Ever After (Let Love Rule 2)

By bluishcrescent

698 86 5

I thought that it was already the end because we've finally got the happy ending we always dreamed of. But I... More

Ever After
After 1
After 2
After 3
After 4
After 5
After 6
After 7
After 8
After 9
After 10
After 11
After 12
After 13
After 14
After 15
After 16
After 17
After 18
After 19
After 20
After 21
After 23
After 24
After 25

After 22

13 3 0
By bluishcrescent

After 22

"So I guess it went out well, right?" Biglang sabi ni Kuya Niccolo na naka-upo sa tabi ko. Medyo nagulat pa ako kasi kanina naman eh wala siya doon at masyado akong engrossed sa panunuod kila Louis at Nereus na naglalaro dito sa madamong part ng JPH Walk.

Ang saya-saya kasi nilang tignan. Sa araw-araw na kasama ko si Nereus masasabi ko naman na masayahing bata talaga siya pero ngayon ko lang siya nakita na ganitong kasaya habang kasama ang tatay niya. Para ngang simula nung pinanganak siya eh kasama niya na si Louis kasi sobrang komportable na niya agad dito at tanggap na tanggap niya na talaga ito.

Tapos si Louis naman ngayon ko na lang ulit nakitang ngumiti ng pagkalaki-laki at tumawa ng pagkalakas-lakas. Simula kasi nung bumalik ako dito sa Pilipinas, kung hindi walang emosyon eh galit naman siya.

Kaya parang nagui-guilty tuloy ako kasi pinagkait ko sa kanilang dalawa yung chance na magkakilala na agad sila at magkasama na. Pinagkait ko sa kanila yung happiness na nararamdaman nila ngayon.

"He's still mad at me so not everything is well. Kung ano-anong masasakit na salita yung sinabi niya sa akin pero I guess deserved ko naman 'yon kasi ako 'tong tangang umalis eh." Sabi ko habang naka-tingin pa rin kila Louis.

"Pinagsisisihan mo na ba yung naging desisyon mo noon?" Tanong niya. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko pero wala pa rin akong makapang pagsisisi. Kahit naman kasi sobrang hirap at sobrang sakit nung mga pinagdaanan ko noon, naging masaya pa rin naman ako at naging worth it naman lahat kasi ligtas na kami parehas ni Nereus ngayon.

"Wala akong nararamdamang kahit na anong pagsisisi kahit na galit na galit si Louis sa akin. Kung hindi kasi ako umalis noon, sigurado ako na mas madaming taong mahihirapan." Sabi ko.

Kung magkakaruon ako ng chance na bumalik sa panahon na iyon at muling pumili kung anong gagawin, aalis pa rin naman ako kahit anong mangyari eh. That decision made Louis mad as hell at me but that decision also made me stronger and wiser. Madami akong natutunan dahil sa desisyon kong 'yon at kahit once na pagsisisi eh wala talaga akong maramdaman. Kung nanatili kasi ako noon, I am damn sure that everyone that I love will also suffer with me. Oo nga at nung umalis ako eh nahirapan din sila na magpatuloy but at the very least, they also survived without me for months. At every kind of relationship that I have with the people that I treasure the most also became stronger and more compacted. Yung relasyon lang talaga namin ni Louis ang nagkaruon ng napakalaking lamat na hindi na ata talaga makakayang tapalan o takpan.

"Well, kung hindi ka naman din pala nagsisisi, then you need to live by the consequences of your actions. Harapin mo yung galit ni Louis sa 'yo dahil sa pag-iwan mo sa kanya at sa paglilihim na may anak kayo kasi wala ka namang choice." Sabi niya na ikinatango ko naman.

