My Love For You Will Never Di...

By ElEstranghero

2.4K 80 21

Hindi ka matututong magmahal ng iba hanggat nakatali pa rin yang puso mo sa pagmamahal sa kaniya. (Makalipas... More

Sypnosis
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN (EPILOGUE)

CHAPTER THREE

178 7 0
By ElEstranghero

Magtatatlong oras nang nakaharap sa laptop niya si Xandra ngunit wala ni isang linya siyang mapiga sa utak. Ito ang pinakakinaiinisan niya, ang magkaroon ng writer's block.

"Malas! Malas! I need to finish this one," inis niyang wika. Kahit ano pang piga niya ay wala pa rin siyang mahita.

Nang mapagod, at sa tingin niyang wala na talagang pag-asa, tinungo niya ang kaniyang kama 'di kalayuan sa kaniyang working area at nahiga. Habang unti-unting pumipikit ang kaniyang mga mata ay siya namang pagragasa ng mga alaala ng nakaraan.

She was only sixteen when she felt something strange towards her opposite sex, and until now it had never been changed. Maybe, the reason why it hasn't changed was, she had never met her destiny yet.

He was her PE classmate; he was on his second year on BIT course taking-up Foods as his major. And supposed to be, he was on his last year, because he was a graduating student that time, while Xandra on the other hand was only at her first year with her four year course.

Xandra is born as a natural friendly one, she loves mingling with others, and she really enjoys the company of people she knew. She's so talkative, full of energy; she never failed to make others be friendly to her. No one can resist her; or can avoid her either, kahit pa yata ang pinaka suplado at pinakamayabang na tao sa mundo, maging ang nag-aartehang tao sa paligid niya.

One of her hobby is to talk, that's why, some of the people arounds her failed to appreciate what she was doing, especially those who never knew the real her. But for those who knew her loves her for being herself; for being unassuming, for being real, without any pretentions of being somebody else.

First two meetings pa lang ng klase nila sa PE, Xandra already knew most of her classmates; isa-isa niya itong nilalapitan, to asked their names. Agad naman siyang nakagiliwan ng mga ito, lalo na ng mga kaklase niyang lalaki, mabait kasi siya at walang kakyeme-kyeme sa katawan. She's simple and very childish dahil na rin sa hindi pa siya ganong nakapag-a-adjust from being a child to adolescent kaya naman madali siyang nakagaangan ng loob ng mga ito. Idagdag pa na kung minsan may pagka one of the boys din siya kung kumilos.

On their third week of meeting, ewan pero parang noon lang niya napansin na hindi pa pala niya kilala ang lahat ng kaklase niya, na mayroon pa pala siyang hindi natatanong sa mga ito. O sadyang hindi lang talaga niya pinag-ukulan nang pansin ang bagay na iyon dahil na rin siguro sa hindi siya interesado makilala ito sa kadahilanang tingin niya ay suplado ito.

Ni minsan ay hindi niya tinangkang tanungin ang pangalan nito kahit pa ang kaklase rin nila na madalas niyang nakikitang kasama nito. Hindi niya alam kung naiinis ba siya o nahihiya lang dito kaya naman hindi na niya hinangad pa na malaman ang pangalan nito. Basta ang alam niya, ito si number 44. Numbering kasi sila sa klase nila.

Isa araw, absent ang instructor nila sa PE pero hindi pa sila agad umuwi dahil kailangan pa nilang pumirma sa attendance na napagka-isahang siya ang kumuha. Habang pumipirma ang iba niyang kamag-aral, lumapit ang isa sa mga ito sa kaniya, he is wearing a sando over his PE t-shirt indicating his number in class, he was none other than number 44.

The guy asked her if she had a cellphone. According to him he needs to text someone. Unfortunately Xandra didn't have a cellphone that time. May pagtataka man ay hindi na niya gaanong pinansin ito dahil naglakad na ito palayo at ni hindi na nag-abalang magtanong pa sa iba nilang klasmeyt. At pagkaraan ay nagmartsa na ito pabalik sa puwesto nito kanina kasama ang iba pa nilang klasmeyt sa PE.

Noong araw ring iyon, habang hinihintay niyang matapos sa pagsusulat sa attendance sheet ang iba niyang kaklase ay narinig niyang nagtatalo ang mga ito. They were arguing about their classmate's name and he was none other than 44.

"Mark ata name n'ya?" naulin-lingan niyang wika ng isa sa mga ito.

"Ang alam ko Marky. Narinig ko nang tawagin siya ng isa sa kaklase natin," singit naman ng isa sa mga ito.

Ewan ko sa inyo, bahala kayong magtalo. Basta ako, I have a great plan. Bulong niya sa sarili, habang pigil ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi.

