SILLY SECOND CHANCES [complet...

By AteSushii

19.8K 559 268

Silly Second Chance (Book 1): A Silly Start "Are you sure you want to do 'guy stuff'? To COURT ME?" "Why woul... More

SILLY SECOND CHANCES
|Part I: A Silly Start| Chapter I
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (part 1)
Chapter 4 (part 2)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 20 (part 2)
[Extra Chapter:] Uso pa ba ang Harana?

Chapter 12

615 23 16
By AteSushii

[A/N:] sooo, ano ba ang sasabihin ko? uh, alam niyo kasi wala ako msyadong naisulat e, heha. una dahil sa KATAMKATAMS heha, no da? tapos pangalawa, well puyat. pero dahil sa ang daming nagPPm sa ken na mag-update daw ako, at nainspire tlga ako don.. eto na..

para sa gurl ko na si Ma'jo, gurl, pasensya na sa dagdag eye bag na binigay ko sa 'yo dahil pinagpuyatan mo 'to *laugh* HS pa lang tau supportive ka na tlga sa mga sinusulat ko. SALAMAT! salamat rin sa friend mo na binabasa rin 'to. tama 'yan! ipagkalat niyo ang kalokohan ko na 'to. proud tlga ako na nagkaroon ako ng ganitong kalokohan heha *LOLs*

like, vote, and rants please LOLs

_________________________________________________

“THREE, TWO, one— daisukiii!”

Nagpalakpakan at nagtalunan sa tuwa ang ilang fans ng JUMP! or Just Unique Mighty People— ang group nila Mon, Ehro, Jesse, Ruki at Charcel— pagkatapos ng picture-taking nila kasama ang mga hinahangaan, with Ehro doing the counting.

“Yehey!  Thanks, JUMP!. We LOOOOOOOVE you!” sabay-sabay na tili ng mga fans na ang tawag sa sarili nila ay JUMPers, bago lumabas ng room.

Gusto ko nang umiling. Kaya lang baka kung ano’ng isipin ng mga katabi ko rito sa isang sulok. Guess who? Ang grupo lang naman ni Samurai-girl. Abalang abala sila sa pagfa-file ng kuko, pagre-retouch, palalagay ng nose-line, at pagchi-check kung may splitends na ang buhok nila habang pinanunuod bawat grupo ng mga babae na pumapasok para magpa-picture kasama ng JUMP!. I think member rin sila ng JUMPers, pero hindi na nila kailangan pumila dahil classmates naman sila nila Mon.

Nandito na sila Samurai-girl kasama ng mga barkada ni Monti ng dumating kami. Nagulat nga ako nang mag-beso sila sa 'kin isa-isa bago ako inimbita na maupo na kasama nila. It was creepy. Kanina ngingiti-ngiti pa sila sa 'kin no’ng nandito pa si Mon sa tabi ko. Nang mag-umpisa nang dumating ang mga fans nila Mon na gustong magpa-picture, hindi na nila ako inimik. Parang hindi na ako nag-e-exist.

Okay lang. Mas okay sa 'kin na ganito. Ayoko rin naman sila kausapin. My impression to them remains the same— ayoko pa rin sila maging kaibigan.

“Girl, gusto ko 'yong kulay ng nail polish mo. Ano’ng color 'yan?”

Napalingon ako sa may-ari ng lively na boses na 'yon. Monique yata ang pangalan niya. Siya 'yong kanina pa file nang file sa mga kuko sa tabi ko. She’s smiling at me right now. SINCERELY. At sa group nila, siya lang ang may magandang aura para sa 'kin, despite her sexy-looking Irish bob ang devil-red pouty lips.

“A-ah.” Tiningnan ko muna ang mga kuko ko bago ko nginitian si Monique. “Tan,” sagot ko sa tanong niya kanina.

“Ang ganda. Bagay sa kutis mo,” sabi niya. Again she sounds really sincere.

“Salamat.”

Kinalabit niya si Samurai-girl na nasa kabilang tabi ko, busy sa cellphone niya. “Shajan, girl, daan tayo sa mall later. Bili tayo ng tan na nail polish katulad ng kay Cassie.  Tapos mag-manicure tayo mamaya sa bahay.”

