Hyujin's POV
Nakapasok na ako sa nasabing University. Mahigpit nga ang security nila at isa isang iniscan ng mga ito ang mga bawat estudyanteng papasok. Nagkalat din ang mga tauhan ni Mr. Night. Buti na lang at nakapasok kami dito ni Blake kanina bago magsimula ang pag inspection.
"Blake, we got another problem. May terrorist attack malapit sa NAIA, at nagbigay ng order ang director natin na tulungan ang mga sundalo dun." Sabi ko sa kanya sa earpiece. Nasa bubong siya nitong gymnasium para mag inspection.
"Kontakin mo ang team nila Dave, sila na ang bahalang tumulong dun. Di tayo pwedeng umalis dito. Pakikontak din si Nichole na ihanda na niya sa labas ng gate ang sasakyan natin. Anytime magkakagulo na dito and we need to be hurry."
"Copy that." Sagot ko saka siya nawala sa linya.
Inilibot ko ang aking paningin at tinitingnan ang bawat anggulo ng gym. Bawat pintuan ay may mga armadong gwardiya na nakabantay, nagkalat din ang mga CCTV sa paligid.
Bawat estudyante ay excited sa party na magaganap.
It's already 6:00 pm, kaya maggagabi na rin matapos ang program na ito. Saan kaya ang system nila nakapwesto? Kailangan kong mahanap yun para updated ako sa bawat galaw nila. Inilibot ko ang aking paningin at may nahagilap ako na isang mukha. Kilala ko ang babaeng yun eh, sa pagkakatanda ko siya yung babae na nasa Hospital. That was three months ago. Estudyante pala siya ng St. Ford University? Kung ganun, hindi niya ako pwedeng makita dito.
"Blake, another problem. May kakilala ako dito, I don't know kung naaalala niya pa ako pero di niya ako pwedeng makita baka magduda siya."
"Just hide Hyujin, you don't need to show yourself to her. Any minute bababa na ako bago magstart ang program."
"Okay, lalapit lang ako ng kunti sa harap ng stage." Saka ako dahan dahang lumapit, muntikan pa akong mahuli nung lumingon siya sa kinaroroonan ko. Buti na lang may estudyanteng kumausap sakin kaya natabunan mukha ko.
-----
Louise's POV
"Master napasok na po namin ni Zhyre ang system nila. Binlock na namin lahat ng nakakonek sa system na ito. Tulog na rin ang mga taong inatasan na mag ooperate dito." Sabi ni Xiu sa akin sa earpiece.
"Good job! Saan nakapwesto si Audry?" Tanong ko sa kanya habang palinga linga sa paligid.
"Nasa rooftop ng kaharap na building nitong gymnasium Master."
"Okay, kindly check the footage of the camera kung may nakapasok ba na iba. And tell Zhyre to prepare my rifle at the ladies room. Pupunta ako dun mamaya once the emcee will start the program."
"Okay po." AR 15 rifle yun kaya kagabi pa lang itinago na nila yun dito. May dagger naman ako na itinago sa dalawang hita ko at sa ibaba ng paa ko. Nakalusot lang ako dahil di tumunog yung weapon scanner sakin. Di kasi nila kami pwedeng kapkapan kasi lalaki naman sila kaya ang ginamit nilang pag inspection ay yung weapon scanner.At dahil nga high technology na tayo ngayon, kinonekta nila ito sa main system nila. At syempre di tumunog yung sakin, dahil sila Xiumen na ang gumawa ng paraan dun para di ako mahuli.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong gymnasium. Sa main door lang ang tanging labasan dahil malaki ang espasyo nito. May exit door naman dito pero masyadong masikip daanan yun at sira ang trangkahan kaya di na nabubuksan.
"Master! Take a look on that picture that I send in your phone. I didn't see. him entering the main door of the gym,¿ hindi rin siya tauhan ni Mr. Troy." Kaya tiningnan ko sa phone ko ang picture na sinasabi ni Xiu. He looked familiar.
"Shit! Hindi siya tauhan ni Troy, isa lang ang ibig sabihin nito. Either isa siyang investigator or isang agent. Alamin mo kung sino siya, hack the account of Nichole."
"Alright. Wait a minute Master, I'll send you the information about him later."
