DARK SIDE OF AN ANGEL

By KraziestKiers

33 4 0

Cherr Paulin Estañol, may malaanghel na ganda. Nagmahal, nasaktan, nabigo at nagdusa sa unang lalaking nagpa... More

Authors Note
Prologue
Part II
Part III
Part IV

Part I

9 2 0
By KraziestKiers

A year later...

Nakatayo ako ngayon sa may dalampasigan. Nakaharap ako sa papalubog na araw. Mula ng dumating ako sa resort na ito sa may Pagudpod, Ilocos Norte ay naging routine ko na ang panonood sa papalubog na araw.

Sa pag-aagaw ng liwanag at dilim ay nagiging kulay kahel ang kalangitan. Napakagandang pagmasdan, sabayan pa ng malamig na hangin na nagmumula sa karagatan. Tila ba napapawi nito ang ano mang sakit na aking nararamdaman.

Naramdaman ko ang lamig ng tubig dagat sa aking mga paa. Naabot na pala ng alon ang aking kinatatayuan ng 'di ko namamalayan. Nilaro-laro ko ang buhangin gamit ang aking mga paa. Ilang sandali pa ang aking pinalipas ng maisipan ko nang bumalik sa inuokopa kong cottage sa resort.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama ng makapasok ako sa aking silid. Magpapahinga lang ako saglit bago ako magpalit ng damit.

Kinuha ko ang aking phone sa aking tabi nang tumunog ito. Pagbukas ko ay may mensahe mula kay Kring.

{Be, how's your vacation?} basa ko sa message nito. Nagtype naman ako.

{It's great! I'm enjoying my vacation so far.}

Pagkasend ko ay bumangon na ako at tinungo ko ang banyo.

Habang naliligo ako ay iniisip ko na kung ano ang aking gagawin mamaya. Siguro mag stay na lang ulit ako sa may tabing dagat mamaya. May tatlong araw pa bago ako bumalik sa Manila. I-enjoy ko mo na ang pag stay ko dito.

Nang matapos ako sa pag ligo ay inabot ko ang towel at tinuyo ko ang aking katawan. Paglabas ko ng bathroom ay humagilap ako ng maisusuot kong underware at damit.

Kinuha ko ang summer dress na bigay sa'kin ni Kring nung nakaraang buwan. Nang maisuot ko ito ay tinernuhan ko lang ito ng fliplops.

Galing din si Kring sa resort na ito. Kaya rinecommend niya sa akin na magbakasyon ako sa lugar na ito.

Nung una ayoko sana, ako kasi ang namamahala sa business ni Mommy. Dahil sa hindi ako tinantanan ni Kring kaya narito ako ngayon sa lugar na ito.

Unang kita ko pa lang sa lugar na ito ay na-inlove na ko sa place na 'to. Ang buhangin dito ay parang puting buhangin ng boracay. Ang linaw nang dagat na tila ba ito nag aaya lagi. Hindi ko alam na may nagtatago pa lang paraiso sa lugar na ito.


May mangilan ngilang tao sa loob ng restaurant pagpasok ko. Alas otso na nang gabi. Marahil nasa tabing dagat na ang ibang mga bakasyunista. Maganda kasing mag stay sa dalampasigan pag gantong oras.

Gumawi ang aking paningin sa pwestong lagi kong inuokopa.

Nanlumo ako nang makita kong may nakaokupa na roon. Maganda kasi ang tanawin sa parte na 'yun. Tanaw ang karagatan.

I sigh, before I walked towards the table near me.

Pagkaupo ko ay lumapit ang waiter at kinuha nito ang aking order. Pagkatapos niyang ulitin ang order ko ay umalis na ito.

Nasisiyahang inilibot ko ang aking paningin. Ngunit napakunot noo ako nang masulyapan ko ang lalaking nasa ikatlong lamesa mula sa aking kinauupuan. Mataman itong nakatitig sa akin.

Iniwas ko ang aking paningin. Naiilang ako sa kanyang pagkakatitig. I felt he's staring at my soul the way he stared at me.

Ilang sandali lang ay inihain na nang waiter ang aking order. Pagkakita ko pa lang sa sinigang na belly ng bangus ay natakam na agad ako.

I started to eat. This food is John's favorite food na naging paborito ko narin. Lagi siya nitong may baon sa school dati. I should say Tita Ana has this magic in cooking, every dishes she made is mouth watering.

Nang matapos ako ay sinenyasan ko ang waiter para sa bill. Nang makabayad ako ay tumayo na ako at nilisan ko ang lugar.



Habang tinatalunton ko ang daan tungo sa tabing dagat ay namataan ko na naman ang lalaking nakatitig sa'kin sa may resto.

Napakunot noo ako nang itutok nito sa akin ang camerang nakasukbit sa kanyang leeg.

