Chapter 65
"Si maymay nga ito, a! naisaloob nito. Kawawang Edward. Mabuti pa pala e tinanggap ko na lang ‘yong singsing nang sabihing ibabalik na niya last Wednesday.
Kinunan nito ng litrato ang dalawa. Hindi pa nasiyahan, paglampas ng grupo sa pinto ng function room na salamin din, lumabas ang ginang at palihim na sumunod kina maymay.
“TanTan, samahan mo nga ako patungong CR,” narinig nitong sabi ni maymay. “‘Asan ba rito yon, sweetheart?”
“Halika… itanong na lang natin sa mga waiter,I think it’s over there, sweetheart.”
PARANG nadurog ang puso ni Mrs. Barber. Nakahawak pa rin sa braso ni TanTan si MayMay nang tunguhin ang dakong kinaroroonan ng comfort room.
Nang mapansin niyang lilingon si Cora ay bigla siyang tumalikod at mabilis nang nagbalik sa function room.
Awang-awa siya kay Edward. Hindi na lang niya ipinagtapat kina Jerome at sa misis nitong si Yassi ang kanyang nasaksihan.
Punyetang mga babae ‘yon! Bakit nila gina-ganoon ang anak ko? Sino ba sila sa akala nila?
Hindi siya pumayag nang tawagan siya ni maymay at sabihing ibabalik na nito ang singsing.
Pagkat sinabi sa kanya ni Edward na pupunta rin naman daw sa Baguio si maymay.
“Doon ko na lang muling isusuot ‘yon sa daliri niya, Mommy,” sabi pa ng kanyang anak. “Yon e kung bubuwenasin lang naman ho ako.”
Hindi ka pa rin pala bubuwenasin this time, Edward, naihumutok niya. My God, kailangang maipa-develop ko ngayon din ang mga film na ito.
ALAS-TRES ng hapon, nang araw ring iyon, napasakamay ni Edward ang dalawang kuha nina TanTan at Maymay sa Max’s Restaurant. Tumawa lang siya at ibinalik sa ina ang mga litrato.
“Pinagbigyan lang ho siguro ni maymay ang TanTan na yan,” aniya. “Kasi nga ho’y infatuated sa kanya ang —”
“Edward, I personally heard them!” galit na irap sa kanya ng ina. “They’re calling each other ‘sweetheart’ in a public place! Accept it! And this time, be man enough and be brave! Get that ring back and find another… somebody more deserving than her!”
Muli niyang minasdan ang mga larawan. Masusing pinag-aralan. At parang sinaksak ang kanyang puso.
Hindi na suot ni maymay ang singsing. Masayang-masaya ito. Medyo nakahilig pa ang ulo sa isang balikat ni TanTan.
...... Itutuloy........