Indirect Kissed - JhoBea (Co...

By WatermelonCrush

2.5M 32.9K 5.6K

WARNING : contain STRICTLY PARENTAL GUIDANCE (SPG) More

Teaser
PART 1
PART 2
PART 3
Part 4
PART 5
PART 6
Part 7
Part 8
PART 9
PART 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
PART 17
PART 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
PART 29
Part 30
PART 31
PART 32
PART 34
Part 35
PART 36
PART 37
PART 38
PART 39
PART 40
PART 41
PART 42
PART 43
PART 44
PART 45
PART 46
PART 47
PART 48
PART 49
PART 50
PART 51
PART 52
PART 53
PART 54
PART 55
PART 56
PART 57
PART 58
PART 59
PART 60
PART 61
PART 62
PART 63
PART 64
PART 65
PART 66
PART 67
PART 68
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

PART 33

25.1K 413 139
By WatermelonCrush

BEA POV

Its been a month since I decided to broke up with Jhoana, hindi naman ako ganon ka manhid para hindi ko maramdaman ang dulot na sakit ko sa kanya, lalo na yung gabi mismo na diretso ko syang hiniwalayan.

Masakit din sa akin na makita syang ganon na nagmamakaawa sa harap ko na bawiin ang sinabi ko, pero hindi eh, nilamon ako ng galit kaya ganon nalang ako sa pagdesisyon ng mga bagay na hindi ko man lang inisip.

Kahit ako nasasaktan ako na mawalay sa kanya. 💔 kasi sobrang mahal ko sya, as in sya na ang naging mundo ko.

Niloko nya ako at yun ang pinaka ayaw ko ang mga taong manloloko kaya dapat lang alisin sila sa buhay natin, dahil habang buhay lang kayong lolokohin nyan, though hindi ko narinig ang side nya at ayaw ko na din pakinggan mas lalo lang ako masaktan.

These past few days, last weeks pa to be exact simula noong magkahiwalay kami sobrang maiinitin na din ang ulo ko, na halos lahat ng tao dito sa opisina napagbuntungan ko ng init ng ulo ko at galit.

Lagi naman akong tinetext ni Jhoana araw araw yun walang palya, pero iba ang number na gamit nya para daw makipag usap sa akin, nagpalit pa talaga sya ng number ha para lang makausap ako.

At tuwing dadaan ako sa cubicle nya tinatawag nya parin ako ng baby ko pero para sa akin hangin lang sya.

Sa katunayan nga last week inabangan ako ni Jhoana sa parking lot, sinusuyo nya parin ako para makipag usap sa akin.

Flashback

Kalalabas ko lang ng elevator at papunta na sana kung saan naka park ang kotse ko, natanaw ko na si Jho na nakaupo sa gutter ng parking malapit kung saan naka park ang kotse ko. Naka tungo lang sya.

Palapit na ako sa kotse ko at timing din na nag angat sya ng tingin nya kaya nakita nya ako.

Makikita ko sa kanya na sobrang maga na ng mga mata nya siguro kakaiyak nya, at lumalim pa ito gawa ng wala sigurong tulog.

Gusto ko syang yakapin at halikan dahil sobrang miss na miss ko na sya, pero naalala ko manloloko ang babaeng to, kaya even if I really want to do it pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit at siniksik ang mukha nya sa leeg ko, basa na ng luha ang leeg ko dahil dulot ng pag iyak nito.

"Baby ko . . . pansinin mo naman ako, mag usap tayo please...pakinggan mo muna ako, di ko na kaya ang sakit eh, mababaliw na ako. . Please... " sabi nya sa pagitan ng paghikbi nya, nagpaka manhid ako kahit gustong gusto ko na syang yakapin.

Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang din syang yakapin ako kahit hindi ko sya niyakap pabalik. Kahit papano namiss ko rin ang mga ganito nya, yung amoy nya, lalong lalo na sya.

Pinigilan ko lang talaga na hindi tutulo ang luha ko kahit alam kong namumuo na ito.

"Baby please, nagmamakaawa ako. . Pag usapan natin to, sobrang sakit na kasi. . Alam mong hindi ko magagawa sayo yun.." sabi nya na umiiyak pa din, masakit sa akin na shes begging for my love again, pero masakit din kasi sa akin ang ginawa nya.

