"Prettymini". . .The Elf Pri...

By TitoRudy1953

4.3K 425 43

Ito ang kwento ng pagmamahalan ng isang prinsesa ng mga dwende at ng isang tao na nagpabago sa mundo ng mga t... More

Kabanata 1 . . . Putim Redum
Kabanata 2 . . . Postrum Walatrum
Kabanata 3 . . . Petrum Litum
Kabanata 4 . . . Postamus Baliktum
Kabanata 5 ... Umiibig na ang Prinsesa
Kabanata 6 . . . Sumibol ang Pag-ibig
Kabanata 7 . . . Pag-ibig ng Prinsesa
Kabanata 8 . . . A Star is Born
Kabanata 10 ... Bayani
Kabanata 11 . . . Pilyang Prinsesa
Kabanata 12 . . . Prinsesang Selosa
Kabanata 13 . . . Wagas na Pag-iibigan
Kabanata 14 . . . Prinsipe Odek
Kabanata 15 . . . Batong Berde
Kabanata 16 . . . Kapangyarihan ni Paolo
Kabanata 17 ... Merlo
Kabanata 18 ... "Puno ng Buhay at Pag-ibig"
Kabanata 19... Agaw Buhay
Kabanata 20 ... Muling Pagkabuhay
Kabanata 21 ... Rasput ang Espiya
Kabanata 22 ... Simula na ang Digmaan
Kabanata 23 ...Mahiwagang Baston ni Haring Ergo
Kabanata 24 ... Merlo
Kabanata 25 ... "Mga Ada ng Puno ng Buhay at Pag-ibig"
Kabanata 26 ... Katapusan ng Kasamaan"
Finale . . . Dalawang Pares na Paolo at Prettymini

Kabanata 9 . . . Pinag-ugnay na Dalawang Mundo

149 16 1
By TitoRudy1953

Verdum Ovaltrum Horstrum!

"Pinag-ugnay na Dalawang Mundo"

-----------

Araw ng Linggo, maagang gumising si Paolo. Nakahiga pa siya sa kama. Uminat ng katawan at napahikab pa. Dahan-dahan siyang umupo sa gilid nang kama. Hinawakan niya ang bubong ng minihouse. Itinaas niya ng marahan. Sumilip siya sa loob. Nakahiga pa ang prinsesa. Masarap ang tulog. Nakapajama  at kayakap ang isang unan. Nakapatong naman ang isang paang may medyas sa isa pang unan. Marahang itinaas ng binata ang kumot at hindi nagising ang prinsesa. Isinara ng binata ang bubong. Marahan siyang naglakad at lumabas ng silid. Pumunta siya sa kusina. Nagsalang ng kape sa coffee maker at nang matapos ay nagtooth brush. Kumuha siya ng mug at nilagyan ng kape. Pumasok siya sa sala at umupo sa sofa. Napansin niya ang newspaper na naka-usli sa ilalim ng pinto ng condo. Tumayo at pumunta sa pintuan. Yumuko ang binata at dadamputin na niya sana ang dyariyong naka-usli ng bigla itong nawala. May dumampot sa labas ng pintuan. Nagtaka siya kaya binuksan na niya ang pinto. Nagulat pa siya ng makilala ang mga nasa labas.

" Good morning anak! "

" Inay! Itay! Jillian! Ha ha ha! Mano ho Nay. Tay!" Hawak ni Jillian ang dyariyo.

" Kuya! Kakatok na sana ako ng buksan mo ang pinto. Pakiss sa pogi at sikat köng kuya! "

" Ha ha ha! Hindi ka pa rin nagbabago Jillian. Uhmuah! Yan. Pasok na kayo. Ang aga ho ninyo inay!" Pumasok ang tatlo. Kinuha ni Paolo ang bitbit na bayong ng kanyang ama at dinala sa kusina.

" Kuh, itong Inay mo Paolo. Kinukulit ako araw-araw at gabi-gabi. Gusto ka na raw niyang makita!" Sabi ng itay niya na umupo na sa sofa at kinuha ang dyariyong dala ni Jillian. Tumuloy naman sa kusina ang inay niya at kinuha ang nakabalot sa loob ng bayong.

