"I guess...you're hired Ms. Martin."
Nanatiling nakatulala si Adie sa kinatatayuan niya. Nakatingin parin siya sa elevator na pinagbabaan ni Marco Dame Montello. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sakanya ngayon. She has just been hired as a secretary. Agad-agad! Ni hindi nga siya nag-abalang mag-apply eh!
"Ms. Martin? Are you okay?" pukaw sakanya ni Mrs. Duquez.
Umiling si Adie bilang sagot. Inalalayan naman siya ni Mrs. Duquez paupo sa visitor's lounge. Inabutan din siya nito ng tubig at agad niya itong tinanggap. Nang mahimasmasan na siya ay tsaka niya hinarap ang matanda.
"Tell me, mahilig ba magbiro ang boss mo?"
Kumunot ang noo ng matanda sa itinanong niya.
"It's just a joke,right? Ako? Secretary niya?! My God! Ni hindi ko kailanmam pinangarap ang maging secretary!" hysterical na saad niya.
"Kung ganoon, bakit mo gustong makita si Mr. Montello, Ms. Martin?" biglaang tanong sakanya ni Mrs. Duquez.
"Kasi gusto ko siyang--..." bigla niyang itinikom ang bibig niya. Muntikan na niyang masabi ang pakay niya talaga! Mabubulilyaso ang project niya kung sakali! Nang tignan niya si Mrs. Duquez ay nakakunot ang noo nito na tila ba hinihintay siyang dugtungan ang sinabi niya. "--gusto ko siyang..uhm ano.. gusto ko kasi siya!" bigla niyang nasabi.
Sa isip-isip ni Adie ay sinasakal na niya ang sarili sa sinabi niya.
Shet naman! Naturingan pa naman akong literary writer tapos iyong cheap na reason na iyon ang naisip ko?!
Tumaas naman ang kilay ni Mrs. Duquez sa sinabi niya. Pero kalaunan ay tinanggap narin siguro nito iyon. Kumuha ito sa drawer ng isang papel at iniabot sakanya.
Resumé. Ano'ng gagawin niya rito?
"Fill-up-an mo lahat ng iyan. Sa ngayon, wala tayong magagawa dahil ang alam ni sir Marco ay ikaw ang secretary niya. Pakibigay sa akin sa desk kapag tapos ka na at marami pa akong sasabihin tungkol sa bago mong trabaho."
"Uhm.. Mrs. Duquez?" tawag niya rito.
"Yes? May kailangan ka?" tanong niyo sakanya.
"Pwedeng mag-cr muna? Saan po ba iyon dito?"
"Sa left wing malapit sa elevator."
Tumayo na si Adie at nilakad-takbo ang daan papunta sa cr. Pagkapasok ay agad niyang ni-lock ang pintuan at huminga ng malalim. Jusko po! Anong gagawin niya? Wala siyang balak magpa-alipin sa Marco'ng iyon!
Kinuha niya ang kanyang iPhone at tinawagan ang taong may sala sa sitwasyon niya ngayon.
"My sister-in-law! Ano ang balita at napatawag ka?" bungad sakanya ng ate Alex niya.
"You! You have to help me! Jusko! Ng dahil sayo napasok ako sa sitwasyong hindi ko malusutan!"
"Oh, eh bakit ako ang sinisisi mo sa sitwasyong kinasasangkutan mo?"
"Ate Alex! Dahil diyan sa pagnanasa mo kay Marco--"
"Hep! Hoy,Adrienne! Hindi ko pinagnanasaan si Marco ano! Kuya mo lang ang lalaking pinagnanasaan ko! At tsaka paano napasok si Montello rito?"
"That's the problem! Nandito ako ngayon sa kompanya ng damuhong iyon, at nakita ko narin siya."
"Well that's great! Ano ang ipinuputok ng butsi mo diyan? Edi maganda, ano nakakuha ka ba ng interview sakanya ha?" masayang tanong nito. Mukhang masaya ata si Ate Alex sa binalita niyang nagkita sila ng mystery guy na hinahabol habol ng lahat ng uri ng press.
"No. Nakakuha ako sakanya ng trabaho." sarcastic na sagot niya.
"Ha? Trabaho? Nag-apply ka?"
"Unfortunately, napagkamalan akong bagong secretary. Ayan tuloy! Instant secretary ako! Ate Alex, help me get out in this situation!"
