Tahimik lang na bumabyahe sila Brent at Michelle pauwi. Their supposed to be one week stay became a three-day stay because of their works.
Si Brent na ang nagpresinta na ihatid siya pauwi. Sino ba naman siya para tumanggi? Gusto rin naman niya.
Since that night he admitted that he loves her, aaminin niya na medyo na-awkwardan siya nung una. Hindi niya kasi alam kung paano kikilos sa harap nito gayong alam niya na mahal siya nito at alam nito na attracted siya rito.
Their friends didn't have any clue of what happened. Hindi nila sinabi ni Brent. Actually, siya na rin ang may gusto nun. Gusto niya ay sila lang ni Brent muna ang makakaalam. Ayaw niya ipaalam hindi dahil nahihiya siya kundi dahil ayaw niyang makielam ang mga ito sa desisyon nila. It's their relationship so she doesn't want her friends to meddle. Kilala niya ang mga ito, minsan ay mga pakielamero at pakielamera ang mga ito.
"Napagod ka ba?" basag ni Brent sa katahimikan.
Ngumiti siya rito. "Medyo. Pero sayang at sandali lang tayo."
Sandaling nilingon siya ni Brent. "Gusto mo ba bumalik?"
"Oo naman."
"Gusto mo bumalik next week?"
Natawa siya rito. "Next week agad?"
Brent just showed her his cheeky grin. "Why? Ayaw mo? Or do you want to go back tomorrow?"
Napailing siya sa kalokohan nito. "Edi sana hindi na tayo umuwi."
"I can still turn this car around, Michelle. Just say the word." sabi nito.
Mahinang hinampas niya ito sa braso na siyang nahuli nito at pinagsiklop ang mga kamay nila. "C'mon. Just say the word and I'll turn this car around right away."
Mas lalo siyang natawa at kinurot ang pisngi ni Brent. "Hindi po pwede. Pinapauwi ka ng Daddy mo 'di ba? Kailangan ka sa business niyo."
Bumuntong-hininga si Brent tapos ay hinalikan ang kamay niya. "Mas kailangan kita."
She slapped his hand and laughed. Shet lang. Kinikilig siya.
Brent, Lukas and Vaughn received a call from their dads that there will be an emergency meeting for them. Ngayon niya lang nalaman na mag-kakasosyo pala ang mga ito. Kasama rin ng mga ito si Riley pero hindi ito tinawagan. Si Buwi naman ay sumama nalang din pauwi dahil wala itong choice kesa naman daw na maiwan ito sa beach resort mag-isa.
"Will I see you tomorrow?" tanong nito. Hawak pa rin ang kanyang kamay.
"Sure. But finish your work first." sagot niya.
"Sa'kin ka nalang umuwi."
"Brent." she said in a warning tone.
Brent chuckled and kissed her knuckles, closer to her tattoo. "Baka makalusot."
Pabirong inirapan niya ito. They went silent for a moment. It was a comfortable one. Brent is silently driving by one hand while his hand that was holding her hand rested on his right thigh. His thumb is brushing her fingers gently. It was a sweet gesture. Small gestures like that can make her heart flutter. Hindi naman kasi siya high maintenance. Simple things can already make her happy. That's how she is.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa biyahe. Nalaman nalang niya nang gisingin siya ni Brent na nasa may condo tower na pala sila.
"You're tired. Let's go, ihahatid na kita sa floor mo." aya nito sakanya. Ito na ang nagtanggal ng seatbelt niya at dahan-dahan na inayos ang pagkaka-recline ng seat niya.
Kahit na wala pa siya masyado sa sarili, tinanggihan niya ang alok ni Brent.
"Hindi na. Malayo pa uuwian mo."
Nagtaas ng kilay si Brent. "Baka nakakalimutan mo na diyan lang din sa may kabilang kalsada ang condo ko."
Napakunot ang noo niya nang maalala na tama nga ito. Ang iniisip niya kasi ay ang bahay nito na siyang nagpaalala sakanya.
"Wait. Oo nga pala. May bahay ka naman pala, bakit may condo ka pa? Hindi rin alam nila Vaughn na may condo ka." sabi niya rito.
