REINA
WALA na akong puwedeng matakbuhan, si Rondell na lang ang maaasahan ko ngayon. Masama siguro nga akong tao. Hindi ko na nga magawang mahalin si Rondell tapos idadawit ko pa siya rito. Nakakaloko ang buhay. Hindi mo ma-predict kung anong susunod na mangyayari. One moment, you are happy and the next, you are not.
"Ron, Puwede bang ilayo mo muna ako rito, dalhin mo ako sa malayong malayo. Kahit saan. Basta malayo."
"Pero bakit?" may pagaalalang tanong niya.
"Gusto kong maintindihan ang lahat, magagawa ko lang iyon kung makakapag-isip ako, magagawa ko lang iyon kung makakalayo ako dito."
"Sige." Sabi ni Ron at sumakay na kami sa kanyang motor.
"Nasaan tayo?" tanong ko pagkadating naming sa lugar na never ko pang narating.
"Nandito tayo sa Roses and Symphonies Flower Garden sa Batangas."
"Garden?"
"Ang totoo ay flower farm ito na minamanage ko, itinayo ko ito on my own, isa itong business at kami ang nagsusupply ng mga bulaklak sa malalaking flower shops sa bansa." Tumango-tango ako at iginala ang aking paningin.
"You can take a tour if you want. Hahayaan kitang mag-isip. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka. Smile, Reina." ginulo-gulo niya ang buhok ko na parang bata pagkatapos ay nag- jogging na siya patungo sa kung saan.
•♥•♥•♥•
TAHIMIK ko lang na pinagmamasdan ang mga bulaklak na nakatikom pa dito.
"Ang mga bulaklak, nakatikom sila sa simula, bubuka sila pagkaraan ng ilang araw at malalanta pero hindi kalaunan ay magkakaroon muli ng mamumukadkad." Sumulpot si Ron sa likuran ko.
"Rondell! Kanina ka pa ba diyan, nasaan na ang lalaking kausap mo?" kanina kasi ay nakita ko siyang may kausap habang nag-iikot ako dito sa farm.
"Umalis na siya, huwag na nga natin siyang pag-usapan."
"Okay. Alam mo Ron, napakagandang pagmasdan ng mga bulaklak kapag nakatikom pa sila, hindi nila nakikita ang problema ng mundo."
"Pero mas maganda silang pagmasdan kapag bumuka na ang mga talulot nila."
Napaharap ako kay Ron "Ha?"
"Aware sila sa nangyayari sa paligid nila. Hindi sila nagtatago sa katotohanan, handa silang harapin ang mundo gaano man ito kaganda o kagulo."
Napako ako sa kintatayuan ko dahil sa sinabing iyon ni Rondell,
"Ah, Ron, halika na. Tara na," pagyayaya ko sa kanya.
"Saan?" nagtatakang tanong ni Rondell.
"Iuwi mo na ako."
"Talaga? Mabuti naman."
Hindi ko alam kung paano nangyari pero parang natauhan ako sa sinabing iyon ni Ron. Bagama't sigurado ako na hindi ako ang pinupunto ng sinabi niyang iyon, para paring kusang nauntog ang ulo ko sa pader.
Kailangan kong harapin ang mga problema ko.
LAURENCE
I DOWNED my third bottle of beer. This is frustrating as hell. Missing the one you love is like being killed not just once but over and over again.
Naninikip ang dibdib ko. Para akong mauubusan ng hangin. When she left... she left with my breath and my heart away with her. I no longer know what to do with this damn life. Ang taong dahilan kung bakit ako patuloy na kumakapit ang siya namang bumitiw sa akin. Damn it!
I stared at the balcony again, wondering where on earth could Reina possible be. Wala akong makuhang impormasiyon sa kahit na sino. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap. I've been looking pero hindi ko siya makita. Kailangan ko na yatang halughugin ang buong mundo.
Just when I already know how to face the world, my 'world' left me. Is it the price to pay for wanting freedom and happiness?
Nabalik ako sa aking ulirat nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng sasakyan, sigurado akong motorsiklo iyon ni Rondell. Malakas din ang paniniwala ko na kasama niya si Reina. Kaagad akong tumayo at sinilip sila mula sa may balustre. Dammit! I'm right! Bakit sila magkasama?
Dali-dali akong umalis ng balcony at bumaba sa hagdan habang sinansambit ang pangalan ng babaeng mahal ko. After days of searching and waiting, finally, makikita ko na siyang muli.
Lumabas ako ng gate at nakita ko sina Reina at Ron na kabababa lang ng motorsiklo.
Nandoon ang mga magulang ni Reina, nakasunod naman sa akin ang mga magulang ko.
"Anak, mabuti at bumalik ka na, nag-alala ako sa iyo." Niyakap ni Tita Roxanne si Reina.
