--ZACK'S POV--
'' Love her or let her die?''
Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. What does he mean by that? '' What? Ano pong 'let her die'? What's with the threat Papa? You know that I love her. I really love Michi. Ano pong pinagsasasabi niyo?''
''Oh I see, you were really falling in love with her..
You are falling in love with the Yakuza's daughter? You got to be kidding me, Zackary Matthew. Nahihibang ka ba ha? Yakuza yan, anak.'' Tiningnan niya ako ng masama at natawa ng malakas, '' You really want her to die or you really want yourself to get killed?''
Chills went down in my spine. Nanlamig ang buong katawan ko. Namutla ako, to be exact. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko from the moment I heard my father saying those words to be. Hindi pwedeng mangyari ito. He's got to be putting pranks on me. '' Pa naman, wag naman kayo magbiro ng ganito. And besides, her father is a Tau Gamma master back in his days. He can't be a Yakuza'.''
''Really? He can't?'' Tumayo siya at tinapatan ako, '' Sa tingin mo ba sasabihin niya na Yakuza siya? Isipin mo nga yung nang mabuti.''
'' Then how did you know that he is really a Yakuza?'' I asked him.
Kinuha niya ang necktie niya at nagsimulang ayusin ito habang nakatingin sa malaking salamin. Ngumiti siya sa akin habang nakatingin sa salamin '' Simple lang, anak. Connections. I have my own connections...
Baka nakakalimutan mo, I'm in Mafia ''
Pagkatapos niyang mag-necktie sinuot na nya ang black coat nya at kinuha ang briefcase niya. ''Well, it's your choice,Zackary. Love her or let her die in our hands..'' Tapos tiningnan niya ako ng malapitan, '' or might as well die in her father's hands.''
'' Pero Papa..''
'' Makipag-break ka na sa kanya by the end of this month or else, you know what will happen.''
-- MICHI'S POV--
March. Halos araw-araw na kaming haggard. Hindi na kami masyadong nagkaka-date ni Zack for a couple of weeks pero may contact pa rin kami sa isa't isa. Minsan, kapag gabi na, nag-uusap kami sa cellphone. Minsan nagsa-Skype din. Nakakamiss na nga siyang lambingin at asarin eh. Minsan naman hindi kami nagkakausap o magkikita, sabi niya busy sya sa studies at sa Frat.
'' Eh paano naman ako?'' Sabi ko sa kanya ngayong nasa Skype kami. Kauuwi ko lang sa bahay at medyo pagod, pero sabi niya mag-online daw ako kasi may sasabihin siya.
'' Busy kasi ako sa studies, Michi. I hope you understand.'' Sabi niya habang kinakamot ang ulo niya. '' Pasensya na talaga.''
''Choooo.. puro na lang 'Pasensya'Sabihin mo, wala ka nang oras para sa akin. Tsskk.'' Kunwaring pagtatampo ko, pero mukhang sineryoso naman ni Zack ang sinabi ko sa kanya. Ginulo niya ang buhok niya at tumingin sa webcam.
'' So, sinasabi mo bang sinasantabi kita? Eh sa ang hirap ng Law! Maintindihan mo naman sana,Michiko! Hayyyy! Ang hirap hirap na nga eh, dadagdagan mo pa!'' Pasigaw niyang sinabi sa akin
''Ah so sinisigawan mo na ako ha! Okay. Hayyyyy! stressed out din ako, Zack pero binibigyan pa rin kita ng time para man lang magkamustahan tayo! Don't you even know na miss na miss na kita? Tapos ngayon sasabihin mo na..''
'' Oh c'mon, Michi. Paulit-ulit na lang ang sinasabi mo, Kesyo wala akong time sayo, ikaw mayroon. Ano ba naman yan! MassComm lang naman ang course mo, sa akin Law! Sa palagay mo ba ano ang mas mahirap ha?''
''Don't you even tell me na LANG ang MassComm! Mahirap din ito! Pareho lang tayo ng kinahihinatnan ngayon. Pareho tayong nahahaggard pero ako kasi, binibigyan pa rin kita ng panahon. Eh ikaw?'' Sabi ko habang hingal na hingal na kakapaliwanga. '' Ikaw ha? Anong ginagawa mo? Isinasantabi mo lang talaga ako. Para ngang I don't exist in your world na. Parang 'Wala lang, may masabi lang na girlfriend kita'state. Ganoon na lang ba ako sa'yo Zack ha? Hayyyy!'' Sinapo ko ang ulo ko sa kamay ko at ginulo ang buhok ko. Nakakafrustrate na kasi eh.
Tumahimik siya at tinakpan ang mukha niya ng dalawa niyang kamay. Ilang Segundo ang lumipas, saka siya nagsalita.
'' Let's just break up,Michi. Wala na itong patutunguhan..''
''What?! Alam mo ba ang sinasabi mo? Maliit na pagsaubok lang susukuan mo na? Ikaw pa nagsabi sa akin na LAHAT NG BAGAY MAKAKAYA NATIN! Then now..''
'' Ayaw ko na.''
''Fine! Tutal dito din naman mauuwi ang panlalamig mo sa akin!'' Binaba ko yung screen ng laptop ko at saka nagsimulang umiyak. Isinubsob ko lang ang mukha ko sa unan at nagsisigaw hangga't sumakit na lalamunan ko.
Hindi pwede ito!