Loving A Mortal

By BradShin

3.1K 316 53

A story about a human who mysteriously bumped into an angel and happened to see him. She's a normal girl and... More

PROLOGUE
Chapter 1 (Lucky Charm)
Chapter 2 (Warm Wings)
Chapter 3 (11:11 Wish)
Chapter 4 (Dear Diary)
Chapter 5 (First Day)
Chapter 6 (Real Tears)
Chapter 7 (Restless)
Chapter 8 (Crossover)
Chapter 9 (Angels' Day Out)
Chapter 10 (Guilt)
Chapter 11 (I Love You)
Chapter 12 (Baby Honey)
Chapter 13 (Life Purpose)
Chapter 14 (Wedding Dress)
Chapter 15 (Underwater)
Chapter 16 (A Trip to the Mountains)
Chapter 17 (Reaching Out)
Chapter 18 (Invitation)
Chapter 19 (My Angel)
Chapter 20 (Father)
Chapter 21 (Family)
Chapter 22 (Temporary)
Chapter 23 (Pinky Promise)
Chapter 24 (One Last Time)
Chapter 25 (Lonely Bells)
Chapter 26 (Unfinished Dreams)
Chapter 27 (Seeking Answers)
Chapter 29 (Rekindle)
Chapter 30 (Hope)
Chapter 31 (Nathaniel)
Chapter 32 (Entwined)
Chapter 33 (Wings)
Chapter 34 (Bliss)
Chapter 35 (Thousand Years)
EPILOGUE

Chapter 28 (Broken Vow)

51 6 1
By BradShin

"Grabe ka naman. Nag magandang loob naman yung tao. Pero seryoso, may plano ka na ba para bukas?" Tanong nya at ibinalot yung kamay nya sa baso ng ice cream para malamigan ito.

"Bukas? Anong meron bukas?" Tanong ko.

"New Year's Eve. December 31. Ang huling araw sa taong ito. So, may plano ka?" He asked.

"Wala. Bakit?" Sagot ko. His face lightened up and his cheeks turned red.

"P-Pwede ba kitang..... ilabas bukas? Alam mo yun, sabay nating salubungin ang bagong taon." He said and smiled.

Biglang kumirot ang puso ko sa narinig ko. Bakit ganun? Parang may pumipigil sakin. Sabay nating salubungin ang bagong taon? Parang narinig ko na yun dati. Hindi ko lang maalala.

"Sige. Oo naman." I answered and smiled at him.

"Yun! Sige, sunduin kita bukas." He said and smiled back.

*************************

Audrey's POV:

KRIIIING! KRIIING!

Argh, ang ingay. -,- I turned off my alarm and stretched my arms. Bumangon ako sa kama at tumingin sa salamin.

Bigla akong napatingin sa labi ko at hinawakan ito.

>/////////<

Shet. Halos isang linggo na ang nakakalipas mula noong.... noong hinalikan ako ni Rence.

Ano kaya ang reaksyon nya?

Nagustuhan kaya nya?

Naramdaman din kaya nya ang naramdaman ko nung mga oras na yun?

Hindi rin kaya sya makatulog ng ilang araw?

Aaaaaarggh. ERASE! ERASE! ERASE!

Ikaw kasi Audrey eh. Bigla mo na lang syang sinampal pagkatapos ka nyang halikan. Hindi mo man lang sya kinausap o tinanong pagkatapos nun. At kahit na ilang beses na nag text at tumawag sayo si Rence pagkatapos nun, hindi mo man lang nireplyan o sinagot.

Eh kasi naman eh, nagulat ako. Natakot din ako. Syempre first kiss ko yun. Natural lang na ganun ang reaksyon ko. Pero bakit ganito? Bakit parang nanghihinayang ako? Argh bwisit. >.< !

Humiga ako sa kama ko at kinuha ang phone ko. Makapag facebook na nga lang.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng Facebook, bumungad agad sakin ang..... PICTURE NI RENCE AT NG ISANG BABAE?!

At may caption pang 'ATM. SO MUCH LOVE' AT MAY PUSO PUSO PA HA?!