Alangan ang ngiti ko. Kaya nga tan ang kulay ng kuko ko ngayon kasi iniwasan ko na magkakapareho kami… DIBA? Tapos ngayon gagayahin pa nila ang sa 'kin?

Tumingin sa kamay ko si Samurai-girl. Nakataas ang kilay niya. “Sige. Mamaya daan tayo ng mall,” walang feeling na sabi niya. Tapos bumalik na siya sa pagkalikot sa cp niya.

“Gusto ko rin 'yang make-up mo,” sabi naman nung isa na kanina pa busy sa blush brush niya. “Ano’ng brand ng lip stain mo tsaka blush on?”

“H-huh? Ahm, hindi ako naka-make-up,” sabi ko. Really. Ayoko mag-make-up 'pag nasa school lang, nai-irritate ako pag pinagpapawisan, eh. I only wear make-up when needed on an occasion or during cosplay events.  But now… “Wala akong make-up ngayon.”

“Talaga? Eh, bakit ang kintab ng lips mo?”

“Lip chapstick,” matipid na sagot ko.

“Ah.” Tumango sila, except Samurai-girl.

“Sinungaling,” sabi niya. Soft enough para kami-kami lang na magkakatabi ang makarinig, but loud enough para ma-stress ang pagkainis niya sa 'kin.

Hindi na ako nagsalita. I don’t need and don’t want to give them any explanation. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panunuod ng mga nangyayari sa harap ko ngayon. Ang cute. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng eksena: mga hindi magkamayaw na fans na nagpapa-picture sa idolo. Feeling ko ngayon, stage manger ako, at JUMP! ang all-male talents ko.

Nakakatuwa 'to. May mga fans sila Mon na shy type na halos hindi matingnan ng diretso sila Mon pero kilig na kilig. At syempre meron ring mga aggressive. 'Yong tipo na kulang na lang itali nila sa belt nila sila Mon sa sobang higpit ng yakap nila, tapos hihingi pa ng kiss pagkatapos ng photoshoot.

Sila Jesse, Ehro, Ruki at Charcel, napansin ko na ayos lang sa kanila magpahalik sa pisngi at “manyakin” ng mga fans. Hindi rin sila tumatanggi sa mga nag-aalok ng date. Pero si Mon, walang nanghihingi ng kiss sa kanya. Wala ring gusto makipag-date sa kanya. Bakit kaya? Akala ko ba marami siyang fans?

“Miryenda muna kayo, guys,” narinig kong in-announce ng gov nila Mon na kanina pa rin nanunuod sa kabilang sulok nitong studio. Lumapit siya sa pintuan bago nagsalita sa hawak na megaphone. “Friends, breaktime muna ng JUMP!, ha? Sandali lang 'to, kaya pumila lang kayo ng maayos d’yan.”

“Okay!” sabay-sabay na sagot ng isang batalyon yata ng mga babae na nakapila para makakuha ng pictures kasama sila Mon. Grabe. Mga hibang na yata talaga sila sa JUMP!.

Lumapit sa 'kin si Mon. Napansin ko naman na hindi mapakali sa pag-aasikaso sila Samurai-girl sa mga kaibigan ni Mon. Inabutan nila ng makakain at mineral water sila Jesse habang pinupunasan ang pawis. Uhm… girlfriends-boyfriends sila? Pero bakit makikipag-date pa rin sila Jesse sa mga fans nila?

“Hey,” mahinang tawag sa 'kin ni Monti.

“Hmm?”

“Bakit pinapanuod mo lang sila? Pinagpapawisan ako rito, o.”

“Huh? O, eh… ano?” nagtatakang tanong ko.

“Ish. Di maglabas ka ng pamunas.”

Naghanap agad ako ng face towel sa bag ko. Buti na lang may pinabaon na towel sa 'kin si Mama kaninang umaga. Inabot ko 'yon kay Mon.

Tiningnan niya lang ang tiwalyang hawak ko. Tapos tiningnan niya ako. “What?” nakasimangot na tanong niya.