Her planned was a bright one, hindi pa halatang she wanted to know her classmate's name, kung baga, hitting two birds with one stone. May bonus pa! Hindi lang first name nito ang nalaman niya, even his family name plus his signature, hindi pa siya nahirapang magtanong dito.

Mabilis na lumipas ang mga araw, malapit na ang semestral break, that means her happy moments will end at any moment. But somehow, she felt so happy dahil kahit papaano ay close na sila nito. Actually feeling close lang pala ito sa kaniya, minsan kasi nakikisawsaw ito sa kuwentuhan nila ng ilan sa mga kamag-aral nila.

Sumapit ang huling araw ng klase, ibig sabihin ay na ito na ang huling araw na makikita at makakasama niya si 44, na hindi man niya aminin ay unti-unti na niyang nagugustuhan. At ang huling araw ng klase nilang iyon ay naging napakamemorable para sa kaniya. Ang grupo kasi nito at grupo niya ang nagharap sa finals ng volleyball match sa kanilang klase.

'Yon nga lang, her group had lost in the game. Pero may pakonswelo naman dahil dalawang beses niyang muntik makamayan si 44, but she rather chooses to give him "isang bagsak". Swerte lang talaga na sila ang nagkatapat sa pila nang magkamay ang starting members ng magkabilang panig. At sa ikalawang pagkakataon ay nung matapos ang game. Gaya noong nauna ay "isang bagsak" pa rin ang ibinigay niya rito, sapagkat ayaw niyang mahalata nito na nanlalamig ang kaniyang mga palad bukod pa roon ayaw niyang ipahalata rito ang tila unti-unting pagkabuo ng rebolusyon sa kaniyag puso dahil sa labis na pagrigudon nito.

Akala ni Xandra matapos ang graduation nito ay hindi na muling magsasanga pa ang kanilang mga landas pero nagkamali siya. Labis siyang nabigla nang magpasukan ay nakita niya ito, at nalaman niya mula rito na itutuloy nito ng apat na taon ang pag-aaral.

Tuwing maaalala niya ang graduation day nito, hindi niya mapigilang hindi mainis sa sarili. She's acting like a fool during his graduation. Pumunta siya ng eskwelahan para lamang makita ito sa huling pagkakataon dahil alam niyang maaaring iyon na ang huling beses na maaari niya itong makita. Kinuhanan pa nga niya ito ng picture gamit ang phone ng friend niya, na all out support sa kaniyang pagsintang pururot. 'Yon nga lang wala siyang lakas ng loob na siya mismo ang kumuha ng picture nito. Kaya ang kaibigan pa niya ang kumuha ng litrato rito habang siya naman ay nagtatago lang sa likuran nito.

That was her foolish act she hated most. Pero ganoon nga yata talaga once a person is in love, ginagawa ang mga bagay na hindi nila ginagawa dati. Minsan they even doesn't care if they are acting like a fool in front of the one they love. What is important to them, they were able to convey what they really felt for the one they love.

Minsan madalas, minsan madalang pa sa patak ng ulang kung magkasalubong sila ng binata sa hallway ng school. Pero tuwing magkrukrus ang kanilang mga landas, her heart beats erotically as if there were horse running inside her chest. At tuwing lalampas ito sa kaniyang harapan ay tila ba kandilang nauupos ang pakiramdam niya. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod, nanginginig ang kanyang katawan, at hindi na normal ang pintig ng kaniyang puso. That was the effect of his charm to Xandra.

Mabilis na lumipas ang mga araw, buwan at mga taon, at sa pagkakataong iyon, Xandra was in her third year, while the guy was on his fourth year. As usual gra-graduate na naman ito, ang masaklap lang ay mas lalong lumalim ang nadarama ni Xandra para rito. Hindi niya akaling sa simpleng batian nila ng "Hi!" nag-umpisa ang lahat na kalaunan ay naging isang maikling asaran na..."Hindi ka ba tumangkad?" na laging linya nito at "Yabang!" na madalas niyang tugon ay lalalim ang nadarama niya para rito. Sabagay, noon pa man she had knew that deep inside her heart, she was madly, crazy in loved with him, nagkataon pa na ito ang kaniyang first love. Idagdag pa na kahit papaano ay masasabing closed sila nito kaya na overwhelm ang nadarama niyang paghanga para sa binatang itinatangi. She remember the times wherein she keep on telling every closed friends of her about him, kung paano sila nagkakilala at naging closed; para nga siyang sirang plakang paulit-ulit sa pagkukuwento.

As time goes by, what she had felt for him gets deeper and deeper. Huli na nang mapansin niya ang bagay na iyon. It's really hard for her na tanggapin ang katotohanang hanggang doon na lang ang lahat.

