The Three Playboys and Miss Piggy
Chapter 3
Ara's P.0.V.
One week passed since I entered Hartford Academy. Nothings changed just like my first day.
Lagi ko nalang nakakasalubong ang mga mean girls, ang group ni Zy, at syempre ano pa nga ba? They always teases me, pranks me. It's part of their day, or what should I say, it's their routine. Buti nalang at mababait ang mga kaibigan ko. Lagi kaya nila akong pinagtatanggol sa mga iyon. I'm so lucky to have them. :)
Papunta ako ngayon sa room ko. Bigla kong nakasalubong sila Zy.
Hindi ko nalang sila pinansin. Sa halip ay naglakad nalang ako.
Pagtapos naka alis na sila Zy.
Wow! Di niya ako pinag-tripan ngayon. What a miracle! Ano nakain non?
Pumunta muna ako sa locker ko dahil kukunin ko yung Math book ko.
Pagkabukas ko ng locker ay may yum burger sa loob nito at may nakakabit na sticky note.
May naka sulat na 'good morning! have a nice day sweetie! '
Ganern iyong nakasulat. First time in my life, na may ganito na nagbigay sa akin.
Nakakakilig naman. Pero parang alam ko kung kaninong sulat to ahh.
Parang ganoon sa sulat ni James mah bebe loves.
Ayiieee James! I love you so much! HAHAHAHA! I'm being crazy 'pag dating Kay James. How I wished, he sees me and loves me the way I look and love him.
"Pero wag ka munang mag-assume Ara baka naman hindi si bebe loves mong si James ang naglagay niyan at baka naman ang mga mean girls tapos naglagay sila ng lason." Sabi ng utak ko
P-pero, urghhh nagugutom na ako. Sabi naman ng tiyan ko.
Gosh! Sino kayang masusunod? Si utak o si tiyan?
Kunin ko na nga. At kinuha ko na yung burger. Nanalo na naman ang tiyan ko. You always wins Tommy. My stomach's name is Tommy. Hihi! And my brain's name is Brianna. Nakalimutan kong sabihin sa inyo.
Naglakad na ako papuntang room. Wala pang mga tao. I mean, uunti palang ang mga tao. Tapos parang may nakalagay sa upuan ko na kung ano. I think it's a drink. Coffee maybe.
Naglakad na ako papunta roon at para na rin matignan ko kung ano iyon. Coffee! Sabi na nga e! Tapos may nakalagay din na sticky note. Ang sabi,
'sorry nakalimutan kong isama sa burger, baka kasi mabuhos sa locker mo'
Ayon iyong naka-sulat.
Okay, sabi ko nalang sa isip ko. Mainit init pa naman. Kaya gora na! At least busog si Tommy ko.
fast forward...
KRINGGGGG!!!!!!
Narinig na ng mga students ang bell kaya nagmadali na silang nagligpit at umalis ng silid aralan.
Ako naman ay umalis na rin. Nakita ko kasi sila Ana sa pinto naka-abang na sa akin. Nauuna sila kapag minsan mag-recess kay sa amin, pero kapag minsan naman nahuhuli sila. Depende sa ginagawa.
"Hi!!" sabay nilang bati. Ang cute talaga nila pag nagsasabay silang magsalita. Bakit ako? Hindi pa nagsasalita cute na? ;)
"Hello!" Bati ko pabalik.
"Pupunta pa ba kayo sa cafeteria?" tanong ni Val.
"Ikaw ba? " tanong ko kay Val
"Hindi na, tinatamad ako e." Sabi ni Val. Same lang. Nakakatamad pumunta sa canteen ngayon.
"Ikaw Ana?" tanong ni Val kay Ana
"Hindi rin, wala ako sa mood ngayon maglibre, tinatamad akong pumila." sagot ni Ana at tumawa kami. Baliw talaga itong Ana na ito.
"Sa library na nalang tayo!." aya ko sa kanila.
"Okay! Sure!" Sang-ayon nilang dalawa kaya naglakad na kami papuntang library.
library...
Kumuha na kami ng libro tapos pag ka upo ko may tig-3 spaghetti, fries, chicken at coke sa lamesa at may nakasulat na naman. Wow! Sakto nag-ccrave ako sa fried chicken ng Jollibee. Sino bang may ayaw ng chicken joy? Akin na lang.
'Para sayo Ara! eat well! Bigyan mo nalang sila Val tsaka si cous' I mean, Ana. Huh?'