“What what? 'Eto na ang pamunas.” Tinapat ko pa sa mukha niya mismo ang hawak kong towel.

“What then?”

“Anong ‘what then?’ Magpunas ka na ng pawis mo. Tumutulo na nga ang pawis mo, diba?”

He grabs the towel from my hand before he mumbles, “Ish. Pagod na nga ako, ako pa pagpupunasin mo.”

Ahh… Gusto lang pala niyang magpapunas. “Akin na nga 'yan.” Kinuha ko sa kanya ang towel. Pinunasan ko na ang pawis niya sa mukha. “Gusto mo lang pala akong utusan kaya sinama mo ko rito.”

“Tinanong naman kita kung sasama ka, sabi mo ‘oo’.”

“Oo na,” I say, giving up. Mahirap makipagdebate kay Mon. “Sumama ako para makita ko ang pinagmamayabang mong fans. Tapos no’ng palabas tayo ng booth namin, ginawa mo akong shield sa mga fans mo. Ang nangyari, halos kalmutin na nila ako. At ngayon namang nandito na tayo, taga-punas mo naman ako ng pawis mo. Ano na’ng labas ko nito, dakilang personal alalay?”

Kumunot ang noo ni Mon, nagtataka sa sinabi ko, bago siya nagsalita, “Hindi; girlfriend.” Tumingala siya. “Dito pa sa leeg ko, may pawis.”

Hindi na ako nakapag-react sa sagot niya. Pinunasan ko na lang ang leeg niya nang napapangiti. Ang babaw ko. Sinabi lang ni Mon na girlfriend ang role ko rito, kinikilig na ko. Psshhu.

“Gusto mo ng baby powder?” alok ko sa kanya.

“Sige.”

Inangat niya ang kwelo ng polo niya na parang bata habang nilalagyan ko siya ng polbo sa leeg at likod niya.

“Ayusin mo naman. Ang daming nasasayang, oh.” Tinuro ni Mon ang mga nahulog na polbo sa sahig. “Gamitin mo kasi 'yang kamay mo, kaysa taktak ka lang nang taktak ng polbo r’yan.”

“Opo,” sabi ko sabay haplos sa leeg niya para malagyan 'yon ng baby powder. Napapangiti na naman ako.

Never have I laid my hands on Mon this way. His skin’s soft and warm… NAKAKAGIGIL! At ang bango-bango pa niya. 'Glad to have experience this chance. No’ng high school, no’ng nasa secret relationship lang kami ni Mon, there was not a chance na naging ganito kami kalapit, ka-touchy, and even ka-open na magsalita sa isa’t isa before. We would try to talk to each other during high school, na magtabi ng seats para magkaraoon naman ng personal chitchat— hindi 'yong sa text na lang lahat. Pero nauuwi lang lagi sa hindi namin pag-iimikan dahil, uhm, walang may gusto masalita kasi nauunahan siguro kami ng hiya. 'Pag study hour naman no’n, kunyari magtatabi kami habang nagre-review, pero hindi kami gano’n kalapit. Ni hindi ko nasusulyapan ang mukha niya at ang tanging nakikita ko lang ay ang sapatos niya kasi nakatango lang ako. I didn’t  have a picture of him on my phone na ako mismo ang kumuha o magkasama kaming dalawa. Syempre, mahilig akong magpahiram ng cell phone sa mga friends ko no’n, at secret nga ang relationship namin ni Mon, so I couldn’t keep a picture of him in my folders.

Pero ngayon, heto kami ni Mon. May pahaplos-haplos na akong nagagawa sa kanya ngayon. We had walked hand in hand, at in public pa! Nakakapag-usap na kami nang maayos. Nagbabangayan pa nga kami madalas. I have, not only one, but actually three folders of his photos— solo at 'yong magkasama kaming dalawa. I feel happy. Masaya na ganito kami ngayon… 'Wag ko lang sana maiisip ang mga bagay na dapat kong unahin kaysa magpakawindang sa moment namin ni Mon na ganito.

“Sa mukha,” utos niya. “Ang init, eh.”

