napaka-imposibleng manyari.

“You heard it right. May ibang girlfriend si Ian…” sumandal na lang ako at tumingin sa labas.

“Son of a—“ mabilis kong nilingon si Aly. “Damn, Twin! May ibang girlfriend siya?” tanong niya sa akin. Muli itong napamura. “Kung alam ko lang, hindi ko na sana pinilit pa si Ian sa’yo. I though he loves you! Pero sinungaling pala ‘yon!” damang-dama ko ang inis sa bawat salita ni Aly.

“I’m fine…” hinawakan ko ang braso niya.

Marahas na lumingon si Aly sa akin. “Fine? Mukha bang fine na sinaktan ka ng girlfriend niya? Ang kapal ng mukha niyang manligaw sa’yo, magpakilala kay Daddy at Mommy tapos gagaguhin ka niya!” kumuyom ang kamay ni Aly at pinukpok ang manibela.

“Aly, I’m fine…” ulit ko sa kanya. I know this will happen. Alam ko na magagalit siya kay Ian dahil sa nangyari. Yes, given naman na may maling nagawa si Ian. Mali na niligawan niya ako na may Anika sa buhay niya, pero hindi naman mangyayaring maloloko ako ni Ian kung hindi ko siya sinagot para lang maiwasan si Jahann. And that’s something I couldn’t tell her. Hindi ko pwedeng sabihin kay Aly ang tungkol sa amin ni Jahann.

Bumaling si Aly sa akin. “It’s not fine with me.”

I rolled my eyes. “Aly, pabayaan mo nalang, pwede? I’m fine. Break na kami ni Ian kaya wala ng dahilan pa para magkausap kami o magkita. I’ll be fine…” pilit ko pa rin sa kanya. Alam ko ang kakayahan ni Aly. Kung hindi ko kayang manampal man lang ng tao, kayang-kayang gawin ni Aly iyon ng hindi kumukurap. Alam kong hindi mangingimi si Aly na gawin ang bagay na iyon lalo pa’t ako ang nasaktan.

“Twin, it’s not fine with me…” lumambot ang ekspresyon ng mukha niya nang humarap siya sa akin.

Napangiti ako. “Alam ko. But hey, I’m fine. I’ll be fine…”

Hindi nagsalita si Aly pero sumandal ito at sumimangot. Alam ko na katulad ni Jahann, ayaw niya rin na nasasaktan ako. Ganoon din naman ako sa kanilang dalawa ni Jahann.

“I understand what you feel. Kahit naman ako ang nasa sitwasyon mo, magagalit ako. Pero Aly, okay lang talaga ako,” ngumiti akong muli sa kanya para naman mapanatag na ang kalooban niya.

“Kapag nalaman nila Mommy at Daddy ang nangyari—“

“Hindi natin ipapaalam!” maagap kong putol sa sinasabi niya. Nagtataka naming tinitigan ako ni Alyanna. “You’re planning to keep what happened?” halos paasik na tanong nito.

“I don’t want them to worry about me. I’m really fine, buo pa naman ako…” sinundan koi yon ng alanganing tawa ngunit di man lang natinag ang matigas na ekspresyon sa mukha ng kakambal ko. I sighed in defeat before reaching her arm. “I’m really fine…” hindi ko alam kung ilang beses ko na bang sinasabing okay lang ako mula pa kahapon. Ayoko lang talagang mag-alala sila sa akin. Ayokong iisipin pa nila ang kalagayan ko.

Tumahimik na sandal si Aly bago nag-isip. “Fine. But we should tell it to Jahann, okay? No buts. Kahit kay Jahann na lang…”

Pero kahapon niya pa alam.

Hindi na lang ako kumibo sa kanya hanggang sa makarating kami sa school. Gaya ng nakaraang araw, naroon si Jahann sa sasakyan nito at nakasandal na tila may hinihintay. Panay rin ang pagtingin nito sa orasan nito.

