“Jayvee, she needs you … She badly needs you …
Pls. think about it, you are her everything”
Napahinga lang ng malalim si Jayvee ng sabihin ito ng kaibigan ni Selena.
(Yun yung time na napadaan si Khei, at nakita siya na may kausap na babae)
Pagkatapos ng duty ni Jayvee, agad siyang pumunta sa restobar na sinabi nina Nate kung saan sila mag-ce-celebrate ng valentines together, at dahil Friday din naman parang TGIF na din. Walang kamalay-malay si Khei na inimbitahan din pala nina Nate itong si Jayvee. Pagkadating doon ni Jayvee, inaasar nila si Daniel kay Khei.
“Daniel, kumanta ka na bili!!!
For sure inaasahan yan ni Khei, na haharanahin mo siya ngayon…
Valentine’s day pa man din!” pang-aasar ni Emmet.
Napapiling lamang si Khei sa mga sinasbai ng mga kasamahan niya, at si Daniel naman ay napapangiti na lang at talagang ayaw magpapilit. Napansin nila Nate na dumating na pala si Jayvee, kaya naman agad nila itong pinaupo, ang tanging bakanteng pwesto na lamang ay sa tabi ni Khei, kaya doon ito umupo sa tabi niya. Kaya magkakatabi sila nina Daniel, Khei at Jayvee.
“O sige na kakanta na ako …” sabi ni Daniel, naghiyawan silang magkakasama.
“Bili, sabihin na dun para makakanta na sa stage si Daniel …” sabi nI Nate, nang biglang nahiya kumanta itong si Daniel.
“Ano ba yan!!! Nasabi na namin na may kakanta dito sa atin eh!!” sabi nina Emmet.
“Eh, nahiya na ako ee…” sabi ni Daniel, habang napapayuko.
Hindi umiimik si Jayvee at tinitingnan lang sila, si Khei naman ay hanggat maari hindi natingin sa side kung saan nakaupo itong si Jayvee, kina Daniel lang siya nakaharap parati. Maya-maya pa ay nagsalita na ang host sa harap ng stage:
“Okay and that’s the end of our first set!
Thank you Bunny Band! That was a sweet song …
Meron nagRequest na kakanta daw isa sa mga guest natin dito …
Dahil valentine’s day haharanahin daw niya ang special someone niya …
So nasaan ka na?
Hindi binigay sakin ang name ng kakanta pero ang kakantahan daw nito ay si …
Ms. Kyla Maruko Mitsuo o mas kilala sa tawag na Khei …
How sweet naman ng guy na ito, nasaan ka?”
Nagtinginan ang mga tao na tila ba hinahanap kung nasaan ang lalakeng kakanta, kaya nagsimula na ang mga kasamahan ni Khei na pilitin si Daniel kumanta.
“Daniel sige na kanta ka na, magaling ka naman kumanta eh” sabi ni Khei
“Bili na kasi, tapos habang kinakantahan mo dun si Khei sa harap
lalapit ka dito sa kaniya para SWEET” sabi ni Johanne.
“Khei … this is for you”
Nagulat silang lahat kung sino iyon, at napatingin sila sa harap. At laking gulat nila na si Jayvee ang nasa stage at nagsimula ng tumugtog ang kanta. Hindi makapaniwala si Khei sa nakikita niya, at gayon din ang mga kasamahan nila, hindi kasi nila inaasahan na si Jayvee ang pupunta sa harap. Habang nakanta si Jayvee, titig na titig si Khei, at napansin iyon ni Jaydee habang sina Nate at iba pa nilang kasamahan ay enjoy na enjoy sa pagkanta ni Jayvee. Habang nakanta itong si Jayvee, talagang with feelings siya at nakatingin kay Khei, kaya naman hindi niya maiwasang kiligin pero hanggat maari ayaw niya itong ipahalata sa mga kasamahan niya.
“♫ You are the one that I’ve been waiting for”
At dahan dahan bumaba ng stage si Jayvee at lumapit kay Khei, naghiyawan sina Nate at mga kasamahan nito, habang ang iba pang nasa loob ng restobar ay halatang kinikilig dahil sa ginawa ni Jayvee. Dinig na dinig ni Khei, ang mga sinasabi ng mga tao na napaka sweet daw ng guy, na ang gwapo daw nung guy. Pagdating ni Jayvee sa harap ni Khei, inabot niya ang kamay nito at nais siyang isama sa harap ng stage ngunit nahihiya si Khei.
“Ano bang trip mo?” tanong ni Khei, umiling lang si Jayvee at tuloy pa din sa pagkanta.
“Sumama ka na” sabi ni Jaydee, tumingin si Khei sa kaniya at saka inabot ang kamay kay Jayvee.