Sumunod naman ako. Nilagayan ko rin ng powder ang pisngi niya— hindi ko masyadong abot ang noo niya, eh. “Lipstick gusto mo, Master Monti?” biro ko sa kanya.

“Sige,” ganting biro niya. Ahh.. naka-smile na siya ngayon.

“Wala akong lipstick, eh.”

“Hoy. Bakit nagbubulungan kayo r’yan?” singit ni Jesse. “Nagpaplano kayo ng assassination, 'no? Sino’ng titirahin niyo?”

“'Lol,” sagot ni Mon. “Sa 'min na lang 'yon ni Cassie. Basta ang mapapayo ko sa 'yo, dude, humanda ka.”

“Huh! Kayo ang humanda. Magkakampi kaya kaming lahat dito. Ikaw, si Cassie lang kakampi mo.”

“Huh!” panggagaya ni Mon sa expression ni Jesse. “Akala mo masisindak ako? Sharp-shooter kaya 'tong si Cassie.”

Siniko ko si Mon. Tumawa lang siya. At tumawa na rin lahat ng nandito sa studio ngayon. Except, of course, Samurai-girl. Mortal sin yata para sa kanya ang maging mabait sa 'kin.

“Kumain na nga kayo. Tama na ang biruan. May naghihintay pang mga hangal sa labas,” sabi ni Gov Kisha. Rude talaga siya magsalita.

“'Oy. 'Wag mo namang ganyanin ang mga hamak na fans namin, Gov,” sabi Charcel.

“Ewan. Bilisan niyo na.” Isa-isang inabutan kami ng burger ni gov. “'Ayan, chicken burger. Kayo na lang kumuha ng inumin niyo rito sa cooler.”

“Teka, chicken burger 'to? Walang iba?” tanong ni Mon. “Palitan mo 'to, Ate Kish.”

Tiningnan ni Gov ang iba pang laman ng paper bag na pinakuhanan niya ng miryenda namin. “Hmm. Meron isang beef burger dito na may TLC tsaka apple pie yata 'tong isa. Bakit, ayaw mo ng chicken, Mon? Allergic ka?”

“Hindi ako. Si Cassie.”

“Ako?” Napalakas ang boses ko. Napatingin tuloy sa 'kin lahat ng nandito. “Ay, sorry.” Lumingon ako kay Mon. “Ano ka ba? Hindi naman ako nagrereklamo sa pagkain ko, ah.”

“But you’re allergic to chicken.” Tumingin siya kay Ate Kisha. “Ate, 'yong may TLC na lang ang kay Cassie.”

“Pero kay Sir Bigz yata 'to, eh. Pina-deliver niya para kay Ma’m Ozzy.” Mag-bf-gf na profs sa department nila ang tinutukoy ni Gov.

“Hayaan mo na. Okay lang sa 'kin 'tong chicken burger, Ate Kisha,” sabi ko.

Tumingin ulit sa 'kin si Mon, nakasimangot. “No.”

“Anong ‘no?’ I’m fine, Mon,” bulong ko sa kanya.

“I’ll call Sir Bigz. Babayaran ko na lang sa kanya 'yong burger—”

“Hey, people!” Si Sir Bigz 'yon. Kadarating lang niya. “K’musta? Ang daming nakapila sa labas, ah. 'Lakas talaga ng kamandag ng JUMP!! Anyway, kukunin ko lang 'yong cell phone ko. I charged it somewhere here, eh…” dire-diretsong sabi ni Sir Bigz habang hinahanap kung saan niya sinaksak ang phone niya.

“Sir,” tawag ni Mon.

“Yes?” Nakayuko pa rin si Sir sa ilalim ng mga armchairs.

“Bibilhin ko 'yong burger niyo.”

“Ay, 'yong burger? Nad’yan pa ba? Sige. Kakain na lang kami ng Ozzy sa labas. Bilhin mo na nga, Monti, five-hundred pesos.”

“What?! Sir, bakit ang mahal naman?” tanong ko.

“Mahal talaga 'yon, Miss Elcastro. May TLC, eh. You know, tender love and care. Tsaka, mukhang ayos lang naman sa boyfriend mo ang presyo.”

