Chapter 9: DreamLASTING
MERE'S
Naglalakad ako ngayon sa mall. Bibili ako ng regalo para kay Ericka, mamayang gabi na kasi ang party ni--
"Ay! Argh, look at my clothes! nadumihan mo na. Tatanga tanga kasi di tumitingin sa daan! Bitch." sigaw sakin ng di ko kilalang babae.
Maamo ang mukha, mas natatangkaran ko, maganda, hanggang bewang ang buhok.
Nabuhusan siya ng frappe sa cream colored niyang off-shoulder.
Di lang tumingin sa daan, tanga na agad? What the eff, nag-space out lang ako for a while kasi naghahanap ako ng pwedeng mai-regalo kay Ericka.
Umalis yung babae sa gilid ko at nilagpasan ako, hinawakan ko yung braso niya bago pa siya makaalis.
"For your information, ikaw ang tanga sating dalawa. Kasi kung alam mong hindi ako tumitingin sa daan, umiwas ka na para di tayo nagka-bangga." sabi ko at umalis sa harap niya bago nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko namang nagtawanan ang ibang taong nasa paligid namin kanina.
Umagang umaga ang daming shunga.
Well, nakakita na ko ng pwedeng mairegalo sa kanya. Isang stuff toy na human size, ok na siguro to?
Kaso malalaman niya agad na stuff toy pag ganito kalaki. Jewelries nalang siguro.
Pumasok naman ako sa isang Jewelry shop, Pandora ang pangalan, "4,999 Ma'am." sabi nung cashier kaya agad akong nagbayad at umuwi. Hindi pa nakakalayo sa mall, habang nasa jeep ay nakita ko si Ruccus sa isang bahay kasama ng mga pulis.
Wait what?
"Manong para ho." sigaw ko sa driver at agad akong tumakbo kay Ruccus. Laking gulat niya naman ng nakita ako, pati mga pulis ay nagtatakang tumingin sakin.
"Is she's the gir--
"Yes." pagputol ni Ruccus sa kumausap sa kanya. Nilapitan naman ako nung pulis at pinapasok sa loob, nasa likod naman namin si Ruccus kaya kahit naguguluhan ako sa nangyayari, sumunod nalang ako.
"Uh, A man is found dead last evening. He was killed while his wife is sleeping. When we heard their alibi's, his wife tell us all that she knows. She said, the cook is cooking dinner. The maid is cleaning and the butler is getting the mail. Please help us to get the murderer." paki-usap sakin nung pulis. Natawa naman ako sa sinabi niya, seriously? hindi pa nila alam sa lagay na yan?
"Ok, I'll help you but, why me?" tanong ko.
"Because we heard from Ruccus that you're a good student detective. Sinabi niyang ikaw ang lumutas ng recent case sa Brickle." masayang kwento ng pulis.
"Kilala mo na ba?" bulong sakin ni Ruccus. My eyes widened and my heart skipped a beat. What the hell was that?
"Hey?" bulong niya pa sakin. Natauhan naman ako kaya humarap ako sa kanila.
"Pwedeng makita yung apat?" tanong ko sa mga pulis.
Naguluhan naman sila, "Bakit apat? tatlo lang ang nasa list of suspect, it must be the cook, the maid and the butler." sabi nung pulis. Umiling naman si Ruccus sa kanila, mukhang naiintindihan niya siguro ako, "Uh, sige na Inspector Jacob, trust her." nakangiting sabi ni Ruccus sa kanila.
Trust. Madaling sabihin, mahirap gawin. Umalis yung police inspector na nakausap namin ni Ruccus.
After a minute or two, "Eto na sila." sabi ni Inspector Jacob habang nakasunod sa kanya yung apat.
Isa isa silang humilera sa harapan ko. Napa-rolled eyes naman yung asawa samin ni Ruccus na para bang iniisip kung bakit may teenagers sa crime scene.
Well, hindi ko siya masisisi.
"Kindly introduce yourselves?" sabi ko sa kanila. Nagkatitigan naman kami nung isang babae, sa tingin ko, ito ang asawa ng namatay.
