A Guy Like Me

By SvenLetItGo

2.4K 163 142

Hanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya? More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 Final Chapter
Note

Chapter 49

16 1 0
By SvenLetItGo

Lumipas ang ilan pang linggo at sa wakas patapos na ang shooting, napansin na rin ni Jeremy na magmula nang tapatin niya ang asawa hindi na ito gaanong ginagabi sa pag-uwi, nababawas-bawasan na ang mga lakad na hindi niya alam kung saan ang punta at higit sa lahat si Pj na ang naghahatid sa kaniya papauwi. Sabi tuloy ni Jeremy sa sarili baka natakot rin ang tarantadong si Harvey at ayaw rin ng gulo, umaakto si Jeremy na parang wala na lang ang lahat pero ang totoo binabantayan pa rin niya si Reese.

"Hmm, that's a great idea Mr. Ginko, thank you very much! Thank you! We'll be glad if you'd let your company share us your products and methods, I'll set our meeting right away. Yes, yes, we will certainly let you tour in our brewery, this is going to be a great partnership! It's our pleasure, thank you so much, my dad will be so happy to know about this, okay, see you then Mr. Ginko!" sabi ni Jeremy at ibinaba na ang tawag.

"Sir!" Pumasok ang secretary niya.

"Yeah?"

"May bisita po kayo Sir!"

"Sino?"

"Di kayo maniniwala, artista!" Tuwang-tuwang sabi nito pero di na nagtaka si Jeremy dahil di naman alam ng mga tao rito na kasal siya kay Reese.

"Sige, tuloy kamo... and, Maimai, please lang? 'Wag kang chismosa,"

"Naku si Sir naman eh! Makakaasa kayo! Kakain din naman kami ni Dodong sa baba since break time, nakahingi na po ako ng autograph eh!"

"Okay okay, sige na," sabi niya at lumabas na ito, nagpatuloy siya sa mga binabasang proposals at kung anu-ano pa dahil alam niyang si Reese lang naman ang pumunta, di siya nagkamali at asawa nga niya.

"Jay," sabi nito.

"Take a sit," alok niya pero tuloy pa rin sa trabaho. "salamat sa pagbisita, pero di ba may lakad ka? Anong ginagawa mo rito? Nasira ba ang kotse mo? Sabi naman sa'yo dapat palitan na ang interior nun, but don't worry you can use my car," sabi ni Jeremy at kinuha sa bulsa niya ang susi at inabot kay Reese saka ulit bumalik sa trabaho nang hindi man lang ito tinitignan at si Reese nanatili lang na nakaupo at pinapanood siya.

"Kumain ka na ba?" tanong nito.

"Di pa, di pa ako puwedeng kumain hangga't di tapos 'to, alam mo na? Walang trabaho at hirap walang kita, pagka walang kita walang pera, kapag walang pera... walang pagkain," sagot niya at humagikgik pero tuloy sa trabaho.

"Baka gusto mong... pagkatapos lumabas tayo, kain tayo?"

"Saan? Sa buffet? Sabi kasi ni Pj saakin sa text magbu-buffet kayo para sa blowout party ng buong chuchu family niyo, family-family, heh, sorry di ko alam title ng movie mo," sabi niya at di tinitignan si Reese.

"Sige... 'wag na lang," sabi ni Reese at tumayo na at umalis pero di siya pinigil ni Jeremy, magmula rin nung araw na iyon nagdesisyon si Jeremy na mag-iba na ng ugali niya kahit labag sa loob niya, ginawan niya ng pabor ang sarili na sana naman sa puntong ito siya na ang suyuin ni Reese, pero sinisiguro niyang hindi mauuwi sa away.

Nang matapos naman ang trabaho niya napansin niyang iniwan rin ni Reese ang susi ng sasakyan niya kaya kinuha niya, bumaba siya sa cafeteria para kumain mag-isa, kung ang mga empleyado niya naka-starbucks at krispy kreme pa siya naman nagpapaka-lunod sa coffee machine na tiglilimang piso sa isang sulok ng cafeteria at namamapak ng pizza at churos, pero pumukaw ng pansin niya si Reese na nandun pa rin pala pero nakasuot ng balabal at shades sa isang sulok para hindi makilala, nag-iisa at umiinom lang ng kape kaya't nilapitan niya at naupo sa harapan nito.

"Ginagawa mo rito?" tanong niya at sabay kagat ng malaki sa pizza na halos naglaglagan na lahat ng toppings sa malaking kahon nito na ginawa niyang tray at pinggan para sa kape at churos at iba pa. Hindi sumagot si Reese at umiwas ng tingin.

"Para ka namang sira, ikaw na nga ang inaaya nagsusungit ka pa," sagot ni Reese at sa boses niya halatang umiyak.

"Ngayon alam mo na 'yung ginagawa mo sa'kin? Para 'yan lang iiyak ka? Eh ako nga halos lumuha na ng dugo kakakulit sa'yo pero ano? Saka ano bang malay ko kung totoong iyak nga 'yan? Best actress ka kaya 'wag ako!" sabi niya at umalis tangay-tangay ang malaking kahon ng pizza niya pero bumalik din agad. "'Yung kape ko nga pala, hmp! Baka inumin mo pa, dun ka na sa buffet!" sabi ni Jeremy at kinuha ang naiwan niyang kape, padabog naman na tumayo si Reese at tinignan siya ng masama kahit naka-shades ito.

"Sabihin mo na kung anong gusto mong palabasin, ayaw ko na," sabi ni Reese kaya nalaglag ang panga ni Jeremy at nabitiwan ang kape niya at pizza na lumagapak sa sahig.

