Reaching Alyloony

By itsmark28

15.6K 213 14

Posible ba na magkagusto ka sa isang taong hindi mo pa nakikilala o nakikita? I mean is yung mga taong nakila... More

Reaching Alyloony
Chapter 1: The Site and The Author
Chapter 2: Where is Alyloony?
Chapter 4: Unheard feelings
Chapter 5: Work
Chapter 6: Secrets
Chapter 7: Dance and Quarrel
Chapter 8: Acceptance
Chapter 9: Stalker's Identification
Chapter 10: Jokes
Chapter 11: Raindrops
Chapter 12: Incomplete
Chapter 13: Touch Move
Chapter 14: Prince James
Chapter 15: Heart Ache
Last Chapter 16: Goodbyes
Epilogue

Chapter 3: Heart

528 13 0
By itsmark28

Reaching Alyloony

Chapter 3: Heart

"Sorry kasi matagal ako nakareply ha. Hindi ako makakapagkita sa iyo kasi nasa Italy ako eh. Sorry talaga."

Hindi halos mag-sink sa utak ko ang nakita ko sa screen. Nasa Italy si Alyloony?

"Nikko?"

"Huh??" Walang muang kong sabi.

"Tulala ka kasi?" Sabi nito habang nakahalumbaba at nakatitig sa akin.

"Nasa Italy daw kasi si Alyloony." Ipinatong ko ang aking siko sa mesa atsaka ko ipinatong ang aking kamay sa aking baba.

"Sabi ko naman na kasi sa iyo eh. Impossible relationship ang gusto mong pasukin." Seryoso ang mukha niya. Ngayon ko na lang ulit siya

nakita na ganyan ang mukha. "Ang kulit mo kasing lalaki ka eh."

"Alyssa?" Napakamot siya ng ulo.

"Sorry." Pinilit niyang ngumiti. "Hehe. Nag-alala lang ako sa iyo. Tayo ka na diyan at tayo'y pupunta na sa room natin."

Tumayo na ako at nagpunta ng room. Hindi ko malimutan ang mga katagang nakita ko sa screen ng ipad ni Alyssa. Italy? Sa totoo, kaya kong pumunta ako ng Italy kaso kailangan kong panindigan yung pagiging mahirap at tipid na ako.

Nangako kasi ako kay Mama ko [yung tita ko] na magtitipid ako at hindi magpapakalandakan na mayaman ako kasi nagtatrabaho daw ng sobra si Mama [yung tunay na ina ko] sa ibang bansa para sa amin. Tanda ko kasi sobrang gastos ko noon na hindi man lang ako nagtitipid nung bata ako tapos nung nangailangan ako, wala na akong pera noon kaya I promised na magtitipid na ako.

Nung nagklase na kami, wala akong inisip kundi ang pagpunta sa Italy o magtitipid.

Natapos na ang klase namin. Hinintay ko muli si Alyssa na makatapos ng practice bago kami umuwi. Dinalhan ko rin siya ng miryenda.

Nung natapos na siyang magpractice, umuwi na rin kami.

"Alyssa." Tumingin ako kay Alyssa habang naglalakad kami pauwi.

"Bakit?" Tanong niya.

"Pwede bang sa inyo muna ako umuwi."

"Pag pumayag si Kuya Ren." Sabi niya.

"Dali na, papayagin mo na siya. Gusto ko kasing sa inyo muna eh." Tinignan niya ako at halata sa kanya na parang tinatantya ako. Nagkunwari siyang nag-iisip.

"Sige na nga."

"Thanks, bestfriend!" I hugged her.

Buti na lang talaga may bespren akong nakaagapay lagi sa akin. Buti na lang at si Alyssa ay maaasahan kong kaibigan.

Nung narating ko na ang kanilang bahay, sinalubong ako ni Kuya Ren.

"Hoy,tukneneng. anong ginagawa mo dito." Biro sa akin ni kuya Ren.

"Kuya naman, tatambay lang sya dito."-Alyssa

"So tambayan na pala ang bahay namin? Tukneneng ka talaga Nikko." Tumawa siya. "Sige na. Pasok! Pag gabi uuwi na ikaw ha. Pupunta lang ako kay Gaille" Sabi sa akin ni Kuya Ren. Napakabait sa akin ni Kuya Ren.

"Opo kuya Ren" Pumasok na ako ng bahay nila.

"Bibihis lang ako ha, sa sofa ka muna ha." Sabi ni Alyssa. Umupo agad ako sa sofa nila at inihiga ang aking ulo. Bale, nakaupo ako tapos nakatingala.

Alyloony, ginugulo mo ang utak ko. Ano ba ang gagawin ko? Pupunta ba ako diyan sa Italy o hindi?

"Hoy!"

"Ay kabayo!" Napatayo ako sa sofa dahil sa gulat. "Nakakagulat k---a na--man--"

Halos mapanganga ako sa suot niya. Naka t-shirt lang siya tapos naka short-shorts.