"Melisa Rein, ako po yung maid nila." nakayukong sabi nung nakabihis na pang-kasambahay.
"Dexter Kirghizia, the butler." pakilala naman nung lalaking naka-itim at makisig ang pangangatawan. Hmm, I smell something fishy between him and the wife.
Bukod sa magkalapit sila, nakahawak pa sa balikat ng asawa ng biktima ang butler na ito. Pero malay natin na inaalo lang ni Sir Dexter dahil nagdaramdam ang namatayan diba?
"Rona Fenian, the wife." pakilala nung asawa. Oh well, wala sa mukha niya. Wala sa mukha niyang nasasaktan siya. Her eyes are not showing hurt but still, she's crying.
Danger.
My senses are giving me some warn. Pero may mga pulis naman, Mere! so don't bother.
"Delmar Filer, ako po yung cook nila." nahihiyang sabi nung lalaking maliit.
Ekis na siya sa list of suspicious person ko, walang wala sa itsura niya na makakagawa siya ng krimen. At nakatitig siya sa mata ko sign na nagsasabi siya ng totoo. His pupils are normal, so wala siyang kinalaman.
"Ok, anong ginagawa niyo kagabi?" tanong ko.
"Nakwento ko na ha?" naguguluhang sabi ni Rona habang pinagpapawisan.
"Kindly shut your mouth Mrs. Fenian, I'm just asking." mahinahong sabi ko sa asawa ng namatay. Bastos mang pakinggan pero hindi naman mawawala yung ganitong ugali pag nag-iimbestiga ka.
"Oh my god. Sino ka para sagot-sagutin ako? You're just a little girl, wala kang galang! Bakit ka ba nandito? Hindi laro laro to." naiinis na sabi ni Mrs. Fenian.
How dare her to call me 'little girl'? Yes I'm a girl but not little! Now, I'm pissed.
"Hindi pala laro to e bakit pinaglalaruan mo kami? Dinamay mo pa mga kasama mo sa bahay, hibang ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"What do you mean Mere?" tanong ni Ruccus. "Ineng, anong sinasabi mo?" tanong din ng ibang pulis na nakikinig.
"Nababaliw na yang batang yan! Ilabas niyo yan dito." sigaw ulit ni Mrs. Fenian.
Oh, don't be too obvious Mrs. Fenian. You're showing off some skin.
"Bakit? ayaw mo bang malaman nila ang ginawa mo?" nakangiting tanong ko. Nagtataka naman ang mga pulis sa kinikilos ko.
Ayaw niya ng laro? Ako, gusto ko.
Lalong pinag-pawisan si Mrs. Fenian, "Pwedeng patingin ng katawan ng namatay?" tanong ko sa mga pulis, tumango naman sila at dinala ako sa kwarto. Tiningan ko ang buong katawan at mga ebidensiyang maaring naiwan.
"Wala po ba kayong nakuhang fingerprints?" tanong ko. Umiling naman ang mga pulis. Pinagmasdan ko ulit bago ako lumapit sa mga drawer at aparador na nasa kwarto, may gloves naman ang mga kamay ko kaya ayos lang kahit anong hawakan ko.
What's this?
Yan agad ang unang tanong na pumasok sa isip ko ng makuha ang isang envelope sa isang drawer na naka-lock. Yes, I did lockpicked.
Annulment papers? Documents?
Kinuha ko yun at nagtingin tingin pa sa paligid. Nakita ko naman ang cellphone, maari ni Mrs. Fenian, tiningnan ko yun at may four-digit password. Dumako naman ang paningin ko sa calendar sa gilid. May naka-encircled na number dun, October 8. I entered 1008 as a password at nabuksan iyon.
Tiningnan ko ang messages at call logs. Nagtaka ako dahil iisang tao lang ang laman. 'DKLoves''
DK? Who is it? Hindi naman D ang first letter ng name ni Mr. Fen--
OH MY GOD! I KNEW IT!
Agad akong bumalik sa sala ng may ngiti sa labi, gotcha.