"Anong? Anong ayaw mo na?"

"Ilang buwan na tayong di nagkaka-ayos Jeremy, pagod na 'ko, araw-araw ganito... maghiwalay na tayo," sabi ni Reese at di makasalita si Jeremy, kahit anong gawin niyang salita walang lumalabas na boses sa bibig niya pero ang luha niya nagtuloy-tuloy na sa pagpatak, napahawak na lang si Jeremy sa dibdib niya at ni hindi na kinayang kumurap habang nakatingin kay Reese, hanggang sa bumagsak siya sa sahig.

Matapos ang ilang oras...

"AAAAAH!!!" sigaw ni Jeremy nang magising siya at napaupo pero inalalayan siya kaagad ng Papa niya.

"Kalma! Kalma! Nandito ako!" sabi ng Papa niya.

"Buhay ako!" sabi ni Jeremy.

"Oo buhay ka, over fatigue lang ang nangyari, maputla ang dugo mo pero highblood ka, di ko maintindihan anong nangyayari sa'yo, sabi ng doktor mahina ang immune system mo at kulang ka sa potassium anak, kaya heto saging kainin mo," sabi ni Tito Jim at sinalaksakan kaagad ng saging sa bibig si Jeremy na nagtuloy-tuloy sa pagkain hanggang nakaubos ng isang piling.

"Si Reese?!" tanong niya.

"Wala na," sagot ng Papa niya kaya nagpanic siya at tumakbo papalabas ng kuwarto ng ospital kung nasaan siya.

"Hoy! Bumalik ka nga rito! Baka mapano ka!" sabi ni Tito Jim at binatak siya pabalik sa loob.

"Si Reese?! Saan nagpunta Papa?!"

"Sagad ka sa O.A., nasa botika ibinili ka ng gamot, hayaan mo pagbalik na pagbalik niya iiwan ko na kayo, alam kong ayaw niyong nagugulo eh," sabi ni Tito Jim at saktong pagdating ni Reese kaya tumayo na siya. "O paano Reese? Ikaw nang bahala rito, aalis na ako tutal sabi mo wala kang trabaho, nagmamadali rin kasi ako hija kaya pasensiya na,"

"Ah sige po Papa," sagot niya at bago ito umalis kinindatan pa si Jeremy at sinenyasan dahil wala naman siyang kaalam-alam kung gaano na kalala ang problema ng dalawa.

"Totoo ba 'yon?" bulong ni Jeremy at nakayuko lang, hindi nakasagot si Reese dahil sa nangyari, aminado siyang kahit pa marami na ang nagbago sa nararandaman niya kay Jeremy hindi niya pa rin ito kayang iwanan nang basta-basta na lang kaya't tama si Harvey na kailangan niya ring pag-isipan kung susundin ba niya ang nararamdaman niya at bibigyan ng pabor ang sarili o mananatili kay Jeremy kahit nananabang na siya rito.

"Nabigla ako," sabi niya at niyakap si Jeremy at niyakap rin siya nito, ilang saglit lang at bumalik ang doktor at kinausap si Jeremy at pinayuhan na ayusin na ang lifestyle niya at bawasan ang stress dahil binanggit din nito na dapat na siyang magpatingin sa puso kung nakaramdam siya ng matinding paninikip bago siya mawalan ng malay kaya agad siyang nirefer sa cardio at nagpatingin.

Hindi naging maganda ang resulta dahil sabi ng doktor matapos ang procedures mayroon nang enlargement sa left ventricle niya, at baka mahirapang mag-pump ng dugo kaya ipinayo nito na iwasan na niyang ma-stress at sumama ang loob, pero sabi naman nawawala rin ito at kailangan lang ng pahinga at pag-iingat sa pagkain gayong highblood din siya. Habang papauwi sila si Cheska na ang nag-drive at hinayaan si Jeremy na matulog na lang sa biyahe, paggising niya idiniretcho siya ni Reese sa isang park imbis na iuwi kaya naman nagtaka siya.

"Anong oras na?" tanong niya.

"Alas-syete pa lang, sakto bukas na ang foodpark," sagot ni Reese.

"Bakit di pa tayo umuwi?" tanong ni Jeremy ulit habang nakatingin sa labas kung saan makukulay ang mga ilaw, naglipana ang mga tao at sobrang buhay at saya ng lugar kahit gabi na.

"Kahit may problema tayo, hindi kita kayang pabayaan, nasasaktan ako kapag nasasaktan ka," sabi ni Reese at nakatanaw rin sa labas at nasasabuyan din ng makukulay na ilaw ang mukha niya dala ng mga christmas lights sa labas tutal at madilim sa loob ng kotse.

"Mahal mo pa ba ako?" tanong niya ulit pero di siya sinagot ni Reese at inakay siya papalabas ng kotse.

"Halika kumain tayo, kanina pa kita inaaya pero inaway-away mo ako, 'yan kinarma ka," sagot ni Reese at kinuha ang kamay ni Jeremy at hinawakan ng mahigpit.

"Puro inihaw diyan, shawarma, crispy pata, steak, lahat ng mamantika... di mo na talaga ako mahal kasi papatayin mo na ako," sagot ni Jeremy na parang bata lang at malungkot.

"Ay ewan, sinabi ko bang kakain ka ng lahat noon? Siyempre ipipili kita tara na!" sabi ni Reese at inakay ito papunta doon.

