A/N: Gusto nyo ba ng mabilisan or tagalan pa natin?
~~~~~~~~~~~~~
Autumn's POV
Bakit kahit bakasyon na busy parin? Oh. Did I tell you guys na I'm a volleyball player? Yes, I am. Kaya kahit bakasyon na nagpunta parin akong school para magpractice dahil malapit na ang foundation day namin. Kahit na Christmas na mamaya, nasa school parin ako. Hayy.
-----------
Nang makarating na ako sa school para sa practice, agad akong nagpunta sa shower room upang magpalit ng volleyball attire. I was about to enter the cubicle when someone stopped me. Isang malditang babae lang naman ang sisira ng araw ko, walang iba kundi si Meredith ang isa sa grupo ng mga walang pinag-aralang babae.
"Excuse me?" pagtataray ko sakaniya.
"Dadaan ka?" at saka sya tumabi. Papasok na sana ako pero nagsalita ulit ako.
"Yes, I'm going to use this cubicle so go away." na parang nandidiri sakanya at pinaalis siya.
"Don't you dare mess with me!" sigaw niya.
"Ikaw dapat sabihan ko niyan dahil hindi mo ako kilala." sabay kindat sakanya at sinarado ko na ang pintuan. Hayy wag nya akong hinahamon, di nya ako kilala paano lumaban. *smirk*
Hayy. Bakit andaming panira ng araw? Sira man araw ko, maganda parin ako. *evil laugh* At nagsimula na akong magbihis. Nakita ko sa salamin ang napakagandang reflection ko. HAHAHA! sabay dila.
------------
Nang matapos kami sa aming practice ay hinintay ko na dito sa labas ang aking gentleman at makulit na boyfriend.
.
.
.
.
.
.
Nang biglang tumunog ang aking phone.
From: Ken
Vine, hindi kita masusundo ngayon ha. Pagod ako galing practice, nandito ako sa bahay nagpapahinga. Sorry.
Nagulat ako bakit Vine nalang? yun ang nickname nya saakin pero babe ang tawag talaga niya. Hindi ako masusundo plus Vine at wala pang ily? Okay lang baka pagod lang talaga.
To: Ken
Okay lang. Sige pahinga kana. I love you!
Nagcommute nalang ako. Habang kami ay nasa daan naisipan kong bilhan ng pagkain si Ken at puntahan siya.
"Kuya sa KFC po muna." at iniliko nya na ang sasakyan.
.
.
.
.
.
"Ate one mushroom soup and chicken ala king with drinks." pagkasabi ko non ay kumilos na agad sila.
"Sige po, maghintay nalang po tayo dito." tinuro sa gilid.
"Ah hindi kasi ako pinaghihintay so pwede pakibilisan nalang?" masungit kong sabi.
"Okay po. Bibilisan nalang po namin." takot nyang sabi at saka kumilos na.
.
.
.
Nang makuha ko na ang order ko ay pinadiretso ko na sa bahay nila Ken.
"Ken! Ken!" habang pinipindot ko ang kanilang doorbell.
Binuksan ng kasambahay nila ang gate.
"Andyan po ba si Ken?" siyempre mabait naman ako mas nakakatanda saakin.
"Kanina pa wala eh, umuwi lang dito after basketball at umalis uli." nagulat ako sa sinabi ng kasambahay nila.
"Ganon po ba. Pakisabi nalang po na dumaan ako at pakibigay narin po ito." sabay abot ko ng inorder ko.
Yun yung favorite niya kapag pumupunta kaming KFC so I'm sure magugustuhan niya yon :))) Pero sabi niya nasa bahay lang siya nagpapahinga ah? Umuwi nalang ako at kumain atsaka dumiretso ng kwarto at nagbihis.
Ring. Ring. Ring. Ring.
"Vine"
"Ken"
"Dumaan ka raw dito?"
"Oh buti naalala mo pa ako"
"Thank you pala sa pinadala mong pagkain. Alam mo talaga ang favorite ko." na parang kinikilig pa.
"Huwag mo ako daanin sa ganiyan."
"Bumili lang ako sa labas kaya hindi mo ako naabutan, sorry."
"Talaga ba? Di ba nagpapahinga ka?"
"Eto nanaman ba tayo Vine"
"Bakit Vine nalang?!"
"Oh edi babe"
I ended the call. Ayoko ng sinasabihan ako ng ganon. Ngayon lang siya nagalit ng ganyan o nagsinungaling. Anong nagyayari sakanya? Andaming tanong sa isip ko na siya lang ang makakasagot.
