"Get one half sheet of paper." Miss Romero commanded. Narinig ko ang pagdaing ng mga kaklase ko.
"Surprise quiz, Miss?" Tanong ng isa kong kaklaseng lalaki. Tumango si Miss Romero sa tanong niya. Napasinghap ang mga kaklase ko. Good thing I reviewed our lesson last night.
"Samore, puwede bang makahingi?" Tanong ng katabi ko. Tumango ako at pumunit ng papel.
Nang magsimula si Miss Romera na magbasa ng mga questions ay halos walang marinig sa classroom. Tanging tunog lamang ng aircon. Nakakatawa ang katahimikan.
"I told you, read your notes." Mariing sabi ni Miss Romero nang pinasa namin ang papel at chineckan n'ya iyon. Maraming bulungan sa paligid ko. Nagsasabi na hindi naman nila naintindihan ang turo ni Miss Romero.
"Only Samore passed this quiz. Good bye," sambit ni Miss Romero habang tumatayo at palabas na ng klase.
Nang umalis ang teacher ay bumalik ang kaingayan sa room. Ang mga kaklase kong lalaki ay nagsisigawan habang naglalaro ng NBA sa kani-kanilang cellphones. Ang mga babae naman ay kung hindi nagtatali ng buhok, mukhang may mga ka-chat.
"Sam, punta ako mamaya sa bahay n'yo." Ramdam ko ang paghawak ng babae sa braso ko.
"Uhm, sige. Dadalawin mo lang yata si Duff, e!" Pang-aasar ko kay Marie. Inirapan niya ako at naupo sa tabi ko.
"Ewan ko sa'yo. Hindi naman kayo pareho ng bahay ni Duff," pagtataray niya sa akin.
Kababata ko si Marie. She's my best friend. Bet, you can say that. Marami naman akong mga nakakausap dito sa eskuwelahan pero hindi ko naman sila matatawag agad na kaibigan. Ang alam ko ay nahihiya silang makipagkaibigan sa akin. Lalong lalo na, para silang natatakot na makipagusap sa akin. Good thing, I have Marie here. At salamat talaga na magkaklase kami.
"Papuntahin ko nalang si Duff sa bahay." Dagdag ko pa. Inirapan niya lang ako. She hates my cousin so much. Hindi ko nga alam kung bakit. Mabait naman si Duff pero pagdating kay Marie ay para siyang bad boy.
"Stop mentioning his name. Anyway, have you heard about the news?" Tanong niya sa akin habang kinakapa yata ang phone niya sa bag.
"What news?" Tanong ko pabalik. She just shrugged.
"Hmm, may transferee raw e.." Mahina ang boses n'ya. Sa sobrang hina ay kapag nag-uusap kami, talagang kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan. Ganoon din kasi ako. Halos hindi na rin marinig ang boses kapag nagsasalita.
"Oh..." iyon lang ang tanging nasabi ko. Wala naman sa akin kung may transferee ba o wala. That's good, then. Nadagdagan ang estudyante ng Arsuelez. Hindi kasi gaanong marami ang nag-aaral dito dahil mahal ang tuition fee. Sa Tuñate National High School ang marami. I think, wala namang pagkakaiba. Maganda rin naman daw ang kalidad ng pagtuturo roon. Ang pinagkaiba lang ay itong Arsuelez, private. Iyon, hindi.
Habang naglalakad kami ni Marie palabas ng classroom ay may nakasalubong kaming grupo ng mga lalaki. They're from the other section pero ka-batch pa rin namin. Natatandaan ko ang mga mukha nila. Sa tingin ko ay sila iyong mga nakalaban ng mga pinsan ko.
"Iyon, iyon. Nakita mo? Transferee," sabi ni Marie sa gilid ko. Kumunot ang noo ko. Hindi ko naman nakita kung may bago bang mukha sa kanila dahil hindi ko naman sila kilala. Hindi nalang ako sumagot sa kaniya dahil hindi ko naman nakita.
"Tinext mo na ba sila Tita at Tito?" Tanong ko sa kaniya habang binubuksan ang pinto ng Fortuner. Tumango siya at pumasok sa loob.
Nang makapasok kami ay akala ko, papaandarin na ni Mang Rowel ang sasakyan pero hindi pa.
"May hinihintay pa po ba tayo?" Tanong ko sa isang magalang na tono. Parents taught me to be respectful. And I thank them for that.
"Sasabay daw ang mga pinsan mo," sagot ni Mang Rowel. Tumango nalang ako. Nilingon ko si Marie sa gilid ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Are you okay?" Tanong ko dahil kunot na kunot ang noo niya. Tumikhim siya.
"So, Duff's gonna be here?" Tanong niya at tinuro pa niya ang daliri niya sa upuan namin. Tumango ako at tumawa.
"What's wrong? Are you affected?" Tanong ko kung kaya't mas lalo siyang sumimangot. Okay, I get it. We're too young for this but it's really fun to tease her.
"Shut up.." sagot na lamang niya at bumukas na ang pinto.