" Dinalhan kita ng putong puti at hinog na mangga!" sabi ng inay niya.

Kumuha ng isang mug ang binata at nilagyan ng kape. Ipinatong niya sa platito at ibinigay sa ama.

" Salamat! Paolo, ang laki ng litrato mo rito sa magazine. " Ipinakita ang center page. Nakamaong na jeans si Paolo, nakahubad. May caption sa ibaba. " The new look . . . . Paolo Venzon!" Napangiti lang ang binata. Inaayos naman ng inay niya ang hapag kainan. Tumayo si Jill.

" Kuya. Saan ang cr mo? Jingle lang ako."

" Pasok ka lang sa kwarto at may pintuan doon, yun ang cr. Ipapa-ayos ko pa kasi ang cr diyan sa may kusina."

" Ang laki at ganda naman ng bahay mo kuya!" Lumakad si Jillian at pumasok sa kwarto.

" Halina na muna kayong mag-ama rito ng makapag almusal na tayo!" Tawag ng inay niya. Tumayo ang mag-ama, dala ang mga kape nila at pumunta sa dining table.

Lumabas naman si Jillian sa cr nang mapansin niya ang minihouse sa ibabaw ng headboard ng kama. Lumapit siya sa kama. Sumilip pa sa bintana ng minihouse at napangiti.

" Ang kuya ko talaga. Ang tanda-tanda na naglalaro pa ng bahay-bahayan. Hi hi hi! Ang ganda naman ng bahay na ito." Bulong ni Jillian.

Hinawakan niya ang bubong at iniangat. Sumilip siya sa loob. Bumilog ang kanyang mga mata ng makita niya ang prinsesa na natutulog pa.

" Ay! Ang cute! Ang ganda-ganda ng manika ni kuya. Parang totoo!" Sabi niya na may kalakasan ang boses na ikinagising ni Prettymini. Nakita ng prinsesa ang mukha ni Jillian na nakadungaw sa bubong.

" Eeeeeee!" Sigaw ng prinsesa.

" EEEEEEEEE !" Sigaw rin ni Jillian! Kapwa nagulat ang dalawa! Natulala silang pareho. Biglang nabuksan ang pinto ng kwarto. Humahangos na pumasok sina Paolo, Aling Cely at Mang Senen.

" Jillian! Napaano ka? Bakit ka sumigaw? " Tanong ni Paolo sa kapatid na hindi makapagsalita at itinuturo ang loob ng minihouse. Napasilip ang inay nila at . . .

"EEEEEEE! " Sigaw ng ina. Nakita rin niya ang prinsesa.

" Inay! Jillian! Huwag po kayong matakot! Kaibigan ko ho si Prettymini! " sabi ni Paolo. Lumabas naman sa bahay ang prinsesa na nakabihis na.

" Sorry po! Sorry Paolo! Nalimutan kong sabihin sayo na nawawala ang bisa nung spell kapag natutulog ako. " aniya sa kanila. Nagulat din si Mang Senen sa nakikita niya.

" Inay magpapaliwanag po ako!"

Nakayakap si Aling Cely sa asawa habang nanlalaki naman ang mga mata ni Jillian sa pagkakatitig kay Prettymini. Ikinuwento lahat ni Paolo mula ng unang niyang makilala ang prinsesa. Umupo sa kama ang inay niya at si Jillian. Natuwa na si Jillian. Nakikinig sila sa kwento ni Paolo. Nang matapos na.

" Isa kang prinsesa Prettymini?" tanong ni Jillian.

" Oo Jillian . Matagal ko na kayong kilala. Hindi lang ako nagpapakita sa inyo kasi baka matakot kayo! "

" Bakit naman kami matatakot? Nagulat lang ako kanina. Ngayon ay okey na ako. Ang ganda mo naman! Hi hi hi.!" Tawa ng dalagita.

"Kaya pala madalas ka naming makita noon na nagsasalitang mag-isa Paolo yun pala si Prettymini ang kausap mo." Sabi ng inay niya.

"Opo nay. Napansin ninyo pala noon bakit hindi ninyo ako kinausap?" Sagot ng binata.

"Ang itay mo ang nagsabi na huwag na. Akala kasi niya si Big Foot ang kausap mo." Sabi ng ina.

