Loving An Evil
By: Iana_Dee
~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~
♥Prologue♥
"Can you just give me the key?"
Napatigil ako sa paglalakad ng may narinig na boses ng isang lalake.
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Sa tingin ko ay galing iyon sa isang eskinita.
Malumanay lang ang boses pero halatang naiirita na yung nagsasalita at parang bored na.
Sabi ko na nga ba mali na dumaan dito eh! Bakit ba kasi dito pa ako dumaan, Ang creepy creepy tapos puro vandal pa. Vandalism over here,Vandalism over there Vandalism everywhere! Parang ito yung napapanood ko sa TV na pinagtatambayan ng mga adik,Baliw,Gangster, Tambay o ano pang mga walang mgawa sa buhay. Nakakatakot.
Ewan ko ba pero parang gusto kong tignan yung pinanggalingan ng boses.
Shocks! pag talaga ako napahamak! Ewan ko na lang.
Pero di ko talaga kayang pigilan ang sarili ko. Me izzz sooo nacucurious kaya nakita ko na lang ang sarili kong dahan dahang naglalakad sa pinanggalingan ng boses kanina.
Nagtago ako sa likod ng pader na puro vandal.Kumalabog ang puso ko. Kinakabahan ako. Pano kung mahuli nila ako? Shizzz! Bahala na nga!
Sumilip ako ng dahan dahan. Mula sa kinatataguan ko. Kita ko ang isang lalake.Nakatalikod siya sakin kaya hindi ko makita ang mukha niya.
Nakaleather jacket siya. Pure black ang suot niya. Pati ang sapatos niya ay black din. Nakasandal siya sa motor niya at nakapamulsa. Ang cool niyang tignan. Kaso mukhang gangster.
Napatingin naman ako sa isang grupo ng kalalakihan sa harap niya Nakaharap sila sakin. Pero syempre di nila ako nakikita dahil nakatago ako.
Nakakatakot ang itsura nila. Gangster na gangster.
Mga nakaleather jacket rin sila. Marami sila sa tingin ko ay nasa walo. Isa ang nasa harapan na siguro ay leader nila at dalawa ang nasa sulok na para bang kanang kamay nung leader.
Mukha silang nasa 17 pataas. Bata pa kasi ang mga itsura nila. Sa likod nila may isang van at dalawang motorbike. kumikinang ang mga earings nila sa tenga. Yung isa ay naninigarilyo pa.
Holy Shizz! ano ba 'to? Nakakatakot naman ang mga itsura nito.
"What??!"
Naka smirk na tanong nung pinaka leader nila. Nakataas ang buhok nito at gwapo. Kaso nakakatakot. Tumawa ito. isang evil laugh. Nakakapanindig balahibo.
" Do you think na ibibigay ko sa iyo kaagad agad yung susi? Oh c'mon?!"
Sabi ulit nito sa lalakeng kaharap niya at ngumisi.
Nakita kong hinawakan nung lalakeng nakasandal sa motor niya ang batok niya at inikot ikot ito. Hindi ko alam pero parang bawat galaw niya ang cool tignan.
"What do you want then?"
Pa cool na sagot niya. So siya pala yung narinig kong nagsalita kanina.
Tumawa na naman yung leader nila.
"What do you think?...May atraso kayo samin.. At hindi kami pumapayag ng naaagrabyado. "
Pinasadahan nung lalakeng nakasandal sa motor ang buhok niya.
Gusto ko makita yung itsura niya. Bakit ba kasi siya nakatalikod? Argh!
"Why don't you just f*cking give me the key, you son of a b*tch!"
Umalingawngaw ang boses nung lalake.
Napatayo na siya sa sinasandalan niya. Nakakatakot. Bakit pa nga ba ako nandito? Dapat umalis na ako eh.
Hinawakan kong mabuti ang strap ng backpack ko. Nakauniform pa nga pala ako.
"Chill dude!"
Sabi ulit nung leader Para sila lang yung naguusap tahimik lang ang mga kasamahan niya.
Lumingon siya sa kanan niya at naglahad ng kamay. Nakita kong binigay nung kasamahan niya ang isang susi sa leader nila. Mabilis itong kinuha ng leader at ipinakita sa lalakeng kaharap niya.
"You want this?" Tinuro ng leader ang susing hawak niya "Okay!" sabi nung leader at initsa sa lalake yung susi.
Mabilis na kinuha nung lalake ang susi. Tatalikod na sana siya pero bigla siyang sinugod nung lalakeng leader at susunkin na sana siya. Pero nagulat ako nung biglang nakailag yung lalake na parang alam na niya ang magyayari na alam na niyang susuntukin siya ,siya pa ang nakatama sa leader ng grupo.
Nasuntok niya ito sa tiyan. Oh my gosh! Gulo na ba ito? Napaluhod ang leader ng isang grupo.
Bigla siyang sinugod ng mga kasamahan nung leader nila. Pero sadyang magaling siya. Nailagan niya ang tatama sakanyang suntok. At sinuntok niya pa sa mukha ang nagtangka nito. Sinipa niya ang isang lalake na susugod sa kanya. Ang galing niya. Pero nakakatakot parang gigil na gigil siya. Kung iisipin siya lang magisa at nakakaya niya ang walong kalalakihan.
Nagkakagulo na. Gusto ko nang umalis natatakot na ako.Ito ang unang beses kong makakita ng away. Tumayo na ako sa kinatatayuan ko pero biglang...
*BLAG!*
Natumba ang isang basurahan nakinatatayuan ko. Kaya nakagawa ng ingay. Wala namang laman ang basurahan pero dahil nga lata itong malaki. Napagulong gulong ito. Napahawak ako sa bibig ko at napatingin sa mga nagaaway. WADAPAK?? Nakita kaya nila ako?
Nakita kong napatingin sila sakin. pati ang lalake. Nalaglag ang panga ko sa dalawang dahilan isa ay dahil nakita nila ako at himdi ko alam kung makakauwo ako ng buhay at ang isa ay....
Shet! Ang gwapo! Para siyang korean action star! Napakunot ang noo niya nung nakita ako. Pero halos mapasigaw ako ng nakitang sinamantala ito ng kalaban niya na masuntok siya habang nakatingin sa akin. Kaya natamaan siya sa mukha.
Nakita kong nalaglag yung susing hawak niya dahil don. Shocks! ANO GAGAWIN KO? NAGPAPANIC AKO!!! Hinhingi ba ako ng tulong? Naulit ulit yung pagsuntok ng kalaban niya Kaya hindi agad siya nakabangon sa pagkakaluhod. Napatingin ako sa susi. Isang dipa lang ang layo nito sakin.Parang may tumutulak saking kunin ito habang nagkakagulo silang lahat.
Nakita ko na lang ang sarili kong mabilis itong kinuha. Napatingin ako sa lalake. Nakita ko na unti unti na siyang nakakalaban. Pero dahil nga sa takot agad akong tumakbo. Papaalis sa kanila habang hawak hawak ang susi at nagkakagulo sila.
Ano ngayon ang gagawin ko dito sa susi? Napapikit ako.
Bahala na nga. Sana hindi ako natandaan nung lalake.
Mabilis akong nakalabas sa eskinita na creepy.
Humihingal akong Pumara ng taxi Pauwi.
Wala akong kamalay malay.
Hindi ko alam na......
Babaguhin pala lahat nung susi na yon ang simple kong buhay.