I Love You, Prof.

By Kwin_23

345K 7K 256

I feel so indecisive What should I do? Without you is hell Uncertainty is all I feel How am I supposed to acc... More

Author's Note
Cast
Chapter One : First Meeting
Chapter Two : The Professor
Chapter Three : Tension
Chapter Four : Vera
Chapter Five : Keirah Eunice
Chapter Six : Friends
Author's Note
Chapter Seven : JP
Chapter Eight : Notebook
Chapter Nine : The Sister
Chapter Eleven : Bewildered
Chapter Twelve : Indecisive
Chapter Thirteen : The Sanctuary
Chapter Fourteen : I Love You
Chapter Fifteen : Part of Me
Chapter Sixteen : Erstwhile
Chapter Eighteen : Buttress
Chapter Nineteen : Aptness
Chapter Twenty : Uncloaked
Chapter Twenty One : Birthday
Chapter Twenty Two : Inflame
Chapter 23 : Clandestine Love Affair
Chapter 24 : Nether
Chapter 25 : Symphony Soldier
Chapter 26 : Quondam
Chapter 27 : The Talk
Chapter 28 : Rejoined
Chapter 29 : Menace
Chapter 30 : Nataniel
Chapter 31 : Battlefield
NAU
Chapter 32 : Sentinel
Chapter 33 : Mate
Chapter 34 : They Don't Know About Us
Chapter 35 : Temporary Bliss
Chapter 36 : Lovesick Fool
Chapter 37 : Angel's Cry
Chapter 38 : One Love
Chapter 39 : Four Walls
Chapter 40 : Unsaid
Chapter 41 : Agone
Chapter 42 : Just Like A Fool
Chapter 43 : Hearken Back
Chapter 44 : Deja Vu
Chapter 45 : Memoirs
Chapter 46 : Two Pieces
Chapter 47 : Us
Chapter 48 : Forbidden
Chapter 49 : Revelation
Chapter 50 : The Last Verdict
Epilogue : I Love You, Prof.
Author's Note

Chapter Ten : Senseless

6.4K 152 1
By Kwin_23

A/N:

All the chaps are not edited yet so kindly pardon all my typos, loopholes and wrong grammars. Thank you! ✌

**********************************

Sheiia

Damn you, Vera.

Buong araw akong kinulit ni Vera kasi nagpanggap akong nagtatampo sa kanya. Paano ba naman, ni hindi niya sinabi na Ate niya si Prof. Melendrez! Kung hindi pa makikita ng dalawa kong mata kahapon, hindi ko pa malalaman.

Oo na, ako na natameme. May gana pa siyang tuksuhin ako at asarin tapos malalaman kong ate niya pala ang taong palaging gumugulo sa isipan ko. Nakakainis pero at the back of my mind, mas lalo akong humanga kay Prof. She looks so successful. May magandang trabaho, bahay at negosyo.

Damn, eto na naman. Mas lalo atang lumalalim ang kung anong meron ako kay Prof. Ano nga ba talaga?

Ang totoo, hindi ko rin naman alam kung ano. Crush? Nah. Definitely no. Nagkaroon na rin naman ako ng crush noon pero hindi ganito. Yung parang simpleng kinilig lang ako kasi gwapo o kaya naman bumilib lang ako kasi magaling sa volleyball.

Then what?

Hindi ko rin talaga alam kung anong estado ng katinuan ko ngayon. Habang tumatagal mas lalo akong naguguluhan. Ang problema ko pa, ten minutes before five in the afternoon na. Pupunta na akong bahay nina Vera, whether I like it or not.

So far, okay naman ang kinalabasan ng lakad namin ni Vera kanina. Kahit medyo imbyerna ako sa kanya, nagbiruan pa rin naman kami.

"She doesn't want me to tell you that we're sisters that I decided to bring you in our house. I was satisfied with what I've got in return, I surprised you both. Hindi rin kasi niya alam na andun ka."

Naalala ko pang sabi ni Vera nung tinanong ko siya kung bakit hindi niya sinabi agad sa akin ang tungkol kay Prof. Kaya pala ang dami niyang alam kay Prof nung nagtanong ako sa kanya.

Nagulat ako sa sagot niya, sa totoo lang. Eh bakit naman may patago-tago pang nalalaman ang propesor na yun? What difference will it make if I'll know that they're sisters?

To think ako lang pala ang hindi nakakaalam sa school na kapatid siya ni Vera. Damn, talaga. Buti nga ay hindi ako bumigay sa mga tukso ni Vera. Baka isipin niya eh pinagnanasaan ko na ang Ate niya.

"Shii, let's go. I'll be the one to drive you there, I want to make sure you're safe. I trust you, you know that right?"

That's Kuya Gid. Siya ang maghahatid sa akin kasi gusto niya daw masigurong safe ako. Kahit kailan ang protective talaga niya. But I like this side of him, anyways.

"Thank you, Kuya Gid. I love you." Niyakap ko pa si Kuya. I'm still lucky kasi ramdam kong mahal niya talaga ako sa kabila ng lahat.

