Hate Is The New Love

By La_Empress

27.2K 1K 75

A series of unfortunate events chase the conflict-free life of a senior highschool, Cheon Red Hwa, after meet... More

Prologue
Chapter 1- First Day
Chapter 2 - Forget the past
Chapter 3 - Crush?
Chapter 4 - Secret Admirer
Chapter 5- Punishment
Characters
Chapter 6 - New enemy
Chapter 7 - Unexpected meet-up
Chapter 8 - Sleepover
Chapter 9 - Issue
Chapter 10 - Outcome
Chapter 11 - Ignoring Xiam
Chapter 12 - Icey's past
Chapter 13 - Recollection
Chapter 14 - Kidnapped
Chapter 15 - I will never leave you
Chapter 16 - Reunited
Chapter 17 - Rain
Chapter 18 (2) - Things I hate about you
Chapter 19 - Jealous
Chapter 20 part 1 - Reto
Chapter 20 part 2 - Confused
Chapter 21- Finally, in love
Chapter 22 - A mini date with the one I hate
Chapter 23 - Jake vs Xiam
Chapter 24 - Bear
Chapter 25 - Ranaway with Xiam
Chapter 26 - First Snow
Chapter 27 - Panliligaw
Chapter 28 (part 1) - Christmas at Japan
Chapter 28 part2
Chapter 29 - Between the Two of Them
Chapter 30 - Plan gone wrong
Chapter 30 pt.2 - Escape
Chapter 31 - Faded Love
Chapter 32 - Traitor
Chapter 33 - The Stalker's Real Identity
Chapter 34 - Through The Rain
Chapter 35 - The Night Before Chaos
Chapter 36 - The Innocent was the Demon all along
Chapter 37 - Revelation
Chapter 38 - Saving Xiam Lee
Chapter 39 - The End of Chaos
EPILOGUE

Chapter 18 - Count on me

420 24 0
By La_Empress


"Talaga? May freedom of speech na magaganap sa klase niyo ngayon? " tanong ni Denise. 

Stress akong napatango, "Yeah. Maganda sana eh kasi pwede naming sabihin kung ano ang gusto naming sabihin but my problem is that I still can't figure out what I'm gonna say in front. " problemado kong sagot. Yep, hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa aking mga ka-klase.

"Don't worry cheon, bibigyan ka namin ng idea. " Edz pat my shoulder twice. 

Ngayon lang ulit kami nagkaroon ng oras magsama dahil sobrang busy nila sa sari-sariling club. Kaninang umaga ay kalahati na ng mga ka-klase ko ang natawag at nagbahagi ng kanilang freedom of speech. Isa ako sa hindi pa natawag. For goodness sakes, kahapon ko pa pinag-iisipan ang sasabihin ko ngunit wala talagang sumagi sa brain ko, kaloka!

We're currently heading towards our classroom, nauna nang nagpaalam si Andrea dahil tinawag ng mga ka-club mates niya. Nabanggit ko na bang isa siyang drummer sa school namin? Membro si Andrea ng isang band, she's the drummer at minsan naman ay sub-vocalist. Diba talentado, pwede nang sumali sa Pilipinas got talent.

"You should definitely roast each one of them. Gawin mong tostado! " tawa ni Bella na ikina-iling ko. 

Binatukan ko si gaga kaya napa-aray siya, "Anong roast each one of them? Ano, pagsasabihan ko sila ng masama gayung memorable nga ang araw na ito dahil ga-graduate na. "

"Sabi ko nga eh, dapat maganda ang sasabihin mo. " 

Edz suddenly snap her fingers, "Alam ko na! Ano kaya kung ibahagi mo sa kanila ang mga memorable moments niyong magka-klase? "

Good idea, pero may problema. "Maganda sana kaso hindi naman kami close ng mga classmates ko. Ano, gagohan lang? Kunware close talaga kaming lahat? " natatawa na lamang ako. Some of the girls in our class envy me dahil kinakausap ako ng mga alagad ni Xiam. For sure hindi nila ako gusto.