Marami silang binili at lahat halos puro fruit salad at garden salad, may kaunti ring karne, kanin at kung anu-ano pa. Pumuwesto sila sa isang dulo at doon matahimik na kumain, hindi na tulad ng dati na sobrang ingay at kulitan nila kapagka kakain pero iba pa rin ang saya na naramdaman nila dahil talagang matagal na mula nang lumabas sila at kumain sa ganitong lugar na pareho nilang gusto. Sa huli napapangiti na rin ni Reese si Jeremy at gumagaan-gaan na ang situwasyon, nagiging medyo madaldal na ulit siya at palabiro at higit sa lahat natapos na ni Jeremy ang ilang buwan niyang pagsusungit-sungitan kay Reese, pero naging mahiyain at pili na siya sa pagsasalita dahil alam niya ang totoo na wala na ang dating sila ng asawa niya.

"Ano nga bang sakit mo daw?" tanong ni Reese habang naglalakad-lakad naman sila sa dalampasigan dahil nagpunta silang sunod sa dagat malapit sa tirahan nila.

"Broken heart syndrome," sagot ni Jeremy at sumandok ng kaunting ice cream mula sa kinakain ni Reese na icecream.

"Meron ba nun? Nantitrip ka na naman,"

"Meron, dala ng matinding stress at matinding emotion. Kapag tumataas ang release ng hormones, tumataas ang blood pressure, heart rate at pumping ng dugo sabi ni Doc,"

"Ahh,"

"'Wag mo nang isiping dahil sa'yo, dahil saakin din naman saka sa trabaho," saad ni Jeremy.

"Super sensitive ka naman,"

"Hindi, nasobrahan lang talaga,"

"Patawad," sabi ni Reese habang naglalakad sila nang tignan siya ni Jeremy.

"Di mo na kailangang hingin... pinapatawad kita, parati, kahit masakit at kahit paulit-ulit kasi mahal na mahal kita," sabi niya at niyakap siya ni Reese at napahinto sila, sa yakap na ito iba ang naramdaman ni Jeremy dahil mayroong init at alam niyang totoong-totoo kaya gumanda ang pakiramdam niya.

"Uhh Reese?"

"Bakit?" tanong niya habang nakayakap pa din.

"Kakainin mo pa ba 'yung icecream?" tanong ni Jeremy kaya nagtawanan silang dalawa.

"Sige sa'yo na, alam kong paboritong-paborito mo ang icecream," sabi ni Reese.

"Biro lang," sabi niya at gumagaan ang pakiramdam dahil sa yakap ni Reese na 'yon kahit pa napakalaki na ng pagdududa niya rito.

"Nahiya ka pa, ayan, ubos na pala!" sabi naman ni Reese at inilagay sa loob muna ng bag niya ang cup dahil wala namang pagtatapunan ng basura sa dalampasigan.

"Reese, sana, magtagal tayo," sambit ni Jeremy at hinawakan nang mahigpit sa kamay si Reese. "alam kong mahirap para sa'yong pakisamahan ako, pero please,  sana matapos na kung ano man itong problema natin. Itong pagseselos ko at iyong panlalamig mo, at 'yung paulit-ulit nating pag-aaway-bati na parang mas okay pa nung di pa tayo kasal. Alam ko nakakasawa na tapos nakakapagod, di ba?"

"Natural lang naman sigurong ganito tayo pero siyempre pagod na rin ako,"

"Sabi ko sa sarili ko dapat di maging hadlang saatin 'yung trabaho mo, but it turned out to be... balik na tayo sa dating tayo?"

"We'll try," sagot ni Reese.

"We'll do it,"

"Okay,"

"Bakit ba nanlalamig ka na? Sagutin mo nga ako," tanong ni Jeremy at di kumibo si Reese nang matagal. "Bakit nga ba?"

"Hindi ko alam,"

"Don't you say... that you're so used to me,"

"I am." Napatingin tuloy sa kaniya si Jeremy at naiiyak na naman pero nagpigil siya ng mga luha niya.

"Gusto ko na 'tong ayusin ngayong gabi, gusto kong malaman, gusto kong marinig mula sa'yo ang totoo... may relasyon ba kayo ni Harvey ha?!" tanong niya kahit alam niya ang totoo, gusto niya lang marinig mula kay Reese ang mga salita nang sa gayon, masaktan man siya may mas maganda pa siyang magagawa para mailayo ito kay Harvey.

"Jeremy..."

"Reese?! May relasyon ba kayo ha?! Hindi ako mapaghinalang tao noon pa pero sabihin mo!"

"Bakit ba paulit-ulit mo na lang 'yang tinatanong?"

"Masama bang magtanong?"

"Wala nga!"

"Reese..." Humigpit nang husto ang pagkakahawak niya sa kamay nito at tinignan niya sa mga mata.

"Oo," sagot niya nang mahina at napaluhod si Jeremy sa harapan niya, alam niya na naman ang totoo pero ibang-iba pa rin kapagka narinig niya mismo ang sagot mula kay Reese.

4:00 A.M.

Magdamag nang tulala si Jeremy, nakaupo sa dalampasigan at pinipilit pa ring buuin sa utak niya ang mga nangyari, ang mga narinig niya kahit pa alam na alam na naman niya. Hindi niya na lang alam kung papaanong makakagalaw o makakapag-simula ng panibagong araw matapos niyang personal na marinig kay Reese ang sagot, para bang lahat ng lakas niya nawala na sa kaniya at ganun rin kay Reese na naguguluhan na. Pilit rin niyang tinatanong sa sarili na kung talaga bang nagbago na siya at wala nang natitirang kahit kaunting paki at pagmamahal kay Jeremy, bakit siya ngayon magdamag na umiiyak, nasasaktan at nagsisisi sa mga bagay na ginawa niya.