Tumabingi ang ngiti nito at napakamot sa batok. He averted his gaze which made her suspect him. She held his chin to make him look at her.
"Wala ka talagang condo, ano?" hula niya rito.
Brent shyly grinned. "Meron."
The knot on her forehead went deep because of confusion. "Then what are you hiding?" she said in an accusing tone.
Brent let out a nervous laugh. He brushed his hair with her fingers.
"Brent.." she called him with her 'I'm-getting-impatient-spill-it-out' tone.
He cleared his throat and looked at her. "Okay, okay. I bought a condo just to be near you."
Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito. Bukas-sara ang kanyang bibig dahil sa hindi niya malaman kung ano ba ang dapat niyang sabihin.
"You.. you what?"
Brent sighed. "Remember when we met at Starbucks? When we had breakfast?"
Tumango siya.
He sighed again. "The truth is I waited for you to go home. I followed you. Balak ko is bumili ng unit sa parehas na tower but that would be too obvious. So I just bought one in the nearest tower." he stated.
She bliked several times. She's digesting all of those shocking information she learned from him.
Napahawak siya sa kanyang sentido at minasahe iyon. Brent was suppose to reach her but he stopped midway.
"Are you mad?" maingat na tanong nito sakanya.
Bumuntong-hininga siya. Umiling siya at nginitian ang lalaking punong-puno nh sorpresa.
"Really?" paninigurado nito.
Piningot niya ang ilong nito. "Creepy but sweet. Ang gwapo ng stalker ko."
"Na magiging future boyfriend mo." dagdag nito.
Napatigil siya sa pagpingot ng ilong nito. Tumikhim siya at inayos ang sarili. Napansin siguro ni Brent ang pagbabago ng galaw niya kaya mabilis nitong kinuha ang kamay niya at hinaplos ng hinlalaki nito ang kamay niya.
"Hey.." masuyong tawag nito sakanya. "We'll follow your pace. No rush."
Ngumiti siya at hindi na napigilan na yakapin si Brent at bumulong. "Thank you. I just have to make things right first."
Naramdaman niya ang masuyong paghagod ng kamay nito sa likod niya. She felt him kiss her on her temple. "Okay. Take your time, Michelle. I will always wait for you."
She sighed and closed her eyes while savoring Brent's warmth. They stayed like that for a few more seconds. Pagbubuksan pa sana siya ni Brent ng pinto at nagpumilit na ihatid siya sa floor niya pero hindi na siya pumayag. Alas dose na rin ng madaling araw at maaga pa ito bukas sa meeting.
"Uwi na. Tsupi." taboy niya rito.
Natawa lang sakanya si Brent. "I'll call you tomorrow."
Tumango lang siya at lumayo na sa driver's side. Nakabukas pa rin ang bintana nito. "I love you."
She smiled and her heart went three sixty because of those words. She blushed. She knows she just blushed!
Tumikhim siya para maibalik ang panandaliang pagkawala ng katinuan niya. She looked at Brent and shyly answered. "I like you."
Ngumiti si Brent. "That's fine for me, for now. We'll change that someday." sabi nito. Kumaway na siya at hinintay na makaalis ito bago naglakad patungo sa lobby ng tower.
She was in daze and still can't get over Brent's confession. His raspy and deep voice still lingers in her mind. His blue eyes is just so captivating that it can easily hypnotize her in just a snap.
She sighed dreamily.
She was about to press the elevator button when someone called her. Tumingin siya sa likod at nakitang nakatayo si Connor doon sa may lounge. May dala itong paper bag ng paborito niyang pagkain.
"Connor.." sambit niya.
Iyong kasiyahan niya ay kaagad na napalitan ng kaba. Naalala rin niya na umamin sakanya si Connor na gusto siya nito. Pero kasi lasing ito kaya hindi niya sigurado kung nagbibiro o nagkamali lang ito.
Nilapitan niya si Connor sa may lounge. "Kanina ka pa?" tanong niya rito.
Tumango ito at tinignan ang wrist watch. "Mga nine thirty pa."
Nanlaki ang mga mata niya. "You waited that long? Sana tumawag ka, Con."