Habang tinatahak namin ang hallway, kanina ko pa napapansin na tahimik si Kayla. Tulala. Diretso ang tingin. Mukhang hindi nakikinig sa mga pinag-uusapan namin.

Tinignan ko sina Denise, Bella at Denise tsaka ningusuan si Kayla. 

"Anyare dyan? " tanong ko sa kanila.

They all look at Kayla then shrug, "Ewan ko sa kanya. Napakatipid magsalita eh, hindi naman tumaas ang presyo ng mga words. " sabi ni Bella.

"Tinanong ko nga kanina kung anong problema pero ayaw niyang sabihin. Siguro red flag ata. " dumikit sakin si Denise at kuampit sa braso ko na parang unggoy. Clingy talaga.

Instead of asking Kayla what's wrong, hinayaan nalang namin siya. Isa kasi 'yan sa mga gawain naming magba-barkada. Kung meron mang problema na ayaw sabihin, huwag nang kuliting alamin. 

We respect each other's privacy.

Ngunit hindi ko pa rin maiwasang mabahala sa kanya.

"Huwag mo nang masyadong isipan si Kayla, baka talaga ni re-regla. " bulong sakin ni Denise. Maybe, she's right. May regla lang siguro.

"I'll try to talk to her later. " sabi ni Edz. Napahinto kaming lahat dahil nasa tapat na kami ng classroom ko.

I wave goodbye at them, "See ya guys later. Just chat me kung sabay tayong uuwi mamaya. " tumalikod na ako at pumasok sa classroom.

Napahinga ako ng maluwag dahil wala pa sina Jake at Xiam. Buti nalang. Ewan ko ba, kinakabahan kasi ako sa tuwing nakikita ko ang mga kumag. Okay, iisa-isahin natin kung bakit.

Lately, tumutubo ang feelings ko para kay Jake. But still, hanggang crush pa naman. Paghanga muna. Hindi pa love.

Kay Xiam naman.......ugh! Kinakilabutan talaga ako.

Hindi kasi mawala sa inosente at musmos kong pag-iisip ang nasaksihan ko kahapon kung saan nakahubad si Xiam. 

Binangunot pa talaga ako kagabi, napaginipan ko si Xiam na gumigiling sa aking harapan na parang macho dancer! 

Kaya hayun, dali-dali akong nag-recite ng Holy Mary at Our Father.

Kung pati ngayong gabi mapapaginipan ko ulit ang nakahubad na Xiam, mag ro-rosaryo na talaga ako. Panangga laban sa mga hudiyo.

"Cheon, handa ka na ba? " bungad sakin ni Aya pagka-upo ko.

"Kailan ka pa naging si Korina Sanchez? " natawa ako, kumunot naman ang noo niya.

"Huh? Sino 'yan? K-pop idol? " inosenteng tanong ni Aya. Napahalakhak ako.

Putek, mapag-tripan nga.

"Ay hindi mo siya kilala? Naku, newly debuted k-pop idol 'yan. Kasali sa bagong girl group ng YG entertainment. Pangalan ng grupo nila ay Rated K. " halos hindi ko namasabi ng maayos ang mgasalita dahil tawang-tawa ako, hinayupak 'to.

Napatango-tango si Aya, "Ahhh ganun ba. Ngayon ko lang nabalitaan na may bagong girl group na pala ang YG ent. Isearch ko nga mamayang gabi, baka maging bias ko si Korina. "

Pinipigilan ko ang aking sarili ngunit wala eh, nakakatawa.

"Ba't ka tumatawa? " takang tanong ng katabi ko. May kinuha siya sa bag. Parang script yata.

"Wala! May naisip lang akong nakakatawa. " habang sinasabi ko ito ay natatawa pa rin ako.

"Siya nga pala Cheon, ready ka na ba sa freedom of speech mo mamaya? " biglang tanong ni Aya sakin.

