“Face can speak a thousand emotions. It can easily mask what the heart truly feels. The happiest face maybe masking the most hurting heart.”
-- Anonymous
*CHAPTER 20* ( HE came during My Special Day. )
~CLENERY’s POV~
“Ayan. Look at you! You’re like a Goddess my dear Clenery!” sabi ni Ate Junifer. Ang baklang nagayos sakin.
Nginitian ko nalang si Ate Junifer. Hindi ko alam pero wala kasi ako sa mood ngayon. Kaya lang dapat ibalik ko na ang mood ko dahil ilang oras nalang gaganapin na ang birthday ko.
Pagkatapos akong ayusan ni Ate Junifer ay nagsabi siya na kukunin lang daw niya ang susuotin kong gown para mamaya.
Naupo muna ako sa kama. Nandito kami ngayon sa isang 5 star hotel. Ito ang napiling venue ng mga kapatid ko para pag-ganapan ng debut ko.
Nalaman ko na imbitado ang lahat ng students ng C.U sa party na ‘to.
Pinaghandaan nga talaga nila. Sinabi din sakin nila kuya Nate na matagal na nilang ginagawa ang preparations para sa special day na ito. Wala pa daw sila dito inaayos na nila ang mga dapat ayusin para dito.
Napabuntong hininga nalang ako. Naiintindihan ko naman kung bakit nila kinailangan gawing bongga ang pagsapit ng debut ko. Kasi diba only girl ako at bunso pa kaya lahat binuhos nila sakin. Thankful naman ako dun pero hindi lang talaga ito ang gusto ko para sa debut ko. But still happy naman ako.
Dumating na si Ate Junifer at ipinakita niya sakin ang susuotin ko. Maganda siya. Eleganteng tingnan. Kahit sino siguro ang magsuot nito magiiba ang itsura eh. Ang galing ng mga designers. Hehe
Isinuot ko na ang gown ko at tinulungan naman ako ni Ate Junifer para maiayos ang pagkakalapat sakin.
Ilang sandali pa ay natapos na niya itong ayusin. Pinaharap naman niya ako sa whole body mirror sa kwarto.
(A/N: pakitingnan nalang po yung picture na yun sa gilid para sa itsura ni Clens. Hehe.)
Nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay isa lang ang nasabi ko,
“WOW.” napahanga ako sa sarili ko.
Hindi ako makapaniwala! Ako ba talaga ‘to?!
“See? I told you! You’re such a Goddess!! Kakainggit ang beauty mo te!” sabi ni Ate Junifer.
Nagpalipas lang kami ng ilang oras hanggang sa pumasok sa kwarto si Kuya Nate.
“My lady are you ready?” sabi niya pagkapasok niya.
Huminga muna ako ng malalim saka ngumiti, “Yes Kuya.”
Sabay na kaming lumabas ng kwarto ni Kuya at nagpunta sa Hall ng hotel.
Pagkadating naman namin doon ay sinalubong agad kami ng tatlo ko pang kuya,
“Wow! Gorgeous!” Kuya Melvin.
“Lalong lumabas ang ganda mo My lady.” Kuya Michael.
“Tsk! Buti nalang ako escort mo. Mababantayan kita sa mga lalaki don sa baba.” Sabi ni Kuya Shin.
Yep tama kayo ng nabasa, si Kuya Shin ang napili kong maging escort. Hehe. Wala namang problema yun kila kuya eh. :D
Magsasalita na sana ako para sagutin ang mga sinabi nila kuya nang may boses akong narinig mula sa likuran,
“Aww. Darling look at our daughter. She’s pretty! She’s a lady now. She’s not our baby anymore!”
“*sigh* I know, I know. She changed a lot. I miss my baby.”
Dahan dahan akong tumalikod para tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng mga boses na yun. Baka kasi nagkakamali lang ako ng hinala eh.
Pagtingin ko sa likod doon ko lang narealize na hindi ako nagkakamali,
Nakita ko ang isang babae at isang lalaki na nasa age 40+ na nakangiting nakatingin sakin.
Iiyak na sana ako kaso,
“Oh! Oh! Shh! Don’t you even try to cry. May make-up ka! Masisira yan! Halika ka nga dito! I miss you young lady!” sabi ng babae sabay yakap sakin.
“M-mommy..” niyakap ko siya.
Kainis naman eh! Naiiyak ako pero hindi pwede!.. T____T
“Teka, pasali naman ako.” Sabay yakap samin ni mommy.
“D-daddy..” magkayakap na kaming tatlo.