" Tara na at sa labas na tayo mag-usap-usap. Kumain na muna tayo" sabi ni Mang Cenen.

Lumipad si Prettymini at dumapo sa balikat ni Paolo. Umupo siya. Napangiti si Jillian at bumilog lalo ang nga mata sa kanyang nakita. May kaibigang magandang dwende ang kuya niya at prinsesa pa! Lumabas na sila ng kwarto. May ibinulong si Jillian sa nanay niya habang papalabas sila.

"Nay, kilala ko na ho ang girlfriend ni Kuya! Hi hi hi!" Nagkatinginan ang mag-ina. Ininguso ni Jillian si Prettymini.

Hindi makaniwala sina Aling Cely na may dwende nga. Nasa hapag kainan sila. May sariling mesita at upuan din ang prinsesa. Kumakain siya kasabay ng mag-anak.

" Prettymini, maganda ba ang daigdig ninyo? " tanong ni Aling Cely habang hinihiwa niya ang mga mangga.

" Opo! Napakaganda ho. Nakita na nga ho ni Paolo. "

" Ha? Nakapunta na sa inyo ang anak ko?

" Opo. Sumaglit kami para makilala niya na rin ang mga ina at ama ko ho."

" Ay! Ako rin isama niyo sa susunod na pagpunta ninyo ha!" sabi ni Jillian.

" Oo ba! At ipapasyal pa kita roon!" sagot ng prinsesa.

" Kuya! Yan ha! Kasama na ako sa susunod! Hi hi hi!"

"Oo na! Pati sila Inay at Inay." Sagot ng binata.

" Totoo Paolo? Pumapayag ka? Kung gusto ninyo ay  pwede ngayon." Sabi ng prinsesa.

" Ha? Pwede?" tanong ni Jillian.

" Oo Jillian kung papayag ang Kuya Paolo mo at ang Inay at Itay mo!"

" Kuya, Nay, Tay, pwede ba tayong pumunta ngayon?"

" Kung papayag sina Nanay at Tatay!" sagot ng binata."

"Baka naman hindi na tayo makabalik dito?" sabi ni Aling Cely.

" Makababalik din po Inay! Saglit lang po at nandoon na tayo! " Sabi ni Paolo.

" Sige payag na kami ng ama ninyo! "

" Sus! Di pa nga ako tinatanong nakapayag na pala ako! He he he! Sige na nga ng makita ko naman ang ibang mundo! " sabi ni Mang Senen.

" O, sige ho. Saglit po! Onyok! Onyok! Magpapakita ka ba o hindi?"

" Po! Magpapakita na ho! "

" Poof!"

Lumitaw bigla si Onyok.

" Ay dwende! " Sigaw ni Jillian ng magulat. Nagulat din sina Aling Cely at Mang Senen.

" Huwag po kayong matakot. Siya ho ang mabait na si Onyok, ang magdadala sa atin sa aming kaharian. Onyok, kumain ka muna. Mamaya dalhin mo kami sa ating kaharian. "

" Opo mahal na prinsesa" Lumapit si Onyok sa mesita ng prinsesa. Kumuha ng putong puti. Tinikman. Nagustuhan niya ang lasa kaya kumuha pa siya ng marami at inilagay niya sa kanyang maliit na bag na nakasabit sa baywang. Nakangiting pinagmamasdan siya ng mag-anak.

Nang matapos na silang kumain ay nagbihis muna si Paolo. Ang prinsesa naman ay umikot lang at nagbago ulit ang damit. Manghang-mangha si Jillian sa kanyang nakikita. Nasa sala na ang mag-anak.

" Handa na ba kayong lahat?" tanong ni Onyok. Tumango si Paolo.

" Sige, ipikit ninyo ang inyong mga mata." Sumunod silang lahat.

" Erratum! " bulong ni Onyok.

" Poof"

Nagulat ang mga bantay ng palasyo ng biglang lumitaw sina prinsesa sa gitna ng bulawagan ng palasyo. Napanganga pa si Jillian ng makita niyang malalaki na sina Prettymini at Onyok.

" Prettymini, ang ganda-ganda mo pala talaga!" sabi niya.

" Hi hi hi" Hindi naman!"