“Sino naming hinihintay niyan?” tanong ni Aly sa kawalan. Nagkibit-balikat na lang ako bago sinamsam ang mga gamit ko at lumabas ng sasakyan. Napatuwid ang tayo ni Jahann nang makita akong lumabas sa sasakyan ni Aly. Kumunot ang noo nito at tinignan si Aly bago muling ibinaling sa akin ang paningin. Umiling naman ako ng marahan na nagbababala kay Jahann.

“Sinong hinihintay mo?” tanong ni Aly kay Jahann. “Si Iris ba? Baka nasa classroom ‘yon, Jahann…” dagdag nito bago pa sumagot si Jahann.

Muling tumingin sa akin si Jahann. Sinundan naman iyon ni Aly kaya tinignan niya rin ako. “I think you need to know what happened…”

Nag-iwas ako ng tingin.

“What happened?” tanong ni Jahann kay Aly pero ramdam kong sa akin pa rin nakapako ang tingin niya.

“May ibang girlfriend si Ian! Tapos sinaktan pa si Cherinna. May kalmot sa mukha, oh!” pagsusumbong ni Aly kay Jahann. Lumapit pa siya sa akin para hawiin ang buhok kong tumatakip sa may pisngi ko upang ipakita kay Jahann ang mga sugat ko.

“I can’t believe what happened, Jahann. Ian loves her, diba? Nakita naman nating lahat ‘yon, tapos isang malaking fraud lang ang lahat!” nanggigigil na sambit ni Aly. Nanatili namang hindi nagsasalita si Jahann. “And Cherinna’s asking me to keep this from Mom and Dad, kaya buti na lang andito ka rin kaagad. At least, kahit sa’yo, masasabi namin yung nangyari…” iiling-iling na bumuga ito ng hangin.

“Wala ka man lang bang sasabihin diyan?” tanong ni Aly kay Jahann. Nilingon ni Jahann si Aly. “What do you want me to say? I warned Cherinna before.”

I mentally rolled my eyes.

“Pero Jahann—“

He sighed before glancing at me again. “I’ll take Cherinna to the Clinic. Go to your class, Aly,” utos nito sa katabi ko. “Mabuti pa nga. Para macheck ‘yung mga sugat niya,” pagsang-ayon naman nito kay Jahann. Bumaling si Aly sa akin bago ako pinanlakihan ng mga mata. “We will talk again later, okay?” sabi niya bago nagpaalam sa amin at umalis na. Naiwan naman akong nakatayo sa harap ni Jahann.

He cocked his head to the side and raised a brow on me.

“I told her I’m fine. She’s overreacting,” mahinang sabi ko sa kanya.

“Try to tell Mom what happened. You’ll know what overreacting is, Creep,” pasungit na sabi naman niya sa akin. “Papasok na nga ako sa klase ko,” tumalikod na ako. Kung susungitan lang din naman ako ni Jahann, mas mainam na umiwas na muna.

“Hey, I’m sorry…” hinawakan ni Jahann ang kamay ko.

“Huwag mo nga akong titigan. Maiinis ka lang dahil sa nasa mukha ko…” iniiwas ko ang mukha sa kanya pero hinawakan ni Jahann ang pisngi ko. “You’re beautiful, Creep. You’re always beautiful…”

Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya pero minabuti kong lumayo sa kanya. We’re still in a public place. Mukhang naintindihan naman ni Jahann ang ginawa ko kaya ipinasok nito sa may bulsa ng jacket na suot nito ang mga kamay.

“You don’t have to take me to the Clinic. Nagamot ko naman na ang mga sugat ko at—“

“Who told you I’ll take you there? I just want some time alone with you…” he finally smiled at me. “It was so damn hard to leave last night after you told me you’re mine, Creep.” Sumandal ito sa sasakyan nito bago muling ngumiti sa akin.

“Jahann…” saway ko rito. Alam kong walang nakakarinig sa amin dahil kami lang naman ang naroon. Kung may mga tao man sa paligid, medyo malayo sila sa amin.

