Ineluctable Cord

By Aestheticizm

77 4 0

Blessiah Zenaida Sia is a stern and firm woman. A woman with dedication and principles. She always plans a pe... More

Ineluctable
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 7

1 0 0
By Aestheticizm

Chapter 7

Hey...

"Turn right" sabi ko kay Peace at lumiko siya.

"'Yan, black gate." Turo ko sa black gate at tumigil siya. Sabay kaming bumaba ng kotse niya. Tiningala niya ang vintage style na bahay namin at lumingon sa'kin.

"Your special man is here?" Tanong niya. Nakangisi naman akong tumango. Special man pffft.

"Of course! He's always here." Tatay ko 'yon, natural d'yan nakatira Hahaha.

"Hindi kaya magalit siya na may kasama kang lalaki?"

"Hindi 'yon, may tiwala 'yon sa'kin e'." I said matter of fact. Si Mama laging tamang duda, pero si Dada, he trusts me.

"And by the way, Peace, I love white lies so bear with me." I said and smirked, he just gave me a confused look but still nodded.

"Let's go." Aya ko at iginiya siya papasok ng bahay. Hindi na'ko kumatok, binuksan ko ang pinto at, "come on in" I said.

Pagkapasok namin ni Peace,bumungad ang pamilya kong nasa living room, kumpleto sila at nagkukwentuhan. Nandoon din ang iba kong pinsan.

"Zen!" Sabay na tawag ni Ate Daniesa at Ate Cleosiah, mga nakakatandang kapatid ko at lumapit sa'kin saka yumakap, ganun din ang ginawa ng iba pang naroon, pati na ang tatlo kong pinsan na babae. Nililingon muna nila si Peace at nginingitian bago bumaling sa'kin.

Bumalik sa pagkakaupo ang dalawa kong kapatid at pinag-taasan ako ng kilay habang sumusulyap kay Peace. Humalik muna ako kay Mama at Dada bago magsalita.

"Ah, everyone, This is Peace Sardonyx Velania, close friend ko, I invited him in, hinatid niya 'ko kasi wala akong masakyan kanina since hapon na." Lies.

Binati siya ng pamilya ko at ganun din naman siya. Pinakilala ko sila isa isa, pero 'di ko parin sinasabi kung sino 'yung special man ko hahaha. Tingin nga siya ng tingin sa'kin, as if waiting an answer for his questions.

"Zen?" Tawag ng pamilyar na boses sa likuran ko.

"Iaaan!" Magiliw kong bungad sa pinsan ko habang may malaking ngisi, patakbo siyang lumapit sa'kin at niyakap ako.

"Long time no see!" Aniya pagkakalas ng yakap.

"Yeah, Uh Ian, by the way this is Peace, my friend."

"Oh. Nice to meet you bro." At nag manly hug sila.

Nilingon ko si Peace, nagtatanong ang mga mata niya kaya umiling ako. Tumawa ako kaya nangunot ang noo niya.

"No, he's not, he's my cousin." Natatawa kong sabi. Lumapit ako sa kaniya para bumulong,

"See that man beside my Mama?" I pointed at my father. "He is the special man in my life." I said proudly. I look at his face to see his reaction and his jaw just dropped. Pinigilan kong tumawa dahil sa reaksiyon niya.

"Right, of course, your father." He chortled.
Nanatili pa siya ng ilang oras sa'min, nakipagkuwentuhan at kulitan sa pamilya ko. Hindi ko hinayaang ma-out of place siya and luckily, nakakasabay naman siya sa kulitan namin. Mabilis rin niya nakasundo ang mga pinsan ko. Sa'min ko na din siya pinag-hapunan at bago dumilim, nagpaalam na siya para bumalik ng Manila.

"Friend mo lang? Ngayon ka lang nagsama ng lalaki," biglang sabi ni Mama nang paakyat na 'ko, papunta sa kwarto ko, nakatalikod ako pero alam kong ako ang kinakausap niya. I sighed then turned to look at her.

"This is the first time that I brought a guy alone but, Ma, he's just really my friend. Trust me, I won't fail you." I tried to convince her and gave her a genuine smile. Nakita ko namang medyo naniwala siya kaya nagpaalam na 'kong magpapahinga.