He hugged me tight and kissed me on the forehead. "I love you too, baby Shii. Always remember that."

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa Bugatti niya. Nasa pagawaan kasi yung Mercedes ni Kuya kaya yung Bugatti ang parati niyang gamit.

Five pm sharp nang makarating kami sa bahay nina Vera. Agad ko siyang tinawagan para sabihin na nasa labas na ako. Nahiya kasi akong pumasok agad lalo pa't alam kong sa bahay na yan nakatira si Prof.

"Hey, Sheiia. Nasa Supermarket pa kami, sorry may binili lang. Pabalik na kami. I'll call Ate to tell her na nasa labas ka na. Got to go."

Okay. Ni hindi manlang ako naka-hello at tapos na agad ang tawag.

Binalingan ko si Kuya. "Kuya, nasa Supermarket daw sila at pabalik na. Yung Ate nalang daw niya ang lalabas para makapasok na ako. Antayin ko nalang sila sa loob."

"Sure, baby. Come, ayan na ata siya." There, I saw the most handsome professor I've ever seen in my whole life coming out from her glass house.

Wow, exag na yan ha!

Nakangiti itong lumapit sa aming dalawa and to my surprise, nag fist bump pa ito kay Kuya.

"Harris. Nice seeing you again!" Mukha namang genuine ang ngiti ni Prof. kaharap si Kuya. To top it all, magkakilala pala sila. Mukha pang hindi basta-basta magkakilala.

"Ash! Hey, bahay mo ba ito? Wow. Asensado ka na talaga a. It's been what? Six years? Look at you now! Nauna ka pang magkabahay sa akin!"

Tuwang tuwa pa si Kuya sa pag-uusap nila ni Prof. kaya hindi tuloy ako makasingit sa kanilang dalawa. Feeling extra lang ako dito e.

"Ah, wala to. Sinuwerte lang kasi. Kapatid mo pala si Lerise?" Sa wakas napansin din nilang dalawa ang presence ko.

"Yeah. I have no idea na kapatid mo pala yung kaibigan niya. Buti naman at dito sa inyo sila mag-oovernight. At least I know that I can trust you. Alam mo naman, bunso kaya baby ko yan." At ginulo pa ni Kuya ang buhok ko sa harap ni Prof. Gahhdd, ginawa akong bata sa harap ni Prof!

"No worries, I'll make sure that she's safe. Come, pasok muna tayo sa loob, Harris. Maya-maya darating din sina Vera."

"Maybe next time, Ash. May lakad kasi kami nina Xander. Uy, join ka one of these days ha. Sabihin ko sa kanila na nagkita tayo. Kaw kasi, di ka na nagpakita sa amin ulit after that incident. We'll talk more next time, okay? Ikaw na bahala kay Sheiia." At tinapik pa niya ako sa braso. Sa dami ng sinabi ni Kuya wala akong maintindihan kundi yung aalis na siya.

"Sure. See you next time. Ingat ka Harris."

Tumango pa si Kuya dito at hinalikan ulit ako sa noo. "Bye, baby. I love you." He revived his engine and went away, leaving us two in silence.

Nakasunod ang tingin ko sa kotse ni Kuya hanggang mawala na ito sa aking pananaw. I turned around, only to see Prof. Melendrez looking intently at me. Agad naman itong nagbawi ng tingin nang makaharap na ako. Saka ko lang napansin nang tuluyan, mapusyaw na blue pala ang mata ni Prof.

"Err, let's go inside." Iminuswestra nito ang kamay, urging me to go in first. Tahimik naman akong pumasok sa loob.

Damn you, Vera. Ang tagal nyo naman dumating!

"So, you want anything? Juice, or sandwich, perhaps? Habang nag-aantay kina Vera." She casually offered. Ang awkward naman netong sitwasyon na meron kami.

You're just one of her students, why do you need to feel awkward?

Oo nga naman diba. Pati si Prof, feeling ko naiilang din siya na hindi ko maintindihan.

"Wag na Prof. Okay lang ako." Sinamahan ko pa iyon ng iling, hoping na sana iwan na lang niya ako rito mag-isa.

"Uh, okay. Let me accompany you here while you're waiting for your friends."

Sabi ko nga diba, okay sige. As if naman may choice pa ako so I just nodded at her.

"Magkakilala pala kayo ni Kuya Gid, Prof?" I can't help but to ask her since it seems that they're more than acquaintances.

"Yeah. We're classmates way back college days. We're also in one group but something happened I stopped seeing them after graduation."

So ayun pala. Magkabarkada pala talaga sila ni Kuya kaya pala ganun nalang ang closeness nila. So kung classmates sila, classmate din pala niya si Ate Keirah?

"Kaklase mo din si Ate Keirah kung ganun?" Naisipan ko ding itanong. Sabi na nga ba, masamang impluwensya talaga tong si Vera. Lately nagiging palatanong na yata ako.

"Uh, you can say that." Walang kasing linaw na sagot ni Prof. Sa sobrang linaw wala akong maintindihan.