“Daya naman oh! Kame din!” at ayun na nga sumunod na yumakap samin ang apat kong kuya.
T______T Ngayon nalang uli kami nabuo! Sobrang namiss ko ang ganito!
After ng yakapan moment ng family namin ay tinawag na kami ni Kuya Shin ng organizer dahil ilang sandali nalang daw tatawagin na ako.
Wew. Kinakabahan ako…
***
“Ladies and gentlemen. Good evening to all of you. Tonight will be the night of the one and only princess of Chua Family. Are you ready to see the pretty and gorgeous debutant? Here she is. With her handsome escort, Ms. Clenery Shane Marie Chua.” After sabihin yan ng MC ay nakarinig nalang ako ng palakpakan sa kanilang lahat.
Tumingin ako kay Kuya Shin at tumingin din naman siya sakin.
“Shall we?” sabi niya habang inaalok niya sakin ang braso niya at nakangiti.
Inilagay ko ang kamay ko sa braso niya saka ngumiti,”Let’s go.”
Dahan dahan kaming bumaba ni Kuya Shin sa isang palikong hagdan na may mga flowers na nakalagay sa hawakan nito at sa bawat baitang ay nakalatag ang red carpet.
Patuloy pa rin sa palakpakan ang mga tao.
Bakit ba ako kinakabahan?
Pakiramdam ko hindi matatapos ang gabing ito ng walang nangyayaring kakaiba.
Nakangiti lang kami ni Kuya Shin hanggang sa makababa na kami.
Nakita ko naman agad sa pagbaba namin ang tatlo kong kuya at ang parents namin. Nakangiti sila habang pumapalakpak.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong hall.
Napaka-disente ng pagkakaayos nila. Kung titingnan para akong nasa isang fairytale nito. Hindi ko makilala ang iba dahil lahat sila ay nakamaskara.
Masquerade party ang tema ng debut ko. Yun ang naisip ng mga kuya ko dahil sinabi ko daw yun sa kanila nung bata pa ako.
Half mask lang ang suot ko. Kulay gold at pink ang color nito. Kaya dapat ngumiti ako dahil nakikita nila ang labi ko.
Half mask din ang suot ng apat kong kuya at ng parents ko. Ang sa iba naman ay full mask na lahat kaya hindi ko na sila makilala.
Maging sila Kat, Kitzie at Cyclone hindi ko alam kung sino sila sa mga tao dito. Ang alam ko kasi lahat ng business partners ng parents ko nandito ngayon kaya sobrang dami ng umattend.
“There you go. The drop dead gorgeous with her fabulous gown and mask. The debutant Ms. Clenery Shane Marie Chua. Another round of applause everyone.” Sabi ng MC.
Ngumiti lang ako sa kanila at nag-bow bilang pasasalamat.
Hinatid ako ni Kuya Shin sa upuan ko. Mayroon akong sariling upuan na nakalagay sa parang maliit na bahay? Hindi ko maexplain pero masasabi ko na para talaga akong prinsesa.
Sa magkabilang gilid ng upuan ko ay makikita ang upuan naman ng parents ko at mga kuya ko.
Nasa gilid kami ng Hall. Pero pansinin pa rin. Mula dito makikita ang stage sa gitna kung saan gaganapin ang sayawan mamaya.
***
(A/N: Flashforward na para masaya haha! Lol..)
Sinabi ng MC kanina na ilang minuto nalang daw ay magsisimula na ang sayawan.
Kung itatanong niyo kung mayroon akong 18 something, well wala ako nun. Tinanong na ako nila kuya kung gusto ko ng ganun pero umayaw ako. At pinagbigyan naman nila ako.
Sayawan lang ang masasabi kong highlight ng party na ito. Sa sayawan kasi na iyon ay lahat ng babae ay pupunta sa gitna ng stage at ganun din ang mga lalaki. Isasayaw ng lahat ng lalaki ang mga babae. Paikot ang mangyayari. Kapag nagbago ng music iiikot ng lalaki ang babae at iba na ang makakasayaw nito.
“Calling all the ladies and gentlemen. Pls come here on stage and we will start the highlight of this party. Thank you.” Sabi ng MC.
Inalalayan ako ni Kuya Shin at lahat ng babae at lalaki ay nagpunta na sa stage.
Kanina ko pa pilit hinahanap sila Kat pero hindi ko talaga sila makita. >_<
Nakarating na kami sa stage, ako ang nasa gitna ng lahat. Si Kuya Shin ang first dance ko.