Bumagsak ang aking balikat.

Nawala ang ngiti ko.

Shuta talaga, iyon nga ang pinoproblema ko eh!

Parang napansin ni Aya ang problemado 'kong mukha. "W-wala kang naisip na sasabihin sa harapan? " she ask hesitantly.

I slowly nod, naka-pout. 

"Bakit? Maaari naman kahit ano ang sasabihin mo. " marahan niyang hinahagod ang aking likuran.

I grab her hands at nag puppy eyes, "Please help me Aya. Tulungan mo akong mag-isip ng kung anong topic na sasabihin ko sa harapan mamaya. I know you're the only person that can help me. " pakisaup ko. Sana pumayag siya.

"Sure! Oo naman. " she smile sweetly. Napabuntong hininga ako.

Sabi ko na eh, si Aya lang talaga ang lulutas sa problema ko. "Eto kasi, marami akong idea sa isipan but I need to know what you feel this school year. " sabi ni Aya. Binitawan ko ang kamay niya at malalim na nag-isip.

Should I say na sobrang pangit ng nararamdaman ko this school year? 

First, dumating si Xiam sa buhay ko.

Second, I almost died.

Third, ibalik natin ang unang dahilan.

"I'm not sure Aya. Alam mo na, madaming nangyare sa buhay ko ngayong taon. Pinaka-tumatak sa isipan ko ang pangyayare kung saan malapit na akong ma-tsugi noong recollection. " nagsimula akong kabahan nang makitang padami na ng padami ang mga pumapasok na ka-klase ko. Ibig sabihin ay malapit nang mag start ang afternoon session.

"What if ibahagi mo nalang kaya sa kanila kung ano ang mga natutunan mong lesson this school year. " she suggest. 

Mas lalo akong nabahala, "Aya naman eh. Wala akong natututunan na lesson, lalong-lalo na sa Math at Social studies! Mapapahiya lang ako. "

Napailing siya, "No. That's not what I meant. "

"Lesson as in mga natutunan mo sa life o buhay mo this school year. May nagbago ba, napagtanto, dumagdag kahit ano! " she explain. Napa 'aahhh' nalang ako, I feel like an idiot.

Magandang idea 'yun pero loading ang utak ko. What would I say? Mag da-drama ba ako? Babasahin nalang ang isusulat ko na script na parang nagre-report? What if aantukin silang lahat? Ma-bored? O baka pagtawanan ako. Nakakainis nga naman. Daming what if, hindi rin naman sila interesado sakin.

Sinulat ko sa papel ang dapat kong sasabihin. Mabuti nang sinulat ko incase na malimutan. Si Aya naman on the other hand, todo recite sa sinulat niya. Ang sipag, nahiya naman ako ng slight.

Napahinto ako sa pagsusulat nang biglang dumating ang kulto ni Xiam at syempre siya ang nangunguna sa paglalakad.

Habang papalapit silang pito sa kanya-kanyang upuan, para bang nag p-play sa isipan ko ang kantang Sexyback by Timberlake.

Kaming lahat napatitig sa kanila, may iba pa ngang laglag ang bibig. 

Nakasukbit sa balikat nila ang pang mamahaling bag. I notice that Jake is wearing tons of rings, dagdag hotness. 

Kinindatan nina Justin at Charles ang mga babae, ayun patay na.

Ano bang kinikilig-kilig nila sa mga taong 'yan? Puro lang naman pa-pogi.

Marunong ba 'yan mag-saing ng bigas? 

Umakyat sa puno ng mangga at mamitas nang hindi mahuhuli ng kapitbahay?

Marunong rin ba sila maglaro ng chinese garter? Eh tagu-taguan? 

Hindi. Wala. Weak 'yang mga 'yan eh!

Huling nag-entrance si Xiam, todo titig naman ang mga fangirls ni damuho. 