Humanga naman ang mag-asawang Aling Cely at Mang Senen sa laki ng palasyo. Dumating sina Haring Ergo at Reyna Raya na tinawag ng isang bantay at nasabihan silang umuwi na ang prinsesa.

" Ama kong hari at ina kong reyna sila ho ang mga magulang at kapatid ni Paolo. Gusto raw po nilang makita ang ating reyno at makilala kayo!"

Bati ng prinsesa at lumapit siya sa kanyang amang hari at humalik sa pisngi at niyakap naman niya ang inang reyna.

" Magandang araw po mahal na hari at mahal na reyna. Sila ho ang aking Inay at Itay at ito naman po ang aking kapatid na si Jillian!" Bati ni Paolo.

" Magandang Araw din sa inyong lahat. Ituring ninyong tahanan ang aking palasyo. Ho ho ho! Ministro Rasput. Anyayahan lahat. May piging tayo ngayon para sa ating mga bisita. " atas ng hari.

" Masusunod po mahal na hari! " tumalima agad si Ministro Rasput.

" Merlo. Ihanda ang karosa. " sabi ng hari. Pumagitna si Merlo.

" Verdum Ovaltrum Horstrum! " Sigaw ni Merlo.

" Pooff"

Isang malaking karosa ang lumitaw sa gitna ng bulwagan. Hila ito ng anim na kabayong may tig-iisang sungay, mga unicorn. Walang bubong ang karosa. Unang sumakay ang Hari at Reyna.

" Halina kayo. Tayo na at ipakikita ko sa inyo ang aming reyno. " Anyaya ng hari.

Sumakay sina Aling Cely, Mang Senen at Jillian at umupo sa kasunod na upuan. Sa huling upuan naman umupo sina Paolo at Prettymini.

" Ho ho ho! Aking mga alaga. Tayo na!" Marahang naglakad ang mga kabayo, bumilis, umangat sila sa ere hila ang karosa. Napagitla ang mag-anak. Nanlaki ang mga mata ni Jillian. Tuwang-tuwa siya. Umangat lahat ang karosa at lumilipad sila.

" Whoooooooshhh!"

Lumabas sila sa malaking pintuan ng bulwagan sa may balkonahe. Tumaas ang lipad at umikot sa palasyo. Tanaw ni Jillian ang kagandahan ng Mordavia. Asul ang kalangitan, walang ulap, walang araw pero napakaliwanag na nagmumula sa tila bilog na buwan. Nakikita nilang naglalabasan ang mga dwende sa kanilang mga tahanan. Lahat ay masasaya at naglalakad patungo sa plaza ng kaharian. Pumapalakpak si Jillian sa tuwa. Napalingon siya sa likuran. Nakita niya ang dalawa na magkayakap! Napangiti siya. Kinalabit ulit ang inay niya.

" Inay, inay! Sabi ko na sa inyo. Kilala ko na kung sino ang gf ni kuya!" Anas niya sa ina na nakatanaw sa naggagandahang kabahayan sa ibaba.

" Sino?" Tanong ng ina.

"Lumingon po kayo sa likod!"

Lumingon si Aling Cely.

" Ay! Santa Maria!" Nakita niya na naghahalikan ang dalawa!

" Hi hi hi" Tawa ni Jilian.

Umiikot ang malaking karosa sa buong kaharian. Kumakaway ang mga dwende. Masasaya silang lahat. Nakikita nila ang mga nakasakay. Dalawang lahi ng dalawang daigdig na pinagsama-sama ng isang pag-ibig na naka-ambang sirain ng isang maitim na puso ni Prinsipe Odek ng mga dwendeng itim.

Sa maluwang na plaza ng Mordavia lumapag ang karosa. Sinalubong sila ng maraming puting dwende. May mga bata at matatanda at lahat ay masasaya.

May nakahanda ng mga mahahabang mesa na puno ng pagkain at inumin. Nagdaratingan pa ang ibang mamayan ng reyno na nakatira sa malalayong lugar ng Mordavia.

Nagsimula ng tumugtog ang mga musikero. Mga tambol, plauta, gitara at banjo ang mga instrumento nila. Sa pinakamahabang mesa ay  umupo ang Hari at Reyna kasama ang mag-anak. Tumayo si Haring Ergo.

