Romance High

By NoneIsMe

36.7K 747 97

Isang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi... More

Author's note:
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Round of applause
Chapter 15
FINDING BESS!
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 16

874 20 6
By NoneIsMe

Allerice Aguiar's POV

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng pag-sakit sa puson ko. Naiihi ako tsk!

Sa tantsa ko, madaling araw pa lang. Tulog pa kasi sila Abreu at Ambrea sa tabi ko pera teka—nasaan si Mama?

Hindi pa ba siya nakakauwi? Anong oras na ba? 

Kinuha ko cellphone sa ilalim ng unan ko para tignan ang oras.

Alas-tres na ng madaling araw ah. Hindi pa rin nakakauwi si Mama?

Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala kaya't tumayo ako para hanapin si Mama sa loob ng bahay.

Una kong pinuntahan ang CR dahil ihing-ihi na talaga ako.

"No. I won't let you do that, Phiana. You bitch."

Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Boses ni Mama yun ah. At ang nakakapagtakha ay kung bakit nage-english si Mama? Sa pagkakakilala ko kay Mama hindi naman siya maarte at kailan pa siya naging maldita?

Lalabas na sana ako ng CR ngunit nasundan ang mga pangungusap na hindi ko inaasahang maririnig ko mula kay Mama.

"Oh really? Just wait you bitch. Allerice' time is coming and your evilness will taste like sour."

Lalong gumulo ang isip ko kaya't lumabas na ako.

Nadatnan kong may hawak si Mama na cellphone at gulat na napatingin sa akin.

May hindi ba ako alam?

"A-Alley... bat gising ka'pa?" halata sa boses ni Mama na hindi niya inaasahang makita ang presensya ko.

Ano ba kasing meron sa tawag at parang tense na tense si Mama? Gusto kong tanungin pero natatakot ako sa magiging sagot. May feeling ako na once na malaman ko ang sagot ay magugulo ang pagkatao ko.

Hays. Ayoko ng ganito eh. Yung pinaglilihiman ako at lalo pa't nasabwat ang pangalan ko.

"Mama, sino po yung kausap niyo?"

Pero sana lang talaga hindi tungkol sa akin yung pinag-uusapan nila kahit na nabanggit ang pangalan ko. Ayoko ng malaman pero may parte sa akin na inuudyok akong alamin.

"W-wala. Matulog ka'na Alley." at naglakad si Mama palapit sa pintuan.

"San kayo pupunta ma? Alas-tres na ng madaling araw baka mapano kayo." nag-aalalang pigil ko dahil lalabas si Mama ng bahay.

May problema ba si Mama?

Hahabulin ko na sana siya pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagsara ng pintuan at naiwan akong nakatayo na puno ng kuryusidad.

Napa-buntong hininga ako at nagpasya na lang na bumalik sa tulog.

Imbis na punuin ko ang sarili ko ng mga tanong na hindi naman masasagot sa ngayon ay matutulog na lang ako.

Mamaya nga pala start na daw ng trabaho ko sabi ni pogi. Aish! Nakaramdam tuloy ako ng kaba.

Ano kayang mangyayare mamaya?

Bigla na naman tuloy sumagi sa akin yung sinabi niya nung Biyernes. Ang tahimik ng buhay ko kahapon dahil walang Zian na masungit. Nakaka-miss din pala ang buhay na walang Zian.

Nakapikit na ako at malapit ng kainin ng panaginip ko ng maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko sa ulohan ko.

Tsk! Madaling araw pa lang sino ba 'to? Tch!

Inis kong kinuha at nanlalata ko itong sinagot. Wala ng tingin-tingin kung sino yung tumatawag.

"Hello?"

Humikab ako dala ng kaantukan. Makakatulog na ako eh, peste naman 'to.

[Alley.]

Binanggit niya lang ang pangalan ko alam ko ng siya 'to. Bakit siya tumatawag? Aish! Ano bang nakakagulat 'don? Eh papakasalan niya nga daw ako eh. Dapat mas magulat ako don.

"D-Darren napatawag ka?" kabadong sagot ko.

Naiilang ako, hindi ako sanay na tripleng tibok ng puso ang nararamdaman ko sa tawag na 'to. Hindi naman ito ang unang beses na tumawag siya pero bakit ganito ang pakiramdam? Dahil ba alam ko sa sarili kong parehas na kami ng nararamdaman sa isa't-isa?

[Miss na kita.]

Hala! Bakit ang init ng muka ko? May lagnat ba ko? Oh my god! Parang sasabog yung ulo ko sa sobrang init ng muka ko. Nagb-blush ba ako?

Shet! Gusto kong tumili sa kilig pero natatakot akong tawanan at sabihan akong O.A ni Darren.

Ang sarap sa pakiramdam na alam mo sa sarili mong mahal ka ng taong mahal mo. Lalo pa ang malaman na papakasalan ka ng taong mahal mo. Waaaah! Kinikilig ako.

"Uhhh–a-ako ren... uhmm Darren?"

Jusko! Bakit nabubulol ako? Masyado naman akong napaghahalataan na may gusto ako sa kanya at patay na patay ako sa kanya.

Dinig kong natawa siya sa kabilang linya, nalungkot tuloy ako.

Bakit parang gusto kong pauwien si Darren bigla? Namimiss ko ba siya ng sobra?

Pero hindi pwede eh. Maraming mga katanungan ang iniwan ni Darren na hindi daw dapat sagutin sa ngayon.