WTH?! Anong ibig sabihin nito? May location pa ha! STARBUCKS COFFEE?! Aba talagang-! Napaka landi talaga ng lalaking 'to! Kaya pala hindi na sya masyadong nagetetxt sa akin, may iba nang inaatupag! Mokong talaga yung lalaking yun! >.< !

Hanna Erika Marquez with Terrence Herrera?! Itinag pa talaga sya ng babaeng ito?!

Hmm, mai-stalk nga ang babaeng ito. Hanna Erika Marquez pala ha. Pinindot ko ang account nya at binuklat ang photos.


Aba. aba. Infairness maganda sya kahit papaano. Hindi pala. Maputi lang sya. Sus! Mas makinis pa ako kesa sa kanya! Kutis porselana kaya ito!

Mas malaki lang yung ano nya. Pero mas maganda yung sakin, sakto lang ang size. Hindi ganoon kaliit, hindi din ganoon kalaki. At syempre, mas maganda ako kesa sa kanya.

Wait, bakit ko ba sya iniistalk? Ano bang pakielam ko sa kanya? Ano naman kung magkasama sila ni Rence?  Tsk. Magsama sila. WALA AKONG PAKE.

Wait, kelan kaya nya ito pinost?

Posted 5 minutes ago

OMG, SO IBIG SABIHIN, MAGKASAMA SILA NGAYON MISMO SA STARBUCKS COFFEE?! TAMA! Ang talino mo talaga Audrey! *o*

Agad akong bumangon at nagbihis. Naka pants, jacket na may hood at shades ako para hindi ako makikilala ng mokong na yun.

Pero wait, bakit ba ako affected? Ano namang pakielam ko kung magkasama sila?

Hmm, alam ko na. I just want to make sure na disenteng babae yung girl. Syempre, friend ko si Rence kaya I care about him. Ayaw ko naman na kung sino sinong babae lang ang dine-date nya, dahil kaibigan ko sya. Tama naman ako diba?

**********************

Finally nandito na ako! Now, asan na kaya sila?

Unti unti akong sumilip sa pinto ng Starbucks Coffee. Hmm, they should still be here.

Yun! Bingo!

Hmm, nagtatawanan pa sila ha. Ang lalandi talaga! Kumukulo ang dugo ko sa kanila!

Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa counter. Agad akong tumingin sa table nila.

"Ma'am, ano pong order nyo?"

Nagpupunasan pa ng amos ha. Ang sarap nilang buhusan ng kumukulong kape! >,<! Argh! Lagot ka talaga sakin TERRENCE HERRERA!

"Ma'am? Excuse me po, Ma'am?"

Bigla akong napatingin dun sa babae sa counter. Ay shet, oorder nga pala ako. Masyado akong na carried away. Focus lang Audrey.

"Ah opo, isa pong Caramel Macchiato." Sagot ko.

"Okay po mam. Ito na po." She said at ibinigay na sakin ang order ko. So, saan ako uupo? Alam ko na, dapat malapit ako sa kanilang dalawa. Yun sakto, bakante yung table sa likod nila. Doon na lang ako pwepwesto.

Umupo na ako sa may table sa likod nina Rence. Buti na lang talaga naka disguise ako, hindi nya ako makikilala. BWAHAHAHA.

Ngayon, ano kayang pinag uusapan nila? Wala ako masyadong marinig. Alam ko na, kailangan ko pang lumapit. Yung mas malapit pa.

Dahan dahan kong inipod yung upuan ko papalapit kay Rence. Dahan-dahan-dahan-dahan lang, isang wrong move ko lang, siguradong mahuhuli nila ako.

Yan, konti pa Audrey. Malapit na. Konti pa.

"Naaalala mo pa yun?" Tanong nung babae kay Rence sabay inom ng kape.

"Oo naman." Masayang sagot ni Rence with matching pagtawa pa. Tsh. Napakalandi mo talagang lalaki ka.

Pero sakto, rinig ko na yung pinag uusapan nila. This is the perfect spot. Uminom ako ng kape at pasimpleng sumandal para mas lalong makalapit. Syempre, ang weird naman kung para akong statwa dito diba? Dapat in-character pa din. Isa lang akong simpleng customer na bumili ng kape. Tama.