Hanggang sa sumikat na ang araw nandun pa rin si Jeremy na nakaupo sa buhanginan habang ang paa niya buong gabing babad rin sa tubig, na ang sapatos niya pinasok na ng tubig, wala na siyang paki sa paligid at di rin siya sigurado kung buhay pa siya. Literal na magulong-magulo ang isip niya dahil halo-halo na lahat ng mga bagay na naiisip niya, hanggang sa nilapitan siya ng asawa at naupo ito sa tabi niya.

"Umuwi na tayo," sabi ni Reese na hindi siya iniwanan magdamag, sobrang bigat ng nararamdaman niya sa dibdib niya at hindi niya makuhang humingi ng tawad dahil alam niyang hindi maaayos ng salitang 'Sorry' ang lahat.

"Thank you," sabi ni Jeremy na malapit nang pumikit ang mga mata.

"H-Huh?"

"Umuwi na tayo, kailangan natin matulog kahit paano," sabi ni Jeremy nang may pangangatog sa boses niya atsaka tumayo at hinawakan pa rin sa kamay si Reese na di napigilang maiyak sa ginawa ni Jeremy. "Ganun talaga, sa isang relasyon may mahina, may babagsak, may madadala sa tukso. Pero aayusin natin 'to kasi kasal na tayo, saka mahal na mahal kita Reese, kabiyak ka ng puso ko, sa'yo ko binigay ang kalahati ng buhay ko at sa'yo ako nagtiwala. Sabi ko nga, saktan mo ako ng ilang milyong beses, pero 'wag na 'wag mo akong iiwan."

Parang walang nangyari at nakangiti pa nang sabihin iyon ni Jeremy kahit pa nanghihina na siya at puno ng sama ng loob, umuwi sila ni Reese at siya ang nagmaneho pero sa isang kamay niya hawak niya lang ng mahigpit ang kamay nito para ipakita kung hanggang saan at gaano katindi ang pagmamahal niya, na kahit pa mayroon na itong iba kayang-kaya niyang magtiis.

---

Paulit-ulit na tumutunog ang doorbell nina Jeremy kaya naman nagsisitahol na ang lahat ng mga alaga nilang huskies at pabalik-balik sa salas at sa tapat ng pinto ng kuwarto nina Jeremy, pero tanghaling-tapat na at di pa sila nagigising kaya napilitan ang enthusiastic na si Chicken na ibunggo ang sarili niya sa pinto nang paulit-ulit hanggang sa bumukas ito dahil hindi naman nakasara ng maayos. Nagsisunuran sina Lettuce at Ketchup at nagsisampa sila sa kama para gisingin ang mga amo nila, tinahulan nila nang tinahulan si Jeremy kaya nagising na ito at naupo.

"Mga pasaway," bulong niya at humikab, kinarga niya ang tatlo sabay-sabay at bumaba para pagbuksan ang kumakatok.

"Kuya Jeremy," sabi ni William na siya palang bisita.

"Uy! Tuloy! Tuloy!" Masaya niyang sabi na para bang nakalimutan na ang nangyari. "Pasensiya na ha? Puyat na puyat kami eh," sabi niya habang binubuksan ang gate at pumasok si William.

"HALAAA!" sigaw niya nang pagtulung-tulungan siya nina Lettuce, Ketchup at Chicken na ngatngatin ang pantalon niya.

"Boys! Stop!" suway ni Jeremy pero tuloy pa rin ang tatlo. Hanggang sa sapilitan niyang inalis isa-isa at hinagis papalayo pero siyempre sa damuhan lang at hindi masasaktan.

"Ang wild naman nitong mga 'to!" sabi ni William na natatakot pa.

"Ganiyan lang 'yan pero di sila nangangagat, obsessed lang talaga sila sa pantalon at pajamas!" sabi ni Jeremy na kada hagis ng isa papalayo siya namang balik ng isa para ngasabin ang bago pa namang pantalon ni William. "Pickles!" sigaw niya at kumaripas ng takbo papalabas si Pickles.

"Pickles!" bati ni William. "bakit ganito ang mga anak mo? Nung maliit ka di ka naman pasaway ah!"

"Pickles tulungan mo 'ko bilis! Ayan, good, good boy! Unahin mo si Lettuce!" utos niya na pagkahagis na pagkahagis niya kay Lettuce kinuha na ito ni Pickles at kagat-kagat sa batok at kumakawag pa, at sina Ketchup at Chicken karga niya kahit nagkukumahog din na kumawala.

"Hay! Salamat naman, napaka-gandang entrance ng mga alaga mo Kuya," sabi ni William at si Jeremy tawa nang tawa kay Lettuce na di makakawala sa ama nito na si Pickles.

"Ahahaha! Sana na-video hahahaha!" Tawa siya nang tawa kahit kinakagat-kagat siya ng dalawa niyang karga. "Pickles halika, ikukulong ko muna 'tong mga pasaway na 'to sa playpen niyo,"

"Aba! May laruan sila?!"

"Ah? Oo, may ginawa kaming maliit na space para sa kanila ng Ate mo, kasi nga kapag may bisita ganito ang scenario parati, dun sila ikukulong hahaha!"

"Talaga lang? Mga monsters pala sila," biro ni William at sinundan si Jeremy papunta sa isang puwesto sa bahay nila katabi ng piano niya ang play pen kung saan may mababang bakod at dun nila inalagay ang mga tuta. "Ang cute naman nila hahaha!"

"Oo nga eh, kahit walang nanay ubod ng tataba, lalo na si Lettuce, naku kaya pinahawak ko kay Pickles eh!"

"Bakit?"