Nagsimula na ang sayawan. Ang tugtog ay yung mga song sa kutilyon. Alam niyo naman yun diba? XD
Dahan dahan akong sinasayaw ni Kuya Shin. Nakangiti lang siya sakin. Isa pa nga palang rule sa pagsasayaw nito ay bawal kayong mag-usap ng kasayaw mo. Dapat ienjoy niyo lang ang moment niyong dalawa.
Natapos ang unang song at inikot ako ni Kuya Shin, pagka-ikot ko naman ay may biglang humawak ng kamay ko.
Nakatingin siya sakin ngayon gaya ni Kuya Shin nakangiti din siya.
Nginitian ko nalang din si Kuya Melvin. Kasi bawal nga magsalita. (_ _)
Nagpatuloy lang ang sayawan. Alam ko na ang 1st, 2nd, 3rd at 4th dance ko ay ang apat kong kuya. Ang mga sumunod naman ay hindi ko na makilala. Siguro naisayaw na din ako ng basketball team ng C.U >_> ang dami ko na kasing nakasayaw. Pero hindi ko alam kung naisayaw na ako ni Mr. Stealer at Mr. Manhid. Teka? Baka hindi sila umattend? Ok lang, masaya yun! ^__^
Medyo napapagod na din ako. Haist. Sabi na hindi ako sanay sa ganito eh.
Pagka-ikot sakin ng kanina kong kasayaw ay siya namang hawak sakin ng isang lalaki.
Kilalang kilala ko ang lalaking kasayaw ko ngayon.
Ang daddy ko. Kitang kita ko sa mga ngiti niya at mga mata niya na namiss niya ako.
Niyakap ko siya. Namiss ko ang daddy ko eh! Mommy & daddy’s girl kasi ako. ^_^
Natapos na muli ang kanta.
Haay, panibago na naman.
Inikot ako ni daddy pero pag-ikot niya sakin ay wala ng humawak ng kamay ko.
Ang sakit na ng paa ko T^T Feeling ko matutumba na ako dito.
Titingnan ko na sana kung may paltos na ba tong mga paa ko nang may mapansin akong lalaki na papunta sakin.
Napatingin ako sa kaniya.
Naglalakad siya ngayon papunta sa direksyon ko.
Nang makapunta siya sa harap ko ay tiningnan niya muna ako.
Naka-white tuxedo siya with black necktie at naka-white and black full mask siya.
Mas matangkad siya sakin pero konti lang.
Nakatingin siya ngayon sa mga mata ko at ganun din naman ako sa kaniya.
Kilala ko ba ang lalaking ‘to?
Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko?
Nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ang dalawa kong kamay at inilagay ito sa balikat niya.
Nakatingin pa rin siya sakin habang ginagawa niya yun.
Nilagay niya ang mga kamay niya sa bewang ko.
Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.
Ngumiti siya at pagkatapos ay dahan dahan niya akong sinayaw,
Ang mga ngiting yun.
Ang lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Magkatinginan kami ngayon.
Hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kaniya.
Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nagsasayaw ngayon.
Bakit ganito?
Sino ba ang lalaking ‘to?
Malapit ng matapos ang kanta.
Pero ganun pa rin. Nakatitig siya sa mga mata ko.
Kailangan kong alisin ang mga titig niya.
Hindi pwede, malalaman niya ang tinatago ko.
Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita,
“A different in your life starts tonight, when you make a choice to move on from what happened yesterday. Don’t waste a time in other people who did not appreciate you.”
Sa sinabi niya, wala akong maintindihan.
Bakit ganun ang sinabi niya?
Ngumiti lang siya at bigla niya akong hinapit palapit sa kaniya.
Malapit ng matapos ang kanta.
Naramdaman kong inilapit niya ang bibig niya sa kanang tenga ko.
Ang lapit namin sa isa’t isa ngayon.
Kung titingnan para kaming magkayakap na dalawa.
Akala ko wala na siyang sasabihin pero mas nagulat ako sa muling sinabi niya na nakapagpahina sakin,
“Wag kang magtago sa isang salamin miss, dahil dadating ang panahon na mababasag yan ng isang taong hindi mo inaasahan.”
Pagkatapos niyang sabihin yan ay saktong natapos ang kanta sabay paikot niya sakin.
Paano?
Paano niya nalaman yon?
Ang sikreto ko,
Alam ng isang taong hindi ko kilala.
Napatakip ako ng bibig ko…
Sino siya?!
Bakit ngayon pa?!
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~