Apat lang kami ang nandito dahil ang iba kong tauhan ay inaaliw ang atensyon ng mga alagad ng batas.
Biglang nagvibrate ang phone ko kaya tiningnan ko agad ito.
"Nakapaloob jan ang information ng lalaking yun Master." Sabi ni Xiu sa kabilang linya.
"Thank you." Saka ko ito dali daling binasa.
"Officer Hyujin Vincent Leondale, a CIA agent of Hongkong who formerly worked under the agency of Director John Voger, CIA in China. One of the most outstanding officer. He got the said award because of his determination and good partnership he showed toward his team."
Yun lang ang binasa ko saka ko ibinulsa ang phone. Kailangan unahan ko siya kung ano man ang binabalak niya kay Troy. Hinanap ko siya sa buong paligid pero di ko mahagilap anino niya.
Biglang nag ingay ang mga estudyante nung lumabas sa backstage ang isa sa mga Student Council ng University namin.
"Good afternoon everyone, this is to inform you that fifteen minutes from now the program will about to start. Please remain in your sit.Thank you." Saka ito bumalik sa backstage.
Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon, hinanap ko sa paligid ang agent pero di ko siya makita. Saan siya pwedeng pumunta?
"Xiu, still there?"
"Yes master!"
"Hanapin mo kung nasaan ang officer na yun. I can't find him, masyadong maraming estudyante. And check around, alam kong may kasamahan pa yan. Hindi yan susugod dito kung walang kasama."
"My eyes was on him Master, nasa malapit sa stage siya nakatayo Master. Mukhang may balak nga siya kay Mr. Night. At hinahanap ko na rin ang kasamahan niya kung meron man."
"Hindi niya ako pwedeng unahan. We still have 10 minutes before the program will start. Kailangan mapaalis ko ang officer na yan dito. You turn off the light for about five minutes. Lalapit lang ako ng kunti sa pwesto niya."
"Copy that Master." Lumapit ako ng kunti sa pinwestuhan niya saka ko inihanda ang aking sarili. Kailangan mapatumba ko kaagad siya sa isang tira lang.
"Ngayon na Xiu!" Saka nawalan ng liwanag ang buong gymnasium. Nagsigawan naman ang mga estudyante sa biglaang pagkawala ng ilaw. Kaya isinagawa ko na agad ang aking plano, dahan dahan akong lumapit sa pwesto niya saka ko siya binigyan ng malakas na sipa at suntok sa sikmura dahilan para mawalan siya ng balanse. Saka ko siya hinila papunta sa backstage. Nagwawala siya ngunit di rin naman siya gumawa ng ingay. Buti nalang di agad kami napansin ng mga tao dun dahil abala sila sa pagkapa ng mga phone nila.
"Who the hell are you!" Tanong niya sakin habang pilit na tumayo.
"I am your worst nightmare." Saka ko siya binatukan ng malakas dahilan para mawalan siya ng malay. Dali dali naman akong bumalik sa kinatatayuan ko kanina.
"Turn on the light now Xiu." Saka ulit nagliwanag ang buong gymnasium. Tumunog naman agad yung mic at nagsalita ang emcee.
"Sorry for what happened a while ago students, but everything is already alright. So shall we start the program?"
Naghiyawan naman ang buong estudyante bilang pagsang ayon.
At nagsimula na nga ang program at puro pagwewelcome sa guest ang sinasabi ng emcee. Di ko pa nakikita si Troy kaya minabuti ko munang huwag kunin ang baril na itinago ko.
"Let's all welcome! The owner of the St. Ford University! Mr. Troy Johann Night together with her beloved wife Mrs. Ciera Samantha Night! Let's give them a round of applause." Saka nagpalakpakan ang mga estudyante. Nung makita ko siya na tumuntong sa entablado at masayang nakikipagkamayan sa mga admin ng University, bigla kong naalala ang ginawa niya sa Mommy ko sa Hospital.
"Master. Okay lang kayo?" Tanong sakin ni Xiu sa earpiece.
"Fvck off Xiu! Stop staring at me at the CCTV." Saka ko tiningnan ng masama ang camerang nakatutok sa harapan ko.
"Sorry po."