Matagal bago magsalita si Alex sa kabilang linya. Akala nga niya ay nawala na ito pero maya-maya lang ay nagsalita rin ito.
"Mas maganda.." sambit nito. Tila hindi para kay Adie ang sinabi nito. Parang kinakausap nanaman ni Ate Alex ang sarili niya.
"Ano ang maganda ate?!" sigaw niya.
Nakuha pa nitong pag-interesan ang sinabi niya?! Samantalang siya ay naghi-hysterical na sa mga nangyayari sa araw na ito!
"Listen Adie, kunin mo ang trabaho. Hep! Bago ka maghysterical diyan, pakinggan mo muna ako. Hindi mo ba napapansin? Kumakampi sa'yo ang tadhana.. Ito na mismo ang gumagawa ng paraan para pagtagpuin kayo ni Marco. Take this chance, Adie. Mas mapapadali ang project na ibinigay ko sa'yo. Mas mapapabilis rin. At kapag nagawa mo agad-agad, papetiks-petiks ka nalang hanggang sa araw na pupunta ka na ng New York. Think about it."
Ibinaba na nito ang phone habang siya ay nakatulala sa salamin sa cr. Pinag-isipan niya ang sinabi sakanya ni Ate Alex niya.
"Sabagay, tama si Ate Alex. Kung tatanggapin ko nga naman ito, mas mapapadali ang pagkuha ng loob ni Marco. Tama.. whoo! Kaya mo ito Adie. Para sa New York." kausap niya ang sarili sa salamin.
Lumabas na siya sa cr at binalikan ang resumé na hindi niya pa nasasagutan. Inisa-isa niyang fill-up-an ang mga blangko.
Position Desired: Secretary
Malamang sa malamang.. kailangang panindigan na niya ang napasok niya.
Given Name: Adrienne Marie
Surname: Martin
M.I: D.
Address: Hidalgo Heights
Date of Birth: February 1,1989
Age: 24
Civil Status: Single
Ang iba ay mabilis niya ring sinagutan. Medyo iniba nga lang niya ang sa pamilya. Iniba niya ang first name at trabaho ng papa at mama niya. Wala rin siyang nilagay na kapatid. Sa educational background naman ay isang bagay lang ang iniba niya at iyon ang course niya. Imbes na Mass Communication major in Journalism pinalitan niya iyon ng Business Management.
Nang matapos niyang fill-up-an ay sinubmit na niya ito kay Mrs. Duquez. Kinuha ng matanda iyon at tinigna bago ipinasok sa loob ng drawer. At tsaka kumuha ng isang camera.
"Tumayo ka sa red wall na iyon."
Sinunod naman niya ito. Tumayo rin ito at kinunan siya ng litrato.
"Para sa resumé." sabi nito sakanya. Umupo na muli ito sa desk niya. "Please seat down Ms. Martin."
Sinunod uli ni Adie ito at umupo sa upuan sa harap ng desk nito.
"Ms. Martin.."
"Adie nalang ho. Masyadong pormal ang Ms. Martin. Hindi ho ako sanay."
Tumango naman si Mrs. Duquez at pinagpatuloy ang sasabihin. "Adie, simula bukas ikaw na ang secretary ni Sir Marco. Alam nating dalawa na hindi inaasahan ito. Hindi ko nga alam kung may experience ka ba sa ganitong klaseng trabaho."
Yumuko si Adie. "Sa totoo ho, wala po. Tulad niyo, nagulat rin ako."
"It's okay. Temporary ka lang naman. Siguro more or less two weeks ka lang. I'll inform Sir Marco na temporary ka lang dahil may trangkaso ang totoong secretary niya. He'll understand. Sa ngayon kasi, kailangang may umalalay sakanya."
"Bakit ho? Malaki nanaman siya eh. Bakit kailangan niya pa ng aalalay sakanya?" biglang tinikom ni Adie ang bibig gamit ang kamay niya. Ang daldal naman niya talaga!
Ngumiti si Mrs. Duquez at may kinuhang isang notebook. Tingin niya ay planner iyon. Iniabot sakanya ito at binuksan naman niya iyon.
Nakita niya ang mga schedules ni Marco bukas. Halos puno ito. Nakita niya lang ang mga free time nito sa oras ng dinner. Miski lunch time ay ginawa nitong meeting.