" Ako ay nagagalak at dumating kayong lahat. Bilang pagtanggap sa ating mga bisitang tagalupa kaya may piging tayo ngayon. Para sa kasiyahan nating lahat dapat ay katulad natin sila sa pananamit kaya, Verdum Palitrum!"

" Poof! "

Nagbago lahat ang mga damit ng mag anak. May bonete na ang mag-ama. Nakasuot na sila ng tila pajama na may malapad na sinturon. Iba narin ang kanilang mga sapatos. Patulis na ang dulo na nakaturo paitaas. Para silang si Santa Klaus yun nga lang wala silang balbas at bigoteng puti. Gayun din sina Aling Cely at Jillian. May bonete na rin sila. Parang mahabang palda ang suot nila. May blouse at malalapad ang kwelyo tulad ng sa mga marino. Tuwang tuwa si Jillian. Nasa harapan niya ang maraming pagkain. Hindi niya alam kung alin ang unang titikman. May mga cakes , prutas na kakaiba, inihaw na manok at mga hita ng tupa. Nakita niya ang mga chocolate. Dumampot siya ng isa. Tinikman.

" Nay! Ang sarap nitong tsokolate. Kakaiba ang lasa. Kumuha siya ng supot at nilagyan ng tsokolate. Tinikman naman ni Mang Senen ang mga cakes at tinapay.

"Masasarap din itong mga tinapay nila at cakes." Tikman mo Nay."

"Oo nga! Pati itong nga cookies nila. Kung ganito Tay kasarap ang tinda natin lalakas ang ating bakery." Sabi ni Aling Cely.

Habang kumakain sila ay panay pa rin ang dating ng mga pagkain. Isang dwendeng tagapagluto ang naglagay ng isang tray ng tinapay sa harapan nina Mang Cenen kaya kina-usap niya ito.

"Ang sarap naman ng mga tinapay ninyo." Sabi niya sa dwendeng tagapagluto.

"Totoo ho? Salamat po. Isang malaking karangalan sa akin na nagustuhan ng aming bisita ang aming handa." Sagot ng tagapagluto.

"Nagluluto rin ho ako ng tinapay sa aming mundo pero hindi kasing sarap ng mga tinapay ninyo. Ngayon lang ako nakakain ng tinapay na may kakaibang lasa."

"Kung gusto ninyong sumarap ang mga tinapay ninyo ay bibigyan ko kayo ng resipe namin."

"Naku, maraming salamat po kung ganoon. Nay narinig mo yun?" Masaya niyang tanong sa asawa.

"Oo Tay. Ang babait nila."

Nakaalis na ang tagapagluto ng isang nakaka-indak na tugtugin ang umalingawngaw. Pumagitna si Prettymini at sumayaw.

Sinasabayan niya ng indak ang tugtog. Pumapalakpak naman ang mga nanonood na natutuwa sa pagsayaw ng kanilang prinsesa. Pinagmamasdan siya ni Paolo. Bumibilis ang tibok ng puso ng binata dahil napakagandang pagmasdan ang pagsasayaw ng kanyang mahal. Parang nanghahalina at nanunukso ang bawat galaw ng prinsesa. Lumapit siya kay Paolo at hinawakan ang kamay ng binata. Pahila niya itong dinala sa gitna.

"Sayaw tayo mahal ko." Bulong niya sa binata. At yumakap siya.

Tumahimik ang lahat habang pinapanood ang dalawang nagsasayaw.

Tumayo si Haring Ergo at. . .

"Sumayaw tayong lahat bilang pagbubunyi. Halika aking mahal na reyna. Samahan natin sila." Hinawakan ng hari ang kamay ng reyna at pumagitna na rin sila. Sumunod na rin sina Mang Senen at Aling Cely. Nagsunuran na rin ang mga dwendeng puti.

Yumakap ng mahigpit ang prinsesa kay Paolo.

"Salamat aking prinsesa sa pagmamahal mo. Minahal mo ako kahit na ako ay isang tao. Mamahalin din kita hanggang sa walang hanggan." Bulong ng binata.

"Salamat din mahal ko na minahal mo ako kahit hindi ako tagamundo. Mamahalin din kita dahil ikaw ang mundo ko at wala ng iba pang magmemay-ari ng puso ko kundi ikaw aking Paolo."

