Rail's PoV.
Asan naba siya??
Namamalik mata lang kaya ako?
Pero kitang kita ng dalawang mata ko na nandito sya....
Tuluyan akong lumabas ng Reception tapos hinanap ko si Meliza..
Sakto namang may nakita akong babaeng nakatalikod.
Tinitigan kosya..
"Bakit di moko hinintay..."- garalgal na sabi ng babae.
Alam kong umiiyak sya kahit naka talikod sya sakin. Dahil sa garalgal nyang boses.
Nakaramdam ako bigla ng pagkirot sa dib dib ko.
Meliza...
Dinako nakatiis kaya agad akong lumapit sakanya. Hinatak ko yung braso nya sabay ng pag yakap ko sakanya. Ni diko na tinignan yung mukha nya. Ayoko kasing nakikita syang umiiyak.
"Meliza im so sorry.... please babe don't cry.. nasasaktan ako eh." Nakapikit kong sabi habang yakap ko sya.
Hinihintay kong mag salita sya, pero wala akong narinig na kahit ano mula sakanya. Kaya dahan dahan kong tinignan yung mukha nya. Para makita kung ano ang reaksyon nya. Akala ko aatakihin ako sa nakita ko.
(⊙_⊙)
Literal na ganyan yung naging reaksyon ko.
EPIC FAILED
Agad akong bumitaw.
Putcha! Akala ko si Meliza Hindi pala! Nakakahiya! Naiiyak panaman nako sa sinabi ko!
Naka tingin lang sya sakin na para bang kinikilig. Kinabahan naman akong bigla ng ngumiti sya ng sobrang lapad.
"Ahh. Sorry Akala ko ikaw si Meliza.. sige alis nako."- naka ngiwi kong sabi.
Aalis na sana ko pero hinatak nya ko bigla.
"Teka. Ako nga si Melisa." - naka ngiti sya habang hawak yung braso ko.
"Sorry miss.. it's Meliza not Melisa ok.." - naka kunot noo kong sabi habang pilit na tinatanggal yung kamay nya sa braso ko.
"Tsk! Meliza man o Melisa pareho lang yun no! Babe yakapin moko ulit.. Promise ko dinako iiyak.."- nag papacute pa sya habang sinasabi nya yan.
Arg! Naramdaman kong tumayo lahat ng balahibo ko dahil sa pag papa cute nya. Di naman kasi cute yung itsura nya eh! Nakaka TACUTE!
"Ah. Miss please let go of me. Kailangan kona umalis."- nandidiri kong sabi. Pano pilit nya kong niyayakap.
"Babe wag ka umalis! Diba nandito ka para patahanin ako. Diko na iiyakan yung pesteng ex ko! Basta dito kalang.."- naka pout nyang sabi.
Damn! Gusto kona masuka!
Dibagay! Mukha syang ewan! Ang lapad ng nguso nya! Parang kaya nya ata lumunok ng isang buong buko sa laki ng bibig nya.
"Miss. Aalis nako. Nag kamali lang ako kanina. Wag moko tawaging babe ang sakit sa tyan."- sabi ko habang pilit parin syang inilalayo sakin.
Please lang layuan moko! Baka di ako makapag pigil masuntok nakita. Baka mawala sa isip ko na babae ka, lalo pa na ganyang mas mukha kapang lalaki sakin.
"Ikaw tong tinawag akong babe, tapos ngayon sasabihin mong wag kitang tawaging babe? Bakit lugi kapa ba sakin? Sexy naman ako ah!"- naka simangot nyang sabi.
Fvck! Wag kang sumimangot! Diko na tuloy malaman kung mukha paba yan o paa na eh! Mas maganda pa ata paa ko sa mukha nya! Tsaka oo lugi ako! Luging lugi! Allergic kaya ako sa hipon!
"Please lang lumayo ka sakin. Baka ma mantal ako."- irita kong sabi. Naiinis na kasi ako eh! Sabi ng Hot headed nga ako!
"Babe bakit ka naman mama-mantal?"- nag papacute na tanong nya.
Isa pang pacute sisikmuraan na kita!
"Allergic ako sa hipon kaya bitaw."-seryoso kong sabi.
Napakunot naman yung noo nya dahil sa sinabi ko. Nag sasabi lang naman ako ng totoo no! Mukha syang hipon eh! Ganda katawan tapon ulo!
"Bakit amoy hipon bako?"- kunot noo nyang tanong sabay amoy sa sarili.
Wa! Ang slow! Kaasar!
"Bitawan mona ko. Dikana nakakatuwa. Kailangan ko ng bumalik sa reception."