Diretso lang ang kanyang tingin na para bang hindi nakikita ang mga babae sa gilid na patay na patay sa kanya. Snobber pala eh. Samantalang sina Jake, ningingitian sila. Sa katunayan nga, parang gusto ko tuloy kalmutin sa leeg ang mga echoserang babae na makatitig kay Jake parang hinuhubaran sa isipan.

Pumasok sa aking isipan ang nangyare kahapon kung saan nakita kong nakahubad si Xiam sa kwarto niya. Ano ba naman 'yan, pabalik-balik nalang parang sira!

Nang tumingin sa direksyon ko sina Jake at Xiam ay dali-dali akong napatingin sa script ng freedom of speech ko. Uma-acting na kinakabisado ngunit wala pala akong naiintindihan.

Insaktong nag-ring ang bell hudyat na magsisimula na ang kalbaryo ko.

Sana naman hindi ako mauutal mamaya. 

Talking in front of the class is a whole nightmare for me!

Hindi nagtagal ay dumating si witch, teacher namin at nagsimulang tumawag ng random students upang maghabagi ng kanilang opinion o sasabihin sa harapan. Nakasulat sa popsicle stick ang aming mga pangalan, dito mamimili si ma'am ng susunod na tatawagin. 

Feeling ko nga magkaka-heart attack ako sa tuwing sinisingkit ni ma'am ang kanyang mga mata upang basahin ang pangalang nakasulat sa popsicle stick.

Iba sa mga ka-klase ko ay nagpapatawa lang, mga corny na jokes at puro kalokohan ang pinagsasabi. Meron ding seryoso, dinidiscuss kung ano ang hindi nila gustong policy sa school namin. Aba, nag re-reklamo! Naging tulfo ang klase namin pansamantala. Okay lang, freedom of speech nga eh. 

Ang kinaiinisan ko sa mga ka-klaseng nag sp-speech sa harapan ay ang mga hugotera. Marami sa mga babae ang humuhugot, kala mo naman may jowa. Tapos yung mga hugot pa nila ay sinearch lang naman sa internet. 

Biglang tinawag si Aya. Grabe, mukhang mas kinabahan pa yata ako keysa sa kanya. She walks confidently at kalmadong pumwesto sa harapan. I cheer for her quietly at ningitian naman niya ako. 

Napakatahimik ni Aya ngunit sobrang galing pala niya sa mag public speaking. She talks about her experiences sa klase namin sa pamamagitan ng tula. Sobrang lalim nga ng mga words na ginagamit niya. Tumango-tango lang ako na para bang merong naiintindihan. Mukha yatang sina Aya at ang teacher namin ang nagkakaintindihan.

When she's done, pumalakpak ako ng todo. 

All of us clap, proud naman si ma'am dahil napagtanto niyang meron pa palang isa sa'min ang matalino sa english.

"Ang ganda ng tula, goodjob Aya! " nag high five kaming dalawa. 

"Thank you. "

Bumunot na ulit si ma'am kaya bumalik na naman ang kaba.

Iilan na lamang sa amin ang hindi pa natawag kabilang na sina Jake at Xiam.

"Sino kaya ang susunod? Hmmm, let's find out. " tinaas ni ma'am ang popsicle stick na nabunot niya. All of us are curious as hell. 

Siningkit niya ang mga mata upang basahin ang pangalang nakaukit. Palihim akong nagdadasal na sana hindi ako. 

I hope it's not me.

"Cheon Red Hwa. Come here in front. "

Putang---

Automatic napalingon silang lahat sakin. I gulp, my heart is beating so fast that it could escape out of my rib cage. Nanlamig ang aking mga kamay, pati na rin paa kahit hindi naman naka-on ang aircon. I slowly stand up.

Malapit pa akong madapa. May nakaharang kasing bag sa gilid, sarap tadyakan ng may nag-ari.

Bakit napakatahimik nila? Wala man lang kunting cheer? Si Aya lang yata ang nag-iisang pumalakpak sakin.