“Can you tell that again?” he asked me. I frowned. “You heard it, why do I have to repeat it?”

“Because I love hearing it.”

Tinitigan ko siya. “Magalit ka na nga lang kay Ian,” paiwas na sabi ko sa kanya. Mas mainam pa na topic namin na naiinis siya kay Ian kaysa ‘yung sa aming dalawa. I admitted my feelings, yes. But I’m really not comfortable with it.

“Oh, I’m still mad at him, just so you know. But I don’t give a fuck about him or his psychotic girlfriend. You told me you’re mine, that’s what matters the most…”

Tuluyan na akong napayuko para itago ang pamumula ng pisngi ko. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero kung ano man ang kabang nararamdaman ko, nahahalinhanan iyon ng tuwa.

“Papasok na nga ako sa klase ko. Pumasok ka na rin,” paalam ko sa kanya. Tumango naman si Jahann sa akin. Tumalikod na ako at naglakad. Dama ko na nakatitig pa rin siya sa akin. Napangiti ako bago humarap at bumalik sa harap niya.

Halata namang nagulat siya sa ginawa ko.

“I’m yours, snob…” ngumiti ako bago mabilis na tumalikod at naglakad. Hindi ko mapigilan ang pagngiti hanggang sa makarating ako sa classroom. Wala pa naman ang prof namin kaya dumiretso ako sa upuan ko.

Nakatingin sa akin ang karamihan sa mga kaklase ko pero wala akong pinapansin ni isa sa kanila. Si Iris ay umupo sa tabi ko at tinignan ako. “What happened to you?” tanong  niya sa akin. Nanlaki rin ang mata niya nang makita ang pisngi ko. “Oh my God! Sinong may gawa niyan?” titig na titig siya sa may pisngi ko.

“It’s nothing." Paiwas kong sagot sa kanya.

“You left yesterday. Tapos pagpasok mo ngayon, may ganyan ka na. Napaaway ka ba?” muling pag-uusisa niya. Umiling ako. “I told you, it’s nothing…”

“Anyway, have you seen Jahann? Dapat ay nasa Ai’s siya kahapon pero wala siya doon. Tinatawagan ko siya kahapon pero hindi ko rin macontact ang phone niya…” sumandal ito.
Tinignan ko naman si Iris.

I don’t hate Iris. I just… maybe I just don’t like her because I was jealous.

“Baka nasa classroom niya si Jahann…” sagot ko na lang sa kanya. Alam na alam ko na gusto ni Iris si Jahann. May isang parte ng isip ko na naaawa para kay Iris. I know, she doesn’t deserve that. Hindi niya deserve kaawaan. Hindi ko mapigilan na makonsensya.

“Baka nga. Dadaanan ko na lang mamaya sa SSG,” ngumiti siya sa akin. “Anyway, Ian’s here. Kanina ka pa niya hinihintay, eh…”

Kumunot ang noo ko. “Si Ian?”

Tumango si Iris. “Nagdrop na talaga siya. Pero kanina nasa labas siya, hinihintay ka. Hindi ko lang alam kung saan na siya nagpunta kasi hinanap ko si Jahann, eh…”

Kanina pa ako nakakatanggap ng tawag mula kay Ian pero hindi ko sinasagot iyon. Hindi na lang ako sumagot kay Iris at sinubukan mag-concentrate sa pag-aaral.

Nang matapos na ang klase ko ay hinila naman ako ni Iris papunta sa SSG para hanapin si Jahann pero wala si Jahann doon, maging si Kol.

“Baka nasa klase pa nila,” ani ko kay Iris. Nakasimangot ito. “Maybe sa parking lot ko na lang siya hihintayin. Let’s go?” aya niya sa akin.

I rolled my eyes. Sumunod na lang ako sa kanya dahil doon din naman ang punta ko.

Pagdating namin doon ay naroon na sa spot na tinatambayan namin kapag naghihintayan sila Keij, Theon, Enzo, Lean at Aly. Wala rin si Jahann at Kol.