"hindi mo magagawa? Pero nagawa mo." nagpakalamig ako, para hindi nya maramdaman na konti nalang ay bibigay na ako, bibigay na ang luha ko dahil din sa sakit. Sakit na dulot na may kahalikan syang iba.

"Beatriz hindi ko ginusto yun. ." sabi nya at humarap sa akin.

"hindi ginusto? Pero naki paghalikan ka sa lalaking yun, eyes closed parang sarap na sarap ka pa eh." sabi ko at tumaas na naman ang boses ko.

Hindi sya sumagot, ibig sabihin tama na naman.

"Ano? Mas masarap ba syang humalik kesa sa akin?" sabi ko na pasigaw na, andito na naman ang galit na nararamdaman ko, nakakalimutan ko na kung ano ano nalang ang pinagsasabi ko.

"Beatriz hindi ganon yun, kasi wala ak--" sabi nya pero hindi ko sya pinatapos dahil ayoko ko marinig ang paliwanag nya, na baka magsinungaling lang para mapaniwala ako.

"Mas masarap ba ang may laman na tumira sayo kaysa sa tatlong daliri na ipinasok ko? Ha! Jhoana?" sigaw ko sa kanya, hindi sya sumagot at paulit ulit na umiling habang umiiyak.

"Magsalita ka! Gusto mong magpaliwanag pero hindi ka nagsasalita, Ano? Masarap at Malaki ba ang gusto mo?!!" sabi ko. .

"Ilang kasinungalingan pa ang matatanggap ko sayo?" sabi ko ulit, hindi parin sya nag salita.

"God Jhoana, hindi ko aakalain na sa isang taon kung pagdala sayo sa paradise, kulang pa pala yun, lumevel up ang kalibugan mo at kalandian mo." pagkasabi ko noon, dalawang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko.

Sakit non ah, kaya napa awang ako at biglang namanhid ang mukha ko.

"Malibog, Malandi, Nagpapatira kung kani kanino at isang sinungaling ako para sayo, ano pa ang mga masasakit na salita ang pwede mong ibato sa pagka babae ko Beatriz?!" sigaw nya din pabalik sa akin habang umiiyak.

Kahit anong pigil ko sa luha ko, lumabas parin ang mga ito, kaya pareho na kaming umiiyak ngayon.

"akala ko pa naman ikaw ang poprotekta sa akin, akala ko ikaw ang unang tao maliban sa pamilya ko ang rerespeto sa akin, pero bakit ganon, yung mismong taong pinakamamahal ko ay hinusgahan ako." sabi nya at unti unting naupo sa maduming sahig ng parking lot habang umiiyak.

Yung feeling na gusto ko syang patayuin at yakapin, at sasabihing makikinig ako, pero di ako makapagsalita, umurong ang dila ko.

"Gusto ko magpaliwanag sa nangyari pero hindi mo ako hinayaang magsalita, magsasalita man ako pero pinuputol mo ito." sabi nya at nilagay ang dalawang kamay nito sa mukha at doon na umiyak.

Tinignan ko lang sya hanggang sa tumayo ulit sya at nagsalita.

"Sige Beatriz, kung yan ang tingin mo sa akin na Malandi at Malibog na babae, kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko ugali yan, pero para sayo, gagampanan ko mga yan." sabi nya at umalis na.

Tiningnan ko syang naglakad palayo sa akin, alam kong umiiyak parin sya kasi huminto  sya sa isang sasakyan at sumandal dito, kahit malayo alam kong humihikbi ito.

"Baby Jhoana ko. . " bulong ko at tumulo na naman ang luha ko.

Bakit lang, bakit ngayon lang ako nakapagsalita.

Anong ibig nyang sabihin na gagampanan nya?

End of Flashback

At simula non, hindi na nya ako pinansin pa, kahit kunyaring dumadaan ako sa cubicle nya, at busy lang ito sa trabaho nya at may ka text pa habang nag tatrabaho.

So pati couple Iphone namin pinalitan nya? Bakit de keypad na ang phone nya?

Bumuntong hininga nalang ako sa iniisip ko, bakit ba nangyayari ito sa almost perfect na relationship, kahit ako ang nakipaghiwalay bakit ako ang nasasaktan ngayon ng lubusan.