Unang-una ay kung bakit siya biglaang umalis at iniwan ako sa Romance high.

Speaking of Romance high...

"Darren may sasabihin ako sa'yo."

Sasabihin ko bang may pumalit na sa kanya? Kahit na hindi ko naman mahal si pogi? Baka kasi magalit si Darren eh, baka sabihin malande ako. Hindi naman porke nagwagwapuhan ako kay Zian eh mahal ko na siya, no!

Iba ang pagmamahal sa naa-attract.

Tsaka gwapo din kaya ni Darren. Pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya... bahala na nga! Ang mahalaga ay hindi ako maglihim sa kanya kahit na siya napaka-raming tinatago sa akin. Tch.

[What? May pumalit na ba?]

Hala! Bakit lumungkot yung boses ni Darren? Ayoko na tuloy ituloy yung sasabihin ko. Tsk! Pero ayaw ko talagang sa huli magalit siya dahil hindi ko agad sinabi. Mas maganda kung ngayon na, di'ba? Para alam niya kung anong nangyayare.

"Uhhm–Darren pano 'pag sinabi kong Oo? May pumalit na?"

Hindi ko naman balak paasahin si Darren dahil ayoko din namang nasasaktan siya pero sa sitwasyong ganito hindi maiiwasang may mag-iba. Pero hangga't maaari iiwas ako, mahal ko si Darren at yun ang mahalaga.

[Tatanggapin ko. Basta Alley ganito pa rin tayo.]

Napangiti ako sa sinagot ni Darren. Nagma-matured na kami at ibang-iba na sa Alley at Darren na nagsimula sa bestfriends. Gagraduate na kami at parang dati lang sabay rin kaming grumaduate pero malabong mangyari ulit ngayon.

"Darren mahal kita. Basta tandaan mo yan, huh? Si pogi wala lang yon, basta mahirap i-explain pero... sure ka ayos lang sa'yo ah? Pogi lang yon pero mahal kita."

Siguro yung tungkol sa trabaho di ko na lang sasabihin kay Darren. Malayo naman na 'yon sa kanya. Atsaka walang ibang dapat maka-alam bukod kay Zian.

Kung bakit? Hindi ko alam, parang hindi lang talaga siya pwedeng ipagkalat. Parang may pakiramdam akong may mangyayari. Ewan, meron ata akong mesa-manghuhula. Psh.

[Alley?]

"Bakit?"

[Pwede kiligin? Puta kinikilig ako eh!]

Pfft. Natatawa naman ako kay Darren. Shemay, miss na miss ko na 'tong lalaking 'to. Ano kayang itsura ni Darren habang nagb-blush? Cute kaya?

[Pero seryoso... sino yung lalaki? Dapat ko na bang pagbantaan na off-limits ka na?]

Urgh! Gusto kong hatakin si Darren at patayin sa yakap. Bakit ko ba nararamdaman 'to?

Natahimik lang ako dahil sa naiisip ko.

[Alley, Allerice, Allerice Aguiar-Fortejo. Oy? Andyan ka pa ba?]


Nanumbalik lang ako sa sarili ko nung tawagin niya ako ng ano?



"Allerice Aguiar-Fortejo?"



Tsk! Huhu namimiss ko lang siya lalo eh. Masama na 'to. Nagiging lutang ako eh.



[Oo. Baket? May angal ka?] maangas na tanong niya.


Siguro kung sa harapan ko sinabi niya yan nakatikim na siya ng batok sa'kin.




"Psh. Ewan ko sa'yo. Antok na ko." sabi ko kasabay ng hikab.


At ang bwiset tinawanan pa ko.



[Hahahaha. Alright. Good night, Alley-Wifey. Hahahahaha!]


'Yang biro niyang nakakakilig ang hirap sakyan minsan. Darren, balik na huhu.



"Good night ka dyan! Madaling araw na eh." naka-ngusong daing ko.



[Madaling araw? Damn, nakalimutan kong wala na nga pala ako sa Pilipinas. Hays, sorry sa pagistorbo ko sa panaginip mo Alley-Wifey. Alam ko namang ako yung pinapanaginipan mo eh. Sige bye na, matulog ka na ulit.]

Papatayin ko na sana pero may pahabol pa ang bwiset. Walanjo!



[Wait lang pala... I miss miss miss miss miss miss miss you Alley. Goodnight, sweetdreams and... marry me. Bye.]



Namatay na ang linya pero bakit ganito? Parang mas nahihirapan ata akong matulog sa sinabi niya?


Aww, I miss you too Darren. Sobra-sobra. Hays.



Bumalik ako sa pwesto ko at sinimulang matulog.



*Ring ring ring*


Urgh! Sino na naman ba 'to? Bwiset tsk!



"Bwiset ka Darren magpatulog ka bala ka hindi kita papakasalan! Tumanda kang mag-isa! Hmp!" inis at banas kong sigaw.


Nakaka-bwiset eh. Antok na antok na nga sabi ako eh. Tch!




[Darren? Papakasalan? The hell, Alley? You're already engaged?]









O_____O




Pogi?


__

Continue Reading

You'll Also Like

85.3K 2.9K 33
It all began when the actor Elysian Raziel Villanueva was given the chance to get a role in the most anticipated movie, where he met Liam Sebastian A...
495K 8.9K 40
Duke & Izza
56.8K 1.1K 36
Hospital. Sleep. Racing. That's where Sebastian Jesian's life runs. All his life, he's been a devoted doctor, pouring his knowledge and strength into...