"Saan mo gusto pumunta pagkatapos dito? Gusto mo manood ng sine?" Tanong ni Rence kay ate girl.

O________________O

ANO DAW?! SINE?! MAY BALAK PA SILANG MANOOD NG SINE?!

Sa madilim at malamig na sinehan?! Kung saan maraming nangyayaring kababalaghan? Lalo na sa taas! Sa balcony! Juskolord Rence, ano ba 'tong pinapasok mo?!

"Sige! Excited na ako!" Masayang sabi ni ate girl with matching yakap pa sa braso ni Rence. Talagang napakakapal ng mukha ng babaeng 'to. Sino ba sya sa tingin nya?!

"Pwede kang pumunta sa bahay ko kahit kelan mo gusto." Sabi ni ate girl na may pagkindat pang nalalaman. Dukutin ko yang eyeballs mo, ilagay ko sa kape ko eh. Bwisit!

"Talaga? I would love to. Basta tayo lang dalawa ha. Tulad dati." Sagot ni Rence.

ANO DAW? TULAD DATI? TAMA BA ANG PAGKAKARINIG KO? So ibig sabihin, may nangyari na dati?! Kumukulo na talaga ang dugo ko. Pigilan nyo 'ko. Baka masampal ko na ang lalaking 'to. Pigilan nyo 'ko!

"Let's go? Excited na akong manood ng sine." Sabi ni ate girl at tumayo na.

"Sure. Tara na." Sagot ni Rence at..... at.... UMAKBAY KAY ATE GIRL?!

Aba talagang-! Napakakiri talaga ng malanding yun! Ako nga hindi nya inaakbayan tapos ang hindi kagandahang babaeng ito, inaakbayan nya?! Wala talaga syang taste!

Lumabas na silang dalawa ng Starbucks at sumunod naman ako. Hinatid ni Rence yung babae sa.... sa KOTSE NYA?! Dinala pa talaga nya yung kotse nya para sa babaeng ito?! Argh! Bwisit talaga!

Agad akong sumakay ng taxi at pinasundan silang dalawa. Hindi silang pwedeng maalis sa paningin ko. Focus Audrey. Kaya mo yan. Fighting!

Nag park sila ng kotse sa MOA at pumasok na sa loob. Agad akong bumaba ng taxi at sumunod sa kanila.

Sumakay sila ng escalator at pumunta na sa sinehan. Pumila na sila sa bilihan ng ticket at pumila naman ako sa likod nila.

Ay shet, sakto lang yung dala kong pera. Hindi ko naman akalaing manonood pa sila ng sine. Pag minamalas ka nga naman oh, mukhang maglalakad ako pauwi ne'to. T_T

"Rence, diba ito ding girl yung nasa likod natin sa Starbucks? Naaalala ko sya." Sabi ni ate girl kay Rence.

O_______________O

OMG. IS SHE TALKING ABOUT ME?! Hindi pwede 'to. Baka makilala ako ni Rence. Naku patay, lagot ako. T_T

Agad akong tumalikod at nagpatay-malisya. Wag na wag kang lilingon sa kanila Audrey. Wag mo na lang silang pansinin. Just, ignore them. Okay?

"Excuse me miss."

"Ay kabayo!" Gulat kong sigaw at napatingin dun sa babae. Shet. I said it. Napakasimple lang nung gagawin mo Audrey, hindi mo pa nagawa?! Bakit ka lumingon sa kanya?! Omggg. I'm so dead.

"Sorry kung nagulat kita. Ikaw din yung nasa Starbucks kanina diba?" tanong ni ate girl.

Mag isip ka Audrey. Isip! Mag isip ka ng palusot. Wag kang magpapahalata sa kanya.

"I-I'm sorry, but I can't understand Tagalog. I'm from United States. I'm just taking a vacation." I said and smiled sarcastically.

BWAHAHAHAHAHA. How's that, huh? Nga-nga ka ngayon bes! Speechless sya oh! Ang talino ko talaga! Sabi na nga ba lolo ko si Einstein eh. *o*

"Really? But you just mentioned 'kabayo' earlier." She said and smirked.