Kinabukasan, inubos ko ang buong araw ng linggo ng nakikipagkulitan sa pamilya ko, nang maghapon, dumating si Yves at sabay kaming bumalik sa Manila. Pagdating sa condo ni Peace, ginamit namin ang spare key dahil baka natutulog si Peace. Pumasok si Yves sa kwarto namin at agad na tumutok sa paggagawa ng mga assignments niya

"Tawagin mo 'ko 'pag dinner na." Aniya, inasar ko naman siya dahil ako, wala ng gagawin dahil nagawa ko na bago ako umuwi kahapon.

Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kusina. Natigil naman ako nang makita d'on si Peace. He's topless, may nakasalpak na earphone kaya hindi napansin ang pagdating ko, nakaupo siya sa high chair habang may kung anong ini-sketch, hindi ko kita ang ini-sketch niya dahil halos dalawang dipa ang layo ko at naka-sideview siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagalaw sa kinatatayuan ko, tinignan ko lang siya.

Kinuha niya ang tasa sa table at uminom d'on, pumangulumbaba siya at tinitigan ang sketch niya saka uminom ulit sa tasa pero napansin niya yata ako kaya naibuga niya ang iniinom at mabilis na kinuha ang sketch at itinupi. Mabilis niya ring kinuha ang t-shirt niyang nasa katabing high chair na inuupuan niya at isinuot.

"H-hey." He greeted and bit his lower lip, he looks nervous and red. I wanna ask why but I just gave him a half smile and left. What's with his reaction? Dahil ba sa nakita ko siyang naka-topless at kita ang abs? Hahaha okay napansin ko talaga 'yung abs wth.

Pumunta ako sa sala at binuhay ang TV. Nakatingin lang ako sa TV pero wala akong naiintindihan sa pinapanood.

"Blessiah," Si Peace at naupo sa tabi ko, tinanguan ko lang siya at bumaling ulit sa TV.

"Napaaga ata kayo? Kadalasan gabi kayo dumadating."

"Yeah, marami pa kasing gagawin si Yves" sagot ko, hindi inaalis ang tingin sa TV.

Lumipas ang dalawa pang linggo, ganun pa rin, uuwi every weekends. Halos 'di rin kami magkausap tatlo dahil sa sobrang daming school works, and hectic schedules. Minsan na nga lang akong makatawag sa pamilya ko, last weekend, hindi rin ako nakauwi dahil sobrang tutok sa study. Halos wala narin kaming tulog, well typical college life.

"Natapos mo na lahat?" Tanong ni Yves matapos kong ligpitin ang mga gamit ko. Nandito kami ngayon sa condo ni Peace, sa may sala at gumagawa ng mga assignments and projects. Peace is not around, nasa OJT siya.

"Oo, naayos mo na 'yung sa OJT mo?" Tanong niya, umiling ako.

"Next week ko sisimulan, medyo marami pa 'kong ginagawa e', ilang hours nalang naman ang kulang ko" sagot ko. Isinandal ko ang likod ko sa sofa at pumikit. My head hurts.

"Hey girls." Nagmulat ako nang marinig ang boses ni Peace. Formal ang hitsura niya, naka-longsleeve polo na tinupi hanggang siko, slacks at black shoes. Buti 'to kahit stressed, hindi halata sa hitsura  samantalang ako pwede ng kiluhin ang eyebags.

Dumeretso siya sa kwarto niya at lumabas din ilang sandali nang bihis na at bagong ligo. May dala siyang mga gamit, mukhang siya naman ang gagawa ng school works. Tapos na si Yves at nagpapahinga na sa kwarto kaya ako nalang ang nandito at nanonood ng TV.

Inilapag niya sa center table ang mga gamit niya at nagsimula ng tumutok d'on. May inaayos din siyang house model at kung anu-ano pa.

"Magluluto lang ako ng dinner." Paalam ko sa kaniya at nagtungo sa kitchen.

Hinanda ko ang mga gagamitin at nagsimula ng magluto, mabilis naman akong natapos, hinanda ko na ang mga pinggan para tatawagin ko nalang sila para kumain.

Inuna ko si Peace dahil nasa living room siya pero natigil ako nang makitang mahimbing siyang natutulog sa sofa. Nakaupo siya at bahagyang nakapaling ang mukha sa gilid. Ako nahihirapan sa pwesto nito, mamaya magka-stiffneck 'to.
Bumuntong hininga ako at lumapit sa kaniya, gigisingin ko sana siya pero 'di ko magawa dahil halatang pagod siya, nakakunot ang noo niya at magulo ang buhok na ang iba'y tumatakip na sa mata niya, umupo ako para silipin ang mukha niya. Pa'no ko ba gigisingin 'to?