Hinalikan siya ng binata sa mga labi. Mariin ngunit maingat. Maalab at dama nila kapwa ang tamis ng kanilang pag-iibigan.

Habang naghahalikan sila ay umangat sila sa lupa. Pataas ng pataas ng pataas ang kanilang pag-angat. Dumating ang maraming ibon at pina-ikutan sila. Timigil sa pagsayaw ang lahat at tahimik silang pinagmasdan. Tumigil din ang tugtog at tumahimik ang paligid maliban sa mga huni ng mga ibon na nagsasaya at umiikot sa dalawang nag-iibigan.

May mga lumuha habang pinagmamasdan ang dalawa kabilang na ang mahal na reyna at si Aling Cely.

Napansin ng dalawa ang biglang pagtahimik ng paligid nila at . . .

"Hi hi hi! Mga pilyo kayo aking mga sapatos. Ibaba na ninyo kami." Sabi ng prinsesa.

Lumapit ang Inang Reyna sa dalawa. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan at tuwa. Niyakap niya ang mahal na prinsesa.

"Maligayang-maligaya ako aking mahal na anak para sayo. Isa ka na ngang ganap na dalaga at umi-ibig na."

"Salamat po mahal kong ina."

Siya namang paglapit ni Haring Ergo at . . .

"O siya. Tama na iyan. Narito tayo para magsaya. Ilabas ang mga masasarap nating alak ituloy ang pagdiriwang." Sabi ng hari.

Nagpatuloy ang pagsasaya ng buong Reyno ng Mordavia. Tinanggap nila ang mga tao ng buong puso dahil sa kanilang mahal na prinsesa. Pinag-ugnay na dalawang mundo ang nagawa ng wagas na pagmamahalan ng dalawa. Makalipas ang ilang oras ay namaalam na sina Paolo.

"Labis po akong nagagalak sa maiinit na pagtanggap ninyo sa amin ng aking pamilya mahal na hari." Sabi ni Mang Senen.

"Ganoon din ako Mang Senen. Bukas lagi ang aking palasyo para sa inyo."

Lumapit ang tapagluto sa kanila. May dala itong isang maliit na aklat at isang malaking supot na gawa sa katad ng hayop.

"Mang Senen, tanggapin po ninyo itong resipe ng mga niluluto kong tinapay at itong pulbos na lalong magpapasarap sa mga luto ninyo."

"Salamat po. Iingatan ko ho itong resipe ninyo."

"Ama, ina, tutuloy na ho kami!" Sabi ng prinsesa.

"Sige mahal kong anak. Basta't lagi mong iisipin na naritito lang kami ng mahal mong inang reyna." Sagot ng hari.

Yumakap at humalik ang prinsesa sa kanyang nga magulang at. . .

"Onyok! Halika ka na rito at babalik na tayo sa kabilang mundo."

"Po! Nariyan na ho." Iniwan ni Onyok ang kanyang mga kalarong mga batang dwende.

"Handa na ho ba kayong lahat. Ipikit na ho ang inyong mga mata."

Sumunod ang mag-anak.

"Erratum!"

"Pooff"

*******

Ngayong magkasundo na ang dalawang pamilya may balakid pa kayang darating sa pagmamahalan nina Paolo at Prinsesa Prettymini?

Subaybayan po ninyo.

At kailangan ko ang mga comments niyo about sa ating kwento.

Salamat po.

Continue Reading

You'll Also Like

249K 6.8K 89
Eirro Wayne Ejercito is known for his rude and arrogant behavior, constantly belittling and yelling at the assistants who work for him, even extendin...
72.2K 1K 43
Ang buhay kailangan ienjoy lang, yung tipo na you're living young and free, pero paano kung sa isang iglap may mangyare? At ang inaasahan mong buhay...
4.5K 84 20
Si Kierra. Ang napakamisteryosong babae na di makamove on sa kanyang One And Only Love. Si Kean. Ang kababatang mahina ni Kierra pero iba na ngayon...
11.3K 284 54
"I thought there's forever, but I forgot... I'm living in reality--in reality that everything comes to an end."--Sofia Clemente.