O_______________O

Shete, oo nga pala. Ang sira mo talaga Audrey! Masyado kang padalos dalos! Paano na? Baka malaman nyang nagsisinungaling ako. No. Hindi pwede. Kailangan kong mag isip. Wag kang mag panic Audrey. Paganahin mo ang brain cells mo. Para saan pa at Student Council President ako ng isa sa pinakamalaking university dito sa Manila?

"Oh, kabayo? That's the only tagalog word that I know. I heard it from a bystander earlier." I answered and smiled. BWAHAHAHA. I'm so proud of myself. T_T

"Oh, okay. Rence! She's that girl from Starbucks!" Sabi ni ate girl at tinawag si Rence. Dahan dahan namang lumapit si Rence dahil siksikan na din sa dami ng taong nakapila.

Shet. Pinagpapawisan ako ng bonggang bongga.  Baka ako makilala ni Rence.

Tinitigan ako ni Rence at agad naman akong umiwas ng tingin. Kahit anong mangyari, wag na wag kang titingin sa mga mata nya.

"Oo nga. Sya nga yun." Rence said. Whooo, buti na lang. Akala ko nakilala na nya ako.

"I told you. By the way, excuse us. We'll go ahead." Sabi ni ate girl at pumasok na sila sa loob ng sinehan.

Haaaaaayyy, nakahinga din ng maluwag. Akala ko katapusan ko na kanina. I guess I survived.

Pumasok na din ako sa loob ng sinehan at agad silang hinanap. Sana naman hind sila umupo sa taas. Naku, pag doon sila umupo, iiral na naman ang mga galawan ni Rence.

Yun! Nakita ko na. BWAHAHAHA. Buti na lang sa baba sila umupo. Umupo na din ako three rows behind sa kanila. Kitang kita ko sila sa pwesto ko.

Nagsimula na yung movie habang kumakain ako ng popcorn. Wait, ano nga bang movie itong papanoodin nila? Sunod lang ako ng sunod sa kanila eh, hindi ko na tiningnan.

BEAUTY AND THE BEAST?!

Seryoso?! Balak ko pa naman sana itong panoodin kasama si Rence. Hayy, nakakabitter naman. Edi sila na! Sila na talaga! Ang weird lang, nanonood ako ng love story habang mag isa. Mukha tuloy akong walang jowa. Well wala naman talaga.

Maya maya, biglang inakbayan ni Rence si ate girl. At ito namang si ate girl, SUMANDAL SA BALIKAT NI RENCE?!

ANAK NG-! Ang kapal naman pala talaga ng mukha ng babaeng ito! Sumosobra na sya ha!

Bigla akong napatingin sa popcorn na hawak ko. Hmm, I just thought of a brilliant idea. BWAHAHAHAHA.

Kumuha ako ng isang pirasong popcorn at ibinato sa ulo ni Rence. Sapul mo 'to! Ang galing ko talaga. *o*

Inis na lumingon sa likod si Rence at hinanap kung sino ang bumato sa kanya. Agad naman akong nagtago at tumungo para hindi nya ako makita. Hahahahaha buti nga sa malanding yun.

Bumalik na ako sa upuan ko at sumubo ng popcorn. Bwisit na siguro si Rence. Hahahahaha. Mission success!

"Hi miss." Agad akong napatingin sa tabi ko. GULP. May lalaking mukhang manyak na ang lagkit ng tingin sa'kin. Omg. Balot na balot na nga ako, may naakit pa din sa kagandahan ko? Iba na 'to.

"Wag ka nang mainggit sa kanila. Pwede mo 'kong yakapin." Sabi nung lalaking mukhang manyak and he suddenly grabbed my arm and pulled me next to him. Shet. Wala akong dalang pepper spray ngayon. Pag minamalas ka ng naman oh.

"B-BITAWAN MO 'KO! MANYAK! TULONG!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa kanya. Omg. Sobra akong kinakabahan.  Naiiyak na ako sa sobrang  takot. Rence, please tulungan mo 'ko. Natatakot ako. Rence please. Kahit ngayon lang. Please hear me out.