 Lumingon ako kay Mon. Nagbubuklat na siya ng wallet. “'Oy, ang mahal naman. Okay na ko sa chicken burger, Mon.”

“Mas mahal ang gamot sa allergy mo,” sabi niya. Pero hindi naman totoo 'yon. Naglabas na siya ng isang libo bago 'yon inabot kay Sir Bigz.

“Salamat,” sabi ni Sir. “Sige, 'eto na ang cell phone ko. 'Alis na ako. Magpakabait kayo, mga bata.”

“’Bata’ ka r’yan,” sabi ni Ruki. “Sige, paalam, guro!”

Tumawa lang si Sir Bigz sa sinabi ni Ruki bago lumabas ng studio.

“O, kumain ka na,” bulong ni Mon. Inabot niya sa 'kin ang burger na  may “tender love and care” daw. “Ubusin mo 'yan. 'Mahal ang bili ko r’yan.”

Sinimangutan ko siya. “Sabi ko bang bilhin mo? Hmm!” Kumagat na ako sa pagkain ko. Hindi ko talaga sasayangin 'to.

“Teka, Mon. Ginulangan ka ni Sir. Hindi ka niya sinuklian,” sabi ni Charcel.

“Hayaan mo siya.”

“Tama. Ang importante, makakain si Cassie nang maayos,” sang-ayon ni Ehro.

“Sabagay. Agree ako, 'tol,” sabi naman ni Jesse.

“Basta okay lang si Cassie, kahit one million pa ang miryenda niya, bibilhin natin”, sabi ni Charcel.

Napangiti ako. “Wow. Salamat. Ang sweet niyo naman.”

“Ay, talaga!” natatawang sagot ni Charcel. “Pero mas sweet si Mon, Cassie. Hinayaang gulangan siya ni Sir Bigz para lang sa 'yo.”

“Idol na kita, Pareng Mon,” biro ni Jesse. “Saludo ako sa 'yo! Wuu!”

Nginitian ko ulit sila. Tapos natahimik na ako. Bigla kong naisip, parang ganito rin 'yong mga biruan ng barkada ni Mon sa chatbox na pinag-comment-an ni Ni Yao Hei. I wonder if dapat ba akong masayahan dahil pareho ang pakikitungo nila sa 'kin sa pakikitungo nila kay Ni Yao Hei. O talagang ganito lang ba sila makitungo  sa lahat?

“Hindi ka man lang magpasalamat,” bulong ni Mon.

Nilingon ko siya. “Salamat.”

Tumango lang siya.

Tapos bigla na lang niya hinawakan ang inuupuan kong armchair at basta na lang hinila 'yon paharap sa kanya. Napatili ako sa gulat at takot. Akala ko tutumba ako. Ang nangyari, nakaharap na ako sa kanya at nakatalikod sa iba pa naming kasama.

“Sa’n napupunta ang mga kinakain mo, Cassie? Ang gaan mo,” sabi niya.

Hinampas ko siya sa braso. “Bakit bigla mo na lang hinatak ang inuupuan ko? Eh, kung mahulog ako?” naiinis na tanong ko. Pero syempre, imposibleng mahulog ako dahil nakaalalay ang dalawang braso ni Mon kanina nang hilain niya ang upuan ko.

“Para sa 'kin ka na lang nakaharap. 'Wag mo na kausapin ang mga KUMAG na 'yon,” malakas na sabi ni Mon. Halatang pinaparinggan ang mga barkada niya, na nagtawanan naman sa likod ko.

“'Lol. Possessive. Porque, mabait lang sa 'min si Cassie,” asar ni Charcel.

“Sige, solohin mo na si Cassie. Alam naman namin na may puwang kami sa puso niya, sa ayaw mo at… sa ayaw mo. LOL,” biro naman ni Jesse.

Lumingon ako sa kanila. Then I smile apologetically. Pasensya na kayo, praning lang talaga siMon minsan, gusto ko sabihin sa kanila. Sumenyas naman sila Jesse ng “okay lang”, nakangiti pa nga sila sa 'kin. Pero si Samurai-girl, well, nakasimangot lang siya sa 'kin. Si Gov naman, busy lang sa pagkain. Wala siyang naririnig sa mga sinasabi namin kasi nag-a-iPod siya.

