Like a Couple
--
Pagkarating namin sa bahay ay kaagad kaming sinalubong ni Mama pati na rin ni Timmy. Automatic naman na napangiti ako ng malaki. Ilang months ko rin silang hindi nakita.
"Ate!" Isang yakap agad ang sinalubong sa akin ng bunso kong kapatid samantalang ngiti naman ang nanggaling kay Mama ko.
"Ate!" Tawag niya ulit sa akin na ikinatawa ko. Hyper talaga!
Lumuhod ako para maging kapantay ko siya bago halikan ang chubby cheeks nito. Narinig ko naman ang cute at matinis na hagikhik ng batang nakayapos na ngayon sa leeg ko.
Binuhat ko siya kahit medyo may kabigatan na. "I missed you, Baby."
"I missed you, too! Miss you, miss you!"
"Ginabi na kayo," Komento ni Mama sabay tingin sa babaeng katabi ko. "Halika, pasok na tayo." Anyaya nito na hindi nawawala ang ngiti sa labi.
Kahit buhat si Timmy ay nagawa ko pa ring mahawakan sa kamay si South na hindi naman na kumontra. Medyo nag-aalala na nga ako kasi parang ang tamlay na niya, kitang-kita rin yung pamumutla nito. "South, okay ka lang ba?"
Tumango siya at hindi na sumagot habang hinahayaan lang akong hilahin siya.
"Ate, ate," Bulong ni Timmy sa tainga ko. "Sino siya? Para po siyang doll."
"Later, Baby, ha?" Sagot ko bago halikan ang pisngi niya. "Papakilala ko siya sa'yo."
"Owki..."
Sa malawak na living room kami hinatid ng sariling mga paa matapos sundan si Mama. Feeling ko nag-time travel ako nang ilibot ko ang tingin sa kabuoan ng lugar. Nandito kasi lahat ng memories namin ng family ko.
Ang tagal na rin pala...
"Dito lang kayo, ipapahatid ko yung mga pagkain. Gutom ba kayo?" Tanong ni Mama.
"Ako po, Ma, kakain ako. Kayo po ba nagluto?" Matamis na ngiti at isang pagtango naman ang sagot niya kaya napa-celebrate ako sa loob-loob ko. Ang tagal ko rin kayang hindi natikman luto niya! "Yey!" Ibinaba ko muna si Timmy sa sofa bago tingnan si South. "Ikaw, kakain ka?"
"Hm-mm." Maikling tugon ni Bata. Medyo natuwa ako kasi kahit papaano ay responsive siya.
"Mabuti naman." Masayang turan naman ni Mama bago tumalikod at maglakad.
Pinaupo ko si South. Umupo ako sa pagitan nila ni Timmy. Kaagad namang yumapos si bunso sa'kin. "Ate! Ate!"
"Yes po, Timmy?"
"Pakilala mo na ako!" Ungot niya na ikinatawa ko.
Tumingin ako kay South. Napansin kong nakatitig rin siya sa kapatid ko pero wala namang kababakasan ng expression yung mukha niya. "Hello."
Medyo kinilabutan ako sa pagkakabati niya sa kapatid ko. Ang lamig! Grabe talaga 'tong batang ito, walang pinapalagpas. Pero at least, siya ang unang um-approach.
"Hi!" Masiglang bati ni Timmy at talagang halos pumuwesto na sa lap ko kakalapit kay South. Iniabot pa niya ang kamay sa katabi ko. "Timmy name ko! Ikaw po?"
"South."
"South? You look like a doll po, Ate South." Puna naman ni Timmy.
Hindi ko tuloy mapigilang obserbahan siya. Totoo nga. Blue rin kasi ang mata niya, eh.
"Talaga ba?"
Medyo nanibago ako nang biglang ngumiti si South. Hindi yung mapang-asar kung hindi iyong genuine talaga. Parang nagmukha siyang maamong tupa. Wait. Mahilig ba siya sa bata?
"Yes po!" Tuluyan nang naupo si Timmy sa lap ko at hindi nangiming hawakan ang talukap ng mata ni South. "Totoo po ba color ng eyes niyo?"
Naputol ang usapan ng dalawa nang dumating na si Mama kasama yung isang kasambahay namin. Napangiti tuloy ako at natakam sa mga nakitang pagkain. "Sarap naman niyan." Ibinaling ko ang tingin sa kasama ni Mama. "Ate, kamusta na po?"