"Ano pa nga bang magagawa ko kung hindi panindigan na lang ang lahat ng mga desisyon ko lalo na at hindi ko naman na iyon mababago pa. Pero parang half ng weight na nakadagan sa puso ko yung nawala dahil nagkakilala na silang mag-ama. Kahit biglaan yung pagkikita nila at hindi pa talaga ako handa, thankful ako at nangyari na din ito lalo na at narealize ko na kahit kelan naman eh hindi ako magiging handa na ipakilala ng kusa si Nereus sa ama niya." I said then smiled sadly. Ngayon ko lang napagtanto na napaka-toxic ko pa lang magmahal. I love my friends, my family and of course, Louis and that's the reason why I chose to leave 2 years ago. I became too selfless and decided to shoulder all of my problems alone without realizing that I am already hurting them. And now, I love Nereus with all my heart and became too selfish to the point that I have hurted him and Louis in the process of keeping them away from each other.

Truly, too much of every is a poison that can kill.

"Pero ano na ang plano mo? What will you do if Louis try to keep Nereus away from you?" Tanong niya. Nilingon ko naman siya sandali pero ibinalik ko rin ang tingin ko kila Louis at Nereus.

"Of course, I will do everything para hindi malayo sa akin ang anak ko. I've been through hell para lang mailabas siya ng maayos sa mundong ito, hindi ako makakapayag na mawalay siya sa akin." Matigas na sabi ko.

By hook or by crook, Nereus will stay with me. Mahal na mahal ko ang anak ko at kahit ang sarili niya pang tatay ang kukuha sa kanya, hindi ako makakapayag! Makikipaglaban ako ng patayan, kung kinakailangan.

"At isa pa, hindi din papayag si Nereus na mawala ako sa tabi niya 'no." Dagdag ko pa.

Ni hindi nga nakakatulog ng matiwasay ang anak ko kapag wala ako eh.

"Hindi mo rin 'yan masasabi, baby girl. Look, oh! Close na close na agad si Nereus sa ama niya kahit na ilang oras pa lang sila nagkakilala. Pano na lang kapag pinapili siya kung kanino siya sasama sa inyong dalawa ni Louis? Hindi mo maaring itanggi na may chance din na si Louis ang piliin niya lalo na at sabik siya sa kalinga ng isang ama." Pangangatwiran niya. Napatitig naman ako sa kanya.

Damn. He has a point! He has a fucking point!

"Fuck you! Why did you say that?! I so fucking hate you!" Inis na inis na sabi ko sabay pinaghahampas pa siya. Hindi niya naman 'yon ininda at sa halip eh tumawa pa siya kaya lalo akong nainis.

"'My, why are hurting Papa Nicco? That's bad po, right?" Sabi ni Nereus at pagkalingon ko eh nasa harap na namin siya ni Kuya Nicco at kasama niya ang naka-busangot na si Louis.

"Uhmm... we are just playing, baby ko. Don't mind us. Maglaro pa kayo ng daddy mo." Tabinging ngiting sabi ko. Ayokong sulyapan ulit si Louis. Ang sama-sama ng tingin niya sa akin eh. Para bang may ginawa akong malaking kasalanan sa kanya.
Well, malaking kasalanan naman talaga yung pagtatago ko kay Nereus mula sa kanya.

"I'm hungry na po, 'My. I want to eat." Sabi niya. Tumango-tango naman ako.

"Let's go. Nagugutom na daw ang baby ko." Sabi ko naman kay Kuya Niccolo. Tumango naman din siya tapos na-una nang tumayo at inalalayan din ako para makatayo.

"Mommy, I want to eat with Daddy." Sabi ni Nereus. Napa-lingon naman ako agad sa kanya at nakita ko na karga-karga na siya ni Louis.

"At may kailangan pa pala akong gawin. Kayo na lang ang kumain, okay? I'll see you both later in our suite." Sabi ni Kuya Niccolo sabay kiniss na ako sa nuo at kiniss naman sa pisngi si Nereus. At bago pa ako makapag-react eh naka-alis na siya.

"Tara na? Ako na ang kakarga kay Nereus." Sabi ko nung medyo nahimasmasan na ako. Buti na lamg at hindi ako na-utal kahit na abot hanggang langit ang kaba ko.

