Shades Of Destruction (Levrés...

By Ellexir

298K 8.6K 1.9K

Herietta Cilla Valiente is a kind, beautiful, smart and innocent girl. Pero kahit na halos perpekto na siya s... More

Shades of Destruction
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Wakas

Kabanata 13

9.5K 286 86
By Ellexir

I decided to get myself drunk so I can forget my problems but damn! I remembered it all!

Hindi pa kami nakakapasok sa loob ng bahay nila Tita ay naiyak na naman ako. Kaya nanatili kami sa sasakyan kasama ko si Sydney at Damien.

"Ang sarap magmahal pero ang sakit kapag niloko ka. Alam mo iyon? Wala kang gana sa lahat! Ayaw kumain, o gumala, at ang tanging gusto mo lang ay siya. Ilang araw na akong nakahiga sa kama para magpahinga. Pero kahit anong pagpapahinga ang gawin ko, pagod na pagod pa rin ako!"

Tahimik ang magkapatid habang nakatingin sa akin. I saw Sydney tears fall. Damien was gritting his teeth while listening to my drama.

"Akala ko biro lang iyong sinasabi nila na mas pipillin na lang nila ang matulog para hindi maramdaman iyong sakit. Dahil sa ginawa niya, pakiramdam ko, mawawala lang iyong sakit kapag namatay na ako eh! Dahil kahit anong tulog ang gawin mo para matakasan ang sakit, paggising mo nandoon pa rin ito."

Lagi na lang ako gumigising sa umaga na sobrang bigat ng dibdib. Parang sinasaksak paulit-ulit ng kutsilyo. You will think you're having a heart attack because of the physical pain you'd feel.

"Pagod na ako," humagulhol ako.

Niyakap ako ni Sydney na kagaya ko ay humagulhol na rin ng iyak.

"I am tired of thinking where I went wrong. What I need to do to be enough. Why am I not enough? At bakit sasabihin nilang mahal ka nila ngayon, pero kinabukasan ay hindi na?"

Ang hirap din magsimula! Ang hirap magsimula ng wala siya. Ang hirap magsimula ng mag-isa. Ang hirap magsimula ng walang-wala.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako pero mahal na mahal ko pa rin siya.

"Mas lalo ka mahihirapan kung lagi mong iisipin kung bakit ka niloko. Stop thinking about it, Riella. He cheated on you, you didn't cheat. Doon pa lang, panalo ka na," sabi ni Damien.

"Ang sakit na ibinibigay niya sa iyo ngayon ay hindi permanente. You will heal eventually. Hindi man ngayon, pero sa tamang panahon. Ang pagmo-move on ay hindi paglimot. Kung hindi pag-usad sa buhay. Kaya piliin mo lagi ang magpatuloy," sabi ni Sydney habang humihikbi. "So, please don't let yourself be a prisoner to a crime you never committed."

"Ano nangyayari?"

Lumabas ng bahay si Papa. Nakabukas ang pinto ng sasakyan kaya kita niya agad kami.

"Riella?"

"Papa!" tawag ko.

Lumapit siya sa akin. Sa kabila ng nanlalabong mata dahil sa luha, kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya.

"I'm sorry, Riella," sabi niya at niyakap ako. "Huwag ka na umuwi sa Pinas. Dito ka na tumira. The bastard has the guts to call me."

"He called, Papa?" sabi ko at humiwalay sa kanya. "What did he say? Did he ask for me? Can I talk to him?"

"I didn't answer his calls, Riella. At hindi mo na siya kailangan makausap pa," mariin niyang sinabi.

"Answer his call and ask him, Papa. Ask him why he cheated on me. Kung ano ang mali sa akin? Bakit hindi na lang niya ako iniwan kung nagsasawa na pala siya sa akin? Pwede naman siyang umalis ng hindi ako dinudurog eh," sabi ko at humikbi.

"Walang mali sa iyo," hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. "Nandito naman si Papa. Hinding-hindi kita sasaktan at iiwan."

Kabaliwan nga siguro kung maituturi. Dahil patuloy nating pinipili ang mga taong minsang gumuhit ng ngiti sa ating mga labi pero ang lokohin ka pa rin ang sa huli'y pinili. We are really crazy. Maybe we are just crazy because we were just in love.