"Iyan ang matindi, kapag di mo pinigil mawawarak ang pantalon mo,  pinaka-destroyer 'yan sa tatlo,"

"O?! Hahaha! Ang cute nung isa oh!" saad niya at itinuro ang isa sa mga tuta na nagpipilit maka-lusot sa fence pero ulo lang niya ang kasya, at nagsigaya ang dalawa na nagpupumilit makalabas kaya naipit ang mga ulo.

"Nature nila 'yan, kumawala sa kahit na ano, na-observe ko 'yan kay Pickles nung maliit pa siya tapos nagbasa-basa ako sa internet at sabi dun kaya pala marami sa kanila nadidisgrasya o nawawala kasi nga takas nang takas,"

"Ahh, kaya pala nasagasaan niyo dati si Pickles?"

"Oo kaya nga napulot namin siya eh, kaya bago kami mag-breed nagtanong muna ako kung ano ba ang dapat, ayun, mga pasaway nga at sobrang active, destroyers hahaha! Kung mapapansin mo wala kaming displays na kahit anong mababasag na maaabot nila,"

"Aha, kaya pala, edi nung nandun pa pala si Pickles sa amin malaking pagkakamali palang alisan ko siya ng tali habang nasa park,"

"Ginawa mo 'yon?!"

"Oo, kala ko kasi makikipaglaro siya ng bola,"

"Buti nahabol mo? Haha! Matalino naman si Pickles eh,"

"Nung talagang sumigaw na ako dun na siya bumalik, ang dami niyang natakot na tao kasi mukha siyang wolf talaga. Teka nga, sino ba si Lettuce?"

"Ah! Magandang tanong!" Naupo si Jeremy sa sahig para kunan ng litrato isa-isa ang mga tuta na nagpupumilit pa rin makawala. "Ito si Lettuce, kulay gray siya at may green eyes,"

"Bakit nga ba Lettuce?"

"Wala lang, Pickles kasi ang ama nila kaya naisip ko maging sandwich sila, tinapay na lang ang kulang hahaha! Atsaka green kasi 'yung mata niya, ito naman si Ketchup! Kung makikita mo light red ang coat niya kaya Ketchup ang pangalan niya at lastly si Chicken, copper ang kulay niya, para siyang golden brown deep fried chicken,"

"Hanep wala akong masabi,"

"'Wag mo nga din pala sila sasabihang amoy aso o amoy doggie, di nila tanggap though ang huskies di naman sila maamoy gaya ng iba,"

"Bakit? Anong mangyayari?"

"Tignan mo... ano ba 'yan! Ang babaho naman nitong tatlong 'to, mangangamoy aso na ako dahil sa inyo eh!" Bigla naman nalungkot 'yung tatlo at nagpa-awa kaya natawa si William.

"Saan nila nakuha 'yon? Grabe. Nga pala Kuya bago ko malimutan dumalaw ako rito dala 'yung mga luto ni Mama, kukunin ko pa lang sa kotse ha?"

"Wow! Sige! Gigisingin ko lang si Reese," sabi ni Jeremy at mabilis na pumanik para gisingin ang asawa, pag-akyat naman niya wala na ito sa kama at sa tingin niya nasa bathroom, maya-maya lang lumabas na ito at hindi siya kinibo at di rin matignan. "Tara, nandito si William may mga pasalubong sa'tin."

Hindi pa rin nagsalita si Reese kaya nilapitan siya ni Jeremy at dahan-dahang inangat ang mukha niya mula sa pagkakayuko, atsaka niya ito tinitigan nang maigi.

"Gustong-gusto ko kapagka wala kang make-up, walang nilalagay sa pilik-mata, lipstick, kung anu-ano pa. Nagustuhan ka lang naman niya kasi maganda ka kapag naka-ayos, kapag nakasuot ng daring na mga damit, kapag naka swimsuit. Di naman niya alam kasi kung gaano ka kaganda kapag simple ka lang at walang kahit na ano sa mukha, simpleng tali ng buhok tapos suot ang t-shirt ko. Nagustuhan ka lang naman niya dahil di ka pa niya nakakasama sa iisang bubong, hindi niya pa alam kung gaano ka kalakas mang-agaw ng ulam, di niya alam kung gaano ka kabigat, kung gaano ka kalakas manipa at mang-tanday sa kama, at kung paanong tuwing gabi maayos ang puwesto mo bago matulog at kinaumagahan 'yung paa mo nasa mukha ko na... lahat ng 'yon wala siyang alam."

Yumakap ulit si Reese sa kaniya at nilubog ang mukha nito sa dibdib niya at matahimik na umiyak, at si Jeremy dahan-dahang hinihimas ang buhok ni Reese saka niya hinalikan sa noo.

"Nagustuhan ka lang niya kasi ang akala niya... hindi niya... ang akala niya makukuha ka niya. Hindi niya alam kung gaano ako katibay, hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya ko  at ang akala niya— ganun ako kahina."

"Ang tanga ko,"

"Huh?"

"Bakit ko ba 'yun ginawa? Napaisip ako na kung ibang lalaki ka... baka sinaktan mo na 'ko, pero heto ka pinagtitiyagaan ako,"

"Shhh, tahan na, tapos na di ba? Sabi ko nga kasi gusto ko nang tapusin nung gabi, kaya ngayon ala-ala na lang 'yon, balik na sa dati. Masyado nang malaki 'yon para palakihin pa, kaya hiling ko na lang ngayon mahalin mo ulit ako tulad ng dati, magagawa mo ba 'yon? Kung hindi susuyuin ulit kita,"

"Gagawin ko,"

"Talaga?" tanong niya at tumango ito. "Totoong-totoo ba?"

"Oo,"

"Oo kung oo ha? Pangako?"

"Pangako,"

"Haay, I love you," sabi ni Jeremy at humigpit ang yakap kay Reese.