Awtomatikong nangunot ang aking noo, nang mag flash ang camera nito.

"Don't you know the word privacy mean?" I shouted. He just smirked and shrugged his shoulder.

Aba't antipatiko talaga ang bakulaw na 'to. Nakakakulo ng dugo. Lalapitan ko na sana siya ng tumunog ang cellphone na hawak-hawak ko. Pagtingin ko sa screen ay ang pangalan ni Mommy ang naka rehistro.

"Hello, Mom!" ani ko pagkasagot ko sa tawag.

"Iha, tumawag ang Tita Ana mo, she wants to talk to you!"

"Mom, if it's about John, forget it." may iritasyon sa aking tinig.

"Iha, John needs you now? I know you still love him. Natapakan lang ang ego mo, dahil sa nangyari before."

"Oh, please, Mom! Did you even felt what I've felt before. Mom, I was tore into pieces. Ni hindi ko nga alam kung pa'no ko buoin ang sarili ko noong time na 'yun. I felt devastated and helpless." bawat katagang binigkas ko ay madiin. Gusto kong iparating kay Mommy na kahit anong gawin o sabihin nila ay hindi na ako makikipagbalikan kay John. Hindi dahil sa hindi ko na siya mahal. Kundi dahil ayoko nang maulit na madurog ulit ako sa ikalawang pagkakataon nang dahil sa kanya. Pagkatapos ng break up namin ay dumaan ako sa proseso kung pano buoin ang sarili ko. And it's hard to collected all the pieces that scattered. Sa bawat dampot ko ay tila ako lalong nasusugatan.

"Iha, please! Give John a second chance." sumamo ni Mommy sa kabilang linya.

"Mom, I don't wanna talk about it any more. I move on already. Just tell Tita Ana, that John will get by. And I'm sorry for this obeying you. It's just that, I didn't wanna risk my heart anymore. I love you Mom.Bye!" hindi ko na hinintay ang sagot ni Mommy. Pinatay ko agad ang tawag nito.

Mabibigat ang hakbang na tinalunton ko ang daan papuntang dalampasigan.

May mga bakasyunista akong nadadaanan. Ang iba sa kanila ay pamilya, ang iba ay mga magbabarkada. Nagkakasayahan ang mga itong nakapalibot sa bonfire.

Tipid akong napangiti.

Dumako ang aking paningin sa isang duyan na ang bawat dulo nito ay nakatali sa dalawang puno ng niyog. Naglakad ako patungo doon.

Nang makalapit ako ay sumampa ako. Itinaas ko rin ang aking mga paa. Inihiga ko ang aking katawan upang mapagmasdan ko ang kalangitan.

Ang mga  bituin ay nagpapaligsahan sa kanilang pagkinang. Kung sana kagaya nang mga bituin na 'yan ang kinang nang buhay ko di sana masaya ako ngayon. Hindi sana ako nalulugmok parin hanggang ngayon.

Dito sa mundong ibabaw, hindi mo talaga alam kung pa'no makipagsabayan sa tadhana. Kasi sa isang kisapmata lang, bigla nitong babaguhin ang takbo nang buhay mo. Kung ngayon masaya ka, bukas naman nagdurusa ka na.

Pinuno ko nang hangin ang aking baga at binuga ko rin ito.

Nag-iinit ang sulok nang aking mga mata. May mga luhang nagbabadyang bumagsak kaya't ipinilig ko ang aking ulo.

"Enough of this drama." I said to myself.

I am supposed to be enjoying my stay here, not to remenisce the past.

Walang hiya kasing past to eh, kahit saan na lang sinusundan ako. Hindi ba maaaring manahimik na lang siya sa isang tabi.

Napalingon ako sa isang grupo nang mga kabataang nagtatawanan. Natahimik din agad ang mga ito, when one of their friend start strumming his guitar. Pumailanlang din ang tinig nang isa sa mga kasama nila. Ang lamyos nang tinig nito. Waring idinuduyan ka nito sa alapaap.

Ilang saglit lang ay nakaramdam na ako nang antok. Kaya't tumayo na ako at tinalunton ko ang daan patungo sa cottage.



Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Naka losse shirt ako na itim at  faded short na tinernuhan ko nang sport shoes and I tied my hair into a messy bun. Kinuha ko ang backpack ko  na nasa ibabaw nang kama. Then I'm all set.

Lumabas ako nang aking cottage. Sinigurado kong nakalock ito bago ko ito nilisan.

Tinungo ko ang parking lot kung saan naroon ang sasakyang gagamitin namin. Pagpasok ko sa loob nang mini bus na pag aari nang resort ay naghanap ako nang mauupuan. Gusto ko kasing maupo malapit sa may  bintana. Para mapagmasdan ko ang tanawin. Pupuntahan namin ngayon ang falls sa karatig bayan.