"Ano?" tanong ni Ruccus. Tumango ako sa kanya at umupo sa upuan kung saan ako naka-upo kanina.
"The murderer is no other than the wife." sabi ko. Nagulat naman silang lahat maski si Ruccus na nasa gilid ko.
"What?" sigaw ni Mrs. Fenian sakin.
"It's you Mrs. Fenian. You strangled him to death." sabi ko at kinuha ang mga papel sa envelope na nakita ko sa drawer nila.
"What are you talking about? Hindi ko makakayang patayin ang Mister ko!" sigaw niya sakin.
"Pero nakaya mo." nakangiting sabi ko.
"Anong ebidensiya mo!" naghahamong sabi niya sakin. Mas lalong lumawak ang ngiti ko.
"First, nung kinuhanan kayo ng alibi. Sinabi mo ang mga ginagawa ng mga kasama niyo sa bahay, diba?" tanong ko. Tumango naman siya.
"That's my first evidence." sabi ko.
"Ano namang ebidensya mo dun ha?" sigaw ni Mrs. Fenian.
"Ang alibi mo ay natutulog ka nung oras na namatay ang asawa mo. Samantalang sinabi mo kung anong ginagawa ng mga kasama niyo nung mga oras na namatay ang asawa mo. Why is that?" tanong ko habang umiiling sa kanila. Pati mga pulis ay nagulat sa sinabi ko.
"H-hindi sapat na ebidensya yun!" sigaw niya.
"Well, this is the second." sabi ko at pinakita ang hawak kong envelope, nanlaki naman ang mata niya at umiyak.
"Ano yan?" tanong ni Ruccus.
"Divorcement files. Nakikipag-divorse si Mrs. Fenian kay Mr. Fenian ngunit hindi pumayag ito." sabi ko. Naglapitan naman ang pulis sakin at kinuha ang hawak ko, tiningnan nila iyon at medyo lumapit kay Mrs. Fenian kaso bigla niyang hinila si Mr. Kirghizia at naglabas ng patalim.
"Subukan niyong lumapit! papatayin ko to!" sigaw niya sa mga pulis kaya nagsitigil sila sa paglalakad. Natawa naman ako kaya tumingin sila sakin.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" sigaw sakin ni Mrs. Fenian.
"Natatawa lang ako sa ginagawa mo. Seryoso ka ba Mrs. Fenian? Hindi ba, siya ang dahilan kung bakit ka nakikipaghiwalay sa asawa mo? Hindi ba, may secret relationship kayo?" sabi ko at nabitawan niya si Mr. Kirghizia.
"What the fuck! Anong sinasabi mo?" nauutal na sigaw sakin ni Mrs. Fenian.
"Just cut the act. Tapusin na natin to." sabi ko at tumayo na.
"Paano ko nalaman? I accidentally opened your phone. No, I absolutely opened it for a reason. And the reason is to find evidence. And fortunately, nakita ko ang pangalan ni Sir Dex which is DKLoves? What a lame call sign. Well, ang sweet niyo ha. Let's go." pang-aasar ko kay Mrs. Fenian, at bumaling na ko kay Ruccus para maka-alis na.
Ngunit pagtalikod ko ay tumakbo siya sakin, hindi agad nag-sink in sakin ang pangyayari kaya hindi ko siya napigilan, nadaplisan niya ako sa tagiliran.
She is dangerous. She's the danger, my senses warned me a while ago.
"MERE!" sigaw ni Ruccus at lumapit sakin.
"Arrest her!" sigaw niya sa mga pulis. "Just please, arrest that murderer! Dali! Tumawag kayong ambulansya, nauubusan na siya ng dugo!" sigaw niya ulit. Nakuha nila si Mrs. Fenian kaya napangiti ako kay Ruccus, ang ulunan ko ay nasa lap niya.
"H-hey Mere, stay awake!" sigaw niya sakin.
"R-ruccus, daplis lang yan." mahinang sabi ko.