He gave her a small smile. "I did. But you're phone is off."
Nangunot ang noo niya at kinuha ang phone sa bag niya. Binuksan niya iyon pero ayaw. Hindi niya alam na na-dead battery na pala ang phone niya.
"Sorry."
Connor gave her a playful grin. "You have to make it up for me. Tagal ko naghintay."
Napakagat siya sa ibabang labi. Kung siguro walang aminan na nangyari ay baka tinarayan niya na ito pero iba na kasi eh. Hangga't hindi niya nalilinaw ang sinabi nito, hindi siya mapakali.
"How?"
Itinaas nito ang paper bag na dala. "Kain tayo."
Inaya niya si Connor sa may pool side. They dipped their feet in the water while they ate the burritos he bought.
They ate silently. She glanced at him from time to time pero ang layo ng tingin nito na tila ba may malalim na iniisip. Lumunok siya at itinabi ang hindi naubos na pagkain tapos ay binuksan ang botted water at ibinigay iyon kay Connor na siya namang tahimik lang na tinanggap iyon mula sakanya.
She sighed and opened another for her. Hinintay niyang matapos si Connor kumain bago magtanong. Nakatukod ang magkabilang kamay niya sa kanyang gilid habang nagpapadyak ng mahina sa tubig ang kanyang mga paa.
Nag-iisip siya kung paano ba sisimulan na kausapin si Connor. Diretso niya na bang tatanungin ito o kakamustahin muna niya ito? Malalim na napabuntong-hininga siya at napailing. Ang gulo. Naguguluhan na siya.
Connor is very dear to her. Best guy friend na nga kung ituring niya ito. Komportable siya kay Connor. Nasasakyan din kasi nito ang trip niya at ganoon din siya rito. She doesn't want to hurt and disappoint him. She cares for him dearly.
"Con.."
"I like you."
Sabay silang nagsalita pero rinig na rinig at malinaw na malinaw niyang narinig ang sinabi nito. Totoo nga ang inamin nito nung gabing iyon. Ano na ngayon? Ano na ang gagawin niya? She needs to be honest. She wants to fix this, if there's a way to fix it, that is.
She likes Connor but as her friend. How can she say that to him without hurting his feelings?
She sighed and realized that she knows the answer of her question. There is no other way on how to say it. Masasaktan at masasaktan din naman niya si Connor. Pero mas masasaktan ito kung patatagalin pa niya. Gusto niyang maging fair kay Connor, kay Brent at lalong-lalo na sakanyang sarili. She just have to be honest.
"Con.."
He sighed loudly and leaned back. Tumingala ito at tinignan ang madilim na langit. "I know. You don't feel the same way."
"Con, I'm sorry." mahinang sambit niya. Wala siyang ibang masabi kundi sorry. Sorry kasi hindi niya masuklian ang damdamin nito. Sorry dahil wala siyang magagawa para sa nararamdaman nito.
Malakas ulit itong bumuntong-hininga at tinignan siya. He smiled at her. It's a genuine smile. Alam niya dahil matagal na rin niyang kaibigan si Connor at hindi mahirap na makabisado ang ugali at mannerisms nito.
"Okay lang. Tanggap ko naman. It's just so funny." sabi nito.
"Why?"
He sighed again. Tinanggal nito ang mga paa sa tubig at nag-indian sit ito sa gilid niya, paharap sakanya. "I just ate my own words. Sabi ko na hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo, na hindi kita type. Totoo naman kasi, hindi talaga kita type. Ang sadista mo, kung makahampas at kurot ka sa'kin kala mo eh sobrang close tayo, ang reklamador mo, ang arte mo sa damit, ang taray mo, masyado kang madrama sa buhay, akala mo naman na maganda ka– aray!"
Tuloy-tuloy niyang hinahampas si Connor. Tawa lang ito ng tawa sa ginagawa niya. "Tangina mo. Gago, gago, gago!" paulit-ulit na mura niya rito.
