Fate: My Ghost Lover

By itsMischiefManaged

1.4K 157 5

She was a Grim Reaper. He was a Writer. She was his Fangirl. Yet he didn't know that someone like her exist... More

MY GHOST LOVER
PROLOGUE
CHAPTER 1: GRIM REAPER
CHAPTER 3: TABLOIDS
CHAPTER 4: SAM SUNG
CHAPTER 5: RAYVER SHAWN SANTOS
CHAPTER 6: FIRST ENCOUNTER
CHAPTER 7: TAILING RAYVER SHAWN I
CHAPTER 8: TAILING RAYVER SHAWN II
CHAPTER 9: 7 LAST WISHES
CHAPTER 10: MISTAKEN
CHAPTER 11: DEFEAT YOUR WEAKNESS
CHAPTER 12: HIS STRANGER SAVIOUR
CHAPTER 13: UNKNOWN IDENTITY
CHAPTER 14: NURSE VINCENT
CHAPTER 15: LIFE OF A HUMAN BEING
CHAPTER 16: JENNIFER
CHAPTER 17: PSYCHO
CHAPTER 18: DATING THE AUTHOR
CHAPTER 19: FIXING YOURSELF
CHAPTER 20: KYLA CORTEZ
CHAPTER 21: SECOND WISH
CHAPTER 22: MISTAKEN
CHAPTER 23: NECKLACE
CHAPTER 24: BEING A FANGIRL
CHAPTER 25: NOT A LOVERS QUARREL
CHAPTER 26: THIRD WISH
CHAPTER 27: RETRIEVING MEMORIES
CHAPTER 28: THE TRUTH
CHAPTER 29: HER STORY AND THE FIFTH WISH
CHAPTER 30: BOOK SIGNING EVENT

CHAPTER 2: DR. SAVIOUR

94 10 0
By itsMischiefManaged

Ah! Kung tinatanong niyo kung ano yung trabaho ko?

Isa akong marangal na GRIM REAPER.

Taga-sundo ng kaluluwa ng taong sumakabilang-buhay na.

Simula noong mamatay ay hindi ko na alam kung nakaka ilang araw na akong pagala-gala sa lugar kung saan ako mismo nasagasaan.

Hindi ko alam pero hindi ako maka-alis alis dito kahit gustuhin ko. Walang nakakakita o pumapansin sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin!

Hanggang sa isang araw ay may itim na kotse ang huminto sa mismong harapan ko.

Bumaba ang tinted na bintana at saka tumambad ang mukha ng isang lalake na medyo may katandaan na.

"Oh? Ba't nandito ka pa? Hindi ba dapat eh... nasa ibang dimensyon ka na ng mundong ito? Wala bang grim reaper na sumundo sayo dito?"

Hindi ako nakapag salita. Nanatiling naka glue ang aking paningin sa lalake.

Kung titingnan, mukhang nasa posisyon siya para galangin. At kalakip ng bawat binibitawan niyang salita ay puno ng awtoridad.

"Hija? Nakikinig ka ba? Ba't nandito ka pa? Ano ba naman kasi ang ginagawa ng ibang grim reaper at hindi magawa ng maayos ang trabaho nila!" galit niyang singhal.

Napaiwas naman ako ng tingin.

"Oh sya, sya... sumama ka na lang sa amin hija. At may iaalok ako sayong trabaho. Wala ka naman kasi atang balak na pumunta sa kabilang stage ng buhay mo."

"Hindi ko po maintindihan." tangi kong nasambit, kunot ang noo.

"Gusto mo bang maging isang grim reaper?" nakangiti niyang tanong. Nakakakumbinsi ang kanyang mga ngiti.

At sa isang iglap lang!

Grim reaper na ako!


Along the way, naagaw agad ng tarpaulin ang atensyon ko. Tarpaulin ni Baby Rayver.

'Di ko mapigilang kiligin! Hihihi! Baby ko! Gusto kong i-uwi na lang ang tarpaulin at isama sa mga koleksyon ko. Excited na akong makita ka ulit!

Bago landi, trabaho muna!

Nag patuloy ako sa pagmaneho ng bike at sinundan ang ambunlansya na nag lalaman ng kauna-unahang kaluluwang susunduin ko.

Nakarating na kami sa harapan ng hospital at kasalukuyan nilang ibinababa ang pasyente mula sa ambulansya.