Sana pinakinggan ko nalang sya, edi sana alam ko ang nangyari. Pero hanggang sana nalang kasi wala na, hindi na nya ako pinapansin.

Napagod na din siguro sya kakahabol sa akin ng almost a month na pinagtatabuyan ko sya at lahat nalang sinumbat ko sa kanya lalo na ang masasakit na salita na binitawan ko.

I missed her so much, I didnt mean to say those words pero wala na nasabi ko na.

Di ko napigilan at namalayan ang luha ko na tumulo na pala ito, pero napabalik ako sa realidad ng pumasok si Ate ells sa office ko, dala ang afternoon snacks ko, kaya patago akong nagpunas ng luha at suminghot para hindi halata.

"Beatriz ito na snack mo, sana kahit papano lumamig naman yang ulo mo." sabi nya sabay lagay ng mug ng coffee at brownies.

Hinigop ko ito at nagtaka.

"Bakit ganito ang lasa? Masarap naman ang kape mo last week ah." sabi ko at dinura ito sa basurahan ko.

"last week pa kasi yun, ang nag titimpla kasi at ang tinitimpla is yun ang nakasanayan mo, pero ngayon dapat masanay ka na rin sa timpla ko dahil ako na ang magtitimpla para sayo at hindi na sya." sabi ni ate ells, parang pa double meaning na sabi nya.

Hindi ako nakapagsalita at tinignan lang ang coffee.

Dapat sanayin ko na rin ang sarili ko na wala na kami, masasanay rin ako.

Pero makakaya ko kaya? Masasanay kaya ako na wala sya?

"sige na okay na ako sa brownies, mag jujuice nalang ako." sabi ko sa kanya at lumabas naman ito kaagad.

Tumayo na ako at pumunta sa refrigerator ko at bumungad sa akin ang stock nyang snacks, kasi dito yun lagi kumakain pag hapon o kaya dederitso nalang dito kasi kukuha ng pagkain nya.

Stock nyang stick-o na lahat ng flavor ay meron dito ube, macapuno, bubble gum, peanut butter at chocolate, yung nissin wafer andito pa rin at yung isang box ng zest-o nya at ang mga four season juice.

Napangiti nalang ako ng mapait, sino na ang kakain nito? Wala na ang babaeng makulit na nagdadamot ng mga stick-o nya.

Kumuha nalang ako ng zest-o at yun nalang ang ininom ko, bumalik na ako sa table ko at tinapos na ang mga ginagawa ko, masyado ng na occupy ng mga heart breaking events ang utak ko.

Sa sobrang busy ko di ko namalayan na uwian na pala, ayaw ko pang umuwi sa condo dahil ako lang naman magisa, mag isa ulit. Nakakapanibago nga eh, 1 year din na maingay ang unit dahil sa napa childish na girlfriend ko na gustong maglaro ng xbox ko at nakikipaglaro kay Pancake Babe.

Pero ngayon, sad to say she is already my ex.

Yayain ko nalang si Ate ells na mag buffet para naman mamatay ang oras at pag uwi ko matutulog nalang ako.

Lumabas ako ng office ko para sana yayain si ate ells pero wala akong nakita na ate ells sa upuan nya instead nandoon sya sa cubicle ni Jhoana nakipag usap kasama si Maki, di naman malayo kaya maririnig ko lang ang pinag uusapan nila.

Naghahanda na para umuwi. I think.

"ganon talaga ate ells, nagbabago talaga lahat dahil nasaktan." natatawang sabi ni Jho sabay lagay ng red lipstick.

Kailan pa ito natuto mag lipstick? E pauwi na naman to, dati hindi naman yan ganyan. Yan ba ang sinasabi nyang nagbabago?

"alam mo ate ells buti nga hindi na ito umiiyak gabi gabi eh, umiinom naman." sabi ni Maki na nailing nalang sabay tulak nang mahina ng ulo ni Jhoana, pero si Jho wala lang at continue parin sa ginagawa nya.

"Alam mo Jhoana, itigil mo na yang pag iinom mo ha, ang lalim na ng mata mo." sabi sa kanya ni ate ella. Naglalasing gabi gabi si Jho?