Umupo nalang ako sa katabing sofa at napatingin sa mga papel na nasa lamesa. Naagaw ang atensiyon ko sa isang sketch ng bahay, sobrang ganda non at napaka perpekto kaya kinuha ko. Hindi lang 'yon iisa, makapal ang papel kaya tinignan ko ang kasunod, sketch naman ng buildings. Marami lang kasunod at 'di naman ako nagsawa sa katitingin. Ang galing niya! Naiinggit ako sa mga magagaling mag-drawing, kasi ako, walang talento d'on, don't get me wrong, yes I'm an engineering student pero 'di ako magaling mag-drawing, kadalasan naman sa mga drawings namin e' , may mga sukat at puro guhit lang.

Binuklat ko nang binuklat ang magkakasunod na papel at hindi maiwasang mamangha sa mga nakikita.

Napalunok naman ako sa huling papel, sketch pa din, perpekto ang pagkakaguhit, kumpleto ang bawat detalye, pinaka titigan ko ang sketch at paulit-ulit na napalunok, I hate to admit it, but...Is this a sketch of me?

Ilang segundo ko pang tinitigan ang sketch. Mukha ko ang nakikita ko. Hanggang balikat lang ang kita, 3/4 view. Nasa malayo ang tingin ko at naka-bun ang buhok ko na bahagyang magulo, gayang-gaya ang matangos kong ilong, pati na ang malamlam kong mata, at ang may korte kong kilay. Napahawak ako sa gilid ng mata ko, pati 'yung maliit kong nunal sa gilid ng mata. Inayos ko ang mga papel at ibinalik sa dating ayos nito sa lamesa.

So, that's what his sisters' talking about last time?

Bumaling ako sa kaniya, walang nagbago sa ayos niya, mahimbing parin ang pagkakatulog. Tumayo ako at pumunta sa harap niya. I tilted my head to see his face clearly, I smiled. Even in his sleep, he wears his usual calm face, his name suits him well, Peace.

Yumuko ako at hinawi ang ilang buhok niyang tumatakip sa mga mata niya. Nagulat naman ako nang hawakan niya ang kamay kong nasa mukha niya pa at unti-unting nagmulat.

"Hey.." Bungad ko at napangiti. Mapupungay ang mga mata niya at napapapikit pa, binitawan niya ang kamay ko pero bahagya niyang isinandal ang mukha niya sa kamay ko kaya hindi ko agad natanggal ang kamay ko.

"Hey..." Aniya sa napapaos na boses. Ngumiti lang ako at tumayo na.

"I'll call Yves, dinner is ready." I said and headed to Yves' room.

Tinawag ko si Yves at nagtungo na kami sa dining. Nandon na si Peace at nagsasalin ng juice sa mga baso. Tahimik kaming nagsimulang kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain, nag-vibrate ang phone ko. It's Ate Cleosiah. I gestured at my phone before rosing to my feet.

"Hello? Ate Cleo..." Tugon ko sa kabilang linya. I heard my sister sighed.

"Zenaida, Can you go home?"

"Ha? What? Why?"

"I know that you're busy, Sis. Pero uuwi ka rin naman bukas nang umaga since friday ngayon 'di ba? So, can you go home?"

"What's going on, Ate Cleo?" She sighed again. Namutawi ang mahabang katahimikan sa'min. Naging sunod-sunod ang pagbuntong hininga niya at sa hindi malamang dahilan, bigla akong kinabahan.

"Ate Cleo? What's going on?" Mas may diin kong tanong.

"I'll explain to you later, dumeretso ka sa General Hospital, and please Zen, don't overthink about this, okay? We'll wait for you here. Take care, bye." Then she hung up.

General hospital? What the hell is going on?

Hindi ko agad natanggal ang phone sa tainga ko kahit ilang minuto na ang nakalipas nang babaan ako ni Ate Cleo. Natulala lang ako sa kawalan at kung anu-anong pumapasok sa isip.

Oh God, What are they doing in that hospital? I'm going crazy.
















Continue Reading

You'll Also Like

115K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...