Inis na kumalas sa pagkakayakap si Reina. "Hindi ako naparito para sabihing hindi na ako galit o kaya ay para sabihing uuwi na talaga ako. Naparito ako para maintindihan ang lahat... ang lahat- lahat. Walang labis. Walang kulang. Wala kayong ililihim. Nandito ako para marinig ang mga paliwanag ninyo. Umaasa ako na magiging maayos din ang lahat. Pero binabalaan ko kayo..." isa-isa niya kaming tiningnan. " Kung hindi ko magugustuhan ang maririnig ako ay aalis na ako at hindi ninyo na ako muling makikita."
"Maging ako ay mawawala sa buhay ninyo." Pagbabanta ko. Tumingin sa akin si Reina. Matagal ko siyang tinitigan. Sa huli ay tumango lamang siya. Damn it! I miss her so much. Pero hindi ko siya magawang yakapin. Alam kong hindi pa siya handa. Kailangan muna naming malaman ang lahat.
Pumasok kaming lahat sa loob ng bahay nina Reina para mag-usap. Magkatabi sa isang couch ang parents ko at parents ni Reina. Si Ron ay nagpaalam na, hindi raw siya manghihimasok sa usaping ito. Mabuti naman, baka masapak ko lang ulit siya. Si Reina naman ay umiiwas sa akin, pilit kong hinuhuli ang kanyang tingin pero mailap siya.
"Eighteen years ago, nagkakilala kami ni Anthony. Hinahabol siya ng batas dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Pinagkatiwalaan ko siya at tinulungang malinis ang pangalan niya. Naging magkaibigan kami, nalaman ko rin na may-ari siya ng isang malaking company. After few months ay nagkita kaming muli, malinis na ang pangalan niya at lumipad na siya papuntang London," Pagpapaliwanag ni Daddy.
Tahimik lamang kami na nakikinig pero panay pa rin ang pagsulyap ko kay Reina. Jesus! Ang tagal matapos ng pag-uusap na ito para mayakap ko na siyang muli.
"Ten years ago ay muli kaming nagkita sa London, nalaman ko noon na nasa gitna ng problema ang company ni Enzo, hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya," Dagdag ng Daddy ni Reina. Nagdilim ang paningin ko sa sinabing iyon. Iyon ang taon kung kailan namatay si Kuya.
"Noon ding mga panahong iyon ay nagkita kami sa isang conference and we decided na ipagkasundo kayo, sinubukan namin kung magiging okay kung magsasama kayo, hindi naman namin kayo pipilitin kung ayaw ninyo sa isa't isa." Sabi naman ni Tita Roxanne.
"Rence, Reina, nakita ko kung paano nabuo ang pagmamahalan ninyo at hindi namin hahadlangan iyon," Sabi naman ni Mommy. Nararamdaman ko na ang hamog sa mga mata ko. I could hear Reina sniffing.
"It's not about the business at all, sabihin na lang natin na by-product iyon, kitang kita namin kung gaano ninyo kamahal ang isa't isa. Huwag ninyong isipin na pambayad- utang kayo para maisalba ang parehong company dahil matagal nang nabayaran ng isa't isa ang utang na loob." Dagdag ni Tita.
"Our families value our friendship so much, totoong college friends kami ni Roxanne at masaya ako na malamang magkaibigan din sina Enzo at Anthony," Sabi ni Mommy.
"Para ito sa lahat, sa business, sa friendship, sa family but above all, for the two of you." sabi ni Daddy.
"Naiintindihan ko na ang lahat, ang galing ninyong magplano pero nagpapasalamat pa rin ako dahil ipinaliwanag n'yo ng maayos. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib." Humarap si Reina sa papa niya. "Pero, Daddy, sana naman ay huwag ka nang mawala."
Tumayo si Tito at niyakap si Reina. "Oo anak, hindi na ako mawawala."
"Sa takbo ng buhay namin ngayon ay may hiling sana ako, hayaan ninyo sana na kami muna ang magdesisiyon para sa sarili namin," sabi ko. Tumingin sa akin si Reina. Nginitian niya ako at tumango. I miss that smile.
Matapos naming mag-usap lahat ay nilapitan ko si Reina at niyaya para pag-usapan ang tungkol sa amin. Nasa balcony kami ngayon at bago pa man maghari ang katahimikan ay nagsimula na akong magsalita.
"I'm sorry sa nangyari, aaminin ko na nagkamali ako pero paninindigan ko ang pangako kong hindi kita bibitawan."
Humarap sa akin si Reina with smile on her face. She cupped my face. "Rence, wala na iyon, ang mahalaga ngayon ay nandito ka sa tabi ko, ako ang bumitaw pero patuloy mo akong hinawakan. I'm sorry, pinagsisihan ko ang paglayo ko sa iyo pero sabi ko nga wala na iyon, ang mahalaga ay ang ngayon at ang darating na bukas."
I hugged her,
"I love you, My Rose." And once again, her lips met mine and together with this kiss is a promise that I will never let her go, never again.