"She had cardiac arrest 30 minutes ago and her mother found her. I have her two shots of epinephrine. And her BP and saturation dropped on our way here."

Hindi ko masyadong dinig ang mga pinag sasabi ng mga nurse. Masyadong malakas ang kantang pinaparinggan ko sa earphone.

Pagkapasok ko palang sa main door ay nakita ko na agad si Arvin.

MAY KASAMANG KALULUWA!


Tch! Sa lahat ng grim reapers, siya ang may pinakamaraming nasusundo araw-araw. Kaya nga, hindi na ako magtataka kung agad-agad din siyang mapromote sa ginagawa niya.

Nakakahanga siya kasi ang dali niyang kumbinsihin ang mga kaluluwa na sumama na sa kanya. Parang nakatakda na talaga siyang maging isang grim reaper.

Siya rin ang madalas naka-assign na mag drive ng kotse na ginagamit sa pagsundo namin ng kaluluwa. 'Trip of Soul'. To heaven ba o hell.

Hindi niya ako napansin dahil busy'ng busy siya sa pakikipag-usap sa kaluluwa.

Tinanggal ko ang earphone mula sa aking tainga dahil kapansin pansin ang kaguluhan sa loob ng ospital. Nakita ko rin ang ibang grim reapers na nagbabantay dito.

"Excuse me."


"Tulong! Nurse, dito!"


"Please! Hurry up!"


"Over here, nurse! Please!"


"Tay, masakit po yung kamay ko."

"Tiis-tiis lang muna anak."



"Nurse, dito!"

"Let me take a look."



"Over here, nurse! Tulong."


Ang ingay-ingay sa loob. Medyo busy at nagkakagulo din.

Dumiretso na ako sa Emergency Room at sinilip muna kung narito ba ang susunduin ko pero agad akong nanlumo nang makita kung sino ang susunduin ko!

'Bakit siya?!'

Napakabata niya pa para mamatay!

Kung tutuusin, mas bata pa siya sa akin noong bawian ako ng buhay.

"Napaka bata niya pa." tangi kong naiusal. Wala namang makakarinig sa akin maliban sa kapwa ko grim repears.


"H-hindiii! Anak, l-lumaban ka! P-pleaasseee! Huhuhuhu!" hagulgul ng kanyang ina na nasa paanan niya, may angking kagandahan ito at hindi nalalayo sa edad ko. Nakatayo siya at magkadikit ang kamay na tila nag darasal.

Napatingin ako sa 'life time watch' ko.

"4 minutes and 43 seconds." iyun na lang ang natitirang minuto niya dito sa mundong ibabaw.

Nakaka walang ganang kunin siya.

"Saan si Dr. Randel?!" sigaw ng nurse.


"Parating na si Dr. Saviour! Parating na si Dr. Saviour!" rinig kong sigaw ni Arvin sa labas. Ang bilis niya namang ihatid nung kaluluwa sa huling hantungan niya. Tch tch! Sipsip kasi, gustong mapromote agad-agad. Sarap tuhugin!

"Ano!? Akala ko ba day off niya?!"

"Yun din ang akala ko eh."

"Tara na Lola, bilis! bilis! Ihahatid na po kita."

"Sige. Sige."


"Uhm, nay. Tara na po?"

"A-ayoko pa. Wag m-muna."

"Oh, sige nay. Mamaya na lang po kita susunduin ha. Aalis na ho ako."

"S-salamat hijo."


Rinig kong pag-uusap ng mga grim reapers sa mga kaluluwa. Close sila? Feeling close?!

Si Dr. Saviour ay si Dr. Randel, ang isa sa pinakamagagaling na Dr. dito sa Pilipinas. Kaya ganun na lang umakto ang ibang grim reapers kanina. Baka kasi kung hindi pa nila sunduin ang kaluluwa ng isang tao ay baka magawa pa itong iligtas ni Dr. Randel. Mawawalan pa sila ng pagkakataon na makarami ng kota.

"How's the patient?!" nagulat ako sa biglang pag sulpot niya sa harapan ko at lagpasan lang ako.

Masyado akong distracted kaya hindi ko namalayan ang pagdating niya. Baliwala lang naman sa akin, kasi hindi naman ako nasasaktan.

"How many shots of epinephrine?" dagdag niya pa.