Sumalubong sa akin ang lima kong pinsan. They have the looks. Really. Kahit na pinsan nila ako ay talaga namang para silang mga international model. Ang long sleeve ni Thaddeus, Isidro, at Kuya Yanter ay nakatupi hanggang siko. Sina Duff at Israel naman ay wala ng suot na vest.
"Ang sikip kaya rito. Nasaan ang sasakyan niyo?" Sabi ko. Hindi naman nila ako sinagot. Habang isa-isa silang sumasakay ay hinahalikan nila ang noo ko.
"Narinig ni Duff na kasama raw...." hindi tinuloy ni Thaddeus ang sinasabi niya nang kurutin ni Israel ang braso niya. Narinig ko naman ang tikhim ni Duff.
"Sasama kayo sa bahay?" Tanong ko dahil hindi naman nila ako sinasagot. Tumango sa akin si Isidro at nagsimulang magtipa sa iPhone niya.
Nakita ko sa peripheral vision ko na talagang nakasimangot na si Marie. Nakatingin siya sa bintana. Ako naman ay nasa gitnang upuan at nasa kaliwa ko si Isidro. Nasa likuran si Thaddeus, Israel, at Duff. Nasa front seat naman si Kuya Yanter.
"Don't kill Duff. Marami pang pangarap 'yon.." bulong ko na tumatawa sa kaniya. She looked at me with disgust.
Habang pauwi kami ay nadaanan namin ang Tuñate National High School. Uwian na rin nila at nakasuot sila ng kulay blue na palda at puting shirt.
"Hinahamon kami nung stalker mo, Samore.." biglang sabi ni Isidro sa likuran ko. Nilingon ko siya kasama ang kunot kong noo.
"Who?" Tanong ko. Kung ano-ano naman ang sinasabi nito ni Isidro. He's smiling wickedly.
"Yung transferee na sumunod sa atin sa mall," dagdag ni Duff. Napakunot ang noo ko at pilit na inaalala ang sinasabi nila.
Oh.. Now I remember. Siya iyong...
"Narinig kong sinasabihan niya iyong kaklase n'yang grade eight din na gusto niya ulit kami ang makalaban sa susunod na practice game," humalakhak si Israel.
Napailing na lamang ako. Hindi kaya isang tao lamang iyong sinasabi ni Marie at ng mga pinsan ko? Pero, bakit niya hahamunin ang mga pinsan ko? I get that he's tall, too. Pero mas maraming alam ang mga pinsan ko. Ano'ng gusto niyang patunayan?
"What's his name?" Tanong ni Marie sa gilid ko. Nagulat pa ako na bigla siyang nagsalita dahil kanina lang ay wala siyang imik.
"What do you care?" Sagot ni Duff sa kaniya. Humagalpak sa tawa si Kuya Yanter sa harapan pero agad ding tumigil.
"Tss..." Duff looked away.
Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming sinalubong ng mga kasama sa bahay. My parents aren't here. Si Papa ay nasa law firm at si Mama ay paniguradong nasa opisina. Maaga pa naman kasi.
"Dei, order ka ng pizza," sabi ni Isidro kay Thaddeus. Tumango naman siya at agad na lumapit sa telepono na katabi ng sofa. Hinayaan ko nalang ang mga pinsan ko na pakalat-kalat sa bahay.
"Halika na, Marie. Let's go to my room." Aya ko kay Marie na ngayon ay nakaupo pa rin sa sofa. Tumango siya at narinig ko ang biglaang pagtikhim ni Duff.
Sa tutuusin ay close naman talaga si Marie sa mga pinsan ko. Pero magsimula noong tumungtong na kami sa Junior year, palagi na silang nag-aaway ni Duff. Pero sa ibang mga pinsan ko naman ay okay siya.
"Iiwan mo si Duff dito, Marie?" Kuya Yanter asked while laughing. Inirapan siya ni Marie at tinapunan ng unan galing sa sofa. Agad namang iniwasan iyon ni Kuya Yanter.
Tumawa ang mga pinsan ko sa mga ginagawa nila. Umamba nanaman si Marie na irapan sila ngunit hinila ko na siya agad. Her face is turning red! Umakyat kami sa malawak na hagdanan ng bahay. Hindi ko alam kung bakit malaki ang bahay namin kahit na wala pa naman kaming anim na nakatira rito. Pero ang lawak ng bahay namin ay wala sa lawak ng bahay ng mga pinsan ko.
"Nakakainis talaga 'yang si Duff.." sabi ni Marie nang makapasok kami rito sa kwarto ko. Humiga siya sa kama ko habang kumukuha ako ng damit para makapagbihis na.
"You're so affected, Marie. Why so?" Tanong ko habang nagbibihis dito sa banyo. Kahit na sarado ang pinto ng bathroom ay rinig ko ang buntong hininga niya. She didn't answer me.
"Music room tayo, Marie." Aya ko sa kaniya nang tapos na akong magbihis. Agad naman siyang tumayo at inayos ang palda niya.
