A Game with Tadhana

By Tiririt_

2.9K 221 45

Fate plays well. Destiny is a good player indeed. And now? Gia is playing a game with Tadhana. She was onc... More

A Game With Tadhana
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44

Chapter 37

26 1 0
By Tiririt_

Gia's POV

"Ano ba! Let go of me!" Sigaw ko kay Gavin.

"Hoy. Baka naman hindi mo maintindihan ang English ko? O ayan. Bitawan mo ako!" sabi ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niya na nakakapit sa braso ko.

"Bitaw sabi e!" gigil kong sabi pero parang wala siyang naririnig at tuloy parin sa paghila sa akin palayo sa cottage na kinaroroonan nila Zoe.

"Ano ba?! Nasasaktan ako!" sigaw ko at sa wakas. Binitawan na din niya ako. Medyo malayo na ang pwesto namin sa mga tao kaya tahimik dito at medyo madilim.

"Nasasaktan? E ano pa ako? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ha?!" sabi ni Gavin at napansin ko na nanggagalaiti siya.

Parang galit.

Oo, madilim. Pero may sapat na liwanag na para makita ko ang mukha niya.

"Bakit?! Inaano ba kita ha? Ala naman akong ginagawa sayo ha? Pano kang nasaktan? E hindi nga kita hinahawakan. Adik ka pala e!" bulyaw ko sakanya.

"Exactly, Gia! Wala kang ginagawa. At paano ako nasaktan? Bakit ha? Sino ba 'yang Liam na iyan na lagi mong kasama. Ako 'tong kaschool mo pero siya sinasamahan mo?" sagot niya sa akin.

"Ano ang dapat kong gawin ha? Bestfriend ko si Liam! We're friends bago kita makilala. O my gosh." sabi ko at napairap nalang sa inis.

Bakit ba ganito siya magreact? Pati ako nadadamay sa inis e.

"And hinayaan mo akong mag-isa dun kanina? Lagi nalang kayo ng Liam na yon ang magkasama. Ni hindi mo nga ako matignan e. I was in your room kanina, makikipagusap sana ako kaso kasama mo pala ang Liam na yun. That's bullshit, Gia." sabi niya at napasuklay nalang sa buhok dahil sa sobrang pagkairita.

"Nung kasama mo ba 'yung Kiara na iyon nagalit ba ako? Nagreact ba ako? Hindi naman diba? Then, why are you reacting like this? Mas bullshit to. Arghhh." sabi ko at napaharap sa likod dahil nakakainis na talaga siya.

"Mahalaga ka kasi sa akin. At iba yon. Iba ang kay Kiara." sabi niya ng malumanay.

"Kung iba man yon o hindi, well I don't care anymore. Nangyari na ang nangyari. At bakit ba kasi ang nangyayari? Ano ba kita? Ano ba tayo?" sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Napansin ko na natahimik siya. At napaiwas ng tingin.

I think I hit a nerve.

Tama naman diba?

Always check the label. Ano ba kami?

Wala naman kasing kami, kaya ang kapal ng mukha niya na mag react ng ganito at sabihin ang mga ganyan.

Parang kasama niya lang yung Kiara na yon nung isang linggo tapos ngayong wala si Kiara ako naman?
What. The. Hell.

We're just friends. Baka nga wala pa kami sa friends e

"Tama ka. I shouldn't act this way. Walang tayo." sabi niya habang nakatingin sa buhanginan.

"Good thing, narealize mo yan. Can I go now? Contact your Kiara. Baka miss niyo lang isa't isa." sabi ko at nag akma nang lumakad pabalik sa may room namin.

I'll just text Zoe na pagod na ako at kailangan ko na magpahinga.

"Bakit ba pinupush mo ako kay Kiara?" He asked. Humarap ako sakanya at tumawa ng plastik.

"Why not? You look good together anyway. Pagbuhat ng libro? Ugh. What a gentleman." I said as I rolled my eyes.

"Una na ako ha? Bye." sabi ko at lumakad na palayo sakanya.

I was expecting na hahabulin niya ako, hahawakan ang kamay ko at aaminin ang feelings niya para sa akin katulad ng mga napapanuod ko sa mga romantic movies.

Well, this story isn't romantic anyway. And, yes. Alam ko na may feelings siya kahit 1% para sa akin. Bakit? E syempre ayoko nang maging manhid.

Manhid man ako nung una. Well, ayoko lang umasa at masaktan. Ang mga lalaki kasi ngayon, magpapakita muna ng motibo yan. Tapos kukulitin ka. After nila makuha ang loob mo, at kung kailan ka na nahuhulog, atsaka ka iiwanan at maglalaho na parang bula.

Parang si Gavin lang. Kung kelan ko na siya nagugustuhan, atsaka ko siya kasama ni Kiara.

Nang makarating ako sa kwarto, humiga agad ako sa kama at kinuha na ang cellphone ko to compose a text for Zoe.

To: Zoe

Dito na ako sa room. Sumakit paa ko e. Sorry.