Umupo na ako sa pwestong napili ko. Inilagay ko sa aking lap ang dala kong backpack. Hindi naman kasi ito kabigatan. Isang pair nang underware, damit na pamalit, isang towel, gadgets, tubig at snack lang naman ang dala ko.

Ilang saglit lang din ay nilisan na namin ang resort.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mamangha sa taglay na ganda nang kalikasan. Ang bawat nadadaanan naming mga bundok ay may naglalakihang mga puno. Nakalipas ang isang oras huminto ang aming sinasakyan.

Sabi nang tour guide ay kailangan naming maglakada nang ilang kilometro tungo sa falls dahil hindi na makapasok ang sasakyan sa parteng iyon nang gubat.

Bumaba ako at sumunod sa kanila.

Dahil sa wala naman akong kakilala sa mga naroon ay mas pinili ko na lang ang magpahuli. Inilabas ko ang dala kong camera. Inaliw ko ang aking sarili sa pagkuha nang mga litrato sa aking nadadaanan.

May kalahating oras din siguro kaming naglalakad nang marating namin ang lugar.

My jaw dropped, when I saw how enchanting it is.

"This is paradise." I exclaimed.

Hindi talaga ako makapaniwalang may nagtatagong paraiso sa lugar na ito.

Ang mga kasamahan ko ay nagsisulong na sa tubig. Ngunit ako ay tila na itulos na sa aking kinatatayuan.

Isa sa mga tour guide ang kumalabit sa akin.

"Ma'am, doon po ang cottage na pwede kayong mag stay." Itinuro nito sa isang cottage sa di kalayuan.

"Okay, salamat." nginitian ko ito.  Nagpaalam  na itong pupuntahan niya ang iba pang kasama namin.

Tinungo ko naman ang cottage na sinabi nito. Nang makapasok ako ay may mangilan-ngilang tao din sa loob.

Isang tour guide naman ang sumalubong sa akin. Binilinan ako nito nang mga dapat gawin. Nang matapos ito ay iniwan na ako nito.

Lumabas ako nang cottage. Dala ang aking backpack at camera ay tinungo ko kung saan umaagos pababa ang tubig. Bawat anggulo nito ay aking kinukuhanan.

Nahagip nang aking camera ang bulto nang isang lalaki sa di kalayuan. Wala sa sariling kinuhaan ko ito nang litrato.

Iniwas ko ang pagkakatutok nang aking camera dito nang may lumapit ditong isang babae.

Tumalikod ako.

Tinignan ko ang mga larawang kuha ko.  Ngunit sa iisang partikular na picture lang ako nakatingin. Ito yung lalaking aking kinuhaan kani-kanina lang.

Side view ang pagkakakuha ko rito. Maganda kasi ang anggulo na 'yon. Dahil binabagsakan siya nang tubig na nangmumula sa talon.

Kahit sino ay mamamangha sa tanawing 'yon.

Ibinaba ko ang aking backpack at camera. Ipinatong ko ito sa isang malaking tipak nang bato. Hinubad ko ang aking suot na damit at short, ipinatong ko ang mga ito sa aking bag.

Lumusong ako sa tubig. Masarap sa pakiramdam ang dulot nang tubig. Nakakarelax ito. Pinagsawa ko ang sarili ko sa paglulunoy sa tubig. Nang mapagod ako sa kakalangoy ay umahon na ako. Tinuyo ko ang aking sarili gamit ang dala kong towel. Pagkatapos ay ibinalot ko ito sa aking sarili. Kinuha ko ang aking bag at tinungo ko ang cottage. Para makapagpalit na ako nang damit. Nang makapagbihis ako ay inabala ko na ulit ang aking sarili sa pagkuha nang mga larawan.

Hapon na nang makabalik kami sa resort. Pagkababa ko nang sasakyan ay nagmamadali kong tinungo ang aking cottage.

Inilapag ko sa aking kama ang aking bag. Tinungo ko ang bathroom. Nanlalagkit na kasi ang aking pakiramdam.

Pagpasok ko ay hinubad ko ang aking damit. Binuksan ko ang shower. Itinapat ko ang aking sarili sa shower.  Inabot ako nang kalahating oras sa pagbabad sa tubig. Nang matapos ako sa pagligo ay kinuha ko ang bathrob. Isinuot ko ito at itinali ko ang sintas nito sa aking bewang. Kumuha ako nang isang towel at pinunasan ko ang aking buhok.

Paglabas ko ay tinungo ko agad ang aking kama. Sumampa ako at umupo sa pinaka gitna nito.

Nang makaramdam ako nang pagkahapo ay humiga ako. Hindi ko na namalayan na nilamon na pala ako nang antok.

Continue Reading

You'll Also Like

6.3M 262K 77
When Attorney Raiven Valiz finds himself in trouble with one of his cases, his life is threatened and a bounty is put on his head. To protect him, th...