Nanginginig ang kalamnan ko habang tinititigan siya sa malayo. Unti unti kong hinablot ang dagger sa aking hita saka nagtago sa isang haligi. Ihahagis ko na sana sa pwesto niya pero humarang yung emcee at ibinigay dito ang hawak na microphone.
"Good evening! I am delighted to see everyone here and to extend my special thanks to all faculty and staff. I will not make my speech long, because we still have a party after this ---." Di ko na siya pinatapos at pumunta na agad ako sa ladies room. Pumunta ako sa isang cubicle na nilagyan pa ni Zhyre ng "out of order" para walang gumamit. Buti na lang wala ding ibang tao sa loob kaya binilisan ko na ang pagbihis. Naka mask na rin ako ng itim at ikinulbit ko sa likuran ko ang baril.
Paglabas ko sa ladies room, may nakakita sa akin na estudyante kaya inunahan ko na bago pa sumigaw sa kanyang nakita. Isinaksak ko sa kanya ang pampatulog, saka ipinasok sa isang cubicle.
"Xiu, sirain niyo na ni Zhyre ang system na yan. I-delete mo na rin ang lahat ng footage at ang pinakahuli, patayin mo lahat ng ilaw."
"Ito na master, were working on it!" Kaya inayos ko muna ang baril ko, saka ko itinutok kay Troy na ngayon ay nagsasalita pa rin at katabi na nito ang asawa niya.
"And now, let's all welcome the star of the night! The birthday girl, Ashley Beatrice Ford Night!" Nagpalakpakan naman agad sila. So, anak pala ni Troy ang Ashley na yan. What a nice party. Lumapit ito kay Troy saka humalik sa pisngi. Kinuha naman niya ang mic at siya na naman ang nagsalita.
"Thank you Dad, I awe you a lot." At biglang nagdilim ang paligid kaya sinimulan ko na rin ang pakay ko. Kinalabit ko ang gatilyo ngunit tumama ito sa balikat niya dahil bigla akong napasinok. Pakshit! Sa noo dapat yun eh. Dahil sa nangyari, naalarma ang mga tauhan niya nung makita nilang natumba si Troy at nakita na rin nila ang pwesto ko. Nagsigawan na rin ang mga estudyante, yung iba nagsitakbuhan palabas ng main door.
"Xiu! Kayo na bahala sa mga tauhan niya, susundan ko lang sina Troy!"
"Sige Master!"
Maraming humaharang sa dinaanan ko kaya pahirapan akong mahabol sila Troy.
May iilan din na sumugod sakin. Di ko akalaing marami pala siyang tauhan na nakatago. Bigla na lang nagsulputan ang mga ito sa kahit saan. Yung iba nakadisguise pala na pang estudyante.
Nawala na sa stage sila Troy, pati ung mga faculty. Saan sila pwedeng lumusot?
"Freeze! Hold your fire! Kung hindi ipuputok ko sayo ang baril na to." Fvck! Nagising agad siya? Kaya lumingon ako sa kinaroroonan ng boses. Ah mali pala ako, dahil another officer pala ito. Mukhang magaling ang isang ito.
"At sino ka naman?" Tanong ko.
"I am Officer Clynn Blake Spark of CIA. You are under arrest for trying to kill Mr. Troy." Sabi nito saka lumapit sa kinaroroonan ko habang nakatutok sakin ang baril.
"Do you have a warrant of arrest?"
"No need, I caught you in action. And also, I have your footage here. Another case, ay yung ginawa mo sa kaibigan ko." Saka niya pinakita sakin ang isang tape. Saan siya nakapwesto kanina at di man lang napansin nila Xiu. "Take off your mask!" Utos niya sakin.
"Sino sa tingin mo ang kausap mo?" Sagot ko kaya lumapit siya at hinablot ang maskara ko.
"You're such a brave woman. But it doesn't mean na babae ka ay maaawa na ako sayo. Huhulihin pa rin kita." Inilabas niya ang posas at pinosasan ang kaliwang kamay ko. Bago pa man niya ito maikabit sa kanan kong kamay, umikot ako at ikinabit ito sa kanang kamay niya. Kaya nakaposas na kami pareho.
"What the fvck!" Pagmumura niya. Nagsidatingan ang mga tauhan ni Troy kaya bumaling sa kanila ang atensyon ni Blake. Pinagbabaril niya ito, at ako naman ay naghahagis ng dagger gamit ang kanan kong kamay. Medyo nahihirapan kami pareho ni Blake dahil nga nakaposas ang isang kamay namin.