Ang sinungaling mo na, Gia.

Pano kung bigla ngang Sumakit paa ko? Bad, Gia.

Ilang minuto din akong nakatitig sa kisame nang bigla akong may narinig na pagbukas ng pinto.

"Uy, Gia. Ano nangyari? Natapilok ka ba?" nag-aalalang tanong ni Zoe.

"Hindi. Hehe. Di talaga masakit paa ko. Palusot ko lang 'yon." sabi ko at napakamot nalang sa batok dahil sa ginawa kong palusot. Mukhang napapunta pa ata dito si Zoe dahil sa kasinungalingan ko.

"Akala ko kung napano ka na." sabi niya at nakahinga nang maluwag.

"Nasan sila?" tanong ko.

"Nandun pa din." sabi niya.

"Sorry ha. Mukhang pumunta ka pa dito dahil sa masakit kuno na paa ko. Balik ka nalang dun. Okay lang ako." I said.

"Di. Ayoko na talaga dun. Malamig e. Naka shorts pa naman ako. Ang sakit sa binti. Baka rayumahin pa ako." sabi niya at parehas pa kaming natawa.

"Kabata mo namang rayumahin." natatawa kong sabi.

"Charot lang yon, grabe ka. Sineryoso mo naman." sabi niya at tumahimik ulit ang paligid.

"Bumalik ba don si Gavin?" I asked.

"Hindi. Akala nga namin, magkasama kayo. Kaso, I received your text message kaya sumunod ako dito. Di dapat ako papahuli sa chika. So anong nangyari?"

Natawa naman ako dahil sa gusto niya lang malaman ang chika.

Si Zoe ang pinaka close ko sa kanilang tatlo. Siya yung tipo na pag nakakaramdam na ng kadramahan, magjojoke yan o kaya magpapakita ng kabugakan niya.

Pero, alam niya kung paano lulugar. Alam niya kung biruan pa ba o kailangan na ng gabay ng kaibigan.

"Nag-usap kami. Ay wait. No. Let me rephrase that. Nag-sigawan kami."

"What? Ano nangyari?" She asked.

"E bakit daw si Liam kasa-kasama ko. Di ko daw siya pinapansin. Hello? Ang tagal naming hindi nagkita ni Liam. Syempre catching up. Atsaka, hindi niya ako pinapansin. Tapos ako unang papansin? Di naman ako Nagreact nung magkasama sila ni Kiara ah?" dire-diretso kong sabi.

"Selos lang yon."

"E bahala siya sa buhay niya. Kainis. Ang kapal ng mukha magselos, e wala namang kami. Tsk." sabi ko at napairap nalang.

Ang kapal naman kasi talaga ng pes diba? Siya tong umiwas, tapos ngayong may kasama akong lalaki which is my bestfriend, e magrereklamo siya? Ihahampas ko mukha niya kay Kiara e.

"Alam mo, pagod ka lang. So as he. Parehas kayong pagod kaya siguro nauwi kayo sa sigawan. Maglaka ayos din kayo. Basta, Gia. Tatandaan mo, dalagang pilipina tayo." sabi niya. "este, ikaw lang pala. Magpakadalagang pilipina ka. Di ako kasama dun. Hehe." dagdag niya nang marealize niya na di siya kasama sa dalagang pilipina na tinutukoy niya.

"Hanep ka." sabi ko ng natatawa.

"Osige na. Balik muna ako don. Sama ka?" aya ni Zoe sa akin.

"Di na. Magpapahinga nalang ako. Sige. Ingat dun." sabi ko.

Naglakad na siya papunta sa pinto nang bigla siyang tumigil at humarap sa akin.

"Nga pala. Nandito si Gavin kanina. Hinihintay ka. Mga 2 oras siguro nag iintay. Nung kasama mo si Liam? Bago ata mag lunch nun. Yun lang. Bye na." sabi niya at binuksan ng pinto.

"wait." pigil ko sakanya. Nakalabas na kalahati ng katawan niya at humarap sa akin.

"Yes, Gia?"

"Totoo?" paninigurado ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?" sabi niya sabay turo sa poker face niyang mukha.

"Hindi. sige. Ingat."

"Pag-isipan mong mabuti feelings mo para sakanya, Gia. Think about it very well." sabi niya at iniwan akong nakatitig sa pinto.

<A/N>

Happy New Year!

So ayon. Keep supporting lang. Haha. Di ko sure next update. Hehehe. Baka by next week na kasi di pa ako nakakabili ng charger ng laptop. Hirap mag update sa phone. :(

Intindihin niyo nalang ako please. Mahal ko naman kayo. :'>

Atsaka busy din ako sa school. Study first kasi ako.

Thank youu, guysss! Nawa'y maligaya ang inyong bagong taon.

Godbless!

~Dyosang Author

Continue Reading

You'll Also Like

288K 10.3K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
6.7M 225K 247
(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance
29.5M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
17.2M 734K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...