"Si 'Dy na lang po, 'My." Sabi ni Nereus na ikinagulat ko. Pero after a while eh pilit naman akong ngumiti tapos hinayaan na rin si Louis na buhatin siya.

Eto na. Nangyayari na yung sinabi ni Kuya Niccolo kanina. Sabik nga talaga sa kalinga ng tunay na ama ang anak ko kaya hindi ko din talaga siya masisisi kung mas pinipili niya si Louis ngayon kesa sa akin.

-

"We need to talk later about our situation. Dapat nating maayos ang setting natin bago mag-birthday ang anak natin." Sabi ni Louis nung hinihintay naming dumating yung mga order namin. Medyo nagulat pa ako kasi sila ni Nereus yung nag-uusap kanina at para bang display lang ako sa tabi nila tapos bigla-bigla eh ako 'tong kinakausap niya ngayon.

Pero nag-swell talaga ang puso ko nung sinabi niya yung "anak natin" para kasing wala na siyang galit sa akin at tanggap na tanggap niya kami ni Nereus sa buhay niya. Pero asa naman ako 'di ba? Syempre si Nereus lang ang tanggap niya sa buhay niya. Hindi ako kasama.

"Basta hindi ako papayag na ilayo mo sa akin ang anak ko. He will stay with me." Matigas kong sabi. Mabuti nang maaga pa lang eh klaro na sa kanya na hindi ko hahayaang mailayo niya sa akin ang anak ko.

"At hindi naman din ako makakapayag na mailayo mo siya sa akin ulit. Period." Puno ng pinalidad na sabi naman niya. Titig na titig siya sa akin na para bang lahat ng mga gusto niyang isumbat sa akin eh pinaparating niya sa pamamagitan ng titig. Hindi ko naman kayang tagalan yung gano'ng tingin kaya ako na ang unang umiwas.

"Mommy, Daddy, are you two fighting again?" Inosenteng tanong ni Nereus na nakapukaw sa atensyon naming dalawa.

"No, baby ko. Nag-uusap lang kami ni Daddy." Naka-ngiting sabi ko.

"That's great then! No arguing po, okay? Dapat love niyo po each other para whole family na tayo!" Masayang sabi niya. Nadurog naman ang puso ko.

Hindi na ako mahal ni Louis at mukhang malabo na rin na maging isang buong pamilya kami. Siguro naman pwede pa ring maging pamilya kaya may kanya-kanya ng buhay 'di ba? For sure kasi si Louis mag-aasawa pa. Ako naman, malamang sa malamang eh sa ospital at kay Nereus ko na lang paiikutin ang mundo ko. Baka hindi kasi talaga para sa akin yung pagmamahalan na walang hanggan eh. At saka kontento naman na ako kay Nereus.

"Daddy, you and Mommy ang not married yet, right? At 'di ba po para whole family, kailangan married ang Mommy at Daddy? When po kayo magiging married?" Tanong niya pa. Halos mahulog naman ako sa kina-uupuan ko.

Wala naman akong tinuro tungkol sa mga kasal-kasal na 'yan ah?! San niya 'yan natutunan?

"You want Mommy and I to be married, baby?" Masuyong tanong ni Louis. Kulang na lang eh mapa-irap ako. As if naman kasi na papakasalan niya ako kapag sinabi ni Nereus na gusto niyang maging kasal kami! Ni hindi niya nga ako matignan ng walang halong galit o panunumbat tapos papakasalan niya pa ako? Oh, you got to be kidding me!

"Yes po, 'Dy! I want us to live in our own house together! And I also want a little sister!" Tuwang-tuwang sagot ni Nereus sabay pumalakpak pa. Nasamid naman ako sa iniinom kong tubig at nagkanda-ubo-ubo dahil sa gulat.

"Are you okay?" Tanong ng isang baritonong boses tapos naramdaman ko na lang na may humagod sa likod ko.