Kinabukasan nagising ako dahil sa sakit ng ulo. At doon ko napagtanto na hindi mo makakalimutan ang problema mo kapag lasing ka. Hindi pa rin mawawala ang sakit kahit lasing ka. Kung hindi paggising mo sa umaga, dahil mas nangingibabaw ang sakit ng ulo mo, kaysa sa puso mo.

Natawa ako ng mahina. Nagawi ang tingin ko sa katabi ko. Sydney was eyeing me curiously.

Ngumiti ako. "Sakit ng ulo ko."

Maybe I should drink more. Para kapag gigising ako sa umaga, mas masakit ang ulo ko kaysa sa puso ko.

"Bibisita kami kay Mommy mamaya. Do you want to come?" tanong niya.

"Baka bukas na lang. Sakit talaga ng ulo ko."

Maayos na ang kalagayan ni Tita. Nagising na siya at nagpapahinga na lang sa ospital.

She grinned. "Lasing na lasing ka kasi kagabi!"

"Ang sarap pala uminom. Inom ulit tayo mamaya?" aya ko at ngumisi.

"Sure! Kahit tayong tatlo na lang nila Damien."

Ganoon nga ginawa namin. Halos gabi-gabi na akong umiinom. Kapag hindi sa bar, dito naman sa aking kwarto. Hindi na ako makatulog ng walang alak sa katawan. Naaalala ko man siya sa gabi, saglit na lang dahil nakakatulog agad ako. Sa umaga naman, mas iintindihin ko ang pagsusuka at sakit ng ulo.

Biglang pumasok sa kwarto ko si Hermes kakagising ko lang.

"Kakain na," sabi niya.

Tumango ako. "Susunod ako."

Umupo ako at tumulala. Nanatili naman sa kwarto ko si Hermes. My head was fucking killing me right now. But I love this kind of pain. Natanaw ko ang mga bote ng alak sa bed side table. I sighed and stood up.

"You can't get things going, if things always stay the same."

Nagulat ako noong magsalita si Hermes. Nilingon ko siya. Seryoso ang eskpresyon niya habang nakatingin sa kawalan.

"He broke you into a thousand pieces and you don't know how to put yourself back together. But just because you can't go back to who you were, doesn't mean you have to stay this way. You can rebuild yourself. You can choose to change and evolve. You can learn from what this experience has done to you and move forward."

Napangiti ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Sumimangot siya at halatang tutol sa pagyakap ko pero hinayaan niya ako.

"Kapag nagka-girlfriend ka, huwag na huwag mo lolokohin, ha? Hindi mo alam kung gaano kalaki ang magiging pinsala noon sa pagkatao niya. Every day, she will cry. Every night, she will question her worth. And every day and night she will always think what is wrong with her. Why she is not enough."

"I will never cheat," seryoso niyang sinabi. "Mamahalin ko siya ng tapat at ng may respeto. I will never cheat because you're a girl too."

Nakauwi na si Tita sa bahay nila. Nag-celebrate kami dahil doon. My father told Tita that I will live here with them. She agreed. Gusto nga rin sana ni Hermes kaso sinabi ko na walang makakasama si Papa sa bahay. Pupunta na lang sila rito ulit kapag bakasyon.

At dahil okay na si Tita, nag-aya na si Sydney mag-out of town. Pumayag naman ako habang wala pa kaming pasok.

Saan-saan kaming pumunta na dalawa. Minsan sumasama sa amin si Damien.

"My friend from Argentina said he likes you. I-date mo kaya?" sabi ni Sydney.

May ipinakilala siya sa akin na mga kaibigan niya. The guy from Argentina is good looking too. But I'm still not ready to entertain any of them. Because I know I'm still in love with the man who broke my heart.

"Huwag ka matakot magmahal at sumugal ulit. Not every guy is like your ex. Don't let that discourage you from believing that there are a few good guy out there that will take care of your heart the way you have always wanted. Iyong taong hindi ka sasaktan."

Uminom ulit kami sa iba't-ibang bar. Ganoon ulit ang nangyayari pagnalasing ako. Iiyak ko lahat-lahat ng sakit. Patuloy pa rin akong niyayakap ng mga alaala niya.