Nang makapunta sa harapan, para akong matutumba nang tignan ang aking mga ka-klase. Titig na titig silang lahat sakin. 

Grabe, napakadaming pares ng matang nakatutok sa mukha ko. 

Eh kung dukutin ko kaya? Joke.

"You may begin whenever you're ready. " wika ni ma'am sa gilid ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa kanya. 

Napasulyap ako kina Jake at Xiam sa likuran. Pareho silang nakatingin sakin ngunit walang ekspresyon ang mukha ni Xiam samantalang kabaliktaran naman kay Jake. 

Jake is smiling widely.

Putspa, dapat ayusin ko 'to.

"A-actually, wala akong ibang naisip na sasabihin rito sa harapan. " panimula ko. I just imagine na walang tao. 

"But thanks to Aya, I came out with one. I will share to you, all the things I've learn from this school year. " sabi ko sabay ngiti. Somehow, some of them are smiling too. Gumaan ng kunti ang aking pakiramdam.

I awkwardly grab my script at binasa ito. 

"Magkahalong lungkot at saya ang aking nadarama this year. Since huling taon ko na 'to bilang high-school student, siyempre nakakalungkot isipin na I'm no longer a high school. Ngunit masaya naman dahil mag le-level up na ang buhay ko. Probably, learning something new in my upcoming college years. I've learn a lot. Really. Hindi lessons sa mga subject kundi lesson sa buhay. "

I breathe deeply. "So the first one is.....choose your friend wisely. "

Nagsimulang maglakbay ang aking isipan kung saan una kaming nagkakilalang magbarkada.

"I know that some of you likes having tons of friends. Masaya naman diba? The more the merrier, ika nga nila. Wala namang masama kung madami kang kaibigan. Pero kasi, ang problema dyan.....when times get tough, iilan lang sa mga dyan ang matatakbuhan at masasandalan mo. Iba ay backstabber, you'll never know their true intentions. Habang umuusad ang panahon, isa-isa naman silang aalis at iiwanan ka. You're lucky if merong isa or dalawa ang mananatili. "

Siguro kabilang ako sa mga taong i-consider nating 'lucky' dahil nanatili parin sa tabi ko ang mga bruhilda girls kahit ilang taon na ang nakalipas. Despite sa lahat ng problema at tampuhan, we're staying strong.

Tinignan ko ulit sila, I'm quite surprise that they are actually listening. Akala ko nakatulog na sila.

"Second, huwag magmadali sa pag-ibig. " 

Sinadya ko talagang tignan ang mga ka-klase kong merong jowa. 

"Kung wala kayong jowa, okay lang 'yan. Kung walang ka late night talks, okay lang 'yan. Kung walang ka video chat, okay lang 'yan. Teenagers like us tend to worry about love because we seek for happiness at kilig-kilig. Kaya iba sa'tin ay kung sino-sino nalang ang jinojowa, kulang nalang jowain lahat ng studyante sa campus. " 

May ilang nag-reklamo dahil bitter raw ako. 

"Hindi ako bitter okay? " depensa ko naman. Gusto ko pa sanang dagdagan ng 'I'm not bitter, I'm sweet and spicy rawr' kaso wag na. Delikado.

"Opinion ko lang naman 'to, huwag magalit. Let me tell you that you can find happiness without someone's help. Normal lang naman gustong magka-jowa but huwag magdali. Kaya ka nasasaktan eh. There is a perfect time for everything. You can't taste everything in order to find out the right flavour for you. Madami ka pang oras, why not enjoy those moment as a teenager? Instead problemahin ang mga jowa. Igugol mo muna ang mga oras na 'to para sa sarili mo. " 

Iilan sa kanila ay nag disagree sa opinion ko or should I say, sa mga natutunan ko. 

It's alright. May iba-iba naman talaga tayong utak kaya iba-iba rin ang opinion.