"Iiwan mona ko?? Bahala ka iiyak ulit ako."- parang bata nyang sabi.
Edi umiyak ka! Kaasar to!
"Bitaw na!"- napa lakas na yung boses ko. Peste! Ayaw parin kasi bumitaw netong anabel nato!
"Ayoko nga kiss mo muna ko.."- ngumuso pasya sakin..
Natakot naman akong bigla. Ewan koba kung bakit ako natakot sa mga horror movies nga dedma lang ako eh. Siguro kasi natatakot akong baka makain nya yung ulo ko sa laki ng bibig nya.
"Ano ba! Bitaw sabi babalik nako sa reception hinihintay nako ng asawa ko!"- inis kong sigaw.
Nakita ko namang nagulat sya sa sinabi ko. Unti unti na ngang lumuluwag yung pag kaka kapit nya sakin eh.
No choice eh. Yun nalang yung pumasok sa isip ko na sabihin para tigilan nako netong hipon nato! Mukhang effective naman eh. Nung aalisin kona yung braso ko bigla nanamang humigpit yung kapit nya. Haist!! Sapakin kona kaya to! Akala ko ok na!
"Di ako na niniwala! Wala kapang asawa, di panga tayo kasal eh!"
Nakakapit nanaman sya ng sobra sakin. Mababaliw ako nito!!
"May asawa na nga ako! Kanina lang ako kinasal!" - sigaw ko ulit.
"Wag kangang mag sinungaling sa babe mo! Kung kinasal ka kanina nasan yung asawa mo?"- naka ngiting sabi nya.
Haist!! Sapakin konalang kaya to! Sigurado ko pang habang buhay na katahimikan nito pag sinapak koto.
Paano bako makaka layo dito!!
Sana naman may dumaang staff dito sa hotel. Ano kaya sana maisipan nakong hanapin ng mga kaibigan ko dun.
"Oh see? Dika makasagot. Kasi wala kanaman talagang asawa. Pinag seselos mo ata ako eh. Gusto mo pakasal na tayo babe."
Manahimik kana!! Kanina kapa! Ang halimaw mo makakapit na uranggutan ka! Mumurahin ko na sana tong hipon nato ng may biglang dumating. Nakatingin lang sya sakin tapos sa babaeng hipon na nakakakapit sakin na parang nag tataka.
Lord salamat! Dininig mo yung panalangin ko!
"Rail??" - tawag nya sakin ng may pag tataka.
Nakatingin lang sakanya si Hipon habang naka kunot yung noo. Tapos pinag mamasdan yung itsura nya pati na yung suot nya.
"Bitaw na! Ayan na yung asawa ko!"- mabilis kong inalis yung kamay ni Hipon sa braso ko.
Naalis naman agad mukha kasing nagulat talaga sya.
Hahahaha! Ano ka ngayong Hipon ka!
Agad akong lumapit kay Trishan tapos inakbayan ko sya.
"Oh? Naniniwala kana? Kairita yang bibig mo! Patahi koyan eh!"- irita kong sabi don kay hipon. Tinignan lang ako ni Trishan na naka kunot yung noo.
Tsk! Maki sakay ka nalang!
"Hon sorry natagalan ako. Hinaharas kasi ako ng hipon nayan. Tara na nga baka diko matiis paliparin koyan."- nginitian ko si Trishan ng sobrang lapad.
Dinaman sya nag salita.
Tapos nag lakad na kami palayo dun kay hipon habang naka akbay parin ako saknya. Mamaya kona aalisin yung kamay ko kay Trishan pag malayo na kami kay Crazy Shrimp.
Bwisit na Hipon yon! Napa subo tuloy ako! Inakbayan ko tuloy tong Bansot nato. Malala padon tinawag kosyang Hon! Tapos Asawa ko! kaasar!
Mamaya isipin pa nitong Bansot nato pinag mamalaki kong napang asawa ko sya eh! Tss! Asa!
Nakakainis! Ang Epic Failed talaga ng nangyari kanina! Todo yakap panaman ako! Feel na feel kopanaman yung moment nayon! Buti nalang pala hindi ko agad sya hinalikan buti niyakap ko muna! Kung nag kataon baka nag suka nako ng sobra sobra. Ayoko nga maka halik ng paa! Mamaya may buni payon eh!
Nasan na nga kaya si Meliza?
Baka nga namamalik mata lang ako. O baka kasi na sosobrahan nako sa pag iisip sakanya kaya na iimagine ko na nandito sya..
Hay.. ewan..
Nakakahiya talaga...
TBC..
Codynamii..