"Kuyaaa!" sigaw ni William mula sa ibaba kaya kumalas sa pagkayakap si Jeremy.

"Sasabihin ko mamaya ka na lang bababa dahil inaantok ka pa, hindi puwedeng makita niyang maga ang mga mata mo, itong saakin di naman obvious kasi singkit hahahaha!"

Bumaba na si Jeremy at naabutan nga na nakatakas pala sina Lettuce at di maalis ni William ang mga ito sa pagngatngat sa pantalon niya, kaya naman tinulungan niya.

"Mga pasaway talaga," sabi ni Jeremy at ipinasok ang mga ito sa guestroom para talaga wala nang kawala, matapos nun nagpunta na sila sa kusina para ilagay ang mga pagkaing dala ni William.

"Uhm, Kuya?" Sinasalin isa-isa ni Jeremy sa mga mangkok ang dala ni William mula sa tupperware dahil alam niyang papatayin siya ng mother inlaw niya kapag di nakabalik ang mga tupperware.

"Yep?"

"Bakit maga 'yang mga mata mo? Umiyak ka ba?"

"Ako? Bakit naman ako iiyak?"

"Iyakin ka eh,"

"Hehe,"

"Si Ate?"

"Matutulog pa muna siya, alam mo kasi pagod na pagod eh, mamaya lang bababa na 'yon,"

"Kumusta naman kayo?"

"Heto, maayos," sagot ni Jeremy.

"Buti naman, pero pansin ko di na kayo gaanong... alam niyo na? Napapansin din kasi namin nila Papa Kirk kapagka minsan nagfafamily dinner tayo sa labas,"

"Alam mo, ganun talaga, pero makakaasa kang saakin walang magbabago. All through these years William? Ako pa!"

"Alam ko, pero nag-aaway ba kayo?"

"Oo naman, hindi ko idedeny madalas kaming mag-away nung nakakaraan pero walang sakitan ah? Haha! Ganun, puro misunderstandings etcetera. Medyo humupa pero nauwi sa walang pansinan, ang mahalaga natatapos ang Cold War tapos nagkakaayos kami ulit,"

"Ahhh, gusto ko lang kasing malaman at baka naman may problema kayo baka makatulong ako, alam ko wala akong asawa pero kapag sana may malaki kayong problema sasabihin niyo saakin bago pa makarating kina Mama at Papa. Ayaw ko lang kasing nag-aalala sila sa inyo,"

"Alam mo William... salamat," sabi ni Jeremy at tinapik ito sa balikat.

"Nag-away ba kayo kaya ka umiyak ha?" tanong ni William at nakangiting tumango si Jeremy.

"Siguro sasabihin ko na lang sa'yo sa susunod, 'wag muna ngayon, kasi kailangan kita,"

"O sige,"

"Gusto mo ba ng icecream?"

"'Yan ang pinunta ko rito! Marami kang icecream eh!"

"Dun sa ref kuha ka, nga pala nakabili ako ng bagong flavor kain tayo, at itong mga luto ni Mama Stella mamaya na lang, gusto mo swimming na rin tayo? Di pa 'ko nakakaligo eh," sabi ni Jeremy at nagpunta sa pool at si William kinuha ang icecream at dalawang kutsara.

Sa pool, nandun na si Jeremy at naglublob agad-agad kasama si Pickles at sumunod si William...

"Oy, may damit ka nga ba?" tanong ni Jeremy.

"Wala, peram muna,"

"Tsk sabi na eh, sampung brief ko na ang nahiram mo ah! Nasan na?"

"Hehe, nasa bahay, ibabalik ko 'yun plantsado pa!"

"Saka 'yung mga shorts at t-shirt ko, grabe kada maliligo ka dito wala kang pamalit,"

"Pasensiya na!" sagot ni William at dumaib na sa tubig, maya-maya lang umahon na sila at kumain ng icecream na nasa galon pa nito.

"Ayan matunaw-tunaw na 'to!" sabi ni Jeremy.

"Talagang pabor sa'yo 'yung medyo tunaw na icecream," sabi ni William. "Oooh! Kulay blue!" sabi niya nang buksan ni Jeremy.

"Blueberry para maiba naman, ayos ba?"

"Sarap ah! Nga pala Kuya." At siniko niya si Jeremy.

"O?"

"Baka buntis si Ate di kaya?" bulong ni William.

"Buntis?"

"Oo! Kapag ang babae mainitin ang ulo malamang buntis!"

"Imposible, nagkakaroon pa siya ng period," sagot ni Jeremy.

"Paano mo nasabi?"

"Ako ang taga-grocery, malamang ibibili ko siya ng napkins,"

"Ba 'yan! Under na under ka naman! Kailan ba? Ano na? Kailan ba kayo magkaka-anak?"

"Eh bakit ba? Pero, alam mo parang di nga siya nagkakaroon pa, matagal na," banggit ni Jeremy at nanlaki ang mga mata ni William.

"O? Edi 'yun na! Baka nga buntis siya!"

"Ows?"

"Oo!" sabi ni William pero hindi makuha ni Jeremy na matuwa nang sobra at umasa dahil una may issue sa pagitan nila ni Reese at pangalawa sobrang baba ng sperm count niya though posible pa rin naman siyang magka-anak kaso maliit ang tiyansa.

Nakuha lang kasi ni Jeremy na magpa-check up noong nakaraan dahil ilang buwan na sila noong mayroong unprotected sex ni Reese at nagtataka siya kung bakit hirap siyang makabuo, though regular nilang ginagawa 'yon, kaya na-alarma na siya at nalamang may problema.