Ayon ang nakasulat.
Cous'? Sino bang pinsan ni Ana? Psh. Bahala na nga.
"Hey Ara sayo daw yan ohhh!" Val
"Ayieeee!!! May secret admirer daw si Ara ahh. Sana all." Asar ni Ana.
"Shut up! Ang iingay niyo. Sabi niya dito ay bigyan si Val tsaka si cous nya ay hindi pala. Si Ana. Tsaka hindi no! Kanina mayroon din akong nakitang ganyan. Una sa locker, may burger tapos may note. Pangalawa sa upuan ko sa room, may coffee at may nakalagay din na note. At pangatlo dito sa library at may fries, spaghetti at coke. Sino kaya naglalagay nito? "
Baka si Zy, siya lang naman ang pinsan ni Ana. Hays Ara Maria Garcia. Huminto ka nga kakaisip diyan, malabong bigyan ka ng ganiyan e lagi ka niyang inaaway. Hmm, baka naman ang ibig sabihin niyan nagso-sorry siya sa mga pinag-gagawa niya sa akin? Hays. Kung sino man 'to, sana walang lason. At saka paano naman nila nalaman na nandito kami? First time lang namin pumunta dito sa library ng recess time.
"Pabayaan mo nalang kung kanino nanggaling basta may makakain tayo, we don't need to buy our foods. Sakto nagugutom na ako." Val
"True hahahah! Tara kainin na natin ito gutom na rin ako eh. Charot!" Ana
"Ay grabe sya! Sayo binigay? Joke! Sige kainin na natin. Gutom na rin ako eh. Bahala na kung sino nagbigay, magpasalamat nalang tayo sa kanya hahahah!" sabi ko tapos kinain na namin yung foods.
"Baka si Zy naman nagbigay neto, humihingi siguro ng dispensa sa mga pinag-gagawa niya sa iyo. Tignan mo, cous daw, e mag-pinsan kami e."
"Oo nga! Baka si Zy!" Pagsang-ayon naman ni Val.
"Shhh! Quiet girls." Suway sa amin ng librarian.
"Ayieeee, Ara ha. May gusto ata sa iyo si Zy. Ara and Zy equals ArZy! Just kiddin'!" Ana.
"Tss. As if namang may gusto siya sa katulad ko. Sa itsura kung ito? Diring diri nga yon sa akin e, same naman kami. Diring diri rin ako sa kanya. Ayaw ko sa zombie.." Tumango nalang sila. Duh? Si Zy? Haha! What a joke!
Nagpatuloy na kami sa pagkain.
fast forward..
TLE namin ngayon. Ms. Bonifacio ngayon yung teacher namin.
"Class on July 25 there will be a election for the Campus Queen Bee. You will able to vote your favorite candidate. These is only tentative plan. Okay, class dismissed."
Pagkaalis ni ma'am, umalis na ang mga classmates ko, kaya umalis na rin ako. Hindi pa tapos sila Ana kaya aalis na ako nakakatulog na kasi ako ehh.
bahay...
"Hi manang Nelly!" bati ko ay manang.
"Andito ka na pala anak, sumama pala dito iyong anak ko, si Grace. Gusto ka kasi niyang makita e. Miss ka na niya daw, tagal na rin ng last na magkita kayo. " sabi ni Manang Nelly.
"Talaga Manang?? Nandito si Grace yeyy!!!" Para akong bata sa sobrang tuwa.
"Oo anak, sa school mo rin siya papasok kasi nakapasa siya bilang scholar." Balita ni Manang Nelly sa akin.
"Asan po siya manang?" tanong ko.
"Ahh nasa kwarto ko sya anak, nag aayos ng gamit nya."
"Sige po, pagawa nalang po ako ng cookies" sabi ko kay manang at umalis na.
"Sige anak, magbe-bake lang ako saglit, hintayin mo nalang sa kwarto mo." Sweet talaga ni manang.
"Sige po, salamat po " sabi ko tapos pumunta muna ako sa kwarto ko at nagbihis .
Sino kaya yung nagbigay ng mga foods? Sana makilala ko sya. At sana hindi si Zy.
Matutulog muna ako. Ahm, wait lang may sasabihin pala ako sa inyo. Mayroon akong kuya, one year lang ang gap namin sya si..
•••
Hephep hooray! Chapter 3 is done! Thank you for reading! See you in the next chapter! Vote, comment and share! Love you all!
-ajjjjaaaaa