"Ito, malakas pa rin." Sagot ni Ate Mina. Matagal na rin siya dito and masasabi kong close rin kami. Matanda lang siya kay Mama ng ilang taon. "Ikaw? Ang tagal mo ring nawala. Na-miss kita, akala mo ba."
"Oo nga po, eh." Natatawang sagot ko. "Hayaan niyo po, nandito na naman ako. Si South nga po pala," Pakilala ko sa kasama ko. "Kapatid po ng best friend ko."
Tumingin siya sa katabi ko at ngumiti. "Mabuti naman at nakasama ka kay Jade. Ako nga pala si Mina, kasambahay nila rito."
"I'm South po," magalang na pakilala ni bata, "nice to meet you po."
Nagsimula na kaming kumain nang maihain na nila ang pagkain sa center table. Feeling ko fiesta ngayon dahil puro favorite ko ang lahat ng nandito. Natawa pa nga sina Mama kasi nilantakan ko kaagad yung mga pagkain. Takaw, eh. Kahit si Timmy nakain na. Si South naman, mukhang nasarapan din dahil mukhang okay na siya.
Lumaki kasi kami na si Mama na talaga ang nagluluto. Hands on kasi siya sa amin and sinisiguro niya na magagampanan niya ang pagiging nanay kahit na tumutulong siya kay Papa. Buti na lang din nandito si Ate Mina para umalalay dito sa bahay.
Nang matapos kumain at makapagkuwentuhan ay nag-decide na si Mama na pagpahingahin kami. Hindi na kami nakapag-usap tungkol do'n sa isang reason kung bakit ako umuwi pero tingin ko bukas mao-open din ang topic na 'yon. At isa pa, I'm too tired na rin para intindihin pa 'yon. Mahaba pa naman ang araw bukas.
"South, halika na." Pag-aya ko kay bata na halos nangangalumata na sa antok. "Ihahatid na kita doon sa guest room dito. Napalinis na 'yon—"
"No way."
Kumunot ang noo ko. Humawak siya sa kamay ko na akala mo'y musmos siya. Ang cute talaga.
"I'll sleep in your room."
Napakamot ako sa leeg ko sa inaasal niya. Para siyang spoiled brat na ewan. "So, edi, ako na sa guest room?"
Kahit antok ay nagawa niya akong taasan ng kilay. Tumitig sa'kin yung asul na mata niya na ikinalunok ko. Mapungay kasi iyon ngayon. Nakaka... tunaw. "Kaya nga ako matutulog sa kwarto mo para may kasama ako."
"Sanay ka namang mag-isa matulog, ah?" Katwiran ko. Okay. Fine. Gusto ko naman talagang makasama siya sa iisang kwarto pero para kasing ang weird niya ngayon. Masyado siyang clingy. Hindi ako sanay. Except na lang kung—wait. "Hindi ka ba comfortable? Natatakot? Ano?"
"Ang dami mong tanong, Ma'am." Masungit na sagot niya. "Inaantok na ako."
Napairap na lang ako. Gusto ko lang naman malaman yung nararamdaman niya pero sadyang mailap siya. Mahirap siguro talaga para sa kanyang mag-open ng feelings. "Sige, halika na sa kwarto."
Nakakapit lang siya sa kamay ko habang tinutunton namin ang second floor ng bahay. Yung mahinang yapak lang ang naririnig namin. I gripped her hand tighter and smiled when she didn't mind. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga habang pinakikiramdaman yung init at lambot ng kamay niya.
Feeling ko akin siya ngayon. Para kaming couple na first time matutulog sa iisang bahay at iisang kwarto. Alam kong nag-a-assume na naman ako pero hayaan na, kahit ngayon lang ulit. Saka nandito naman siya sa amin.
Binuksan ko kaagad yung ilaw pagkarating sa kwarto. Ipinatong ko yung mga gamit namin sa tabi ng closet habang si South naman ay nililibot ang tingin sa kabuoan ng lugar. Gano'n na rin ang ginawa ako.
Na-miss ko 'tong kwarto ko. Wala pa ring pinagbago, halatang alaga pa rin kahit umalis ako. Maayos ang kama na may sky blue na bedsheet at kumot. Yung mga stuff toys, malinis at maayos pa ring nakahilera sa lagyanan nila maging yung mga books and medals, mga picture frames—lahat present.