Bigla nyang tinakluban ang bibig ko gamit ang panyo. Wait, I smelled something. Knockout gas?!

"BITAWAN MO SYA G*GO!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki at biglang tumalsik yung lalaking manyak.  Wait, si Rence ba yun?! Did he come to save me?

Tumingala ako at nakita si Rence habang hindi maipinta ang mukha nya. Magkakahalong galit, inis, takot at pag aalala ang nababasa ko sa kanya.

He grabbed my arm at kinaladkad nya ako palabas ng sinehan. Is he worried about me?

"Rence! Sandali!" Narinig kong sigaw ni ate girl habang hinihila ako ni Rence. BWAHAHAHA Buti nga sa kanya.

"Sira na ba talaga ang ulo mo?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Galit na sigaw ni Rence at tsaka binitawan ang mahigpit na pagkakahawak sa braso ko. Aray ko ha. Ang sakit nun ha. Nagmarka pa tuloy yung kamay nya sa braso ko.

"H-Ha? Hindi ko po alam ang sinasabi nyo." Sagot ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Tumigil ka na nga! Nabastos ka na't lahat lahat and you're still putting up that stupid play?! Alam kong ikaw yan Audrey!" Sigaw niya at biglang tinanggal ang shades ko.

"H-Hoy! Akin na yan!" I said as I reach for my sunglasses. Aba, mahal din ang bili ko dun. Sayang naman pag nabasag.

"Ano bang ginagawa mo dito?! Bakit mo kami sinusundan?!"

"A-Anong sinusundan? Napadaan lang ako noh." Pagpapalusot ko. Kainis, di ako makatingin sa mata nya. Nahihiya ako na ewan. Hindi ko maintindihan.

"CUT THAT CRAP AUDREY! Pwede kitang kasuhan ng stalking sa ginagawa mo!" Malakas niyang sigaw at nagsitinginan yung mga taong dumadaan. Parang naging zero bigla yung confidence ko dahil sa sigaw nya. Naguiguilty na ako.

"C-Concerned lang naman ako. Syempre, kaibigan kita. Ayaw ko lang na.....kung sino sinong babae ang dine-date mo. Kaya nung nakita ko yung post nung babae sa Facebook na magkasama kayo, na-curious ako...." I mumbled while looking down the floor. Hays, I said it.

Biglang tumawa si Rence at unti unti akong tumingin sa kanya. Anong tinatawa tawa nito?

"Na-curious?" He said at cinorner nya ako sa pagitan ng dalawa niyang braso like what he did last time. GULP. Is it happening again?! Gosh di ako handa! Mabaho ba ang hininga ko? Charot lang.

"O nagselos?" He said and smirked.

OH MY GAHD. MY FACE IS BURNING! IT'S FREAKING BURNING! >//////////< !!

Unti unti siyang lumapit sa mukha ko. No Audrey! Mag focus ka! Don't give in!

"A-Ano bang sinasabi mo?!" I said and pushed him away. Whooo, nakaligtas ako.

Hinigit niya ako sa balikat at biglang inakbayan.

"Dinner tayo?" Bulong niya sa tenga ko. OMGGG! Shete. Crazy hormones! Para akong kinuryente sa bulong nya.

"A-Anong dinner?" I asked. Gahd nanginginig ako. Ano bang nangyayari sakin?!

"Syempre, New Year's Eve ngayon." Sagot niya.

"Eh paano yung kasama mo?" Naguguluhan kong tanong.

"Hayaan mo na sya. Itetext ko na lang na umuna na ako." Sagot niya at naglakad na habang kinakaladkad ako gamit ang braso nya. Hay nako, loko loko talaga ang asungot na 'to. Kawawa naman si ate girl. Pero tsh, buti nga sa kanya.

************************************

Charm's POV:

"Are you ready?" Tanong ni Joshua habang inaalalayan ako. Pinuntahan niya ako sa bahay kanina at nilagyan ng blindfold tapos dinala nya ako dito. Sabi nya kasi, surprise daw. Edi syempre, nakisakay na lang din ako.