"Imposible," bulong niya lang at natawa si William.

Kinagabihan...

"Kain na tayo!" At naghapunan na sila, si Jeremy patuloy na naglalagay ng pagkain sa pinggan ni Reese at ngiti nang ngiti rito at nagpapaka-sweet gaya ng madalas.

"Oy William, nga pala, tumawag na ako kanina kina Mama ah? Sabi ko THE BEST! HAHAHA!"

"Naman! Luto pa ba ni Mama? Nga pala, sa Friday punta kayo sa resto-grill ng kaibigan ni Papa Kirk, kakanta ako dun!"

"Talaga?! O sige! Manonood kami, di ba Baby?"

"Ah, oo," tugon lang ni Reese at ngumiti ng konti.

"Salamat! Saka, nakatanggap ako ng call back mula sa DMCC, sa agency mo Ate? Ha! Kala mo ah! Di ko kailangang sabihin na kapatid kita, naghirap ako atsaka sabi ite-train na ako para sa bubuuing boyband!"

"Narinig mo 'yon Baby?! Ang galing!" Masayang-masaya naman si Jeremy at nag-high five sila ni William at si Reese napangiti na rin sa tuwa.

"Congratulations William!" sabi ni Reese at nag-high five din sila.

"At dahil diyan... anong gusto mong gitara?" tanong ni Jeremy at napangiti ng malapad na malapad si William.

"Seryoso?!" Napatayo pa ito sa kinauupuan at si Jeremy wagas din ang ngiti sa tuwa sa brother in law niya.

"O, teka, pruweba mo muna pala? Mamaya ginogoyo mo na naman kami porke uto-uto si Kokoy," sabi ni Reese.

"Aray naman sa uto-uto," sabi ni Jeremy at nalungkot.

"Talaga, sino bang tao ang maniniwala na puwede siyang maging si Iron Man?" sabi ni Reese at nagtakip ng tenga si Jeremy.

"Blah blah blah wala akong naririnig!" sagot niya at nagtawanan sila.

"Bukas, punta tayo sa office, samahan niyo ako," sabi ni William. "Kilala mo mga tao dun Ate di ba? Ipapakita ko, pipirma na ako ng kontrata!"

"O sige, kailangan naming makita bago ka bilhan ng gitara nitong Kuya mo. Sus parang dati halos isumpa mo 'to pero ngayon..."

"Ah basta!"

Nagpalipas ng ilang araw pa si William bago umuwi, pero gabi na rin nang umuwi siya matapos ang mga tatlong araw niyang bakasyon kina Jeremy...

"O sige salamat William! Dito na lang kami ni Pickles sa labasan," sabi ni Jeremy.

"Eh, paano ka uuwi?" tanong ni William na papauwi na.

"Maglalakad ako, malapit lang naman,"

"O sige Kuya, ingat ka, nga pala anong gagawin mo?"

"Bibili lang ako ng gamot, sabi nga sa'yo may sakit ako,"

"Ay oo nga pala, sasabihin ko rin sa bahay... sige ingat!"

Bumaba na si Jeremy ng kotse kasama si Pickles at nagpunta sa drugstore.

"May pregnancy kit po kayo?" tanong niya at napanganga ang pharmacist.

"Bakit?"

"Ikaw 'yung driver ni..."

"Ahhh, ako nga,"

"Shit ang guwapo mo," bulong nito habang titig na titig sa kaniya at napa-awkward smile na lang siya.

"Pregnancy kit, tatlo," sabi niya at inabutan kaagad siya nito.

"Uhm, dito ka ba nakatira?" tanong nito sa kaniya at namumula pa at pakiramdam ni Jeremy lalandiin siya.

"Oo malapit lang dito, sa area na 'to," sagot ni Jeremy at dumudukot na ng pera sa wallet niya para mabilisang ibayad at makaalis na dahil ganoon kasikat si Reese para pati siya makilala ng ilang die hard fans nito, ganun din siyempre si Pj na manager nito.

"Saan mo nga pala gagamitin ito? Para kanino?" tanong nito na di nag-aalis ng eye contact habang nilalagay sa paperbag ang mga binili ni Jeremy, para naman magkaroon ng interesting conversation.

"Wala naman, sa kaibigan ko,"

"Sa girlfriend mo? May girlfriend ka na?"

"Ikaw naman... palabiro ka," sagot niya.

"Cute-cute mo po pala sa personal! Anong height mo?"

"6'1 ako,"

"Wow, kaya pala, can I get your number po?"

"Di ko dala phone ko eh, bagong bili ang sim di ko kabisado,"

"Eh saan mo nga gagamitin ito?! Kanino?!" Sobrang pabebe.

"Sa aso ko," sagot ni Jeremy na seryoso at nabigla ang babae at may confused look, ngumiti ng sobra si Jeremy na nakaka-urat nang di makasagot ang babae. "Alam mo na, baka magka-puppies ako, gusto ko sana may breed na iba," dagdag pa niya at nang-uurat.

"Tara na Pickles aalamin ko pa kung buntis ka!" sabi ni Jeremy at umalis na sila ni Pickles at tawa siya nang tawa.

"Guwapo nga abnormal naman, teka, wolf ba 'yung dala niya? Anong breed 'yung para gamitan niya ng pregnancy test?" bulong nito.

Samantala...

"WAHAHAHA! Alam mo Pickles first time kong mag-prank sa tao! Hahahaha bukod kay Arston siya pa lang hahaha!" sabi ni Jeremy at di na makahinga at si Pickles mayroong "WTF" look sa amo niya. "Oo na! Oo na! Di ka babae! Pero... sa tao 'to ginagamit di ba? Alangan namang ako? O ikaw di ba? Bakit niya tinatanong?" sabi pa niya at talagang di na makahinga katatawa kaya pinagtitinginan siya ng ibang naglalakad rin.