"Daplis? Daplis ba yang ang lalim lalim? Mere, just stay awake. Hindi ko kakayaning mawalan ulit. Promise me." paki-usap niya sakin habang nilalagay ako sa stretcher.
"Mere, p-promise me!" sigaw niya habang pinapasok ako sa ambulansya.
"Promise." bulong ko at nawalan ng malay.
***
RUCCUS'S
"Mere, p-promise me!" sigaw ko habang inaakyat siya sa loob ng ambulansya, naisara na ang sasakyan at tinakbo na siya sa hospital ng walang sinasabing salita.
Nanghihinang dinial ko ang cellphone number ni Ericka.
"Javier, pasensya na. Nakatulong nga ang apprentice mo, na-agrabyado naman siya. Pasensya talaga, nabigla lang din kami." nakayukong sabi ni Inspector Jacob na nasa sasakyan niya.
"Ayus lang po, kami na pong bahala." sabi ko at pilit na ngumiti.
"Salamat talaga iho, sana gumaling siya agad at makatulong pa sa susunod." sabi niya at pinaandar na ang kotse niya.
"Hello, Rucs, what's up?" masiglang bati ni Ericka sa kabilang linya.
"Hi, Uh, Si Mere. Nasa hospital." mahinang sabi ko. Sobrang tahimik naman ng kabilang linya.
"What Javier, anong nangyari?" nauutal na sabi niya. I sighed.
"We solved a case a while ago but unfortunately, she got stabbed by the murderer." sabi ko, naririnig ko namang medyo humihikbi siya sa kabilang linya kaya nag-alala ako agad.
"For the second time, ayaw niyo talagang ituloy yung party ko no? Haha. Sige, dun pa din ba siya dadalhin? Bakit kasi di mo iningatan? Bakit di niyo ako sinama?" pagmamaktol niya. Pati ako nalulungkot dahil sa nangyari, at oo nga pala, mamaya na gaganapin ang birthday party niya na na-pospone last Saturday dahil na-hospital si Mere noon.
"Nagkita lang din kami sa incident. I'm sorry, and yeah, dun pa din room niya. Let's go?" sabi ko at um-oo naman siya kaya binaba ko na ang tawag.
Agad akong kumuha ng masasakyan at pinunta sa hospital. Pumunta ako sa room 204 at nakita kong nakatitig lang sa kawalan si Mere.
"R-ruccus!" masaya ngunit matamlay niyang bati.
"Gising ka agad?" tanong ko at nilapag ang gamit ko sa sofa at hinarap siya.
Ngumiti sakin si Mere, "Syempre naman, magtatampo si Ericka pag di tayo nagpunta sa party nun mamayang gabi kaya pinilit kong magising. And I promised it to you diba?" masayang kwento niya. Masarap pakinggan pero hindi pa mabuti ang kalagayan niya.
"She have nine lives like a fuckin' cat." sabi ng bagong pasok na lalaki. Mere rolled her eyes bago nagsalita.
"Why are you here?" tanong niya sa lalaki. Napatingin naman to sakin kaya nginitian ko ito.
"Bakit? bawal na ba ako dito? porket may boyfriend ka na nakabantay sayo, hindi na ko pwedeng magpunta?" sabi niya kay Mere.
"Hindi ko siya boyfriend, we're partners to solve crime. And ayokong makita ka." sabi naman ni Mere.
"To solve crime, huh? What's his name?" tanong ulit ng lalaki kay Mere. Umikot nanaman ang eyeballs nito sign na naiinis siya.
"May dila siya Light, siya ang tanungin mo. Hindi lang ako ang tao dito. And btw, asaan ang kambal mo?" tanong ni Mere.
"Oh, anong pangalan mo bro?" tanong sakin nung Light ng lumapit sakin.
"Ruccus Javier." maikling sagot ko.
"Light Avelardo, Mere's cousin. Nice to meet you." nakangiting bati niya at kinamayan niya ako.
"Si Dark? Nasa bahay, ayaw ka daw niyang makita sa miserableng lagay kaya hindi nagpunta but you seems fine." sabi niya ng humarap ulit kay Mere. Umupo muna ako sa sofa at nakinig sa usapan nila.