"Oo." Sagot ko at tinanggal na nya yung blindfold sa mata ko.

"Wow...." I whispered as I gaze through the surroundings. Napaka organized nung lugar. May table sa gitna tapos may dalawang upuan. May flowers sa gitna ng table at may mga pagkaing nakapatong. Napapalibutan naman yung lugar ng mga bulaklak at christmas lights. Mukhang talagang pinaghandaan ni Joshua ang gabing ito. Sobrang ganda nung place, parang pang korean drama.

"Nagustuhan mo?" Tanong ni Joshua at hinigit yung upuan kung saan ako uupo.

"Oo. Sobrang ganda." Sagot ko at umupo na. Umupo na din sya sa opposite side nung table.

"Bakit parang...... ang putla mo?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mukha ni Joshua.

"H-Halata ba? First time ko kasi na..... maghanda ng ganito para sa isang babae. Kinakabahan lang ng konti." Sagot niya at inayos ang butones ng polo nya.

"Talaga? Sa gwapo mong yan, wala ka pang dinadala sa ganito?" Nagtataka kong tanong.

Biglang natahimik si Joshua at napangiti.

"O-Oo. Ikaw pa lang." He answered with a little blush on his cheeks.

Hay, ang cute talaga ni Joshua. Lalo na pag nag iiba sya ng facial expressions. Ang cute lang. Kaya nga crush ko 'to mula elementary hanggang ngayon eh. Hindi lang sya gwapo, napaka cool pa nya lalo na pag naglalaro ng soccer noon. Sobrang daming babae ang nag cheecheer para sa kanya.

"Kain na tayo?" He asked and got his spoon and fork.

"Sige." I answered and got mine too.

***********************

"Hahahahaha! Talaga? Buti hindi ka napagalitan." Pang aasar ko sa kanya at uminom ng wine.

"Muntik na nga. Nakaisip lang ako ng palusot." Sabi niya sabay nagsalin ng champagne sa baso nya.

"Gusto mo pa?" He asked while holding the champagne.

I nodded with a smile. Nilagyan na nya ako ng champagne sa baso ko at sabay kaming uminom.

"Alam mo dati, madami akong hindi pinaniniwalaan. Hindi ako naniniwala na babalik pa ako sa photography. Hindi ako naniniwala na.... magkakabati pa kami ni Papa. Pero tingnan mo ngayon, masaya na kami ni Papa. I'm very thankful sa kung sino man yung.... tumulong sakin." I said while looking at the sky.

"Ganun din ako." He said and smiled at me.

"Oh, it's time." Sabi niya habang nakatingin sa relo nya. Tumayo sya at tumingin sakin.

"Ha? Para saan?" Tanong ko at tumayo na din sa tabi nya.

"Para sa fireworks. Happy New Year Charm." Sagot niya at tumingin siya sa langit.

Tumingin din ako sa langit at biglang nagkaroon ng fireworks display.

Magkakaibang kulay, magkakaibang lakas ng putok at magkakaiba ng size. Pero that's what make fireworks special. Ito ang pinakahinihintay ko sa buong taon. Siguro dahil simbolo ito ng bagong simula, ng panibagong buhay. I always loved fireworks. Ideal date ko nga yung ganito eh. Yung dinner tapos biglang may fireworks display. Kilala talaga ako ni Joshua.

"Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ni Joshua. Bigla akong napatingin sa kanya at hinawakan ang pisngi ko. He's right. Umiiyak na naman ako ng hindi ko namamalayan. Sunod sunod sa pagpatak ang mga luha mula sa mata ko.

Muli akong tumingin sa langit at pinagmasdan ang mga fireworks. I don't understand.

I feel happy but I'm empty inside.

Pakiramdam ko may kulang, may nawawala, meron akong hinahanap.

Pero paano ko mahahanap ang isang bagay kung hindi ko naman alam kung ano ito? Kung sino ito?

It feels like I made a promise with someone at hindi ko natupad yung pangakong yun.

Why can't you remember anything, Charm?!

Why can't I?

Continue Reading

You'll Also Like

533K 13.1K 33
I am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020
1.4M 34.4K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
27.8M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...