“Sabi ko 'wag mo na sila kausapin,” sabi ni Mon.

Humarap na ako ulit sa kanya. “Yes, Master,” sarcastic na sabi ko.

“Sige, free kayong bumuo ng sarili niyong mundo. Isipin niyo na lang na wala kami ngayon dito,” narinig ko na sabi ni Charcel.

Hindi na nag-react si Mon. Pinapanuod ko lang siya na naglabas ng iPod from his bag, sinuot ang earphones, at nakinig sa music nang nakasimangot parang bata.

Tingnan mo 'to… ish! Asar-talo! Ano’ng gagawin ko ngayon? Pagmamasdan lang siya? Pinagharap niya pa ang mga upuan namin, hindi rin naman pala niya ako kakausapin. Buti pa, tatayo na ako. Do’n na lang ako kila Jesse—

“Sa’n ka pupunta?” tanong ni Mon bago pa ako tuluyang makatayo. Tinanggal niya ang isang earphone sa tenga niya.

Urgh. I pout. “Wala naman akong gagawin sa harap mo. Mamumuti lang ang mata ko kung pagmamasdan lang kita maghapon,” sabi ko.

“Hindi. Umupo ka ulit,” utos niya. Hinarang niya ng braso niya sa dadaanan ko.

Umupo na lang ako ulit. Scowling.

Bumuntong-hininga siya bago niya nilagay sa tenga ko 'yong isang earpiece. “Bakit ba gusto mo pang umalis sa harap ko. Don’t you realize you’re the luckiest girl here in our campus?” bulong niya.

I look at him. Nakapatong ang dalawang braso ko sa desk ng armchair at gano’n din ang braso niya kaya ang lapit-lapit namin sa isa’t isa. With the little space between us, I can sniff the fresh smell of his breath in my nose; and I can feel it on my skin. His breath feels really warm…

I clear my throat. Malayo na naman ang narating ng pag-observant at descriptive ko. “How come?” tanong ko sa kanya.

“Ikaw lang ang pinapayagan ko makalapit sa 'kin. JUMPers would die and would even kill to have a chance to be this close to me,” casual na sagot niya.

“Weh. JUMPers… Sino ba’ng naka-isip ng itatawag grupo niyo? 'Sounds kind of weird, no da?” (ya know?)

Dunno. Basta na lang binuo ng mga fans 'yong pangalan na 'yon,” sagot niya. “Kung ako lang, mas astig na pangalan ang gagawin ko. Like, ‘Critically Sinful,’ kasi makasalanan kaming lima dahil umaapaw ang karisma namin.”

I make a face. Pinisil ni Mon ang ilong ko. “Aray… Don’t pinch my nose!”

“Hindi ka uma-agree na charismatic kami, hmm?” Pisngi ko naman ang pinagdiskitahan niya.

“Iie! Get your hands off my cheeks!” (No!)

Tumawa lang si Mon. Tinigilan na niya ako. “Actually, marami pa nga kaming naiisip na mas astig na pangalan. Katulad nung naisip ni Jesse, pol-KDot. O kaya, 'yong idea ni Charcel na Polangotz.”

Natawa ako. Gross.” Ang artistic niyo palang lima, 'no? Magaganda mga idea niyo,” sarcastic na sabi ko.

Tumawa ulit si Mon. “Madrama naman 'yong naisip nila Ruki at Ehro— HeyKawaiiKiss-u!.”

“'Oy, cute nga 'yon.”

He shrugs his shoulders. “Hindi naman kasi namin kailangan ng tawag sa grupo namin. What’s important is our rapport,” seryosong sabi ni Mon. “We’re just so kind na sakyan ang gusto ng mga fans namin.”

“Wow…” sarcastic ulit na sagot ko. “Saludo ako sa speech mo, Monti.”

“Ish. Pinagloloko mo 'ko, ha.”