I just hop in for the third one, "Pangatlong natutunan ko ay don't put too much pressure on yourself. Especially sa pag-aaral. "

Naalala ko tuloy yung mga times na grade seven pa lamang ako, fresh pa. Madaming matalino sa klase namin noon, kaya natakot ako na baka hindi na ako kabilang sa mga honor student. 

"If you fail a certain subject, it's okay to feel sad. But you can't give up. Instead ay gamitin itong paraan upang pagbutihin mo ang pag-aaral. In my own experience, I set such high standard for myself. Sabi ko sa sarili ko, may mas ibubuga pa ako, may mas ikakatalino pa ako nito. Hindi ko man lang inisip na nahihirapan na pala ang sarili ko sa pag-abot ng mga unrealistic expectations. Ang bunga, palagi kong sinisisi ang sarili sa tuwing hindi naaabot ang expectations. "

Sa pagkakataong ito ay ang mga matatalinong studyante naman ang taimtim na nakikinig.

"Don't ever think that failure means you have to give up. But failure actually means to stand up, correct your mistakes and try again. Isa pa, kapag nag-fail ibig sabihin ay may kailangan ka pang dapat matutunan. So, loosen up and not be too hard on yourself. "

Sobrang nalungkot ako nung hindi ako nakasali sa mga honor way back seventh grade. But I realize that learning isn't a competition and a person's intelligence doesn't depend on the ranking. Kaya ang sinabe ko sa aking sarili ay "You did a great job. Let's try again next time. "

Binaliktad ko ang script at napahinga ako ng maluwag dahil malapit na akong matapos.

"Last thing I've learn. " sabi ko at aksidenteng napatingin kay Xiam. 

I quickly look away.

"The last thing I've learn is.....live your life to the fullest and not to the foolest. " I firmly stated. This is for my fellow teenager.

"Okay lang na mag enjoy habang bata ka pa. Drinking alcohol, hanging out with your friends, be too easy when it comes to education, lahat ng ito ay pinagtatanggol natin. We're too worried that we can't be able to enjoy our teenage years dahil sa pag-aaral. Ngunit merong kaibahan sa mag enjoy at abusuhin. " 

"Maaari pa rin natin enjoyin ang kabataan nang hindi pinapabayaan ang pag-aaral. Alam kong nakaka-stress nga naman talaga ang school ngunit ito kasi ang pangarap ng mga magulang para satin. Madami akong nakikita at napapanood na mga kabataan ngayon na panay gawa ng bisyo kahit underage pa, nakaka-sad lang talaga. Hindi porket bata ka pa ay pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo minsan kailangan ring lagyan ng limitasyon ang sarili. " napakamot ako sa ulo, feeling ko yata para akong galit.

I look at my classmates once again, "T-that's all. " awkward akong ngumiti. 

Buti nalang hindi nila ako iniwan sa ere. Pumalakpak kahit sobrang nonsense at boring ng mga sinabe ko. Bahala na. Ang importante ay tapos na ako.

"That was very nice Ms.Hwa. Sana pumasok talaga sa kukute ng mga ka-klase mo ang iyong ibinahagi. " ngiti ni ma'am kaya proud naman ako sa sarili. Hehe.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Xiam. 

Hindi ko alam kung natutuwa sya o hindi kasi walang ekspresyon ang mukha niya kagaya kanina.

Buhay pa kaya siya? Baka na stroke?

"Goodjob ms.hudas, galing mo naman. " nag thumbs up sakin si Jake. Unlike ni Xiam, napakalapad ng ngiti niya. 

Para tuloy kiniliti ang tiyan ko. 

"Pwede ka na maging spokesperson. " ngisi ni Aya nang makaupo ako. Maayos ba talaga ang speech ko kanina? Baka gino-good time lang ako ng mga 'to. Ayaw ko mag assume!

Insaktong tinawag naman si Jake. 

Hindi naman ako si Jake pero kinabahan ako bigla. 

Nagsigawan ang mga tropa niya, nangingibabaw ang boses ni Mark at Justin. Xiam on the other hand is just clapping his hands. 