Pag-uwi niya ng bahay tawa pa rin siya nang tawa at napagod nang husto kaya napahiga na lang sa sahig, dahil nga may sakit siya hiningal siya at dinaganan na naman siya ni Pickles at nakatingin talaga sa kaniya nang seryoso na lalong nagpatawa sa kaniya.

"Jeremy?" Bumaba ng hagdan si Reese at bago pa makaabot sa salas hinagis na niya sa ilalim ng sofa ang paperbag na naglalaman ng pregnancy kit.

"Owww, Baby alisin mo si Pickles di ako makahinga!" sabi ni Jeremy at inalis ni Reese si Pickles.

"So anong ginawa mo sa labasan?"

"Binili kita ng potato chips atsaka snacks! Eto o!" sagot niya at inabot ang mga binili niya rin. "Gusto ko marelax tayo ngayon at mag-movie marathon, may nagtitinda kasi ng CDs dun sa labas," dagdag pa niya at nilabas sa plastic ang pirated cds na binili niya.

"Seriously?"

"Sus, ilegal 'to pero isipin mo kawawa naman 'yung maliliit na negosyante, saka sa mga tiangge ang dami-dami neto," nakangiti niyang sabi at nakahiga pa rin sa sahig at tinignan ni Reese ang laman ng plastic bag.

"Piatos?"

"Oo, tatlong flavor ang binili ko para makapamili ka, paborito mo 'yan eh,"

"Ayaw ko, hindi ko gusto," sagot ni Reese at nabigla si Jeremy. "O? May rootbeer ka?!"

"Oo, isa lang, pero binili kita ng pepsi,"

"Akin na 'tong rootbeer, palit tayo,"

"Di ba, sabi mo nakakasuka 'yan?"

"Gusto ko, parang ang sarap nito sa scrambled eggs,"

"What?"

"Wala ka bang iba ayaw ko ng piatos, gusto ko ng nagaraya Ipagluto mo nga ako ng itlog, ang konti lang ng nakain ko kasi hindi ko gusto 'yung ulam, kinain ko lang kasi si Mama ang may luto,"

"Reese?" Gulat ni Jeremy dahil agad-agad na nagseselan si Reese. "Oh, okay okay! Ipagluluto kita."

Maya-maya...

"Wait, i-pause mo muna," sabi ni Reese.

"Bakit?"

"Naiihi ako,"

"Naiihi ka?! Teka, 'wag mo nang i-flush, ako na kasi ihing-ihi na rin ako eh,"

"O sige, ang dami kong nainom na rootbeer eh," sabi niya at nag-C.R. paglabas naman niya kumaripas ng takbo si Jeremy papasok.

"Reese sige na i-play mo na 'yan," sabi niya mula sa C.R.

"Sige," sagot nito at itinuloy na ni Jeremy ang plano.

Nakaipit sa pajama niya ang isang kahon lang ng pregnancy kit at laman na nun ang tatlo na nilipat niya para siyempre convinient.

"Kahit konti kayo diyan sa itlog ko, sana naman may isang hindi sumuko ano? 5 million lang kayo? Million pa rin 'yun ano? Masama bang mag-try? Saka isa pa, tiwala ako kay Reese na di siya nagpagalaw sa ugok na 'yun ano? Maaaring nagka-affair pero never! Sinasabi nitong super instincts ko!" bulong niya sa sarili at pawis na pawis sa kaba. "Use dropper to put a small amount of urine... two red lines means positive, one means negative ahh, okay, okay, may dropper nga ito. Napapanood ko sa K-Dramas dapat twice para sure."

Sinubukan na nga niya ang pregnancy test at kabang-kaba siya, ilang sandali na siyang nasa C.R. at pawis na pawis.

"Baby?"

"Pasensiya na Baby! Nag-poopoo ako!" sagot niya.

"Eew!"

"Hahaha! Manood ka lang diyan!" sabi pa niya. "Grabe, may nangyari sa'min ni Reese last night, sige na, ano ba? Anong result?"

Matapos ng ilang saglit...

"Whoah!" Napatakip ng bibig niya si Jeremy. "P-Positive?! May dalawa pa, baka false alarm!" bulong niya at sinubukan na ng sabay sa dalawa pang natitira at positive pareho kaya di malaman ni Jeremy ang ire-react, basta dinukot na lang niya sa bulsa niya ang cellphone niya at nagselfie kasama ang tatlong pregnancy test na hawak niyang parang pera lang at nakahilera.

At ibinalik niya na lahat sa kahon at itinago sa pinaka-taas ng drawer kahilera ang maraming tissues na hindi makikita ni Reese, pagbalik niya sa kama kay Reese agad niya lang itong niyakap at hinalikan ng marami sa pisngi.

"Ang init Jeremy! Umusog ka!"

"Mainit? Naka-aircon na ah? Ay may pawis ka nga!" Pinunasan niya naman si Reese.

"Amoy C.R. ka, maligo ka nga ang baho mo!"

"Huh? Di naman ah! Wala akong naaamoy!" sabi ni Jeremy at inaamoy-amoy pa ang t-shirt niya.

"Ang baho mo okay? Di ba Pickles?" tanong ni Reese na kasama rin sa higaan si Pickles pati sina Lettuce, Ketchup at Chicken na natutulog sa ibabaw ng headboard na mayroong foam para sa kanila.

Continue Reading

You'll Also Like

28.3M 715K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
22.5M 539K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
83.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
10.7M 572K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."