"Two." sabat nung lalakeng nurse na nagdala sa batang pasyente dito sa ospital habang walang tigil sa pag pump ng dibdib nung bata.

"I'll do it." sabi ni Dr. Randel, tumabi naman yung lalakeng nurse.

Si Dr. Randel na naman ngayon ang nag pa-pump sa dibdib nung batang babae.


"Her BP is going up. Get the defibrillator!" sigaw ni Dr. Randel. "Clear! 1, 2, 3, clear!"


"5 seconds." bulong ko habang nakatingin sa relo ko.


"No! Pleaseee! Anak koooo, lumaban ka!" hagulgul ng kanyang ina. "I-ikaw n-na lang ang m-meron ako a-anaaak! W-wag mo a-akong iwan." pagmamakaawa ng kanyang ina.


Bigla akong nakaramdam ng awa! Pakiramdam ko, maiiyak na rin ako! Hindi ko naranasang may magmakaawa para bumalik ako, ni hindi ko nga alam kung may ina rin akong iiyak ng ganito katindi kung sakaling mag-aagaw buhay ulit ako.



"2 seconds." napatingin ako sa batang pasyente at nagulat ako nang makitang nakatingin na rin siya sa akin! Diretso sa mga mata.


"1... 0..." bigla akong napasinghap sa gulat nung hawakan ng bata ang hintuturong daliri ko. Masyadong maliit ang kanyang kamay para sakupin ang kamay ko.

Malakas na huni ng machine ang lumamon sa kabuuan ng silid.


"No, no, no, no." mahinang bulong ni Dr. Randel.

Naramdaman ko ang panginginig ng aking kalamnan pati na rin ang kamay.

'Hindi ko mapigilang maawa. Napaka bata niya pa. Kawawa rin ang nanay niya.'


Sorry manager, pero hindi ko kayang kunin ang kaluluwa ng batang ito.

Marahan kong inagaw ang kamay ko mula sa bata.

'Pagbibigyan muna kita ngayon.'

Kaya wala pa akong nasusundo na kaluluwa eh! Napaka maawain ko kasi! Mabuti na lang at hindi ako tinatanggal sa trabaho ni manager.

Makikita sa machine kurba-kurbang linya mula sa dating straight na sumisimbolo ng kawalan ng buhay.

"She's back!" sigaw nung isa pang babaeng nurse.

Sabay-sabay silang nag pakawala ng mabigat na buntong hininga.


"S-salamat sa Diyos! Anak k-ko, salamat at buhay k-ka."

Hindi ko na kaya pang tumagal dito. Dahan dahan akong umatras. Pagharap ko sa pinto ay gulat ako nung mabangga ako sa isang pamilyar na grim reaper. Bumaon tuloy ang maliit kong mukha sa matigas nyang dibdib. Ang sakit ng ilong ko!

Arvin!


Pero hindi sa akin nakatuon ang atensyon niya. Kung hindi doon sa batang dapat ay ihahatid niya na sa huling hantungan.

Napayuko naman ako.

Kaming mga grim reapers, bukod sa pagsundo namin sa mga kaluluwa at pagkakaroon ng relo na nag lalaman ng natitirang oras nila dito sa mundo... nalalaman din namin ang pakiramdam kapag may mamamatay.

Dali dali akong umalis at tumakbo sa wash room.

Ibinabad ko ang mukha ko tubig. At umahon din agad, medyo nahimasmasan na ako kaya napatingin ako sa salamin.

Tch! Ni hindi ko lang man makita kung anong hitsura ko ngayon!




Dr. RANDEL's POV:

Hi !

I'm Dr. Nicka Randel. Also known as 'Doctor Saviour'.

Tch! Ni hindi ko nga alam kung magaling talaga akong doctor o katabi ko lang ang mga anghel ng Diyos.

Sa tuwing nag-aagaw buhay kasi ang mga pasyente ay natsatsambahan na ako ang Doctor na umaasikaso sa kanila.

Bagsak ang balikat ko nang maupo sa bench na nasa likod ng hospital saka inilabas ang isang kaha ng sigarilyo.

Yes! I smoke. Pero hindi naman palagi. Ginagawa ko lang ito kapag stress na stress ako. Katulad ngayon, sobra ang kaba ko noong makitang nag-aagaw buhay yung batang pasyente.