Mahirap man, but she needed to moved on, Nakatatawa lang isipin na why would she needed to do that, if there's no reason for her to move forward, because they haven't had a relationship after all. Magmomove-on siya sa isang bagay na hindi naman naganap. How pathetic. She was in loved yet walang naging katugon ang damdamin niya towards the man she loved. Sabagay, she had never tried to open-up what she had really felt for him hanggang sa maghiwalay sila nito ng landas.

Ahead ito ng one year sa kaniya, at mula nang umalis ito kahit pa noong graduation nito ay hindi na nagtagpo pa ang kanilang mga landas. Pero kapag nakakakita siya ng tsansa na kumustahin ito ay hindi siya nagdadalawang isip. Minsan kasi kapag nagbubukas siya sa social networking site kung saan friends sila nito ay kinukumusta niya ito. Malugod naman itong tumutugon sa pagsagot sa kaniyang pangungumusta.

She will never find her true love kung ikukulong niya ang sarili niya sa pag-ibig niya para rito. "Her one sided loved; her platonic love for him".

"Xand...." Tinig mula sa isang pamilyar na boses, si Nikki, nakatulog pala siya.

"Ikaw pala Niks, ano'ng sa 'tin?" pupungas-pungas niyang wika, habang umaayos nang upo sa kama.

"Nakita ko ang best friend mo noong college, si Christine. She asked a favour, na sabihin sa 'yo na may grand reunion daw kayo next Saturday at ang meeting place ninyo ay sa dati ninyong campus," pagbabalita nito.

Christine was her super closed friend during her college days, though they have a lot of differences in life, hindi iyon naging hadlang upang mag-grow ang friendship nila. She really loves her and she really missed her so much.

Matagal na rin simula nang huli silang magkitang magkaibigan. Ang huling balita niya rito ay na sa ibang bansa na raw ito kasama ang mga tiyahin nitong siyang nag-aruga at nagpalaki rito.

"How is she?" Bigla ang pag-ahon ng excitement sa kaniyang puso dahil sa narinig na balita.

"I think she's been great based on what I've seen on her eyes. And you know what, she is really excited to see you," nakangiting wika nito.

"Oh! I missed her so much."

"By the way I forgot to tell you that I had given her your number. Sorry, if I haven't asked your permission first," anito.

"You have nothing to worry about, what you have done was great. Kaya loves kita; you really know how to make me smile," nakangiti niyang wika sabay yakap sa kaibigan.

Matapos bigyan ng power hug ang kaibigan ay umimbis siya sandali sa kama upang tingnan ang kaniyang cellphone. May two missed calls of unregistered number ang naka-appear sa screen nito.

"Shocks! I had missed her calls, twice." Bakas ang labis na disappointment sa kaniyang mga mukha.

Simula kasi nang umalis ang kaniyang ito ay nawalan na sila ng komunikasyon. Kahit pa sabihing may mga social networking sites na puwedeng mag-connect sa kanila, she never tried to do so. May iniiwasan ba siya? O may ayaw lang siyang maalala?

Sinubukan niyang tawagan ang unregistered number. Hindi maalis ang excitement sa kaniyang mga mata habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya.

Ilang sandali pa ay may sumagot na, ngunit napalis ang mga ngiti sa kaniyang labi. Boses ng isang lalaki ang sumagot sa kabilang linya. Her eyes open so wide...no. Hindi puwede. His voice sounds so familiar pero pinawi rin niya ang ideyang iyon. Maybe, they have the same timber of voice?

"Who's this?" mayamaya'y tanong niya upang nang sa ganoon ay mabawasan ang kabang nadarama.

"Sorry miss, if I have disturbed you. Na-wrong dial ko kasi 'yong last two digits ng number ng friend ko. Pasensya na talaga," wika ng lalaki sa kabilang linya.

"Okay, akala ko ikaw na 'yong hinihintay kong tatawag sa 'kin ." 'Yon lang at pinindot niya ang end botton pero bago pa niya tuluyang naputol ang kanilang pag-uusap.

"Sorry!" That was the last word she have heard from him.

Ewan ba niya pero pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay tila ba punong-puno ng kalungkutan ang mga tinig nito kahit hindi niya ito kaharap nang personal ay parang nai-imagine na niya ang itsura nito. She is just imagining how he looks like, nababaliw na nga ata talaga siya. That is one thing she hated most about herself, though she also love to be that way. Her imagination really works so fast without commanding it. Ganoon nga yata talaga kapag masyadong imaginative ang isang tao, they tend to imagine every single information or ideas without knowing or seeing it.