"That's his schedule. Halos araw-araw ay ganyan ang ginagawa niya. Ang gagawin mo lang ay ipaalala sakanya ang bawat meeting niya. Importante ang mga iyan, Adie. Ikaw ang inaasahan ko sa bagay na iyan."
Nilipat-lipat ni Adie ang mga pages habang tumatango-tango. Napansin naman niya ang mga pulang ekis. At halos puros mga interview ang mga naka-ekis.
"Bakit po ang daming red marks na ekis?"
"Aside from reminding him his engagements, trabaho mo rin ang ilista lahat ng mga gustong makipag-appointment at meeting sakanya. Pagkatapos ay ito mismo ang magsasabi kung ano ang ia-approve niya sa nilista mo. As you can see, naka-ekis lahat ang gustong mag-interview sakanya. And that will lead us to his do's and dont's."
Adie rolled her eyes. Ang arte naman ng Marco'ng ito! Ano bang masama kung magpainterview ito? Dapat nga matuwa pa ito, kasi pwede pang lumakas ang negosyo nito. Tapos may pa -do's and don't's pa itong nalalaman.
"Unahin natin ang do's. Adie? Nakikinig ka ba?"
"Opo!" agad na sagot niya.
"Gusto ni sir ang masipag,attentive sa mga utos niya. Laging on-time sa trabaho. Every morning pagdating niya dalan mo agad ng kape. Black coffee lagi ang gusto niya. Always be formal sa pagsasalita at pananamit.. Always call him 'sir'.."
Tumango-tango naman si Adie.
"Sa don't's,ayaw niya ng maingay,huwag siyang iistorbohin hangga't sa hindi ka niya tinatawag o may emergency. And most importantly, huwag mo siyang pakealaman lalong-lalo na sa private life niya. He values his privacy so much. Alam mo naman iyon 'di ba?"
Tumango ulit si Adie kay Mrs. Duquez. Pero nakakunot nanaman ang noo ng matanda.
"Bakit ho?" tanong niya rito.
"Natatandaan mo ba ang mga sinabi ko? Ilista mo kaya ang mga sinabi ko."
"Ay, hindi na ho. Kabisado ko na po."
It's true. Ganyan siya katalino! Basta mabilis lang siya makapick-up. Kabisote nga siya noong highschool siya eh.
"Okay.. oh and Adie. One more thing." tawag uli nito sakanya.
"Ano po?"
"Kapag oras ng trabaho, be professional. Alam kong may gusto ka kay Marco. At okay lang iyong magkagusto ka sa isang tao. Pero kasi, ayaw ni sir Marco na mahalo ang trabaho sa mga infatuation ng mga empleyado niya. Lalong-lalo na sa secretary niya. At ang alam niya, dumaan ka sa briefing ko so he expects that wala kang gusto sakanya. Pure work lang. You know what I mean,right?"
Kahit na gustong bawiin ni Adie ang mga nasabi niya kanina at itama ang mga walang kakwentang bagay na pinagsasabi ni Mrs. Duquez sakanya, pinili nalang niyang ngumiti at tumango. She needs this job. Para sa ikaliligaya niya ito.
"I understand,Mrs. Duquez. Huwag po kayong mag-alala. Magaling akong magtago ng kilig." at sinundan niya ito ng tawa.
"Okay then. See you tomorrow, Adie. Nandito pa ako hanggang bukas ng tanghali kaya mai-ga-guide pa kita kahit papano. Be here at seven am and please--"
"Be on time. I know, Mrs. Duquez." tumayo na silang dalawa at nagkamayan. Sumakay na pababa si Adie sa elevator. Pagkasarang pagkasara nito ay sumigaw siya.
"AHHHH! Naku, kung 'di lang ito para sa conference sa New York, hindi ko 'to gagawin!" pinagsiklop niya ang mga kamay niya at tumingala sa taas. "Naku Lord! Sorry po dahil nagsinungaling ako. Patawarin niyo ho sana ako! Promise po,pagkatapos nito, magkukumpil ako sa Quiapo Church.."
Huminga ng malalim si Adie bago lumabas. "Ako? May gusto dun sa Marco'ng iyon? Huh! Oo, pogi,mayaman,mabango at maganda ang pangangatawan nito. Pero hinding hindi ako magkakagusto sa lalaking iyon! Itaga pa iyan sa bato." bulong niya sa sarili. Kailangan na niyang umuwi. Maaga pa ang pasok niya bukas.
--------
VOTE AND COMMENT.
Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)