"sige ate ells, pagalitan mo yan, hindi na nakikinig sa akin eh. Laging lasing pag umuuwi, ang hirap pa naman gisingin pag umaga, kasi may trabaho pa." reklamo ni Maki at nag crossed arms nalang.

"Hoy Jhoana, nakikinig ka ba? Lagi kang lasing pag umuuwi, e paano pag may masamang tao ang may balak sa yo?" sabi ni ate ells sabay bato ng paper clip.

"Ate ells, relax ka lang okay? kung may alak may balak. At tsaka safe naman akong nakakauwi eh. Giraffe will always bring me home safe." sabi nya at pa wiggle wiggle pa ng eyebrows nya.




Giraffe?



"at sino naman yan si Giraffe?" tanong ni ate Ells.

"edi si Kian Dy, friend namin." sagot naman ni Maki.

"Jhoana! sya na ang bago mo?! Ang bilis naman ata." sabi ni ate ells.

"Hindi ko sya girlfriend ate ells, darating din tayo jan, of course Malibog at Malandi ako eh" sabi nya at tumayo na.

Nakita nya naman ako kaya napalingon din sila ate Ells at Maki sa akin, nakita ko naman ang mga mukha nilang dalawa na parang nag alala.

"Diba Miss Bea?" tanong nya sa akin sa nag smirk pa. Hindi ako sumagot, tiningnan ko lang sya.

Makikita ko sa mata nya na may pain parin, pero pilit lang syang nagpaka matapang sa harap ko.

"Bes, ano ba." saway sa kanya ni Maki, pero nilingon lang nya ito at nginitian.

"Bei may kailangan ka ba?" tanong sa akin ni Ate ells.

"after nyo nalang mag usap, puntahan mo  nalang ako sa office." sagot ko at tiningnan sila.

"Babye na nag aantay na sakin si Kian my Giraffe sa baba. Bes mamaya na ako uuwi, pupunta ako ng Bar, pilitin ko si Kian na samahan ako. Happy Birthday ulit bes, love you." sabi ni Jho at nag beso na kay Maki at Ate ells, lumingon naman sya sa akin at tumango lang at nagmamadali nang umalis.

"Jhoana, wag damihan ang pag inom." pahabol sa kanya ni Maki ng pasigaw kasi nakalayo na ito, tanging wave lang nang kamay ang sinagot nya.

"Bei? May gagawin ka ba after nito? Yakiniku tayo, treat ko birthday ko kasi." yaya ni Maki sa akin, kaya nag okay nalang ako next time nalang siguro kami mag buffet ni ate ells.

"Sama kana rin ate ells." baling nya kay Ate ella.

"Kahit di mo sabihin, sasama ako kasi birthday mo at alam kong di ka tatanggi." sabi naman ni ate ells at nag tawanan silang dalawa.

Pumasok na ako sa office at bumuntong hininga nalang.

"Jhoana and Kian are together, putangina!" sabi ko sabay hampas ng lamesa ko sa office.

Napapikit nalang ako ng mariin, iniimagine na magkasama silang dalawa, sa Bar pa talaga.

Putangina! nakakainis lang, pinamukha pa talaga nya sa akin na magkasama sila ni Kian, oo aaminin ko nagseselos parin ako kahit ako ang nakipaghiwalay sa kanya at pinagtatabuyan ko sya.

Ito ba ang sinasabi nyang "para sayo, gagampanan ko." 

✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖
LESSON: Hindi porket nagkamali ang mahal natin, mali na sila habang buhay., subukan nating pakinggan ang panig nila para malaman natin at matimbang kung alin ang tama at mali sa nagawa nila. Kung magdesisyon man atleast alam natin kung bakit natin nagawa yon.

#ChiliPepperFeelings  #SelosangGanap

Ano kayang mangyayari sa kanila?  Magkabalikan kaya si Baby Boss at Baby Queen o May Panda at Giraffe na?

Like and Comment ka please, para alam ko ang  worth ng chapter na to.

NIKITTA ♣















Continue Reading

You'll Also Like

348K 7.8K 33
Bored ako
5.8K 230 145
How will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? S...
232K 6.5K 63
And take, take her to the moon for me Take her like you promised me Say you love her every time like how you told me the last time Someday I know we'...
352K 7.7K 43
GxG fanfiction #Jedean #GaWong How can I undo my feelings for you. photo credit to karinaias