Ngumiti ako. At sa sumunod na three minutes, wala kaming ginawa o sinabi. We just stare at each other. And I try to remember when was the last time this kind of serenity filled the spaces between us as we did nothing but  stared at each other— when our feelings were still mutual wayyy back before…

“Mon,” pabulong na sabi ko.

“Hmm?”

“I have been texting you since last week.”

“Yeah.  Sabi ko let’s talk when I have time.”

“You have time now?”

“I think so.”

This is it… Gusto ko nang malinawan. Gusto ko nang malaman kung sa’n na nakarating ang setup namin. Gusto ko nang matigil ang kung ano mang tawag sa connection namin na 'to… Ayoko na...

Kagabi ko lang napag-isip-isip ang lahat nang 'to. No one could condemn me if I do this. Nahihirapan na ako sa situation ko. I’m hanging out with a guy who I consider only as an unfinished business. Kawawa naman talaga ang ego ni Mon sa 'kin. Palagi pa siyang parang constipated 'pag kasama ako. Tapos, may pa-jelly-jelly pa akong nararamdaman, kahit alam kong hindi dapat.

Gusto ko mag-demand. Gusto ko magpa-mope pag may dapat ikatampo. I want to be in my character always. Gusto ko ng total acceptance. Kaya nga lang, HINDI PWEDE.

Ako na! Ako na ang talunan. But this is the decision I made. I’M GIVING UP ON MON… AGAIN. The way I did when we were in high school.

Isa pa, feeling ko magnanakaw na talaga ako ng chance ng iba na makasama si Mon. Kahit si Mon inaalisan ko rin ng chance. Imbes na nakikipag-date siya sa gusto niyang i-date at ipakilala kay Tita Margo, ako ang laging nakasunod sa kanya—

“Monti, MARRY MEEEEEEEEEEEE!”

Naputol ang pagpa-plano ko ng mga sasabihin ko kay Mon dahil sa sumigaw na babae sa labas ng studio. Lahat kaming nandito sa loob, napatingin sa babaeng 'yon na may hawak na pink na cartolina na may drawing na pulang-pulang heart. Parang sampung boxes yata ng red crayons ang ginamit do’n.

“Mary me! PLEASE!!!”

Pasimpleng nagtawanan lang ang barkada ni Mon pati si Ate Kisha; habang sila Samurai-girl, hindi mapinta ang mukha.

“Err, bakit naman may nagsabi ng ganyan kay Monti ngayon?” pabulong na sabi ni Ruki. Ayaw yata nila ma-offend 'yong fan. “Nakakahiya tuloy kay Cassie.”

“Diba in-announce na natin sa website natin na bawal nang i-date si Mon? Hindi na siya nagfa-fan service,” sabi ni Charcel.

“Hindi naman date ang sinabi nung babae. Kasal ang hinihingi, 'tol.”

“Bakit umaapila siya ng kasal? Hindi naman siya 'yong tipo na gusto ni Mon maka-one night sta—“

Napalingon ako sa barkada ni Mon nang hindi matapos ni Charcel 'yong sinasabi niya. Nakita ko na tinatakpan pala si Ruki ang bibig niya. Tapos apologetic na ngimiti sa 'kin sila Ehro, Jesse, at Ruki. Nag-peace sign naman si Charcel sa 'kin. 

“Give her an answer, man,” sabi ni Jesse.

Tumingin ulit ako kay Mon. Ang gross nung sinabi ni Charcel pero gusto kong matawa ngayon. Ang comical kasi ng expression ni Mon na parang na-shock talaga siya sa sinigaw ng babae kanina na pakasalan niya raw.

“C’mon, dude,” natatawang sabi ni Charcel. Nakawala na siya kay Ruki.

Sa wakas, hinarap na ni Mon ang babae. “I can’t,” pasigaw rin na sagot niya. Tapos tinuro niya ako ng thumb niya. “'GIRLFRIEND HERE!”

_________

~miishu loves you. suuuuppppeeer!

Continue Reading

You'll Also Like

85K 2K 29
Wala ng choice si Mia kundi ang dumepende sa kanyang kapalaran at basta na lang nanghila ng unang taong nahagip ng mata niya upang magpabili ng napki...
9M 327K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
127M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
172M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...