Ilang beses ko ng hiniling sa panginoon na sana mawala na ang pagmamahal ko sa kanya. Na sana mawala na ang sakit. Na sana mawala na siya sa aking sistema. Dahil pagod na pagod na akong isipin ang sinabi niyang mahal na mahal niya ako pero nagawa niya pa rin akong lokohin.

"You should think about Tito, Riella. Nasasaktan siya kapag nakikita kang nasasaktan."

Malapit na umuwi sila Papa sa Pinas. Isang buwan lang dapat dito pero nagtagal dahil sa akin. I remembered Papa's eyes. Yes. He was hurting too. And now that I think about it, that if I was hurting, he's probably dying.

Kailangan na nga siguro harapin ko ang realidad, hindi kami inilaan para sa kuwentong ito. Hindi kami inilaan para maging magkasama habangbuhay. Inilaan kami para maghiwalay. To be each other's lesson, blessing, and thorns. Inilaan kami para umalis at hindi na bumalik. We were meant to be far. Hindi ko na rin dapat isipin pa ang mga magandang bagay na nangyari sa aming dalawa. And we weren't meant for proper goodbyes. Sapat na iyong ganito. Heck, he doesn't even deserve a proper goodbye! Kaya ayos na iyong ganoon na pamamaalam.

At hindi ko na rin dapat isipin na ako pa rin ang nakalaan para sa kanya.

I'll keep those best memories of us when he still loved me. But I will never reminisce them again.

"Jenkins?"

Nanlaki ang mga mata ko noong nakunpirma na siya nga iyong lalaking kakapasok lang dito sa isang restaurant.

"Riella!" like me, he was shocked too.

"Kumusta? Anong ginagawa mo rito? Nagbabakasyon ka?" tanong ko.

Nakaupo kami ngayon sa mga lamesa namin. Magkaiba kami ng lamesa pero magkalapit lang kami. Si Sydney ay nagtungo sa CR, kaya hinihintay ko siya.

"Ah, dito na ako mag-aaral. Ikaw ba? Umalis ka rin pala ng Pilipinas."

Nag-usap kaming dalawa. Noong natapos lang din pala ang exam ay naghanda na rin siya para sa pag-alis. His mother was the one who wanted him to study here. Brazilian pala ang nanay niya.

"Kumusta na kayo ni Rand? Buti pumayag siyang dito ka nag-aaral?" natigilan ako sa tanong niya.

"Wala na kami."

His eyes widened. "Uh, sorry!"

Ngumiti lang ako sa kanya.

Pinakilala ko siya kay Sydney. Mabait naman si Jenkins kaya nagkasundo rin sila ni Sydney. Pati ni Damien. Kaya si Damien, lagi na rin siya sinasama kapag iinom kami!

"Hindi ata umiinom si Jenkins," I smiled at him.

"Uh, pwede naman sumama lang ako?"

I grinned. Huh! Dyan nagsisimula ang pagtuto ng inom! Maybe I should teach him?

Ganoon lang ang ginawa ko sa mga taon na nagdaan. Uminom, gumala at pumasok sa eskwela. Kapag bakasyon ay sa iba't-ibang bansa kami pumupunta ni Sydney.

Noong Christmas break ay nandito sila Papa. Wala naman siyang sinabi sa akin na iba. Pero ang sabi ni Hermes, hindi na niya kinakausap si Rand. At pinagbawalan na rin siya ni Papa na makipag-usap sa kanya.

"Lagi nasa bahay si Kuya Rand para makipag-usap kay Papa."

"Maybe he was just guilty. Mabait si Papa sa kanya. Kahit naman siguro gago siya ay may katiting pa rin siyang konsensya na natitira," I chuckled.

Rand.

It taken me a year to be able to speak his name without my gut engulfing the letters and my heart breaking from the thought of its sound.

I'm not gonna lie. Sometimes, I think that I still miss him. But not in the sense that I want us together again. Because as much as I know that what we had was somehow real, I also know that it died when he cheated on me.

I missed us, alright. Minsan, kapag tumitingala ako para tignan ang bituin sa kalangitan, naiisip ko na magiging maayos ako. But I know, my soul is going to miss his for a lifetime.