"Who's that? Base on your reaction, I knew that he or she's not the one you're expecting to call you. Am I right?" usisa ni Nikki bakas kasi sa mukha ng kaibigan niya ang kalungkutan kaya nasisigurado niyang hindi si Christine ang nakausap niya.

"I don't know? Wrong dial lang...I thought it was Ate pero hindi pala," malungkot niyang wika.

"Huwag ka nang malungkot Xand, maybe nakalimutan lang niyang tawagan ka. Alam mo naman ang mga ina minsan nagiging makakalimutin kapag inaasikaso ang mga anak," paliwanag pa nito para pagaangin ang kaniyang kalooban.

"So, you mean she already had a family of her own?" hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

Masaya siya para sa kaibigan niya ngayong mayroon na itong sarili niyang pamilya. Akala kasi niya noon ay wala na itong balak mag-asawa pa dahil lagi nitong sinasabi na gusto niyang alagaan at samahan ang kaniyang mga tiyahin hanggang sa pagtanda ng mga ito. But looked what had happened, her destiny let her meet the man of her life.

"You're right! Maybe she's so busy with her family right now, and that's why she forgot to give me a ring." Nakuha na rin niyang ngumiti sa kabila ng disaapointment.

But she never felt any hard feelings towards her, naiintindihan niya ang sitwasyon nito. Her family needs her attention, love and care.

"Natapos mo na ba 'yong huling romance novel na sinusulat mo?" kapag kuwa'y tanong ni Nikki.

"Actually, I'm suffering now from a major problem, which is I really don't like. Until now blanko pa rin ang isip ko. Ayaw makipag-cooperate ng mga brain cells ko," nakasimangot niyang wika.

"Maybe you should need to take some break Xand, masyado ka kasing workaholic, baka yumaman kang masyado niyan," biro pa ni Nikki.

"At alam ko na, you don't want that thing to happen. Dahil ayon nga sa 'yo, you don't want to leave this world so early nang dahil lang sa kayamanan na pangkaraniwang nagiging ugat nang maagang kamatayan ng tao," dagdag pa nito.

'Nikki is right; maybe she needs a break para i-clear na rin ang utak niyang mukhang matagal nang hindi naaagiwan.

She really loves what she were doing, she always give her best for everything she did. Isa pa, she really doesn't want to waste her precious time, that's why she always makes sure na ang bawat oras niya ay nagiging makabuluhan.

Xandra really loves writing, for her it is a way of releasing all the stressed on her minds. Kaya naman nang alukin siya ng isang kakilala na subukang magpasa ng kaniyang manuscript sa pinapasukan nitong publishing company ay hindi na siya nagdalawang isip pa. After all it was a dream come true for her. Kahit pa teacher siya by profession she really makes sure na hindi siya nagpapabaya sa kaniyang mga responsibilidad sa kaniyang trabaho. Isa pa, hindi naman siya inoobliga masyado ng publishing company, at maganda ang set-up ng kanilang pag-uusap.

Malaking bagay na rin siguro why she have decided to pursue her writing career ay ang schedule niya sa school dahil half day lang ang klase niya. Malaking bagay iyon para sa kaniya, she's both doing the things that makes her happy without being obliged to choose among the two.

Kahit dadalawang taon pa lang siya sa field of writing ay nakagawa na agad siya ng pangalan sa larangan ng pagsulat. She had a lot of avid fan who really admires her style. But no one knew about her real identity; her real name. She rather chosen to used a pen name to protect her private life. She wants recognition, but not the attentions coming from them.

Aside from being a teacher, and a writer she also enters the music industries. Wala lang, minsan ay napag-trip-an niyang sumali sa isang music composition contest kung saan nakapasok ang dalawang kantang isinulat niya. That was the beginning of her career in music industries. If she had a new composition agad niya iyong isinusumite sa kaniyang mentor, who suppose to be the man behind the contest.

Totoo nga ang kasabihan, na once a person had a wonderful career, it is sure that he or she had a zero love life. That's how life works sabi nga nila "you can't get all the things that you've wanted to have in your life at the same time."

Sa kabila nang madaming demand sa trabaho, Xandra can still handle everything at ease. She's really good when it comes to time planning and management. She knew how to budget her time correctly.

"Maiba tayo, wala ba kayong date ni Jie at nandito ka?"

"Yap, that's why I'm here in front of you, still alive and kicking." sabay tawa nito nang malakas.

"Baliw ka talaga!" naiiling na lang niyang wika.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
63.9M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
558K 29.8K 44
2017 WATTY AWARDS WINNER (THE STORYSMITHS) (Stay Awake #1) What would you do if the whole world falls asleep? After a night spent drinking with frien...