Tinipa ko ang isang key sa piano. It feels good. I love playing instruments. Si Marie naman ay magaling kumanta. Kapag kumakanta siya ay tumutugtog ako.
"Let's try Skinny Love!" Sambit ni Marie habang inaayos ang microphone. Tumango ako at tinignan kung ano ba ang chords ng kantang iyon ni Birdy.
Nang tinipa ko ang intro ay kumanta na si Marie. It sounds great. Her voice is very angelic especially when she's singing songs like this one. Habang tinitipa ko ang piano ay naalala ko noong isang araw na nakita ko iyong stalker na sinasabi ng pinsan ko.
Naaalala ko ang mukha niya pero bakit kanina, kung nakasalubong namin siya, bakit wala naman akong nakitang mukha na ganoon? Don't get me wrong. May mga itsura naman ang mga ka-batch ko. Halos lahat ng nag-aaral sa Arsuelez ay may mga lahi. As for the Ponperrada family, may lahi silang brit. Kung kaya't si Marie ay may features ng isang british. Sa amin naman, ay may lahing kastila. Back to that transferee guy, iba kasi ang mukha niya. Para siyang may lahi na wala. I don't get it. Parang Pinoy ang mukha niya pero nahaluan pa ng ibang lahi.
"Wow!" Narinig ko ang compliment ni Duff. Nilingon ko ang pinto at nakabukas na pala iyon. Naroon ang mga pinsan ko at para silang mga batang pumapalakpak.
"Hindi n'yo vinideo, Samore?" Tanong ni Thaddeus nang nakapasok na silang lahat sa music room. Umiling ako.
"Sayang! Sikat na sana kayo mamaya, e," ngisi ni Isidro sa aming dalawa ni Marie. Umirap ako sa kaniya.
"Ayoko nga. People would see my girl. Mas dadami ang makakakilala sa kaniya," mahinang sabi ni Duff.
"Talaga? Who's your girl, Duff? Si Samore? Yuck, incest.." maarteng sabi ni Marie.
"Alam ko namang matalino ka, Marie." Ngumisi si Duff. Hindi ko napigilan ang tawa ko sa mga sinasabi ng pinsan kong baliw.
Tumunog ang bell. Hudyat na simula na ng klase. Agad akong umupo sa assigned seat ko. Dumating si Mr. Quisay. Dala-dala niyang ang ilang libro para sa Mathematics.
"Good morning. You have a new classmate," sambit ni Mr. Quisay habang binababa ang mga libro sa teacher's table. Halos marinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko sa likod. Especially girls. May naririnig pa akong halos tumili na. Nilingon ko sa kabilang row si Marie na nakatingin sa harap.
"Mr. Celeste, please introduce yourself." Sambit ni Mr. Quisay habang nakatingin sa bagong pasok na lalaki. Lumunok ako. He's...
"Demarcus Quinten Celeste.." iyon lamang ang sinabi niya. Napapikit ako sa lalim ng boses niya. He's... he's that guy.
Halos tumili na ang mga kaklase kong babae but thank God, they remained classy. Nilingon ko si Marie na ngayon ay nakatitig na sa doon sa kay Demarcus. Napapikit ako. Why am I...
"You can sit beside Miss Villareal. Since that's the only available seat today. Ngayon lang iyan. Bukas ko na ibibigay ang bagong seat plan." Sabi ni Mr. Quisay. Napalunok ako ulit. Now, I hate Clare. Iyong seat mate ko. Bakit ba kasi siya umabsent!
Tamad siyang naglakad papunta sa upuan niya. Nang dumaan siya sa harap ko ay agad kong nilayo ang paa ko na baka matamaan niya kung daraan. Nang dumaan siya ay naamoy ko kaagad ang perfume na alam kong mamahalin. Halos pareho sa amoy ng pabango ni Israel pero parang mas mabango ito...
"Finally.." Demarcus Quinten murmured and sighed. Napahawak ako sa dibdib ko na mabilis ang tibok.
Akala ko ba sa kabilang section siya? Why is he here, then? Ayaw ba niya doon? Eh dito, gusto niya? Bakit?
I can't help it. Bakit parang ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Pero alam ko naman na wala lang ito. He's not my type. Gusto ko iyong matalino at alam kong marunong magseryoso. Sa tingin ko palang sa kaniya, parang hindi na siya iyong tipong mapagkakatiwalaan. But then, I shouldn't be judgmental here.
"Answer these questions. I'll be back later. Kailangan pair ito. You can answer it with your seat mates." Sabi ni Mr. Quisay at nagmartsa na palabas ng room. Nagsimula nang umingay ang mga kaklase ko.
"You know how to answer these?" Nakataas ang kilay nitong katabi ko sa akin habang pinapakita ang yellow pad ba sinulatan niya ng mga tanong. I looked at him. He's really...
"Of course.." I answered with full of confidence. Ano'ng akala niya sa akin? Siguro siya ang may di alam!
"Okay. If you say so," he smirked. He's a haughty guy!