Noong magtapos kami sa pag-aaral ay nag-travel ulit kami ni Sydney. Hindi pa kasama si Damien dahil nag-aaral pa siya.

I've met many people. But I've never been in a relationship before. Serious relationship, to be exact. Nakikipagrelasyon na lang ako para maglibang. To explore. Dahil si Rand lang naman ang nakarelasyon ko.

"Baka kaya naghanap ng iba kasi hindi mo ginalingan?" sabi ng isang babaeng pinay na nakilala namin ni Sydney sa isang bar sa Canada.

Tinatawanan ko na lang kapag naikekwento ko sa kanila ang nangyari sa amin ng ex ko. At bibiruin nila ako ng ganyan kapag nalaman nila ang tungkol sa amin.

Now that she mentioned it, when we had sex, si Rand nga lang ang kumikilos sa aming dalawa. Parang tuod lang akong nakahiga sa ilalim niya.

I shrugged and smirked mischievously. "Gagalingan ko na lang next time!"

"Galingan mo ang giling sa ibabaw! And lick his balls! Boys like their balls lick!"

We burst out laughing. Nasanay na lang ako sa mga bulgar nilang salita. Sa ilang taon kong palipat-lipat ng bansa, marami na rin akong nakilala na liberated na mga babae. They teach me things. If I were the old Riella, I would be embarrassed to death. But she's gone now.

"Did you still miss him?" natigilan ako sa tanong ni Jenkins.

Nasa isang bar kami. Napapangisi ako kapag naaalala kung paano ko siya tinuruan uminom.

"Of course I still miss him sometimes. It's the nature of every dying thing to do all it can to stay."

Pain breaks us, but the experience linked to that pain, teach us, makes us stronger. I'm stronger because of how it ended. But I didn't want to be stronger.

Jenkins stared at me intently. I smiled sweetly. He's good looking too. Lalo na noong natuto mag-ayos. He's been a good friend to me. Noong mga panahon na panay pa rin ang iyak ko. Dinamayan niya ako kagaya ng ginawa nina Sydney.

"

At ilang taon din ang nakalipas noong makausap ko si Sally. Bukod tanging siya lang ang pinili kong kausapin sa mga kaibigan ko noon.

"I miss you so much, Riella!" naiiyak niyang sinabi.

I smiled. "Namiss din kita!"

Nagkumustahan kaming dalawa. She's still single, like me. Binalitaan niya rin ako kay Mira na single rin. But Victoria and Prince are in a relationship! Imagine my shock when I heard that.

"I hope you don't mind, but what happened to you? At sa inyo ni Rand?"

I decided to tell her everything. She was speechless when I finished talking.

"Are you okay now? Nasasaktan ka pa ba? Hindi mo na ba siya mahal?"

"I'm fine now. At hindi na!" tumawa ako.

I've wasted so many tears on him. That my eyes have run dry, and my heart grew cold. I've completely run out of love for him now.

But every ache and every sound of the breaking gets register and recorded. I don't forget the things that hurt. Wala akong kakayahan para makontrol iyon.

May mga pangyayari na nagpabago sa atin. May mga sakit na hindi mo makakalimutan.

"Can you send me the video?"

"Sige, kapag nakita ko. Nakalimutan ko na kasi kung saan ko siya na-save eh."

"Hindi mo pa pala nakakausap si Mira," sabi niya.

After what I saw, I doubted her. She was my best friend. How could she tolerate cheating? Lalo na at ako iyon! Pinagmukha niya akong tanga.

Nag-usap pa kaming dalawa. Pinapauwi na niya ako sa Pilipinas. Sinabi ko naman na hindi ko pa alam kung kailan ako makakauwi.

"Pero baka malapit na rin. Dyan pa rin naman gusto kong magtrabaho."

Lumayo lang naman ako sa Pilipinas para makalimot. Ngayon na okay na ako, pwede na akong bumalik.

Continue Reading

You'll Also Like

27.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
10.7M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
11.4M 162K 47
A typical love story of Eiren Castillo, isang simpleng empleyado sa Vitonvouge Group of Companies. She is one of the marketing group and definitely a...