"Parang nakakita ka ng multo ah!"

"Ano iyang suot mo? Mukha ka diyang si Magda." Sabi ko habang nakaturo sa suot nito.

"anong masama. Ito'ng uso ngayon."

"Hala bahala ka Alyssa ka." Umupo na ulit ako sa sofa. Tumabi naman siya sa akin at ipinatong ang unan sa kanyang hita.

*PAK*

"ARAY! PARA SAAN IYON??" Hinampas ba naman ako sa balikat. Ang sakit ah. Pula eh.

"Bakit ka nandito?" Tanong nito habang nakaturo sa akin ang hintuturo nito.

"Nagpaalam ako sa iyo ah. Diba sabi ko dito muna ako." She chuckled.

"I mean bakit ka nandito. May problema ba?" Napakunot ako ng noo.

"Ha?"

"Sabihin mo na kasi."

"Alyssa."

"Tungkol kay Alyloony ano? Gusto mong mag-Italy ano? Kilala kita." Ang galing naman. Paano niya nalaman. Mag-apply kaya ito na manghuhula baka lumakas ang pasok ng pera.

"Oo. Kung ikaw ako, pupunta ka ba?"

Nagtagal din ang ilang minuto bago siya sumagot. Dalwa lang ang pamimilian, oo o hindi. Ito ang mahirap na tanong lagi eh. Kahit na oo at hindi lang ang choice, mahirap piliin. Tiningnan ko siya at halatang seryoso siya.

"Ewan?" Kung nasa anime siguro ako, natumba na ako na una ang mukha.

"Seryosohan naman."

"Seryoso naman ako ah!"

"Eh?!"

"Oo nga." Tumayo ito at nagexplain na parang teacher sa unahan ko. "Ikaw kasi ang dapat gagawa ng desisyon kasi ikaw yung masasaktan at ikaw ang magbe-benifit sa mga gagawin mo."

"Pero kung ikaw ako, anong gagawin mo?"

"AKO?" Sigaw niya. Tumango lang ako.  Inilayo nito ang tingin niya sa akin. "I will follow my heart." Sabi niya in a low voice.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking dalawang pisngi.

"Alyssa's hurting me!!" Sigaw ko ng kanyang pisilin ang mukha ko. "ARAY!"

"Hahaha! Masakit 'no?" Tinanggal nito ang kamay niya sa mukha ko. Ang sakit malma!

"Para saan iyon?"

"Ang drama mo kasi!"

"Ako?" Itinuro ko ang sarili ko. "Ikaw kaya!"

"Eh?!" Nagtawanan kami.

Sa kalagutnaan ng pagtawa namin, biglang napuno ng katahimikan ang bahay nila. Walang gustong magbigay ng topic sa aming dalwa. Susundan ko ba si alyloony si Italy o dito na lang ako sa Pinas?

"Ah Alyssa?" Pago-open ko ng topic. Tumingin naman ito sa akin ng nagtataka. "Susundan ko si Alyloony." Sabi ko. Hindi ko ito ibinigay sa kanya ng patanong kundi

"P-pero diba nangako ka na kay tita na hindi ka magsasayang ng pera?"

"Magtatrabaho ako. That's final."

Lumapit ito sa akin with a teary eyes. Alam kong masasaktan ko siya dahil bespren ko ito. Pero nais ko si Alyloony.

She gave me a hug. "Nikko are you serious with that Alyloony?"

"Yes I do." Huiwalay siya sa akin ng yakap. I wipe her eyes. Tumingin ito sa labas at saka nagpahid ng luha.

"Gabi na Nikko. Umuwi ka na. Baka mapagmura pa tayo ni Kuya Ren ko." Sabi nito sa akin habang nagdire-diretso na kami sa pinto.

Hindi ko alam kung bakit siya umiyak ng ganoon. Siguro dahil lamang sa aalis nga ako at magtatrabaho para lang hanapin si Alyloony pero bakit ganoon na lang ang pag-iyak niya.

Siguro dahil lang sa tagal na naming magkaibigan kaya ganoon na lang ang reaksyon nito.

"Sige Alyssa, uwi na ako ha."

"Ingat ka bespren." May binulong pa siya pero hindi ko narinig.

"Ano? An'sabi mo?"

"Wala, uwi ka na." Then he closed the door.

Continue Reading

You'll Also Like

32K 707 14
My boyfriend is gangster Mahuhulog ba ang loob ni princess khizia sa gangster na si Kyle Sandoval??
259K 3.9K 45
Cat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN...
169K 372 12
Mga tulang magpapahiwatig, magpapasabik, at magpapalungkot sa inyo sa larangan ng pag-ibig
77.7K 1.6K 63
Sa panahong nagdesisyon kanang kalimutan siya. Yun din ang panahon na dumadating sa'yo ang PAG-IBIG. Ji Mikazuki had a hard time fogetting his first...