------------
Nang sumapit na ang 12am ay agad na kaming nagsikuhanan ng pagkain. Noche Buena is life <3
"MERRY CHRISTMAS!!!" us
Andami namin dito. Andito lahat ng side ng mother ko kasi sa New Year side ng father ko naman ang pupunta dito or kami pupunta sakanila, i don't know. Sunod naming ginawa ay bigayan ng gifts. Andami kong natanggap na regalo, yaaayy!! (see the picture ☝🏻)
From: Maeve
Merry Christmas sa mataray kong bestfriend! :*
From: Savanna
Hi Autumn! Merry Christmas! Sana magkaintindihan na kayo ni Ken. Be matured enough. I love you! :*
From: Ryan Valerio
Merry Christmas sa bestfriend ng girlfriend ko :)
From: Adrian
Merry Christmas Divine!
From: Shane
Merry Christmas Autumn Divine! Maging masaya sana Christmas mo :)
From: Karl
Hey! Merry Christmas! See you next year! :)
From: Ken
Merry Christmas Babe 😘 Sorry kanina ha? Pagod lang talaga ako. I love you! I miss you my girl! Take care! 💕
Nagulat ako nang nakita ko ang message ni Ken, akala ko hindi na nya ako babatiin. Isang sorry niya lang talaga okay nanaman ako. Mahal na mahal talaga kita. And oh, I've received some greets from my classmates, and oh my bestfriends. Inuna kong replayan yung kay Ken siyempre.
To: Ken
Merry Christmas din babe! ☺️ Okay lang yun. Kumusta kana? I love you more! Imissu! Mwa
To: Maeve
Maevyyyyyy! Merry Christmas! I love u!
To: Savanna
Saavvvyyyy! Merry Christmas! I love you more!
To: Ryan Valerio
Merry Christmas din :)
To: Adrian
Merry Christmas din, Adrian. :)
To: Shane
Hi shaneeee! Merry Christmas din! Same to you.
To: Karl
Merry Christmas din, Karl. See you! :)
Ayan nareplayan ko na sila. Marami pang bumati saakin pero di ko na iisa isahin, Aba't nakakapagod din kaya try niyo. Boyfriend, bestfriends and close friends ko lang, okay na :) Yay!
Ring. Ring.
Oh Ken, my love.
"Babe!" hala namiss ako neto
"Hi babe!"
"Kamusta Christmas mo?"
"Eto masaya kausap ka eh tsaka maraming pagkain Haha" natawa kaming dalawa sa sinabi ko.
" Buti naman. Pataba ka ha."
"Yes naman!"
"Sige later nalang ha busy kasi andito mga relatives namin galing ibang bansa. Take care babe. I love you!"
"Okay bye. I love you more!" at ibinaba ko na ang call. Aba ayokong ako yung binababaan ng tawag. Try nyo kaya baka aayaw din kayo. Haha!
-----------
Pag gising ko ay maingay na sa baba. Malamang sa dami ba naman ng side ni mama ano? Parang sasabog na tong bahay, sayang naman malaki pa naman. Angal kayo? Totoo naman eh. *taas kilay*
Pagbaba ko ay nakita ko ang aking pinakaiinisan na pinsan na akala mo siya may ari ng bahay namin, walang iba kundi si Sabrina. Kinuha ko yung remote sakaniya at nilipat ang pinapanuod niya. Bigla naman kumunot ang noo niya.
"Why so rude Autumn?" aba umeenglish
"I'm not rude, I just really have the right to change the channel to what I like."
"But I was the first one who hold that remote!" ayoko ng tinataasan ako ng boses, aba pabebe pa tong babaeng to sabunutan ko kaya.
"But THIS. IS. OUR. HOUSE." diniinan ko talaga yang this is our house. at sumabay pa ako uli.
"That means, all of the things you see here inside OUR HOUSE ARE OURS!" tinuro ko lahat ng gamit sa bahay at diniinan yung mine. Bakit ba? Ayoko ng iniinis ako.
"Whatever Autumn. Di ka parin nagbabago." sabay roll eyes at alis. Aba dapat lang kundi masasabunutan ko na talaga yung bruha na yun.
~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Ang taray ni Autumn ano? Btw, Vine ang nickname ni Ken sakaniya. Autumn naman kapag family niya and Autumn/Divine or Autumn Divine sa school. Ganiyan talaga kapag maganda HAHAHA Yung nasa picture po pala, Kuya ni Autumn si Ian, Autumn's mom is Ara and Autumn's dad is Marco. And yung nasa taas po eh Mother side na po at si Sabrina po yung si Kyline Alcantara doon. Sa mga fans po ni Kyline diyan peace tayo ha? ✌🏻 Story lamang po ito. Salamat! 😘
Vote, Comment and Follow if you liked it! ❤
-sy