“Oh my gosh! It’s really true!” agad na lumapit sa akin si Lean at hinawakan ang mukha ko. “Grabe, Che! Masakit ba ‘yan?” tanong niya sa akin.

Tinignan ko silang lahat bago si Aly. Obviously, nasabi nan i Alyanna sa lahat ang nangyari.

Umiling ako kay Lean. “I’m fine…”

“Gago pala nung gago na ‘yon, eh. Malamang pati ‘yung kaibigan ‘non na artista, gago rin. Iwasan niyo na nga ‘yon,” ani Theon.

“Kevyn’s different. Palibhasa kung ano si Keij ay ganoon ka rin, eh…” angil naman ni Lean dito.

“Give me Ian’s address…” seryoso namang sabi ni Keij. Walang bakas ng pagbibiro sa mukha nito. Nginitian ko naman ito. “I’m fine, Keij. Don’t worry…”

“It’s not okay, Che. I warned him before. Once he hurt you, he’ll die. Gagawin ko lang naman ang sinabi ko,” nagkibit-balikat si Keij.

“Don’t waste your time for things like that. Napakawalang kwenta,” komento naman ni Enzo. Nilingon ito ni Keij. “What do you mean?” tanong ni Keij kay Enzo.

“She said she’s fine. Trust Cherinna that she’s fine. Besides, Jahann is there to protect her… and Aly,” he gazed at Aly.

“But still Enzo, what happened to Cherinna is too much! Ano namang karapatan ng babaeng ‘yon na saktan si Che?” tanong ni Lean sa kakambal. Naupo ako sa tabi ni Aly at tinitigan ito. “Eh, naiinis kasi talaga ako. Kaya sinabi ko sa kanila. Sabi ko naman, wag na sabihin sa mga parents nila, eh…” ngumiti siya sa akin.

That’s one thing about us. Kung ituring kami ng magulang ng bawat isa, parang anak. Since kamag-anak naman talaga naming sila Tito Thunder at Tito Hunter, but then we are connected with Enzo and Lean, too, because Tita Zyline—Keij’s and Kol’s mother is Tito Blue’s sister.

“Jahann!”

Napalingon ako kay Iris nang nagsalita ito. Sinundan ko naman ang tingin nito at nakita ko si Jahann na kasabay ni Kol na naglalakad. Dumiretso ang tingin sa akin ni Kol at kumunot ang noo.

“I need sweets. Nastress ako diyan sa girlfriend ni Ian na ‘yan.,” reklamo ni Lean. “I’ll call Caryl para makasama siya sa atin…” dagdag pa nito. Nakatingin lang ako kay Jahann. Nakatayo siya sa tabi ni Kol at nasa akin din ang tingin. Katabi rin nito si Iris na nagsasalita.

“I’m still grounded,” malungkot na sabi ko. “Namimiss ko na nga ang SD, eh. Pero di naman ako pwedeng magpunta ‘don. Besides, baka makita pa nila Tita Steph ‘yung pisngi ko…”

“Hindi ka na naman sasama, Che?” malungkot na tanong ni Lean sa akin. Umiling naman ako. “Magpapasundo na lang ako at—“

“Ihahatid kita,” putol ni Jahann sa sasabihin ko.

Agad ko siyang tinignan. Ano bang ginagawa niya?

“You don’t want Mom and Dad to know what happened, right? Kung susunduin ka ng driver, makikita ‘yang mga sugat mo. Ihahatid na kita.”

“He’s right, Twin. Mas better na rin na ihatid ka ni Jahann kesa mag-cab ka…” ani naman ni Aly na hinawakan pa ang kamay ko.

“Hindi ka na naman sasama, Jahann?” hindi naitago ni Iris ang kalungkutan sa boses nito nang tanungin si Jahann.

“Maybe next time,” he gave him a small smile.

He smiled at her. Napasimangot ako.

Ngitian mo pa, Jahann.