Naghiyawan ang mga tayo ng AYIEE ng sumama si Khei sa harap ng stage, habang nakanta si Jayvee talagang tinitingnan niya si Khei sa mata, at talagang hinawakan lang niya ang kamay nito habang nakanta siya, at sa pagtatapos ng kanta lumapit siya ng husto kay Khei na para bang hahalikan niya itong si Khei at naghiwayan lalo ang mga tao ng AYIIEE KISS NA YAN, medyo lumayo noon si Khei kaya naman hindi na lumapit pa si Jayvee sa kaniya.
“Okay! Ang SWEET NAMAN!!
Napakaswerte naman ni Khei sa guy na ito …
So what’s your name Kuya?” tanong ng Host.
Hawak pa din ni Jayvee ang kamay noon ni Khei, at saka niya sinabi ang kaniyang pangalan, at tumabi sa gilid ni Khei, dahil nung nakanta siya nakaharap siya sa kaniya.
“So Jayvee, Khei … Wow, magkatunog ah
Bagay na bagay … Ilang years na kayo?” taong ng host, nagtawanan sina Nate at naghiyawan ang mga kasamahan nila.
Napailing si Khei, at napangiti si Jayvee. Nais na kumawala ni Khei sa pagkakahawak nito sa kamay niya pero ayaw siyang bitawan ni Jayvee. Napansin ng host ang hiyawan mula sa table nila Jayvee kaya naman hindi nito napigilang magtanong pa ulit.
“Bakit ang ingay noong mga kasama niyo?
Siguro, mali ata tanong ko. Ilang buwan na ba kayo?
Boyfriend mo siya diba? O Manliligaw pa lang?” taong ng host, at napailing lang si Khei.
“Hindi niya ako boyfriend …” sabi ni Jayvee, at nagulat ang host.
“Ay, ganoon ba? Sorry! So –“
Nagsasalita pa ang host ng biglang sumabat si Jayvee at sinabing:
“Hindi nga niya ako boyfriend, sa ngayon ..
Pero kung hahayaan niya ako, gusto ko maging parte ng buhay niya
higit pa sa pagiging kaibigan lang
at maging boyfriend niya …”
Nagulat si Khei sa sinabi ni Jayvee, at pati sina Nate kaya naman lalo silang naghiyawan ng AYIEE, CHEESY.
“Jayvee, anong kalokohan ito?” tanong ni Khei, na taking-taka na sa nangyayari.
“Khei, hindi ito kalokohan …
Kasi IKAW ANG KINALOLOKOHAN ko …
I’m serious …” sabi ni Jayvee, na mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa kamay ni Khei na nais bumitaw na.
Hindi na nagsalita ang host at hinayaan silang dalawa, mag-usap dahil nakuha na nito na nagtatapat si Jayvee ng nararamdaman niya kay Khei.
“Jayvee, pwede ba???” sabi ni Khei, na hindi na makatingin kay Jayvee na parang nahihiya na din sa lahat ng maraming tao.
“I’ve been loving you for so long …
Una pa lang kita makita, I know there’s something about you …
At first, akala ko natutuwa lang ako sayo …
Hindi ko naisip na nahuhulog na pala ako sayo….” Sabi ni Jayvee, habang titig na titig kay Khei.
Napailing si Khei, at napatingin kina Nate. Makikita sa kanila na inaabangan din nila ang mangayayri sa dalawa, kung ano ang magiging reaksyon ni Khei.
“Khei, sana hayaan mo ako maging parte ng buhay mo…
Kung hindi ka pa handa na maging tayo, hanadang akong maghintay
hanggang sa dumating na yung araw na handa ka na magkasama tayo …
Hindi kita pipilitin sa ngayon kung ayaw mo pa,
ang mahalaga sa akin, alam mo na na mahal kita …” sabi ni Jayvee, at saka binitawan ang kamay ni Khei.
“Daniel, alam ko ikaw dapat ang kakanta sa dito…
Pero dahil nahihiya ka, sinamantala ko na ang pagkakataon na ito…
Pre, may the best man win” sabi ni Jayvee, habang nakatingin kina Daniel.
Nagulat si Daniel sa sinabi ni Jayvee, dahil hindi naman niya nililigawan si Khei, at nung sinabi niya na mahal niya itong si Khei ay naglalambing lang siya noon bilang kaibigan, hindi bilang higit sa isang kaibigan. Dahil binitawan na ni Jayvee si Khei, bumaba na ito sa stage, at hindi bumalik sa table nila dumiretso itong lumabas papunta sa parking ng resto bar.
“Woah! What happened? So let’s get back to our …” sabi ng Host, pagkababa ni Khei, sumunod itong si Jayvee.
----------------------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
Follow on facebook:
http://www.facebook.com/bhiemhine23