Sisindihan ko na sana ang sigarilyo na nasa bunganga pero natigilan ako nang mapansin ang taong nasa gilid ko.

Kararating niya lang, tiningala ko siya...

'Si Vincent De Leon!'

Dahil sa gulat ay agad kong itinago ang sigarilyo at lighter sa bulsa. Psh! Nakakahiya!

Si Vincent ay nagta-trabaho rin dito sa ospital. Nurse siya, pero hindi siya sa ospital naka-assign kung hindi doon sa ambulansya.

Siya ang nagbibigay ng paunang lunas para maagapan ang pasyente.

Wait?! Nakita niya kaya yung ginawa ko? Baka maturn-off siya sa akin! No! Hindi pwede!

'Teka!? Ba't siya matu-turn off ? Hindi ko nga alam kung may gusto rin siya sa akin. Kasi ako!? Matagal ko na siyang crush! Kaso hindi niya ata pansin sa kabila nang hindi ko siya matitigan sa mga mata dahil naiilang ako. Nauutal-utal din ako kapag kausap ko siya! Pero wala akong magagawa, nakakahiya kasi kung ako ang unang mag confess sa kanya. Nakaka baba ng kridibilidad! Ako pa yung babae, tapos ako pa yung aamin!? Tch!'

Agad akong napatayo at ilang beses pang papikit-pikit at tumingin sa kanya! Naiilang ako! Nakakahiya kasi ako lang yung naiilang samantalang ang komportable ng bawat kilos niya 'pag ako ang kausap. Tch!

"Dr. Nicka." pormal niyang sabi. At take note, siya lang ang tumatawag sa akin ng Dr. Nicka.

"Y-yes?" nauutal kong sagot.

"Yung tatay nga pala nung bata ay namatay three years ago, dahil din sa heart failure. Hindi na nagawang sabihin sayo ni Mrs. Rowena kasi umalis ka na."

"A-aah, ga-ganun ba? B-baka namana n-nung batang p-pasyente yung sakit n-ng tatay n-niya. And she already passed the critical stage and being eximined. So I relay the message to ICU."

Tatango-tango naman siya. "Okay, thank you Doc."
tatalikod na sana siya pero parang may pumipigil sa kanya at hindi maalis ang paningin sa aking mukha. Nagagandahan ba siya sa akin?

'T-teka!? Masyado na ba akong assuming? Hindi!'

"Aaah, Doc... yung lips niyo."

'WHAAAAAAT! DID HE MEAN MY LIPS!? BAKIT!?'

"H-huh?"

"Yung gilid ng lips mo... dito oh." sabay turo sa gilid ng labi niya.

'Anong merooon?!'

Hinawakan ko ang gilid ng labi ko. Anong problema!?

"Ah, here." abot niya sa akin ng panyo!

Yiiieeee! Ano baaa! Pinapakilig niya ako, ang aga-aga palang eh.

"S-salamat Nurse Vincent."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at tumakbo na ako papasok ng ospital at dumiretso sa wash room.

"Psh! Whats with him? May pabigay-bigay pa ng panyo." kausap ko sa sarili habang kinikilig.

Tiningnan ko ang kabuuan ng wash room at baka may makarinig pa sa akin, mapagkamalan pa akong baliw.
Nang masigurado namang wala ay ngumiti ako.

"Yiiiieee!" ipit kong sigaw habang tumatalon pa. Inamoy-amoy ko ang panyo, ang bangooo!

"Tch, pinapakilig mo ako ng sobra eh! Baka masanay ako! Tch!" kausap ko sa panyo.

Napatingin ako sa salamin at agad napaatras sa nakita!

"S-sino ka!? Bat ganyan ang mukha mo!?" tanong ko sa sarili ko.

Eh kasi naman! Yung lipstick ko, kung saan-saan na umabot. Kaya pala tinuturo ni Vincent yung gilid ng labi ko.

Nakakahiya!

"Teka? Ano bang pake nila kung makita nilang ganito ang hitsura ko!? Psh!"

Pailing-iling kong pinaandar ang gripo at naghilamos.

Pero natigilan ako ng ma-off ito bigla.

Kaya pinihit ko naman paikot para umandar ulit.

Pero hindi pa man ako makapag-umpisang maghilamos ay na-off na naman ito.

"Ano bang problema mo!? Sira ka na ba?"

* * *

Continue Reading

You'll Also Like

115K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...