“I’ll buy you a pasalubong nalang,” ani Aly bago naglakad papunta sa sasakyan nito. Tinapik naman ni Keij si Theon at naglakad na rin papunta sa sasakyan ni Theon. Maging si Enzo ay tumayo na matapos makipagtanguan kay Jahann kasunod nito si Lean. Si Iris ay nagpaalam na rin kay Jahann at hindi ko napigilang mapaismid nang bumeso pa ito sa lalaki.

Umupo sa tabi ko si Kol.

“Kol, sumunod ka ‘don!” malakas na sabi ni Keij na nakipagsiksikan pa kay Theon para sumilip sa bintana. Nakaalis na sila nang tignan ni Jahann si Kol. “Hanggang kalian ka uupo sa tabi ni Cherinna?” tanong nito sa binata. Nilingon ni Kol si Jahann at nagkibit-balikat.

“Let’s go, Creep…” maingat na hinawakan ni Jahann ang braso ko para tumayo.

Napahinto ako sa pagtayo nang nakita ko si Ian na naroon.

“Jahann, wait…” pigil ko sa kanya. Sinundan naman nito ang tinitignan ko. His jaw tightened as he clenched his fist. Maging si Kol ay tumayo rin.

“What are you doing here?” matigas na tanong ni Jahann dito.

“I just want to talk to Cherinna,” ani Ian habang nakatingin sa akin. “Cherinna, please. I just want to talk to you and—“

“Who told you I’d let her talk to you again?” Jahann asked Ian. “Hindi ako nagpunta rito para makipag-away, Jahann. I just want to talk to your sister…”

“Ian, it’s better to just leave…” mahinahong sabi ni Kol sa lalaki.

Ian ignored them. “Cherinna, I’m really sorry. Please, talk to me…”

Nag-angat ako ng tingin kay Ian. Wala akong mahanap na sabihin sa kanya.

“Let’s go, Jahann…” mahinang sabi ko. Nilingon naman ako ni Jahann bago tinignan muli si Ian. Hindi naman ito nagsalita. Nagpatiuna na akong maglakad papunta sa sasakyan niya at pumasok nang buksan iyon ni Jahann.

Nakita ko si Ian na nakasunod ng tingin sa akin.

Sumakay na rin si Jahann pagkatapos. Matigas pa rin ang ekspresyon ng mukha nito nang paandarin nito ang sasakyan niya.

Nakalabas na kami ng school nang lingunin ko si Jahann. Inabot ko ang kamay niya.
He looked at me.

“You’re cute when you’re pissed, Jahann…”

“Oh?” he smiled sarcastically.

“I can’t be mad at Ian, I already told you that. I said yes to him to avoid what I feel for you…” nakatingin ako sa labas habang nagsasalita ako. Sa palagay ko ay dapat namang malaman ni Jahann ang bagay na ito. “I thought I was making the right thing. I know, it’s bad to use someone. I used Ian, para mapagtakpan ‘yung nararamdaman ko para sa’yo…” ngumiti ako. Hindi nagsasalita si Jahann pero dama ko ang tingin niya sa akin.

Nilingon ko siya at nginitian.

“But being away from you, seeing you talking to other girls, laughing with them, smiling at them… it just made me realized how much I…” I know he’s waiting for the next words that I’m going to say.

“I’m hungry…” pag-iiba ko ng topic.

I heard him laughed softly.

“You’re just making me love you more, Creep…”

I smiled. The worries and fears that I have inside me, once he smiled at me, once he hold me, they all start vanisihing in thin air.

I meant every word, Jahann.

I am yours. And you are mine… just mine.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 82.4K 33
Matthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang...
4M 110K 33
Geoffrey Lucas "Geoff" Martin was forced to marry Zoey. Ngunit pursigido naman si Zoey na ma-in love sa kanya si Geoff. Kaya araw-araw ay pinapakita...
33.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
950K 19.5K 43
| COMPLETED | 30 March 2017 - 27 June 2019 | Stonehearts Series #5 | Just like how her birthstone is coveted by royalty, Emerald Charisma Vinluan is...