"Kayo nina Ate North?" Tanong niya habang hawak-hawak yung isang picture frame.
Nilapitan ko siya para matingnan ng malinaw yung hawak niya. Napangiti tuloy ako at parang nag-flashback sa isip ko yung time na kinuha yung picture. Ang tagal na rin pala. "Kami-kami 'yan nina North tsaka ng ibang mga friends namin. Fourth year highschool lang kami diyan." Paliwanag ko sa kanya.
Napatingin ako sa pose ni North sa larawan, parang South version siya sa kuha, eh. Poker faced lang siya tapos ang layo ng tingin. Mukha kaming dugyot! Natatawa tuloy ako.
Tumangu-tango si South. Hindi ko alam kung anong iniisip niya kasi expressionless lang siya. "Mga nine lang siguro ako noong fourth year kayo."
I chuckled. Oo nga, 'no. Almost seven years din ang tanda ko sa kanya. I can't believe na mai-in love ako sa mas junior sa akin. Buhay nga naman.
In love.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Parang ngayon lang mas nag-sink in yung situation ngayon. Kami ni South. Sa isang kwarto. Isang kama. Magkatabi. Napailing ako bigla.
No!
"N-nandoon nga pala yung cr," Paalala ko sabay turo ng direction. "Mauna ka nang maglinis."
Sumunod siya at hindi na nagsalita pa. Habang ako, parang nababaliw na humilata sa kama. Pinakiramdaman ang sarili ko.
I'm nervous.
Matutulog lang naman kami pero kinakabahan ako. Ilang beses ko na naman siyang nakatabi sa pagtulog, ah? Anong pinoproblema ko?
Naman, oh. Bakit kasi kung anu-anong pumapasok sa isip ko?
Napapikit ako.
Inhale. Exhale.
Relax ka lang, Jade Asia.
Seriously? Kung kailan nandito na kami't lahat-lahat saka pa ako makakaramdam ng ganito?
Gumulung-gulong ako sa kama at pinakiramdaman ang lambot ng higaan. Inamoy ko yung bed sheet. I need to distract myself. Bumangon ako at nag-decide na kunin yung gitara ko. Matagal na rin noong last time na tumugtog ako.
Nagsimula na akong mag-strum. Testing-testing lang sa una, tapos plucking ng kaunti. Hindi ako ganon kagaling kumanta pero bawi naman ako dito. Napangiti ako, marunong pa pala ako.
Noong highschool mas madalas na si Jean ang gitarista namin tuwing trip naming mag-jamming. Sa kanya rin ako nagpaturo. Mas tiwala ako sa skills niya kasi kapag ako na ang magp-play, madalas akong magkamali kasi nab-block yung utak ko. Though noong nag-college ay kaya-kaya na rin.
Sinimulan ko nang i-play yung intro ng song na isa sa favorite ko. Napapikit ako.
"Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo. May minsan lang na nagdugtong, damang-dama na ang ugong nito..."
Naks, wala naman sigurong mababasag na salamin sa pagkanta ko, 'no.
"'Di pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding hindi ko ipararanas sayo. Ibinubunyag ka ng iyong mata, sumisigaw ng pag-sinta..."
"Ma'am."
Bigla akong napahinto. Nilingon ko si South at automatic na napalunok. Nakadungaw yung ulo niya sa pinto ng cr. Kitang-kita ko yung basang buhok niya. Halatang katatapos lang maligo.
Tumikhim ako. Parang natuyo yata yung lalamunan ko. "Bakit?"
"Towel."
"Ha?" Nanlamig yata yung kamay ko.
Umirap siya. "Towel, Ma'am."
Hindi na ako nagsalita at dali-daling kumuha ng towel. Oo nga naman, siyempre walang towel.
"Pati pala damit."
"A... ano?" Nag-freeze na yata ako sa pwesto ko. Seriously? Naligo siyang hindi man lang nagdala ng damit?
"Bingi ka ba?" Malamig na tanong niya. "Damit. Wala akong dala rito."
"Even your u-underwear?" Nautal ko pang tanong. Please say no.
"Even the underwear."
Seriously? Again? Paano kung hindi ako yung kasama niya sa kwarto?
Pigil-hiningang kinuha ko ang kailangan niya. Pinipigilan ko na ring huwag mag-isip ng kung ano.
South, isa kang tukso.
_____