"I'm fine now, thank you." Pagpapasalamat ko sabay lingon sa gilid ko. At muntik na akong mapatulala kasi ang gwapo-gwapo niya! Naka-suot pa siya ng chef's uniform na nakadagdag sa appeal niya. Pero may diperensya ata talaga 'tong mga mata pati na ang utak ko kasi mas gwapo pa rin si Louis para sa akin. Hay.

"Take your hands off her, Villaflor. She's okay." Sabi ni Louis. At pagkalingon ko sa kanilang dalawa ni Nereus eh muntik na akong matawa kasi parehas na busangot ang mukha nila at masama ang tingin kay "Villaflor" na gwapong chef.

"Chill, man. Ayoko lang na may nabubulunan na magandang binibi." Sabi nung Villaflor sabay kinindatan pa ako. Naramdaman ko naman na medyo nag-blush ako dahil sa compliment niya.

"By the way, I am Trexton Villaflor. You must be Natalia, right? Still as beautiful as ever!" Puri niya na naman sabay lahad sa kamay niya. Akala ko magshe-shake hands lang kami kaya dali-dali ko namang inabot yung kamay ko pero nagulat na lang ako nung hinalikan niya 'yon.

"Mister, take your hand and lips away from my mother, please!" Iritadong sabi ni Nereus. Pagkatingin ko sa kanya eh naka-tayo na siya sa kinauupuan niya kanina at lukot na lukot na ang mukha dahil sa inis.

Ganyan talaga siya ka-possessive sa akin kahit noon pa man kaya nung nasa Canada kami eh wala talagang maka-lapit sa akin na lalaki.

"Oppss, sorry, young man!" Natatawang sabi ni Trexton sabay binitawan na ang kamay ko. Apologetic naman akong ngumiti sa kanya dahil sa inasal ng anak ko.

"Your son is quite possessive. I wonder kung kanino nagmana." Sabi niya sa akin sabay sulyap kay Louis tapos natawa na naman.

"Ano bang ginagawa mo dito? Why don't you go back to the kitchen where you're supposed to be?" Kunot-nuong sabi ni Louis. Ano bang problema nilang dalawa ni Nereus kay Trexton? Ba't ang rude-rude nila eh ang bait-bait naman nung tao!

"Eh kung lumayas kaya ako ngayon para walang magmamanage sa kitchen lalo na at ang sama-sama mo sa akin?! Tsk! I'm here to specially serve your meals!" Naiiling na sabi ni Trexton and as if on cue eh isa-isa nang dumating yung mga inorder namin.

"At ngayong na-serve na ang meals, lumayas ka na sa harap ko!" Parang haring utos ni Louis. Umabot naman ata yung eyeballs ko sa dulo ng utak ko dahil sa pag-irap.

"Thank you, Trexton. Pasensya ka na sa anak ko, ha? He's not that usually rude." Sabi ko. Naka-ngiti naman siyang tumango.

"No problem. I think nagmana lang siya sa seloso niyang tatay. Anyways, I better go now bago pa ako bumulagta dito. Enjoy your food and just call me in the kitchen if you need anything. It was nice to meet you, Natalia!" Sabi niya tapos umalis na. Medyo nagtaka naman ako kung bakit siya bubulagta eh itsura naman siyang malusog pero pinagsawalang-bahala ko na lang 'yon at nagsimula nang kumain.

"Hindi ka na nahiya sa anak natin! May Daddy Louis na siya, may Papa Niccolo pa tapos ngayon gusto mo namang dagdagan ng Tatay Trexton? Dahan-dahan naman sa paglandi, Natalia!" Nanggagalaiting bulong ni Louis sa akin. Para naman akong sinuntok sa puso dahil sa sakit.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matitiis na pinagsasabihan niya ako ng mga masasakit na salita. Ni hindi ko nga alam kung deserve ko pa ba 'tong treatment niya na ito eh. Alam ko naman na may kasalanan ako sa kanya pero sana naman respetuhin niya ako bilang ina ng anak niya!

----

Continue Reading

You'll Also Like

997K 44.1K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
516K 17.4K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
388K 9.1K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...