"Goodluck baby, galingan mo ha! " malanding wika ni Mark, ginagaya ang mga fangirls ni Jake. 

Nagtawanan silang lahat habang papunta sa gitna ang tinawag. Sobrang chill nga niya eh, walang bakas ng kaba. Napakataas talaga ng confidence ng mga lalaki, noh? 

Nakangisi si Jake, may kinuhang papel mula sa bulsa. Nagsitahamik naman ang buong klase, inaabangan kung ano ang sasabihin niya.

Biglang sumulyap sakin si mokong at para bang ngumiti siya ng napakatamis. I blink twice, nagulat ako. It seems like no one noticed that. Jusko ho, may meaning ba ang ngiti niya?

He let out a deep sigh at sinimulan.

"If you ever find yourself stuck in the middle of the sea~~"

All of us gasp when Jake begin to sing.

Laglag panga naming lahat, first line pa nga lang ng kanta. 

Nagsigawan ang mga kababaihan.

"I'll sail the world, to find you~~"

Sumulyap ulit siya sakin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gagawin, gulat na gulat ang kaibuturan ko. This is the first time I heard him singing. Hindi ko akalain marunong siya kumanta.

Kinikiliti na naman ang tiyan ko. Malakas ang pagtibok ng puso.

"If you ever find yourself stuck in the dark and you can't see, I'll be the lind.....to guide you~"

Ang swabe niyang kumanta. Malamig ang boses, para bang bumubulong siya sa aking tenga. 

Nagtataka ako kung bakit kumakanta si Jake gayung speech nga dapat. Mukha rin namang walang pakialam si ma'am, sa katunayan pa nga ay nag e-enjoy siya. 

Siguro assuming lang ako pero pabalik-balik ng tingin sakin si Jake. Hindi ko maitago ang ngiti sa labi.

Dumating ang chorus, sinabayan namin siya. "You can count on me like 123, I'll be there. And I know when I need it I can count on you like 432 you'll be there. "

Our heads slowly swaying from left to right as Jake sing with his cold voice. Para akong tanga dahil ako lang ang hindi makasabay sa kanta. I don't know, para kasing iba na ang nararamdaman ko. 

Napakagulo.

Crush pa ba 'to? 

Or is it something deeper than that?

Hindi ko namalayan na tapos na pala siyang kumanta. Nagsigawan at nagsipalakpakan silang lahat. May iba pang hinahampas ang bote sa lamesa na parang mga siraulo. 

"Kapag may mga singing contest rito sa school, alam ko na kung sino ang tatawagin. " si ma'am, kinikilig. Laki ng ngiti eh. 

Proud na proud si Jake, swabe siyang naglakad pabalik sa upuan. Ako naman hindi makatingin ng maayos. 

"Ayos ba ang performance ko ms.hudas? " nag panic ako nang bigla niya akong tanungin. Tumango nang wala sa sarili.

Natawa si kumag. Kainis, pati tawa niya sobrang gandang pakinggan.

"Tol, ano. Pang one direction ba ang datingan? " rinig kong tanong ni Jake kay Xiam. 

"Mukhang pang little mix pa yata keysa sa one direction. " biro ni Xiam sa isang seryosong boses. 

Bumalik ulit ang atensyon namin sa harapan kung saan nakikitang isa nalang ang natirang popsicle stick. Kasalukuyang hawak-hawak ito ni ma'am.

We all know who's the last one.

"Xiam Vargas. It's now your turn. " 

****
To be continued

Featured Song: Count on me by Bruno Mars 

Continue Reading

You'll Also Like

57.3K 1.6K 77
BTS and Blackpink in their own famous cafés♡☆ COMPLETED.
1.1K 122 14
Burning embers. An entire kingdom in the brink of chaos. The thunderous roars of battle cries. A power to reckon. She was like a whisper from the p...
92.6K 2.7K 61
BINI ships Oneshots Compilation.
147M 5.5M 130
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...