Hindi naman din nagtagal ay nahuli siya nito sa magkabilang pulsuhan. Inirapan niya ito na ikinatawa lang ni Connor. "Pero kahit na ganoon, mabait ka, simple lang ang gusto mo, madali kang mapatawa at mapasaya, ang cute mo magalit at maasar, maalaga at mapagmahal ka. You're a rare gem, Michelle. Do you know that?"
Napatitig lang siya kay Connor. Tears are starting to pool on her eyes. She's hurting seeing Connor like this. He smiles at her but his eyes are sad.
"I-I'm sorry, Con."
Niyakap siya ni Connor at hinaplos nito ang buhok niya. "Shh. Ang panget mo umiyak."
Mahinang pinalo niya ito sa likod na ikinatawa nito.
"Pero seryoso Michelle. Tanggap ko na hanggang kaibigan lang ako sa'yo. Tsaka gusto lang naman kita, hindi pa naman mahal kaya huwag kang OA."
Isa pang palo ang natanggap nito mula sakanya. Dinadaan nito sa biro para hindi maging awkward ang sitwasyon nila. That's what she loves about Connor. Even in the most awkward situation, he can still manage to turn it upside down with his jokes and words. That's his charm that noone can ever beat.
"I'll take care of my feelings. Don't worry. Just promise me one thing, will you?"
Suminghot siya at pinunasan ang luha sa damit nito. Bahala siya. Wala siyang panyo eh tapos ayaw pa siya nitong bitawan sa pagkakayakap.
"Ano?"
He sighed. "Be happy, Michelle. That's all I ask. Move forward and don't ever look back."
Ngumiti siya at mahigpit na niyakap si Connor. "I will, Con."
Hinaplos nito ang likod niya at pinapatahan siya sa pag-iyak. "That's my gem. I'm always be your best bud. Nothing will change. Okay?"
Tumango-tango siya at hinayaan lang ang sarili makulong sa bisig ni Connor. Ang swerte niya dahil nakahanap siya ng kaibigan tulad nito. Hindi man sila ang para sa isa't isa, alam niya na may isang babaeng babagay at karapat-dapat kay Connor. Ang swerte ng babaeng iyon tiyak. Connor may be a joker most of the times but he is sweet, caring and a true gentleman inside.
Alas dos na sila natapos ni Connor sa pag-uusap. They talked about his work. Magkakaroon pala ulit ito ng medical missions pero dito na sa Pilipinas. Tinanong nito si Nami kung kamusta na. Nagtanong din ito sa trabaho niya at mga bansang napuntahan niya.
Nalimutan na ang pag-amin nito. Though, naiisip pa rin niya ang nararamdaman ni Connor pero halata rin na ayaw na pag-usapan ng lalaki iyon. Nirespeto na niya ang kagustuhan nito. Nakikita naman din kasi niya na sinusubukan nito na pakitunguhan siya sa usual na pakikitungo talaga nito sakanya. No awkwardness between them.
Hinatid niya sa kotse nito si Connor. Ibinaba nito ang salamin at tinignan siya.
"Kita tayo bago ako umalis para sa medical mission." sabi nito.
Tumango siya at inisip kung kailan iyon. Isang linggo nalang pala bago ito umalis ulit. "Sige. Text mo ko."
"Vip ka? Ako itext mo."
Inirapan niya ito. "Sino ba ang nag-aya?"
"Sino ba ang aalis?"
"Bahala ka diyan."
Natawa si Connor at tinawag ulit siya. "Oo na. Oo na. Ang spoiled mo talaga sa'kin. Hindi na pwede iyan."
"Tse!"
Ngumiti si Connor at tinignan siya. "Sige na. Pasok ka na at magpahinga. Uuwi na ako."
Bumuntong-hininga siya at kumaway dito. "Ingat ka."
He gave her a small nod before driving his car away.
She sighed because her heart still feels heavy. Kahit na mukhang okay si Connor at sinabing okay lang ito, hindi pa rin mawala sa isip niya na kahit kaunti ay nasaktan niya ito.
Pero ganoon talaga. Kailangan niyang mamili. Sabi nga nito, gusto siya nitong maging masaya. Iyon lang.
So, she's keeping her promise to Connor.
She will be happy.
She's choosing to be happy.