Pinsan niya pala ito at may kambal siya. Dark? and his name is Light, what the eff. Adik sa color ang ama niya.
"I'm Light and white as angel but Dark is black as devil." pagkwento ni Light, akala ko ay kay Mere siya nakikipag-usap, ayun pala ay sakin.
"Are you twins?" tanong ko. Obvious naman Ruccus diba.
"Yep, and Mere is our one and only cousin in Avelardo clan. She has many cousins in Romelo clan, right?" tanong niya kay Mere. Tumango naman si Mere sa kanya kaya tumango nalang din ako sa kanya.
"Mere is cold as ice, brat as bitch, she's like Dark. And Lara i--
"Shut up." emotionless na sabi ni Mere. Nanindig naman ang balahibo ko sa boses niya. Ang lamig, nakakatakot. Ayaw niyang pinag-uusapan ang kapatid niya?
"I'm sorry. Wait, Dark is calling." paalam ni Light kaya lumabas na ito ng kwarto.
Mere sighed and smiled at me.
"Are you okay?" tanong niya sakin.
"Ako nga dapat nagtatanong sayo e. Are you okay?" balik na tanong ko.
"More than fine, Ruccus." sabi niya at ngumiti.
"Hey you demon! Ano nanamang ginawa mo?" tanong sa kanya ni Ericka.
"Oh hi, Ericka. What a nice greetings." sarkastikong sabi ni Mere sa bagong dating na si Ericka. Napatingin naman siya sakin kaya ngumiti ako.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Ericka at kumuha ng upuan at nilapit sa kama ni Mere.
"Wala, adventure lang." natatawang sabi ni Mere sa kanya kaya sinamaan siya ng tingin ni Ericka.
May pumasok namang dalawang tao, si Light and uh, Dark? Teka, sino ba si Light sa kanila?
"Oh, hi Dark. Hi again, Light!" sabi ni Mere. Lumapit naman si Dark sa kanya, yes alam kong si Dark na yun, naalala kong naka-red palang damit si Light kanina at naka-gray itong bagong dating. Magkamukhang magkamukha sila.
"What the hell is going on Mere? bumabalik ka nanaman sa dati, mamamalagi ka nanaman ba dito?" malamig na tanong sa kanya ni Dark. Umupo sa tabi ko si Light.
"Sabi ko sayo e, sila lang lagi nagkakatapat niyan ni Mere pero nahihigitan siya ni Mere." bulong sakin ni Light.
"Don't play detective and the likes again for pete's sake, you're not one!" pangaral sa kanya ni Dark.
"Bakit? ikaw ba ang nasa katayuan ko? Dark, hindi ikaw si Mere. Hindi na ako yung Mere na susunod sunod nalang sayo." sigaw sa kanya ni Mere. Napangiwi si Mere pagtapos niyang sumigaw. Makakasama sa kanya yung ginagawa niya e.
"You are not a kid anymore para pagsabihan pa!" sigaw din sa kanya ni Dark. Gusto ko mang sumingit, hindi naman pwede.
"You are not my father para sundin ko! Si Papa ang nagtutulak sakin para gawin to. Gusto kong gawin to para sa iba dahil hindi ko to nagawa para kay Lara. Now, masaya ka na ba? Masaya ka na ba Dark?" sigaw ni Mere at napahawak siya sa tagiliran niya kung saan may saksak siya. Lumapit ako dito.
"I'm sorry Mere. Oh fuck, Light tumawag kang doktor. Mere, i'm sorry, i'm just carried away." sabi sa kanya ni Dark.
"Stop, wag kang lalapit! Pareho lang kayo ni Papa na hindi marunong um-appreciate! Get the fuck out of my sight!" sigaw niya kaya kahit labag sa kalooban ni Dark ay umalis to ng kwarto.
Lumapit naman kami ni Ericka sa kama ni Mere at tinulungan siyang humiga.
"Swiss, anak." sabi ni Dr. Romelo na pumasok sa kwarto.