Sa sobrang isolation ko lang ba kaya ako ganito? Or talagang may pagka-shunga lang ako?

Nakita kong nag-iwas ng tingin si Prof nung mabanggit ko ang pangalan ni Ate. Parang may gustong iwasan.

Praning lang ba ako? Bat parang may iba sa pag-iwas niya ng tingin?

Nagkibit nalang ako ng balikat at nagfocus sa tanawin sa loob ng bahay. Until one painting caught my attention.

Isang charcoal painting ng isang tao sa gilid ng puno na nakatayo mag-isa at nakaharap sa buwan. The charcoal is flawlessly used to emphasize the tree, the woman and the moon. Ang linis ng pagkakagawa. But then, the painting seems so gloomy. It shows more of a desolation and forlornness.

Ang lungkot, parang ako lang.

Hindi ko tuloy napigilang tumayo at haplusin ang painting. Bahagya kong nakalimutan na andyan sa likuran ko si Prof. Masyado akong naabsorbed ng tao sa painting.

"You like it?" Narinig kong tanong ni Prof. I can sense that she's standing at my back.

"Yeah. Pero ang lungkot lang ng dating. Malungkot lahat, lalo na yung babae sa painting. Siguro ay dahil sa siya lang mag-isa at wala siyang kasama." Wala sa sariling sagot ko. Sa totoo lang, hindi ako marunong kumilatis ng paintings since wala akong talent sa art. Wala nga yata akong talent talaga.

Gaga, marunong ka naman magsulat.

Yun lang. Kaso hindi ko rin alam kung tama yung mga pinagsusulat ko. Basta ko lang kasi sinusulat yung mga bagay na naiisip kong isulat.

"Well. You maybe right about it. But it could be more than that. This painting could also mean a rejection, or a judgment. Or a repudiation."

Mabilis akong napalingon kay Prof. Hindi dahil sa sinabi niya. Kundi dahil sa lungkot na nabanaag ko mula sa kanya. She seems so crestfallen.

"If that's the case, she might be needing someone beside her. Someone who'll accept her at all cost. So she'll never feel rejected, judged and repudiated."

Feeling ko may nasabi akong tama kasi nakita kong ngumiti si Prof habang nakatingin sa painting. Her smile is somewhat different from the smile she's giving in school. This smile is more like of contentment. Pakiramdam ko may humaplos sa isang bahagi ng aking puso sa nakita kong ngiti niya.

"Yeah. You're right. Might as well consider that suggestion."

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya pero hindi na ako nagsalita pa. Damn, awkward moment na naman. Bakit kasi ganito? Dahil ba sa Prof ko siya? Pero hindi naman sa lahat ng Prof ko ganito ako. At hindi naman lahat ng Prof ko e ganito din sakin.

Tatalikod na sana ako nang bigla akong matapilok. Damn, how I hate myself for being a clodhopper. I closed my eyes and waited for the floor to kiss my face pero ni hindi ko naramdamang sumayad ako sa sahig. Instead, I felt myself being carried by an angel. A handsome angel with her pale blue eyes on me.

Silence fell between us. Nakahawak pa rin si Prof sa bewang ko, her eyes gazing at mine.

Parang eto yung eksena sa pelikula. Yung madalas na pagkatapilok ng mga bida tapos sasaluhin naman ng prince charming nila.

Prince charming, gahhd! Wake up, Sheiia! Hindi siya prince charming, wag kang ano!

Dali-dali akong tumayo at kumawala sa pagkakayakap ni Prof sa aking bewang. Her arms brushed mine and it it feels like a candle was being lit inside me.

Is this what I'm reading about, the one they call the spark?

Nakatingin pa rin si Prof kahit nakatayo na ako at nakawala sa pagkakayakap niya. I also found myself looking at her like there's no tomorrow. Dugdug. Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko.

"My sweet Lerise. Damn, why can't I take you off my mind? You've been running there like a madman, for I don't know how long."

All I can hear is my heartbet and nothing else. Sa sobrang lakas ay kaya nitong talunin ang buong Drum and Lyre Corps ng school namin nung highschool.

Feeling ko mas masarap sa pandinig ang sinabi ni Prof kesa sa sinabi ni Matthew na maganda ako.

This is so wrong, but why does it feels so right?

Mas lalo kong nahigit ang hininga ko sa sunod niyang sinabi.

"What should I do, Lerise? I tried, and I'm sorry I can't fight this anymore. Stop me from being senseless, please."

***********************************

Orayt folks!

Until next chap naman. Pipikit na talaga ang mata ko, promise. Gusto ko pa sana dugtungan kaso antok na ko. Anyways, thanks for reading!

~KweniiG👸

Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 138 13
This is a girlxgirl story. Lexa has only one goal in life: ang makagraduate para makatulong sa mga magulang at kapatid. She does not allow distractio...
1.2M 27.1K 49
Papano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi...
The Mayor By Dany

General Fiction

14.6M 264K 61
.
453K 9.9K 43
basta gxg, di ako magaling sa description. basahin mo nalang