"Fvck! This is all your fault! Pareho tayong mamatay dito, kung di mo sana ikinabit sa isa kong kamay ang posas na yan edi sana kanina ko pa nauubos ang mga kalaban natin!"
"Why are you shouting at me? Hindi ako bingi!" Sigaw ko sa kanya habang pinagsisipa ang mga lumalapit na kalaban. Ubos na ang mga dagger na itinago ko. Ubos na rin ung bala ni Blake. Kaya puro sipa yung ginagawa namin. Minsan siya yung natatamaan sa mga sugod ng kalaban dahil umiilag ako.
"Shit! Wag ka ngang umilag, ako yung natatamaan sa sipa at suntok nila na dapat ay sayo tumama!"
"Edi umilag ka rin!" Padami ng padami ang mga kalaban at di namin kakayanin yun kung mano-mano ang gagawin namin ng agent na ito. Isa na lang ang choice ko, kundi ang gamitin ang rifle ko. Ngunit may kabigatan yun at kailangan dalawang kamay ang gagamitin."Hey, gamitin natin ang rifle ko." Tiningnan lang ako nito ng masama saka patuloy sa pagsipa.
"Makikipagtulungan ka sakin o pareho tayong mamamatay dito?" Sabi ko sa kanya. Pero nagbingi bingihan lang siya kaya hinila ko kamay niya papunta sa kung saan nakalapag ang rifle ko. "You hold the machine gun grip!" Ginawa niya naman saka ko in-auto switch. At pinagbabaril ang mga papalapit na kalaban. Buti na lang dumating sina Xiu at Zhyre. At tinulungan kami.
"Master bakit nakaposas kayo? At sino siya?" Tanong pa nito.
"Isang CIA, pakawalan mo nga ako sa posas na ito." Saka niya kinapkapan si Blake para kunin dito ang susi.
"What the hell are you doing?" Pumapalag na asta ni Blake.
"I'm looking for the key. Tss." Sagot naman ni Xiu. Nahanap niya naman ito at pinakawalan ako. Pagkatapos kinuha ko yung nakakabit sakin at ikinabit dun sa may rehas na bakal.
"Hey you! Pakawalan mo ako dito babae ka! Fvck!" Asik ni Blake nung di ko siya tinanggalan ng posas. Pinagsisipa niya ang rehas na animo'y makakawala siya sa ganoong paraan.
"CIA agent ka diba, for sure may paraan ka. Bye for now Officer Blake. Dahil sa susunod na magtagpo ang landas natin,I'll make sure na isa satin ang tuluyan ng mawalan ng hininga sa mundong ibabaw. Kaya wag ka makialam samin ni Mr. Troy, because his head is mine." Saka namin siya tinalikuran. Pero narinig ko siyang nagsasalita pa.
"Masyado kang kampante na makukuha mo nga ang nais mo. Sige, paunahan na lang tayo." Yun lang ang narinig ko sa kanya saka kami tuluyang lumabas ng gymnasium.
"Master napuruhan mo ba si Troy?"
"Sa balikat ko lang siya natamaan. Zhyre, i-activate mo yung bala na tumama kay Troy. Kailangan natin silang sundan kung saang lungga man sila nagpunta at nagtago ngayon." Saka kami pumasok sa sasakyan.
Bawat bala na ginagamit ko sa kalaban ay nilalagyan ko ng maliit na tracking device kung sakaling makatakas sila sakin at para madali ko silang matunton. Kasing liit lang ito ng tuldok. Kaya di agad makikita ng kahit sino.
"Pau, nasa isang warehouse sila. Tinitingnan ko pa kung saan ito." Sabi ni Zhyre saka kinalikot ulit ang computer niya. "Almond Drive block 12, Phase 4 Bacoor Cavite. Alam ko ang lugar na ito."
" Tawagin mo sila Audry, kailangan natin ng karagdagang tauhan at armas." Saka kami nagconvoy papunta sa warehouse.
I'll make sure na this time, mababayaran mo na ang atraso mo sakin Troy Johann Night.
-----
A/N: First update in the year 2017. Lol. Kamusta readers? XD